Chapter 8 - SCAR AND BRUSIES

MIRAJANE POV

8:00 am

Room

Hindi kami magka sabay ni Lilia ngayon pumasok dahil mamaya pa ang training namin 1pm, after lunch. Samantalang siya naman ay kailangan na pasukan ang mga subjects namin sa morning.

Understood daw kasi na kaming mga contestant ay pagod sa training kaya kahit mamaya pa ang training, hindi na lang rin kami pinapasok.

8 am pa lang pero gising na ako dahil ito ang body clock ko, ayoko mag-stay rito sa bahay at humiga lang habang naghihintay na lumipas ang oras kaya bumaba na ako para gumawa ng fruit shake as my morning food.

Diet yarn? Jk.

After gumawa ng fruit shake at ubusin ito ay kumuha ako ng towel para pamunas sa sarili ko, i also bring a bottled of water. Plano ko na mag-gym muna ngayon, it's been what-? hindi ko ba matandaan kaylan ako huling nag exercise.

Pumunta ako sa paborito kong gym since bukod sa hindi naman ganoon ka layo mula sa bahay ay close ko rin ang may-ari nito kaya komportable ako.

I drove mom's car para na rin may paglagyan ako ng mga gamit ko, after mag-park ay bumaba na ako. I'm wearing a black leggings paired with my white shoes then sports bra as my top. Iniwan ko sa car 'yong jacket na pamatong ko kanina.

"Ms. Mira, It's been a long time" bati sa akin ng crew sa counter, where you will pay.

"Yeah. Nice meeting you again" na ka ngiti kong sagot.

"Balik gym na ba?" she asks.

"I hope so, kung hindi lang busy" sagot ko.

Ini-abot ko 'yong bayad sa kanya at habang naghihintay ay inilibot ko ang tingin sa paligid para tignan kung may na bago ba so far wala naman.

The ambiance of this place is still a comfort to me.

"Here" ini-abot niya.'yong resibo.

Kinuha ko naman ito agad then asks.

"Asan si Mamang V?" tanong ko.

Mamang V, is the owner of this gym. Personal hair designer rin siya ni Lilia since na sa modeling industry nga ito ng pa lihim sa ibang bansa, she owned a gym and salon, kaya naging close ko siya ay dahil rin kay lilia.

"Wala rito, may inaasikaso sa Thailand." sagot niya.

"For Lilia's modeling? Wala siya nabanggit sa akin na may trabaho siya sa Thailand" sambit ko.

"Hmm. Hindi yata kay Lilia, Mama V started to accept new model dahil balak yata ni Lilia na tumigil na muna sa industry" sagot niya.

Hindi ko akalain na iyon ang maririnig ko. I thank her then lumabas muna sa gym para tawagan si Lilia. I call her twice pero hindi niya sinasagot.

Sumakay ako sa kotse at handa na sanang umalis when my phone rang. It was her.

"Hello, naliligo ako sorry" bungad niya.

"Aalis ka na sa modeling?" direkta kong tanong.

Modeling is her dream. It was her life and passion, hindi niya basta lang na kuha kung ano man 'yong mayroon siya ngayon, pinag hinarapan niya iyon then now aalis siya?

"Calm down" sagot niya.

"Lilia naman e. Alam natin pareho kung ano.'yong hirap mo para maka pasok sa modeling" sambit ko.

"Let's meet. Asan ka? For sure na kay, Mamang V doon mo lang naman p'wede malaman iyan" sambit niya.

"Yeah" tipid kong respond.

She hang up the call. Hindi na ako umalis dito sa sasakyan at dito na lang siya naisipan hintayin since na wala ako sa mood mag gym

I checked the time, it was 9:00 am. Wait 9 am pero naliligo pa lang siya, hindi siya pumasok ng klase kung ganon.

Hays. Kahit kaylan talaga ang babaeng ito.

After 10 minutes tumabi sa sasakyan ko 'yong kotse ni Lilia. She wave her hand to me but i rolled my eyes to her, binaba ko.'yong salamin ng kotse para marinig ang sasabihin niya.

"Hindi pa ako kumakain, punta tayo sa unli wings resto bar" she said.

"Fine. Lead the way" I respond.

She started driving so i followed her. Since siya ang nakakaalam nung lugar. Limang minuto lang ay nakarating na rin kami.

Lilia is the one who order our food. Sa may counter ka kasi o-order rito, pinagmasdan ko siya habang bumibili at ngayon lang na pansin na balot siya ngayon she usually wear shorts and croptop or sleeveless top but now, na ka pants siya at fitted long sleeve.

I know this kind of situation. Does tito Walter back?

Tito Walter was Lilia's step father, daddy ni Simon. Yeah, simon is her half brother. Magkaiba sila ng ama, Lilia's daddy died when we are on 5th grade in elementary. After that noong grade 8 kami nag-asawa ng bago si tita, mom ni Lilia. And that was tito walter.

He had a bad habit of mahilig manakit kapag galit or badtrip sa nangyari sa kanya. He tend to burst out his anger to someone through hitting them

An abusive type of person.

Hilig niya na pag-initan noon si Lilia dahil hindi niya tunay na anak, kapag iiyak si lilia at magsusumbong sa mom niya he tend to manipulate tita kaya sa kanya ito kumakampi.

Pag lapag ni Lilia ng pagkain sa lamesa namin ay nakita ko 'yong pasa sa kamay niya. I knew it! Sinaktan na naman siya ni tito walter!

"Tito walter is back" it's not a question but a statement rather.

Nanghihina siyang umupo at tinakpan ang muhka niya ng dalawang palad, sabay tuluyang umiyak. Mabuti na lang at konti ang tao rito ngayon kaya hindi ganoon nakakahiya na maraming titingin.

"Lilia" I hug her tight.

Tito Walter leave philippines when we were on our 8th grade, bumalik kasi ito sa japan. Hometown niya. He's Half Japanese and Half Filipino.

After a minute of bursting out ay tumahan na rin si Lilia at humarap sa akin.

"Alam na niya 'yong pagmo-model ko" she muttered.

"Ano?!" gulat kong tugon.

Tito Walter hates the fact na gusto ni Lilia mag-model since her late wife, died because of it. Obsessed fan tried to block her way that cause a car accident.

"He slapped then hurt me again, bukod sa nalaman niya ''yong sa modeling ay ako ang sinisisi niya sa pagkakaroon ng lagnat ni Simon" she muttered.

Ikinuyom ko ang mga palad ko at gigil na hawak 'yong tinidor na nasa harap ko ngayon.