Chapter 7 - Ride
I was on the balcony standing alone sipping milk while watching the night skies full of twinkling stars and a beautiful moon. Iniisip ko rin ang sinabi ni EJ kanina na babalik siya dito bukas, hindi ko lang alam kung umaga o hapon. At hindi lang iyon, bumabagabag din sa isipan ko ang sinabi niya na parang may kahulugan iyon.
Nang maubos kong inumin ang gatas, nilagay ko sa mesa ang tasa at muling tumingala sa langit nang tumunog ang aking cellphone kaya napalingon ako doon at nakita kong umilaw iyon pero hinayaan ko na lang at binalik na lang sa langit ang tingin.
Ilang minuto ang lumipas ay humangin at naging umambon ang langit at nang ramdam kong uulan ay agad akong pumasok sa loob at humiga sa kama hanggang sa dalawin ako ng antok.
Kinabukasan naalimpungatan ako sa mga katok. Salubong ang kilay akong bumangon at bumaba sa kama saka nagtungo sa pinto at binuksan iyon. Ang hindi masyadong dilat ko na mata ay lumaki. Nagising ang aking diwa nang makita siya.
“W-what are you doing here?” nauutal kong sabi.
Titig na titig siya sa akin, ni hindi man lang siya kumurap. Uminit ang mukha ko pababa sa batok nang maalala kong hindi pala ako naghihilamos. Maaaring nakita niya akong may muta sa mata, haggard ang mukha at buhaghag ang buhok. Baka deep inside ay pinagtatawanan na ako nito.
Ni hindi ko siya hinintay na sumagot ay marahas ko siyang pinagsarhan ng pinto at takbong lumapit sa salamin para tingnan ang sarili. Napatakip ako sa mukha at napailing-iling nang makita ang sarili. Tama ako! May muta ako sa mata at kita ko pa ang marka na dinaanan ng laway sa gilid ng aking labi. Shit, nakakahiya!
“C'mon, Estella, maganda ka pa rin.” sigaw niya mula sa labas.
“Shut up, EJ!” sigaw ko pabalik.
“Ok!” he said, then laughed.
Ano ba ang ginawa ng lalaking iyon dito, ha? Paano siya nakapasok rito? Maaga pa para makapasok siya. Nag-angat ako ng tingin sa wall clock ko at napatampal ako sa noo ko nang makita ang oras, alas otso na pala ng umaga.
“Wear leggings and a jacket, Estella!” muling sigaw niya at tunog na parang nagpaalala.
“Why?”
“Because we're going somewhere..”
“Somewhere?”
“Yeah,”
“And?”
“And I'm not using my car…”
Nagtaka ko sa sinagot niya.“So ano ang gagamitin natin?” kuryosidad kong tanong.
“Sa motor tayo sasakay.”
Nagulat ako. “Sa motor?”
“Yeah, is there a problem?”
“No way! Ayaw kong sumakay sa motor mo!” reklamo ko.
“Sa akin ka sumakay kung ayaw mo."
Nag-init ang pisngi ko nang maintindihan ang sinabi niya. Why is he like that? He likes teasing me.
I pouted.
Hindi ko na siya sinagot.
“SAAN ba kasi tayo pupunta?” namimiwang kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot.
Nakatayo ako sa gilid ng motor niya habang siya ay nagsusuot ng kanyang helmet at nang matapos siya ay kinuha niya ang isang helmet na nakapatong sa upuan ng motor at lumapit sa akin. Napa-iwas ako ng konti sa ginawa niya.
“Huwag mong iiwas ang ulo mo, isusuot ko 'to sayo.” mahinahon niyang wika at mas lalo siyang lumapit sa akin kaya naamoy ko ang kanyang pabango.
Napanguso ako at hinayaan siya sa ginawa niya. Naramdaman ko rin kung gaano siya kaingat sa pagsuot ng helmet sa ulo ko dahil baka masaktan ako. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa.
Napalunok ako nang maramdaman ko na hindi na normal ang pagtibok nito para sa kanya. There's something inside that it's hard to explain.
"Let's go?" aniya sabay iwas ng tingin.
Pinakalma ko ang sarili bago ako umangkas sa likuran niya at hindi naman mahirap umangkas dahil mababa lang ang Nmax, hindi kagaya sa ibang motor na mataas.
Nang paandarin na niya ang motor ay muntik na akong mahulog at buti na lang ay agad akong napakapit sa gilid niya. Imbes na tanggalin ang kamay ko ay hinigpitan ko pa lalo dahil ayaw kong mahulog, maiwan at masaktan.
“Saan ba talaga tayo pupunta, EJ?” tanong ko ulit kahit malabo niya akong marinig at sagutin.
Gusto ko kasing malaman kung saan kami pupunta at saan niya ako dadalhin.
“We're going to Valevia…” he answered.
“Really?” ngunit anong ang gagawin namin doon?
Ramdam kong tumango siya dahil sa paggalaw ng ulo niya.
Sa limang oras naming pagbyahe ay malayo na kami sa Estancia at nag-iba na ihip ng hangin, naging malamig. I've seen green nature. Maraming mga matataas na puno sa gilid ng daan at marami na din akong nakikitang hayop kagaya ng kabayo at baka. Mga bahay na nakatayo sa gitna ng lupain.
Nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking nakikita. Twenty-one years has passed, muli kong nadaanan ang kalsadang ito hanggang nakarating kami sa lugar na Valevia. It was a long ride. Pumasok kami sa nakabukas na malaking gate na may naka-ukit sa itaas nitong La Casa de Aguirre. Pinarada ni EJ ang motor sa garage tapos nauna siyang bumaba at sumunod ako habang siya ay naka-alalay.
“Anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya habang nasa malaking bahay ang tingin na pamilyar sa akin.
Hinubad niya muna ang helmet naming dalawa bago niya ako sinagot.
"Gusto kong malaman mo kung saan ako nanggaling." sagot niya sabay hawak sa kamay ko at nagsimula ng maglakad.
Iginala ko ang tingin sa paligid.
My forehead furrowed. "This place is familiar to me, EJ."
"Hmm?"
Lumingon ako sa kanya. "Have we met before?"
Imbes na sagutin ako ay binuksan niya ang pinto at hinila ako papasok sa loob tapos muling sinirado. Bumungad sa amin ang maalikabok na mga gamit.
“Pasensya ka na. Wala na kasing naglilinis sa bahay na ito.”
Binitawan niya ang kamay ko at pinagmasdan ko siyang naglakad patungo sa kusina bitbit ang pagkain na binili niya. Nang mawala siya ay nilibot ko ang tingin. Ang sofa ay tinakpan ng puting tila pati na ang mga frame na nakasabit, mga upuan at tanging mesa lang ang hindi.
Ilang taon na kayang walang nakatira sa bahay na ito?
Napalingon ako sa gawi ng kusina nang lumabas siya. “Let's eat…” bitbit ni EJ ang isang tray at binaba niya sa mesa.
“Matagal na bang walang nakatira dito?” lumapit ako sa kanya.
Tumango siya. "20 years.."
Ganun na katagal?
"Nasaan pala ang mga magulang mo?"
Tinanggal ko ang puting tilang nakatakip sa upuan tapos umupo at ganun din siya. Binigay niya sa akin ang isang plato na may lamang kanin at nasa tray lang ang ulam naming dalawa na fried chicken.
Tahimik kaming kumain dalawa at panay ang sulyap ko sa kanya. Bakit ang tahimik niya pagkarating namin rito? Iba sa Eliezer James na nakilala ko sa Estancia.
“Pagkatapos nating kumain ay mapaghinga ka.” malamig niyang sabi.
“Tapos na ako..” ngumuso ako.
Sumulyap siya sa pagkain ko na halos hindi ko nabawasan.
Bumuntong hininga siya at napa pikit.
Tumayo siya at akma na siyang aalis ay maagap ko siyang nahawakan sa kamay na ikinatigil niya.
“Kukuha lang ako ng tubig.” aniya na hindi ako tinapunan ng tingin. Mabilis kong inalis ang kamay ko.
Sinundan ko siya ng tingin. Pagkabalik niya ay madala siyang dalawang baso na may lamang tubig, binigay niya sa akin ang isa at agad kong ininom iyon.
Nanatili akong nakaupo habang nakatingin sa kanya na kumakain hanggang siya ay natapos. Siya na rin ang nagligpit at naghugas ng pinag-kainan namin habang ako ay nakaupo lang na naghihintay sa kanya na lumabas at malalim ang iniisip.
Why is this place familiar to me, huh? Have I been here before? Why can't I remember anything?