CHAPTER 3
LARA
Pagpasok namin sa loob, hindi siya ganun kalakihan ngunit maayos iyon. Iilan lang rin ang gamit nila, may mahabang sopa na yari sa kawayan. Walang taas ito pero mukhang may silid naman.
"Maupo muna kayo pasensya na at medyo maliit ang bahay." nahihiyang sabi ni Caloy sa amin.
"Walang problema sa amin, maayos at malinis naman ang bahay niyo, nasaan pala ang mga anak niyo?" puna ko dahil siya lang ang nandito.
"Oo nga pala ang yung inaanak ko?" sabi rin, Arkin.
"Ayun kasama ng ina nila sa palingke, gustong magpabili ng laruan." nakangingiting sabi nito at naglapag ng malamig na tubig.
"Ganun ba? malalaki na siguro mga anak mo." sabi ni Arkin habang nagsasalin ng tubig at inabot sa akin ang baso.
"Malalaki na, isang seven at nine. Oo nga pala bakit kayo nanditong dalawa?" kunot noong tanong nito sa amin.
Nilingon ako ni Arkin na nakangiti.
"Dito na kami maninirahan ni Lara, sagot ko at hindi agad nakasagot si Caloy.
"Nagtanan kayo?"
"Parang ganun na nga pero may matinnding dahilan kaya kami nagtanan." sagot pang muli ni Arkin at napatango-tango si Caloy.
"Pero bilib ako sa pagmamahalan niyo, ang tagal niyo ng magsyota, wala pa yata akong asawa no'n." natatawang sabi nito. "Kung ganun saan kayo niyan tutuloy?"
"Hindi ko pa alam kay, Arkin." sagot ko.
"Maaari naman kayo dito pansamantala." sagot ni, Caloy.
"Hindi na Caloy, nakakahiya naman. Maghahanap na lang kami ng paupahan dito banda sa inyo?" nakangiting sagot ni, Arkin.
"Aa... Paupahan ba? Sakto! Diyan sa tabi namin may bakante diyan, paupahan talaga yan apat na magkakatabi, hindi ko lang alam kung magkano ang upa." sagot ni Caloy at hindi na kami nakapagsalita dahil sa biglang pumasok na dalawang bata patakbo kay, Caloy.
"Mukhang nabola niyo na naman ang mama niyo." napangiti ako habang nakatingin kay Caloy at sa dalawang anak nito, matapos ay nilingon ko si Arkin na nakatingin dito sa loob ng bahay, ngunit napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Naisip ko lang kung anong mga gamit ang dapat nating bilhin." nakangiting sabi nito sa akin.
"Magmano muna kayo sa tito niyo at tita." napatingin sa amin ang dalawang bata na mukhang nahihiya pang lumapit pero sa huli ay isa-isa silang nagmano sa amin.
"May bisita ka pala."
Napaangat ang mukha ko sa kakapasok pa lang na babae at may mga dala itong mga pinamili.
"Mary, si Arkin kababata ko pala sa probinsya namin at ang girl- asawa na pala." natatawang pakilala sa amin ni, Caloy.
"Magandang tanghali po, pasensya na sa abala." magalang na bati ko at tumango lang si Arkin, ngayon lang namin nakita ang asawa nito.
"Nako, ayos lang. Minsan lang kami magkaroon ng bisita, sandali wala pa pala akong niluluto pasensya na kayo ang kukulit kasi ng mga bata na 'to." nakangiting sabi ng asawa ni, Caloy.
"Ayos lang po." sagot ko.
"Mary, magkano ba upa diyan sa katabi natin na paupahan ni Aling Myrna?" tanong ni Caloy sa asawa niya.
"Aaa... Doon ba? Ang alam two five yon, sila ba ang uupa?"
"Opo kami." sagot rin ni Arkin.
"Mary na lang ang itawag mo sa akin, mukhang hindi naman nalalayo ang mga edad natin masiyadong pormal na may ho at opo kayo." napapangiting sabi ng asawa ni Caloy, napakamot sa batok sI Arkin, napangiti lang rin ako.
"Mary, ganyan talaga si Arkin napakabuting tao at tapat sa babaeng mahal niya. Kahit yata latagan mo ng maraming magagandang babae sa harapan ni Arkin hindi niya ipagpapalit si, Lara." natatawang sabi ni, Caloy.
"Ganun? Ibang klase pala itong kababata mo hindi tulad mo."
"Bakit napunta sa akin?" kamot sa ulong sabi ni, Caloy.
Nagtawanan kaming apat at marami pa kaming mga napag-usapan, doon na rin nila kami pinakain at sasamahan raw kami mamaya doon sa paupahan.
________
"Two months deposit at one thousand para sa ilaw, bali six thousands."
"Sigo ho kukunin namin." sagot agad ni Arkin at dumukot ng pera sa pantalon niya.
"Aling Myrna, wala bang bawas? parang hindi ka naman kapitbahay." hirit pa ni, Caloy.
"Caloy, mahirap na ang buhay ngayon kaya tumigil ka. Siya nga pala, ayoko ng delay magbayad ng upa, nagkakakintindihan ba tayo?"
"Oho, magbabayad kami sa tamang araw." sagot ni, Arkin.
"Sandali mag-asawa ba kayo?" tanong nito sa akin.
"Opo mag-asawa kami." si Arkin ang sumagot at umakbay sa akin.
"Okey, siya maiwan ko na kayo bahala na kayo diyan." paalam na ng may-ari.
"Ano ayos na ba kayo dito? Kung may kailangan kayo huwag kayong mahihiyang lumapit sa akin basta meron ako." natatawang sabi ni, Caloy.
"Salamat, Caloy." tapik ni Arkin sa balikat nito.
Umalis na rin si Caloy at naiwan kami ni Arkin, lumibot ang mata ko sa paligid. May lababo na hindi ganun kalaki, may c. r rin sa may dulo at may maliit na kuwarto.
"Ayos na ba ito sa'yo? Kapag may trabaho na ako lilipat tayo sa mas malaki ng konti." sabi ni Arkin habang naglalakad sa bawat paligid.
"Okey na ito ang importante ngayon ay magkasama na tayo." nakangiting hinarap ako ni Arkin at, lumapit naman ako sa kanya at kinapitan ko ang kamay niya.
"Dito tayo magsisimula." nakangiting sabi niys at mabilis na dumampi ang labi niya sa akin.
"Okey mamaya na yan, bumili muna tayo ng mga ilang gagamit natin." nakangiting sabi ko at napakamot siya sa batok ko.
----------
Nagpunta kami sa pamilihan ng mga gamit, masayang namili kami ni Arkin ng ilang personal na gagamitin namin at mga gamit na kakailanganin namin tulad sa pagluluto, nalaman ko na medyo malaki na rin pala ang naipon niya dahil umabot yun ng seventy thousands pesos.
"Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag nasa Maynila ka, alam mo 'yung may kaba ka pero naroon ang excitement." nakangiting sabi niya.
Tumango ako dahil pareho kami ng nararamdaman ngayon ni, Arkin. Magtutulungan kaming dalawa sa lahat ng bagay.
"Ganyan rin ang pakiramdam ko, pero alam kong makakaya natin ito basta magkasama tayo." Seryosong sabi ko at tumango siya sa akin.
"Tara, ubusin na natin ang pagkain natin. Hindi na ako makapaghintay na ayusin ang mga gamit natin sa titirahan natin ngayon." Masayang sabi ko.
Kasalukuyang nasa isang kainan kami dahil nagutom kami matapos mamili ng mga gamit. Inubos na namin ang pagkain at umalis na kami sa lugar na 'yun, isang tricycle ang sinakyan namin dala ang mga gamit na pinamili namin.
Magkatulong kami ni Arkin at ang driver sa pagbit-bit sa mga pinamil namin papunta sa inuupahan namin dahil nasa ikalawang palapag ito. Matapos 'yun ay binayaran ni Arkin ang driver at dinagdagan yon dahil sa pagtulong nito sa amin sa pagdala.
"May ilang gamit na tayo, sa susunod dadag-dagan natin 'yan." Nakangiting sabi ni Arkin habang hinihingal pa dahil sa ilang balik-balik siya.
"Oo naman, pero saka na natin iyon isipin." Sagot ko at sinimulang buksan ang ilang nakakahon pa na gamit.
"Hi?"
Napalingon ako bigla dahil sa nagsalita banda sa likuran ko at isang mistisang babae ang nakita ko. Maikli ang short at may kulay ang buhok, masasabi ko na maganda siya lalo pa at napakaputi nito at sexy talaga.