Chapter 11: Talia's Power
Third Person's Point of View
Pag-karating nina Antonio at ng kan'yang anak na si Rico sa kiroroonan nina Dimitri at Talia, ay labis na naalarma ang dalaga sapagkat nasa kan'yang isipan ang posibilidad na baka may gawin nanaman ang mga ito sa binatang si Dimitri. At hindi nga s'ya nagkamali sa kan'yang sapantahang iyon. Pag-pasok ng mag-ama sa saferoom ay agad na sinenyasan ni Antonio ang kan'yang anak na si Rico upang iparating dito na si Dimitri ang kan'yang tinutukoy. Nandilim agad ang paningin ni Rico kay Dimitri at agad itong lumapit ka'y Dimitri. Iniangat nito ang nanghihinang katawan ni Dimitri at pabagsak n'ya iyong isinandal sa pader. Halos matanggal na ang butones ng polo ni Dimitri dahil sa higpit ng pag-hawak ni Rico rito. Nag-tama ang mga galit nilang mga mata, parehong galit ang nasa kanilang ekspresyon. Si Dimitri ay tinapunan lamang ng isang nakakalokong ngiti si Rico at saka ito dumura sa kan'yang harapan na tumasik sa muka ni Rico. Napuno ng galit at pag-kainis ang ekspresyon ng muka ni Rico, at dahil 'don ay nagpakawala ng isang malakas na suntok si Rico na tumama sa muka ni Dimitri at saka nito binitawan si Dimitri. Naging sanhi iyon upang matumba si Dimitri at tumama ang kan'yang kawawang katawan sa pader at napaupo ito sa sahig. Agad na kinuha ng dalawang tauhan ni Antonio si Dimitri at itinayo siya ng mga iyon at iniharap kay Rico. Tumingin ito ng deretso kay Rico at saka ito humalakhak, pinunasan nito ang dugo sa kan'yang labi gamit ang kan'yang palad at saka ito nag-salita.
"Yan lang ba ang kaya mo?" natatawa-tawa 'pang sambit ni Dimitri dito.
"Bakit si Scarlett ha! Bakit gusto n'yong idamay pati kapatid ko sa kaguluhan n'yong ito?! Bakit?!" pasigaw na tanong ni Rico sa galit na boses.
"Tama na! Please...! W-Whoever you are p-pwede naman n-natin 'tong p-pagusapan... Hindi n'ya na kaya... Please... I-I'm begging you..." pagmamakaawa ni Talia ka'y Rico.
Bakas sa ekspresyon ng muka ni Talia ang labis na awang kan'yang nararamdaman para sa binatang si Dimitri. Kahit na hindi n'ya ito lubos na kilala ay nararamdaman n'yang isang mabuting tao ito. Saglit na itinuon ni Rico ang kan'yang atensyon kay Talia at tumingin sa kan'yang Ama.
"Sino ba ang babaeng ito?" maikling tanong ni Riko sa kan'yang Ama.
"Don't mind her just-" hindi na nito naituloy ang kan'yang sasabihin dahil agad na nag-salita si Talia.
"Hayop ka! Wala kang awa-" napahinto si Talia sa kan'yang sasabihin at napaatras ito ng sinimulang mag-lakad ni Antonio palapit sa kan'ya.
"D-don't fucking touch her...! I will kill you!" sigaw naman ni Dimitri dito.
Ngunit hindi s'ya pinansin nito at itinuloy nito ang pag-lapit ka'y Talia. Nang makalapit ito sa dalaga ay hinawakan nito ng mahigpit ang braso nito at inilapit nito ang kan'yang muka sa dalaga. May halong ngiti at galit ang ekspresyon ng muka nito.
"Kung wala akong awa, 'eh dapat sana ay isinama ko na kayong magkapatid sa pagpatay ko sa mga magulang n'yo! Mabait pa 'rin ako Talia!" sigaw nito kay Talia
Halos hindi makapagsalita si Talia sa narinig n'yang iyon, hindi s'ya makapaniwala sa mga pinakawalang salita ni Antonio. 'Nang marinig iyon ni Dimitri ay sinubukan nitong lumapit sa dalaga ngunit bigo itong makalapit sa dalaga sapagkat hawak s'ya ng mga tauhan ni Antonio. Sinubukang manlaban ni Dimitri sa mga ito ngunit bigo s'yang manalo sa mga ito. Pinaulanan s'ya ng sunod-sunod na suntok ni Rico na naging sanhi upang tuluyang bumigay ang kan'yang katawan. Binitawan ng mga ito ang kawawang katawan ni Dimitri at hinayaang bumagsak sa sahig.
Talia's Point of View
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman 'kong iyon. Ang lalaking iyon ang pumatay sa aking mga magulang. Paulit ulit ang kan'yang mga binitawang kataga sa aking isipan. Ngayun ko lang napagtantong hindi sila totoong namatay sa isang aksidente. Kundi may isang walang awang nilalang ang kumitil sa kanilang buhay. Hinding hindi ko s'ya mapapatawad. Napatingin ako kay Dimitri at nakita 'kong nakahandusay na ito sa sahig at wala na itong malay. Gusto ko s'yang tulungan at iligtas ngunit papaano? Isa lamang akong mahinang babaeng walang kalaban laban kumpara sa kanila. Matatangkad sila, malalaki ang kanilang mga katawan at may mga hawang 'pang mga baril. Anong klaseng mga tao ang mga ito, nagagawa pa nilang ngumiti habang may isang nakagapos na babae at isang lalaking wala ng malay. Wala akong kayang gawin sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayare o nananiginip lamang ako. Nasa ganoon akong pag-iisip ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Halos hindi ko kayang kontrolin ang enerhiyang nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng matinding lakas na nag-mumula sa aking katawan parang isang kuryenteng dumadaloy sa aking dugo. Ang kanina'y taling hirap akong matanggal sa aking kamay at paa ay natanggal ko ng walang kahirap-hirap. Nag-simula 'ring umiba ang kulay ng aking mga mata. Aksidente 'kong naiharap ang aking palad sa isang upuan at unti-unti iyong natupok na parang abo.
Peter's Point of View
Pag-karating ko sa mansion ni Antonio ay agad naming hinanap na mag-kakapatid ang kinaroroonan ni Dimitri. Maya-maya pa'y nakarinig kami ng sunod-sunod na pag-putok ng baril. Kaya't naman agad naming pinuntahan ang pinanggalingan ng mga putok na iyon. Nakarating kami sa isang kwarto, tanging ang mga boses lamang ng mga lalaking 'tila takot na takot ang naririnig namin. Hanggang sa makarinig ako ng isang mabigat na boses na ngayun ko lang narinig sa buong buhay ko. Napakunot-noo kaming mag-kakapatid sapagkat narinig 'rin pala nila iyon. Nakabukas ng bahagya ang pintuang iyon kaya't naman do'on na ako nakakuha ng tyempo. Nag-bato ako ng isang kemikal na kung sino man ang makakaamo'y nito'y tiyak makakatulog ang mga ito. Agad kaming nagsuot ng full face mask panlaban doon. Nang wala na kaming marinig na boses ay agad na kaming pumasok sa loob. At tama ako wala ng malay ang mga tao do'on, kasama na ang mag-amang sina Rico at Antonio. Nakita ko si Dimitri na nakahandusay sa sahig, agad ko itong nilapitan at maingat na itinayo ito. Nag-kamalay ito at tumingin lamang sa akin at saka ito nagsalita.
"Kunin n'yo yung babae, h'wag n'yo s'yang iiwanan." utos nito at saka nito itinuro ang no'oy babaeng nakahandusay din sa sahig.
"Get her." utos ko naman sa aking mga kapatid.
Pagkatapos 'non ay wala na kaming sinayang na panahon pa at tuluyan na naming nilisan ang lugar.