CHAPTER 5 See you wife
Raven’s POV
“Bilib na ako sa’yo bes! So anong pakiramdam? masarap ba? Ilang abs meron siya? ilang inches?” namula naman ako sa sinabi ni Ash at napatikhim.
“A-ahm…” hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa bikig na nakaharang sa lalamunan ko. Maling desisyon talaga ang magkwento dito kay Ash. Sigurado ako na hindi ako nito titigilan hangga’t hindi ko nasasabi ang lahat ng nalalaman ko. Napa-aray naman ako nang hinila nito ang buhok ko at kurutin ako sa bewang.
“Ano ba! Hindi ka ba makapaghintay at kailangan mo pang manakit?” parang baliwala lang dito ang sinabi ko at inilapit pa ang mukha sa’kin.
“Tss, Hindi ko alam kung ilang inches pero natatandaan kong hinawakan ko yung kaibigan niya kagabi. Ang pagkakatanda ko lagpas yung sa palad ko tapos may sobrang kalahati, hindi ko rin nahawakan ng buo.” Ini-action ko pa gamit ng kamay ang mga naalala ko kagabi. At habang sinasabi ko y’on, napatingin ako kay Ash na ngayon ay humahagalpak na nang tawa.
“ Oh my Ghie! May pa-sobra ano yan espesyal?” Tatawa-tawa nitong saad habang may pag-hampas pang kasama. Siya naman ngayon ang sinabunutan ko dahil sa sobrang irita. Hindi mo alam kung talagang concern sakin eh!
Hinantay ko munang matapos si Ash sa kakatawa bago ito nag seryoso at nagtanong,
“ So ano na ang balak mo? Tatanggapin mo ba ang inaalok niya?” saglit akong hindi nakaimik, pero dahil buo na ang desisyon ko ay determinado ko siyang sinagot.
“Never! Kahit na sabihin niya na para y’on sa bata hindi ko pa rin tatanggapin, hindi magiging solusyon ang pagpapakasal para lang mapagaling ang bata,” Tumango naman ito sa sinabi ko.
“Pero paano kung balikan ka at pilitin?” hindi ko sinagot si Ash dahil sigurado ako na hindi magbabago ang desisyon ko.
Duke’s POV
After Raven left my house, I asked one of my bodyguards to follow and update me about Raven’s activities. Raven didn’t know about this and didn’t need to know. I want to make sure of her safety and to know her more.
I smiled when I remembered her sweet smell and sweet kisses. I was tempted to make love with her again when she called me Ace, and it sounded so sexy coming from her mouth. It feels like she’s seducing me. I can’t believe that a simple word coming from her mouth makes me hard and hungry for her. I’ll make sure that she will agree with my proposal, not only for my son but for my desire also.
Napatingin ako sa pintuan ng office na kinalalagyan ko ng bahagya itong bumukas at sumilip si Manang na mukhang namomroblema.
“What is it manang? Nasaan si Alas?” napa-buntong hininga naman ito at napahawak sa noo.
“Y’on na na nga iho, nang malaman niyang umalis si Raven nagsimula na siyang magmaktol at magwala. Ayaw magpa-bihis ni Baby Alas at hinahagis ang mga nahahawakan, kinagat niya rin yung isang katulong na humawak sa kanya,”
“It’s okay Manang you can rest now, let me handle my son,” Tumango ito sa akin at agad ng lumabas. After fixing myself I followed manang, only to find out that my son is crying non-stop while throwing everything he sees.
I panic when he almost steps on the broken jar. But one of the maids carried him and moved him away from it. Agad akong lumapit sa mga ito at kinuha si Alastair na hindi maawat sa pag-iyak.
“What’s wrong son?” hindi ako nito kinibo at umiwas lang ng tingin. I sigh and squat in front of him.
“What’s wrong? Tell me, so I can fix it,” saglit itong napatitig sa’kin at bumuka ang bibig. I thought he would speak, but to my disappointment, he just got his ipad and wrote what he wanted to say.
“I want my mommy…” Napatitig ako sandali sa kanya at hinawi ang mga luhang naiwan sa mga mata nito and smile at him.
“You want mommy?” mabilis itong tumango sa akin at agad na yumakap. Mahina akong napatawa at binuhat si Alas bago maupo sa sofa. Inutusan ko rin ang mga katulong na ligpitin ang mga basag na jar at baka mapahamak na naman si Alas.
“Okay, let’s visit her on Monday at her work? Is it okay with you? Mommy still has work to do, that’s why she leaves early,” Pagdadahilan ko dito at nakakaintindi naman itong sumang-ayon.
Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ibigay kay manang para makapag-bihis ng maayos.
“Mukhang ang Mommy niya lang talaga ang magpapakalma dito iho,” saglit ko lang tinignan si manang bago ko tinawagan ang bodyguard na pinapabantay ko kay Raven.
“How's Raven? Did she get home safely?” I said while walking back to my office.
“Sir, hindi po siya dumeretso sa ibinigay niyong address sa akin, nandito siya sa isang condominium sa makati.” saglit akong natigilan sa ibinalita nito bago mag-patuloy sa paglalakad.
“Investigate who’s with her, continue following her.” I ordered before I hung up the call.
Raven’s POV
Monday came at oras na para bumalik sa trabaho. Dito na rin ako natulog sa condominium ni Ash para sabay na kaming pumasok, may ilang damit naman akong naka-stock dito kaya okay lang kahit magpalipas ako ng mga ilang araw dito.
“I forgot to tell you this Raven, the hospital director called yesterday while you were sleeping. Sinubukan kitang gisingin, pero daig mo pa mantika sa himbing ng tulog mo, ganyan kaba napagod sa ginawa niyo?” Binato ko siya ng hawak kong face towel dahil sa kabalastugan na lumalabas na naman sa bibig nito.
“Shut up, Ash! Just tell me what the director said to you,” hindi ko na siya pinatulan at itinuloy na lang ang pag-aayos. Tumayo din naman ito at lumapit sa akin para panoorin mag-ayos. Kanina pa kasi ito tapos at ako na lang ang hinihintay.
“he said you will be transferred to your new office starting today. He has already sent people to organize your new office. Congrats friend! You are already one of the important personnel of the Hoffen Hospital,” she teasingly told me. Inirapan ko naman ito at kinuha ang cellphone para magpasalamat sa Director. Pero hindi pa man ako nakapag-text ay may nakita na agad akong text mula sa unknown number.
“We will visit you at your work, see you wife.” napatayo ako sa pagkabigla kaya agad na lumapit sa akin si Ash nakisilip sa phone ko,
“Naks! Bibisitahin ka ng mag-Ama mo,” masama ko itong tinignan kaya lumayo ito habang nakataas ang magkabilang kamay. Gigil kong ni-replyan si Ace.
“Don’t you dare!” wala pang isang minuto ng mag-reply nito.
“Try me, wife. Our son wants to see you, and we still haven’t finished our conversation yet,”
“Stop! Wala na tayong dapat pag-usapan pa, at pwede ba wag mong gamitin ang bata sa mga kalokohan mo,” halos dalawang minuto rin ang hinintay ko bago ito ito mag reply.
“You know that there’s nothing wrong with our previous conversation. You only have to accept my proposal and be my wife. I promise that you won’t regret it,” pinagpipilitan talaga nito ang kasal na hindi ko talaga kayang tanggapin, alam ko na gusto niyang maging mabuting ama sa anak, pero sana ‘wag na nila akong idamay,
“And you also know that I won't accept your proposal no matter what. I’m busy, you better not come to the hospital.” huling reply ko dito bago tapusin ang ginagawa at sumabay na kay Ash papuntang Hospital.
Agad akong dumiretso sa opisina ng director pagkarating pa lang ng Hospital. Naabutan ko itong may kausap na Doctor kaya sumenyas ito sa akin na maupo muna na agad ko namang sinunod. Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang pag-uusap bago mag-paalam ang kausap,
“Sorry to keep you waiting, why are you here Raven?” Naupo ito sa katapat kong upuan at sinalinan ako ng maiinom sa tasa.
“Gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong sa’kin na mag lipat ng gamit sa bago kong office,” sabi ko dito bago tinanggap ang inaalok nitong tasa ng kape.
“Y’on ba? Hindi ko alam kung sino ang nag-suggest na ilipat ka ng office, samantalang noong ako yung nag request kay Dad, hindi niya ako pinagbigyan,” malungkot itong nag-angat ng tingin sa akin.
Nag-aalala ko naman itong tinignan, pero nang mapansin nito ang expression ko, agad itong ngumiti sa akin.
“Don’t worry, at least ngayon hindi mo na kailangan makipag-share ng office, lalo na at kailangan mo rin ng privacy para sa session ng pasyente mo,” nakangiti ko naman itong nginitian at humigop ng kape.
“By the way just call Clive, masyadong nakakatanda ang director.” natawa pa ito ng bahagya at napahawak sa batok. Namamangha ko naman siyang pinagmasdan at napansin ang mumunti nitong dimples sa gilid ng labi.
He snaps his fingers in front of me kaya nawala ang paninitig ko dito at ang admiration na nararamdaman ko. Tumikhim ako at agad na tumayo,
“Sige Clive dito na ako at marami pa akong pasyente na naghihintay sa’kin.” saglit ako nitong pinagmasdan bago tumango at ngumiti.
“Okay, next time let’s have a meal together?” sumang-ayon ako dito at tuluyan ng umalis sa office nito. Habang naglalakad sa hallway ng hospital, nakasalubong ko pa ang isa sa mga kinaiinisan kong tao sa mundo. Balak ko na sana itong lagpasan, pero ang bruhilda hinatak pa ang braso ko para makaharap lang sa kanya,
“Wala ka bang respeto? Nakita mo na akong dumaan sa harap mo hindi ka pa yumuko! Baka nakakalimutan mong isa ako sa kamag-anak ng hospital na ito kaya dapat lang na magpakita ka ng galang sa akin.” Tinignan ko lang siya ng malamig bago hinatak ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
“Pwede ba, Sarah? Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo at baka hindi kita matansya. Ikaw na rin ang may sabi kamag-anak ka lang, it means you’re not my boss. Kaya wala kang pinanghahawakan sa akin, Kaya please lang,” mahaba kong lintanya dito. Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ang galit nito sa akin kahit wala naman akong ginagawa,
“How rude! Ganyan na ba ang nagagawa ng pagiging makati mo? Noong una yung boyfriend ko ang nilalandi mo, ngayon naman ang pinsan ko?” hindi ko ito makapaniwala na tinignan. Saan ba nito nakukuha ang mga pinagsasabi niya.
“What? Bakit ko naman sila lalandiin? At kung may balak man akong landiin yang boyfriend mo, matagal na sana kayong wala at nasa akin na siya!” hindi ko mapigilan ang magyabang kahit wala namang katotohanan sa sinabi ko, gusto ko lang talagang mang-inis na agad namang nangyari, dahil halatang- halata ang pamumula ng mukha ni Sarah sa inis. Nginisihan ko pa ito para mas lalong ma-bwisit.
“Ang landi at ang kapal ng mukha mo talagang babae ka!” handa na sana ako nitong sabunutan ng may biglang humila sa akin at harangan ang kaharap ko.
"Try to put your dirty finger on her, and I guarantee you'll regret it for the rest of your life!" malamig na saad ni Duke habang masama ang tingin kay Sarah.