CHAPTER 43
Nagseselos siya. Iyon ang isang bagay na malinaw kay Rocky ngayon. Naiinis siya at hindi niya kayang itago iyon sa sarili kaya naman nagwalk-out siya sa harap ni Penny kanina. Sino ba naman ang hindi maaasar kung makita mo yung taong mahal mo na kasama ang lalaking hinahangaan nito na alam niyang karibal niya sa puso ni Penny simula't sapul pa lang. Ang mas kinaiinis pa niya, sinaktan ng lalaking iyon si Penny pero bakit tila masayang-masaya pa ito na kasama ang gunggong na iyon? Hindi niya maintindihan kung bakit. Inis siyang kumuha ng yosi sa bulsa niya. Nakaka limang yosi na yata siya kanina pa. Wala siyang patid sa paghithit, idinadaan na lang niya sa pagbuga ng usok ang inis na nararamdaman. Hindi niya alam kung papaano haharapin si Penny mamayang uwian.
"Dark Empire? Miyembro ka ng Dark Empire?"
Napakunot ang noo niya nang marinig ang isang lalaki na huminto sa harapan niya at biglang nagsalita. Pinakatitigan nito ang maliit na marka sa likod ng palad niya.
"Sino ka?" kunot noo niyang tanong. Bakit nito alam na myembro siya ng Dark Empire? At bakit nito alam ang tungkol doon?
"Nakita ko yung marka mo sa kamay. Myembro ka ng Dark Empire?" tanong pa ulit nito sa kaniya. Naguguluhan siya sa lalaking ito dahil una ay hindi naman sila magkakilala. Ang pinagtataka niya ay bakit nito alam ang tungkol sa samahan nila.
"Magkakilala ba tayo?" tanong niya ulit sa lalaki.
"Hindi. Pero binugbog ng mga kasama niyo ang Kuya ko!" Biglang sumama ang itsura ng mukha nito. Tila ba namumuhi sa kaniya. Siya naman ay matiim na tumititig sa mukha ng binatilyo.
"I'm sure may ginawang kabulastugan ang kapatid mo kaya siya nabugbog," walang emosyon na sagot niya sa lalaki.
"Hindi! Sadyang masasamang tao lang talaga kayo. Kayong lahat na myembro ng Dark Empire, dapat ay maubos na ang lahi ninyo!" asik nito sa kaniya, dinuro pa siya nito. Itinapon niya muna ang yosi saka muli itong binalingan. Hinablot niya ito sa kuwelyo ng damit nito.
"Hoy bata! Ayusin mo ang tabas ng bibig mo ha?! Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo," inis na wika niya.
"Wag na wag mo rin akong huhusgahan dahil hindi mo alam ang pagkatao ko!"
Dahil sa labis na inis na nararamdaman buhat pa kanina ay hindi na niya natimpi ang sarili at pumatol siya sa binatilyo. Rumehistro ang takot sa mukha nito nang higpitan niya pa lalo ang paghawak sa kuwelyo nito. Saka niya lang ito binitawan nang may dumating sa likod niya.
"Rocky anong ginagawa mo?!"
Tila bumalik siya sa sariling ulirat nang marinig ang tinig ni Penny. Uwian na pala nito. Bitbit na nito ang gamit nito.
Binigyan lang niya ito ng blangkong ekspresyon. Naiinis pa rin siya kapag naaalala niya yung nangyari kanina.
"Bakit mo inaaway yung bata?!" gulat na gulat si Penny sa kaniya. Nang balingan niya muli ang binatilyo kanina sa gilid niya ay wala na pala ito at mabilis ng nakaalis.
"Wala akong inaaway," malamig niyang wika.
"Anong wala? Nakita kita, takot na takot yung bata sayo!" ani Penny.
"Hindi ko siya sinaktan. Kung sinaktan ko yun eh di sana ngumangawa na yun dito kanina pa. May sinabi lang ako sa kaniya dahil binabad-trip niya ako."
Kinuha niya ang ilang libro na hawak ni Penny. Kahit naiinis siya dito ay kailangan niya pa ring gawin ang trabaho niya.
"Pati bata pinapatulan mo!" sermon nito sa kaniya.
"Wala nga akong ginawa sa kaniya. Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina?"
Bakit ba kasi palagi na lang lumalabas na masasamang tao ang mga myembro ng Dark Empire? Sigurado siyang may ginawang kabalbalan ang kapatid nung lalaki kanina kaya nabugbog iyon ng mga kasama niya.
"Hay ewan ko sayo, Rocky!"
Hindi na siya umimik nang marinig ang pagbuntong-hininga ni Penny. Hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ay wala pa rin siyang imik. Tahimik lang siya habang nagmamaneho.
"Ano, wala ka bang balak na kausapin ako?" untag nito sa kaniya. Wari ay wala pa rin siyang narinig.
"Kinakausap kita Rocky. Napipikon na ako sayo ha? Ginagawa mo akong hangin dito!" Naramdaman niyang naiinis na nga talaga ito kaya nagsalita na siya.
"Ikaw pa talaga ang napikon? Tss! Kamusta naman yung date niyo nung Zyron mo?" inis niyang tanong habang ang mga mata ay nakatutok lang sa daan.
"Iyon ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan? Hindi mo muna kasi ako pinagpapaliwanag, bigla ka na lang gumaganyan."
"Ano pa bang dapat mong ipaliwanag? Eh kitang-kita naman kung gaano ka kasaya kanina habang magkasama kayo. May pa-flowers flowers pa ang gunggong. Hindi naman iyon nakakain!" Binilisan niya ang patakbo ng sasakyan kaya naman napasigaw si Penny.
"Rocky ano ba? Anong ginagawa mo?! Bagalan mo nga ang patakbo mo! Gusto mo na bang mamatay?!"
"Kanina pa parang pinatay ang puso ko Penny. Torture na torture pa nga habang pinagmamasdan ko kayong dalawa na magkasukob sa payong. Bakit Penny? Mahal mo pa rin ba siya?!"
Puno ng hinanakit ang tinig niya. Inihinto niya ang sasakyan sa isang gilid saka pumreno nang malakas. Gulat na gulat si Penny sa ginawa niya. Ngayon ay hinarap niya si Penny at tumitig sa mga mata nito.
"Sabihin mo sakin Penny. Mahal mo pa rin ba yung gunggong na iyon? Yung nangyari satin sa dagat? Akala ko okay na tayo? Akala ko nagkakaintindihan na tayo? Ano yun? Wala lang ba sayo lahat ng yun?!"
Nakagat ni Penny ang ibabang labi habang nakatingin sa kaniya. Malamlam ang mga mata nito.
"Mali ang iniisip mo samin ni Zyron. Walang ibig sabihin kung ano man yung nakita mo—"
"Anong wala?! May bulaklak pa!" Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang bulaklak na dala ni Penny kanina. Nasa likod iyon ng driver's seat. Kinuha niya iyon saka itinapon sa labas ng bintana. Shocked si Penny dahil sa ginawa niya.
"R-rocky?!"
"Ano? Kinikilig ka sa bulaklak na bigay niya?"
"Hindi, ano ka ba naman? Sayang naman iyon. Ilalagay ko yun sa poon eh!"
"Bibilhan kita ng bago!"
"Rocky makinig ka nga muna sakin. Nagmagandang loob lang naman yung tao kanina dahil umuulan kaya niya ako hinatid. Yung bulaklak na bigay niya tinanggap ko na lang para tumigil na siya dahil ang totoo ay binasted ko siya kanina..."
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Tama ba yung narinig niya? Binasted nito si Zyron?
"Nagtapat siya ng pag-ibig kanina at nag-sorry din sa mga nangyari noon. Pero ang sabi ko sa kaniya ay may iba na akong mahal at ikaw iyon, Rocky. Humiling siya na kahit sa huling sandali man lang daw sana ay pumayag ako na ihatid niya ako at tanggapin ko ang bulaklak kahit na binasted ko siya. Pumayag ako nang hindi na siya mangulit pa, saka last naman na daw iyon. Walang rason para mag-isip ka Rocky dahil ikaw lang ang mahal ko..."
Iniharap nito ang mukha niya saka hinaplos ang pisngi niya. Ito ang kahinaan niya. Kaunting lambing lang ni Penny nagiging pusong mamon na siya at nawawala na lahat ng inis niya. Ganito kalakas ang epekto nito sa kaniya.
"Gunggong pala talaga ang lalaki na iyon eh! Ano yun mahal ka niya ngayon dahil natuto ka ng mag-ayos at pumayat ka na? Ako Penny simula't sapul mahal kita! Pumayat ka man or hindi, matuto ka man mag-ayos o hindi. Mahal na kita noon pa, mahal ko ang lahat sayo kahit yung mga ayaw mo sa sarili mo, dahil buong pagkatao mo ang minahal ko mismo!"
Napangiti si Penny dahil sa sinabi niya.
"Alam ko Rocky. Alam ko. Kaya nga mas minahal kita, wag ka ng magalit. Hindi bagay sayo," nangingiti pang sabi nito. Nakahinga siya nang maluwag matapos marinig ang mga sinabi ni Penny.
"Ayoko nang makita na lalapit ka sa gunggong na iyon," sabi niya saka hinawakan ang kamay nito na nasa pisngi niya. Hinalikan niya iyon. Gusto niya itong ipagdamot. Hindi niya kaya na makita itong may kasamang ibang lalaki.
"Oo na, kumalma ka na. Masyado kang highblood eh!"
"Hmm. Alisin mo yung pagka-highblood ko, dali!"
"Paano ba?"
Itinuro niya ang pisngi at sumenyas na halikan siya nito. Napangiti naman si Penny saka mabilis na dinampian ng halik ang pisngi niya. Pero syempre hindi siya kuntento sa pisngi lang. Matinding pagseselos ang naramdaman niya kanina kaya hindi siya papayag na hindi maangkin ang labi nito. Hinawakan niya ang pisngi nito saka masuyo itong hinalikan. Hindi naman ito tumutol sa kanya bagkus ay tinugon pa ang mainit niyang halik. Wala namang makakakita sa kanila kaya tumagal ang halikan nila sa loob ng sasakyan. Palagi siyang sabik kay Penny. Naaadik na yata siya sa labi nito. Humaplos ang palad niya sa malambot nitong katawan na ngayon ay salat na salat na niya ang magandang kurba. Gustong gusto niya ang katawan ni Penny ngayon. Sakto lang iyon. Hindi mapayat, ngunit hindi rin mataba. Kaya siya naaadik lalo sa dalaga. Ito ang dahilan kaya mas lalo siyang nagiging possesive ngayon. Ipinasok niya ang kamay sa suot nitong palda saka hinimas himas ang kaselanan nito. Umalpas sa labi ni Penny ang mahinang ungol. Napangiti siya saka bumulong sa tenga nito.
"Sa bahay na natin ituloy," bulong niya at kinagat ang tenga nito. Napangiti si Penny na tila ba nahihiya pa ngunit tumango rin naman ito agad sa kaniya.
"Sige..." sagot nito kaya mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Kulang na lang ay paliparin niya iyon pauwi.