Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

57. Happily Ever After

"Zero, dali na bihis na! Ngayon na natin malalaman ang gender ng babies natin!" She'd never been this ecstatic her whole life, ngayon nila malalaman kung magkakababy boys sila o girls or mixed!

Maganda ang naging takbo ng pagbubuntis ni Penelope, she gained weight pero bumagay iyon sakanya. Halata na rin ang kanyang baby bump na laging hinahalikan ni Zero tuwing umaga.

He promised her to marry as soon as possible, pero hanggang ngayon ay hindi parin sila nakakapagplano para sa kasal dahil kaliwa't kanang seminar para sa babies ang kanilang inatupag. Malungkot sya syempre dahil sana kasal na sya ngayon pero hindi na natuloy dahil sa kagagahan nya sa hospital.

"Good morning babies, excited na ba kayong magpakilala samin ni Mommy? Good morning kisses from daddy!" And he showered little, soft kisses on her tummy. Anim na buwan na ang kanyang tyan at marunong ng sumipa ang kambal. She laughed because of the ticklish feeling from his kisses on her tummy.

"Babe, wala pa tayong pangalan pag girl? Paano pag girls ang babies natin?" Ngumuso sya habang inaayos ang kanyang buhok.  "Does it require to have the Z P initial?" She asked.

"Anything you prefer, pwede namang may P at Z and ibang letter" he answered while fixing his hair. "Ahh! Bahala na!" She said, still can't contain her excitement, malalaman na nila ang gender ng babies nila!

"Good morning doc!" Masayang bati ni Penelope, ngumiti lang rin ang doctor at hinanda ang monitor para sa ultrasound. Maging ang transducer probe ay inayos na rin at nilagyan ng lubricant.

"Ready na mommy?" Tanong ng doktora, tumango sya saka nya naramdaman ang malamig na likido sa kanyang tyan.

Malikot ang kanilang baby sa tyan, pareho silang nagpipigil ng luha habang tinitignan ang bata pag galaw ng kanilang mga anak.

"The babies are healthy. Ang nasa right na baby mommy and daddy ay girl and the left side boy" they watched their babies, every single move. Nakikita na rin nila ang kaibahan ng dalawang bata, the girl is more active than the boy.

"Mommy ang diet ha? Saka ang exercise. Saka paalala sa make love session huwag ng kung ano ano ang ineexperiment na "Opo opo doc" sagot ng namumulang si Penelope.

"Should we organize a gender reveal party baby?" She asked him while he's busy driving. "Can we do it on your birthday babe? Para may one week preparation pa tayo" he suggested which she immidiately agreed to. Not knowing his plans at all.

"Gusto ko small gathering lang, exclusive for friends and family members lang. Para mas intimate diba? Or even with the staffs ng O'brien, excited rin silang malaman ang gender ng babies!" She is full of energy that day, but she promise herself not to tell anyone about the babies' gender.

"Okay, calm down baby. Wag Masyadong hyper, mapapagod agad. Come here, let me wipe your face, pawis na oh." Kumuha sya ng malinis na face towel at pinunasan ang mukha ng dalaga mula sa leeg mukha hanggang sa leeg. She is his baby, and she will always be. Kahit tumanda na sila baby girl nya pa rin si Penelope, he will take good care of her and he promised to protect her no matter what happen "Parang bata naman yung baby girl ko" he even braided her hair, nahilig kasi sa panunuod ng hair braids tutorial ang dalaga at naimpluwensyahan sya. Simpleng braid nga lang ang kaya nyang gawin.

"Zero, ikaw nalang magpangalan sa boy ako sa girl" sumandal sya sa binata na agad namang yumakap sakanya. "If that's what you want my baby" he kissed the top of her head then he placed his head on her shoulder."

"Sa tingin mo sinong mauuna? Ang boy o ang girl?" She yawned after asking another question, typical day ng buhay nila nakahiga sya at nakaunan sa hita ni Zero habang si Zero naman ay hinahaplos ang kanyang buhok hanggang sa antukin sya.

"Boy kasi "but the girl is more active" pagputol ni Penelope sa sagot nya "Tignan mo tom magtatanong tapos sya rin sasagot" bulong nya sa sarili. "Boy nga para proprotektahan yung baby girl nat.. "Bakit pag bunso ang boy hindi na kayang ipagtanggol ang ate? Saka Zero nakakalimutan mo yatang twins ang anak natin baka nga seconds lang ang pagitan ng dalawa na yan pag ipinanganak ko" umirap pa ang dalaga.

"Oo nga sabi ko nga babae" sabi nya nalang para hindi na magsungit ang nobya, nagkakaroon pa rin ng mood swings si Penelope pero mas malala noong tatlong buwan pa lamang ang tyan nya. Maging ang pinaglilihian nito ay sobrang lala.

"Babe gusto ko ng carbonara, yung red ang sauce" paglalambing ni Penelope habang hawak nya ang kanyang tyan, tatlong buwan na ang kanyang tyan at nagiging sensitibo na sya sa amoy, ingay, kulay, pagkain at iba pa. "Ahh spaghetti?" He asked confusely.

"No!! Carbonara nga!! Yung red ang sauce!" Tumaas ang boses nito, humalukipkip habang nakataas ang kilay bago umupo sa tabi nya. "Babe puti ang sauce ng "Eh di pagawa ka ng red na sauce! Basta! Saka gusto ko ng tempura pero hindi hipon" napakamot nalang sya sa ulo sa kakaisip kung paano nya ibibigay ang hinihiling ng naglilihing dalaga.

"Kaya kong ibigay ang carbonara na may red sauce babe, yung tempura na hindi hipon pwede ibahan mo?" Pakiusap nya, ilang araw na nga ba syang walang tulog dahil sa pinaglilihian ni Penelope?

"Okay. Gusto ko ng Ice cream rolls, nutella flavor and oh churros babe pero ayoko ng may cinnamon ha?" Agad syang nagbihis para bilhan ang kanyang Reyna ng pagkain at para na rin sa mga mini me nila sa loob ng tyan ng reyna ng kanyang puso.

Sinipat nya ang kanyang relo habang humihikab, mag aalas tres na ng umaga. Para syang ginapangan ng takot, ilang araw na kasing kinahihiligan ni Penelope ang pagbabasa ng horros confessions sa spookify. Ultimo madaling araw ay binabasahan sya ng dalaga lalo na kapag trip sya nito.

"Pusang gala!" Mura nya ng may mahagip ang mata nya mula sa gilid, umatake na naman ang pagiging paranoid nya. Inilawan nya sa loob ng kotse at pinatugtog ang paborito ni Penelope na Versace on the Floor. And his mind was flooded again with naughty thoughts.

Napabuntong hininga nalang sya ng maalala ang hirap na dinanas nya ng mga panahong grabe ang paglilihi ng nobya, minsan pa ay humingi ito ng lechon na gusto nyang may sabaw ng tinola. Minsan pa ay hiniling nyang lutuan sya ni Daniel Padilla!

"Brad paano ba to? Ano bang gusto ng misis mo?" Tanong ni Daniel sakanya, pareho lamang sila ng body built, height, kulay, magkamukha nga sila kaya nga naisip nyang sabihin kay Penelope na sya na lang ang magluluto pero ipinilit ng dalaga si Daniel.

Mabuti na lamang ay pumayag ito maging ang nobya niyang si Kathryn na nasa sala at kausap si Penelope. "Brad hindi ko rin alam basta kahit ano, specialty mo" tinapik nya ang balikat nito bago pumagilid para bigyan ng sapat na espasyo ang bisita.

"Kasal na kayo? Unang anak? Babae?" Tanong ng bisita habang naghihiwa ng mga rekadong gagamitin. "Una, twins hindi pa namin alam ang gender. Hindi pa kami kasal, plano palang" tumango naman ang binata na Napatigil dahil sa malakas na halakhak ng dalawang dalaga sa sala.

"Brad salamat ah? Hindi ko kasi matanggihan yung girlfriend ko, kung pwede lang ibibigay ko lahat sakanya. Pasensya na naistorbo ko pa yata ang schedule mo?" Ngumiti lang si Daniel habang nagsisimula ng magluto "Wala yun, saka free day namin ni Kath ngayon"

"Bakit kayo? Hindi pa kayo nagpapakasal?" Tanong nya, pinasadahan ni Daniel ang buhok nya ng daliri "Nagiipon pa, syempre inuna ko muna ang pamilya ko ibibigay ko muna lahat sakanila. Tapos itong pinagtatrabahuhan ko ngayon, namin ni Kathryn para sa kasal na, para sa pamilyang bubuuin namin. Para kay Sab, Sam at Sky" nakangiting sagot ni Daniel.

Genuine. Iyon ang tamang salita para ilarawan ang artistang nasa harap nya at pinagluluto ang kanyang nobya. Walang hangin sa katawan, walang bahid ng pagiging plastik. Hindi nito alintana ang kasikatan, pagkatapos ng limang taon ng loveteam nila ay sobrang lakas pa rin. Makikita mo parin sakanila ni Kathryn lalo na sa lalaki ang pagiging mapagpakumbaba. Kumbaga taong tao, walang bahid ng pagiging tagilid sa tao, madaling pakisamahan. And that's what a successful person should be. Humble.

"Hindi biro maging artista no?" Tumango si Daniel "Sobra, kaliwa't kanan ang trabaho. Shooting dito tapos shooting doon sa dulo, kung minsan nga sobrang taranta mo na eh. Pero worth it naman lalo na pag masaya ang fans, kahit minsan nakakatanggap tayo ng mga panghuhusga. Pero alam mo brad ang sikreto lang dyan, pakinggan mo yung mga panghuhusga na alam mong ituturo yung pagkukulang mo tapos improve, always have a room for improvement. Wag mo na patulan yung mga panghuhusga ng mga taong wala namang laman ang sinasabi, nakakainit lang ng ulo" aniya.

Chicken curry at steak ang niluto ni Daniel na gustong gusto ni Penelope. Ilang beses rin nagbalik balik si Kathryn para dalawin ang nobya nya at makipag kwentuhan.

Meron pa yung time na todo iyak si Penelope kasi wala na raw syang pabango, kuntodo palahaw ang dalaga na inabot ng oras bago nya mapatahan. Mabuti nalang at nabilan agad ni Trey ng kapalit kaya tumahan na ang dalaga.

Naghanap rin rito ng krabby patty na talagang kinainit ng ulo nya hindi nya alam kung saan sya hihingi ng tulong noon o saan pupunta. Hanggang sa sinuhestyoni ni Jairus na kumuha ng mascot ni Spongebob at magluto ng burger sa harap ng dalaga.

"Babe" lambing sakanya ni Penelope "What is it this time my baby?" Malambing nyang sabi kahit antok na antok na, kahit pagod na rin. Halos isang buong araw syang gising ng araw na iyon. "Im craving" She wrapped her arm to his waist at umunan sa kanyang dibdib.

"Craving for what mahal ko?" Kinusot nya ang gilid ng mata habang sumasagot "I'm craving you" and she sealed it with a kiss which lead to another making love moment.

Pagkatapos ng pagiisanng kanilang katawan iyak ng iyak si Penelope pagkagising.

"Sshhh tahan na bakit ka umiiyak?" Lutang at pagod parin sya "Kasi baka nakain ng babies natin yung alam mo na?" Nagising ang pagkatao nya at napahalkhak, sinapak sya ni Penelope sa mukha habang umiiyak. "Baka mamaya makaapekto sa mga anak natin iyon, malason sila. Hindi kaya?" Niyugyog sya ng dalaga habang naghihintay ng sagot nya.

"Okay next time hindi na natin doon ilalagay" sabi nya nalang saka humalik sa pisngi nya "Pag magmemake love tayo hindi na natin doon.. Basta yun mahal kong baby. Sleep na ulit please? Magpahinga na tayo" pakiusap nya, he's been up all night and day for a week dahil sa mga hinahanap ng kambal nya sa loob ng tyan ng nobya nya.

Masasabi nya naman ngayon palang na lahat ng paghihirap na naranasan nya, maging ang mga gabing wala syang tulog ay sobrang worth it. Lalo na ng makita nya ang babies nyang gumagalaw sa sinapupunan ng kanyang nobya. Priceless.

"Bakit ka umiiyak ngayon dyan?" Tanong ni Zero kay Penelope habang nanunuod sila ng TV "Eh kasi ikakasal sila oh, ang sweet diba? Getting married and live a happy married life is on top of every girls list." She wiped her tears away pero agad rin na nasundan iyon ng mga panibagong luha. "Kasal na sana tayo ngayon" there's a glint of regret in her voice.

"We'll get there soon. No need to worry, kahit saang simbahan mo pa gusto" he assured her while gently caressing her back to console her. "I love you Penelope, always will. And to our future babies, wala pa man kayo dito sa mundo, mahal ko na kayo. Sobra, daddy loves you more than his life." Humalik sya sa tyan ng dalaga, sending the warmth of his kisses to  their babies.

"Babe... Halla nasan na yun?" Bumagsak ang balikat nya dahil wala si Zero sa paggising nya ng araw nya na iyon. "Birthday ko pa naman" ngumuso lang sya. She started to panic when the memories of losing him after her birthday flashed in her memory. "No. No. Zero!" Taranta syang lumabas sa kwarto para hanapin si Zero sa kusina, but just like the sala the kitchen was also empty.

Napaupo sya sa sala habang hawak ang kanyang tyan, feeling tormented inside. Ilang taon nyang itinuring na araw ng bangungot ang kanyang kaarawan, she lost him the day after her birthday. Naisipan nyang pumasok sa guestroom, still no sign of Zero pero may isang yellow na rosas at Ilang paperbags ang nasa kama na naroroon.

"Babe, Good morning. Get dressed and get ready for our gender reveal party. Sorry I was able to greet you personally the moment you wake up. Something came up. I  love you Penelope, Happy Birthday my wife –ZERO" she can't help but shrieked feeling the kilig that Zero never failed to make her feel.

Agad agad syang naligo at nagbihis saka nagumagahan, may naluto na kasing bacon and egg sa hapagkainan na batid nyang niluto ni Zero bago umalis.

Today is not just her birthday, today they are about to reveal the gender of their babies. They are about to share to their families, friends and  other people close to their hearts that they are having their baby girl and boy.

She can't help but think of Zero proposing again today. "Sana lang naman, malay natin" she thought to herself while combing her hair. Nagspray pa sya ng kanyang pabango saka umupo sa sala para maghintay. After wauting for ten minutes may kumatok na kaya dali dali syang tumayo para pagbuksan si Zero.

"Babe... Oh Jairus napadaan ka?" From scale of Zero to one hundred, one hundred one percent ang pag asa nya na si Zero ang kumakatok para sunduin sya, pero naisip nya bakit kakatok pa si Zero eh may susi sya ng condo?

"Zero can't fetch you nagkaproblema sa catering eh, ako nalang daw muna susundo sayo" dismayado man ngumiti parin sya "Valid reason naman eh. Ang sipag talaga ng babe ko inaasikaso ang mga gusot ng party. Sana maayos agad." sabi nya sa sarili habang nilalagay ang alarm at password ng unit nila.

"Bakit si Alexis?" Wala kasi si Alexis sa kotse ng makababa sila "Nauna na, malapit lang kasi sya sa area kanina dahil may meeting sya" sagot ni Jairus pagkatapos syang pagbuksan ng pinto at lagyan ng seatbelt.

"Laki na ng tyan mo ha, malikot ba ang mga babies mo?" Tumango naman sya, bigla bigla nalang kasing sumisipa ang kambal sa tyan nya kung minsan magigising pa sya dahil sa likot ng mga ito "Happy Birthday pala, yung regalo ko na kay Alexis" ngumiti ang binata habang nakatanaw sa kalsada. He's blooming, tulad niya at ni Zero maganda ang ang aura ni Jairus.

Tunay ngang nakakaganda ang pagkakaroon ng masayang love life.

Malapit na sila sa venue, pakiramdam nya ay mauubusan sya ng hininga. Is it because of excitement? Hindi nya magexplain. Tulad ng gabi bago nawala si Zero, at ng araw na nagkita sila ni Star tila may mangyayari na naman na nagpapakaba sa kanya.

"We're here" sambit ni Jairus pagkatapos magparking. Tatanggalin sana niya ang kanyang seatbelt ng biglang hawakan sya sa braso ni Jairus. "Uy teka hindi dito yung venue" aniya habang nililingon ang lugar.

"Napagutusan lang" sabi nito saka piniringan ang kanyang mata "Huy, ano to? Bakit may ganito?" Kinapa nya ang kamay ni Jairus, she's nervous and cold.

"Trust me. This will make you happy" Trust, right she must and will trust Jairus. Tila nawala ang kaba sa dibdib nya, natabunan ng excitement!

"Wow ha? Effort kayo sa birthday surprise at gender salubong sa babies ko ha?" She said happily "Alam mo naman yung mapapangasawa mo, full of surprises. Ewan ko ba nung sayo sobrang corny na nya eh. Oh dahan dahan kapit lang" todo kapit sya kay Jairus dahil nga wala syang makita, naramdaman nyang may humawak pa sa kabila nyang braso "Sup mommy?" It's Dark.

"Excited ka na ano? Don't worry mamaya kakabahan ka na" pananakot sakanya ni Dark, she spat his hand and he chuckled "Pag tumaas presyon ko Dark" sita nya humalakhak lang ang kaibigan sa "May medics na tinawag si Zero. Don't worry" natawa nalang si Penelope sa sinabi nya.

"Okay dito na yung susunod na stop. At the count of ten tanggalin mo na yang blind fold, okay?" Tumango lamang sya at nagsimulang magbilang "One.. Two.. Five... Seven... ten" tulad ng sabi ng kaibigan tinanggal nya na ang kanyang piring.

From then she saw her reflection, nasa harap sya ng isang vanity table na may mga nakakasilaw na ilaw. Lumingon lingon sya pero wala na syang kasama sa maluwang na kwarto. "Saan na mga yun? Pinagloloko yata ako eh" aniya saka sinandal ang ulo sa mesa, napalingon sya ng biglang pumasok si Trina sa kwarto.

"Let's start with your make up na" pumalakpak pa ito pagkalapag ng hawak nitong vanity case na may lamang make ups.

"Make up? Para saan?" Tanong nya sa dalaga habang pinapagilid nito ang kanyang mga baby hair gamit ang hair velcro nitong kulay asul. "Para sa birthday mo, saka para sa party mamaya diba?" Tumango nalang sya dahil may punto naman ang kaibigan.

Light make up lang ang ipinagawa nya sa mukha, Trina didn't even apply foundation on her face wala namang kelangan itago ang kanyang flawless at poreless na mukha.

"I'll just leave your hair down ano? Mas bagay saiyo yan" tumango naman sya, Naglabas si Trina ng putting scarf at mwinestra iyon sa harap nya.

"Tara sa next stop mo" hindi na sya umangal ulit, heto na naman ang pamilyar na feeling sa kanyang dibdib. Kaba. Excitement.

"Okay here you go, at the count of ten Penelope ha. Happy Birthday?" Trina kissed her cheeks before she signalled her to count. After counting to ten, hinila nya ang scarf na tumatakip sa kanyang mata na saktong pagpasok naman ni Alexis. Ngayon ay nasa mas maliit na syang kwarto pero malawak parin ito. At bawat sulok ng kanyang kinatatayuan ay may mga salamin.

Pagkapasok ni Alexis ay sya namang pasok ng ilan sa mga tauhan nito na may dala dalang mannequin na nakasuot ng putting gown na may itim na parang belt.

"Wear it babe" ani Alexis saka ito tumalikod sakanya. Agad nya namang sinunod ang sinabi ng kaibigan. Sinipat nya sa salamin ang sarili pagkatapos nyang isuot ang gown. Alexis stood up while clapping her hand "Wow ang ganda! Ang ganda mo Penelope" bumeso ito sakanya. Maging sya ay namangha rin sa repleksyon na nakikita sa salamin. She still look fab wearing the gown kahit meron ang kanyang baby bump.

"Okay down to your last stop. Wear this" sinuot muli ni Alexis sakanya ang white scarf na bigay ni Trina sakanya. Inalalayan syang naglakad, this time parang mas humaba ang nilalakad nya. Kada hakbang ay may hatid na lamig sa kanyang kalamnan, her hards are sweaty and her hearts beats louder now na sa sobrang katahimikan ng lugar ay batid nyang naririnig rin ni Alexis ang tibok ng kanyang puso.

"Here we are. Happy Birthday Penelope, I wish you all the best. Count to ten alright?" Alexis kissed her cheeks again and she started to count. Bawat pagbilang nya ay parang mas lalo syang nanlalamig at bumibigat ang dibdib.

"Seven... eight... nine... Ten. Okay" huminga muna sya ng malalim bago inalis ang piring sa mata.

"Oh God!" Napatakip sya sa kanyang bibig and her eyes began to water, she pouted to suppress her tears.

Zero, kneeling on her front bowing his head showing respect to his queen.

"I'm sorry for being such a scumbag for cancelling our wedding that day that I thought I'll lost you. Now, I'm asking you for another chance again. Another chance to hear you say yes to me." May kinuha ito sa bulsa ng kanyang suit, isang kahon na naglalaman ng singsing. "Penelope, my baby, my love, my queen. Will you marry me?" He bowed his head again while waiting for her answer.

The hall was empty, silang dalawa lamang ang nandoon but the main hall is filled with relatives, friends and emplyees who's watching his proposal. Yes, may mga nakapalibot na kamera sa kanilang dalawa. All of them are anticipating for her sweetest "Yes".

"Yes I will, my King" she reached for his hand to help him stand, she wiped away the tears that fell down his cheek and kissed his lips. "Ahh, I hate you! Kinakabahan ako!" Aniya bago yumakap sa mapapangasawa. He was shaky, and she can hear his loud heart beats.

His hands were shaky while inserting his newly bought diamond ring on her finger, he kissed it after "Last na to babe, final na to" he smiled triumphantly bago hinalikan ang kanyang noo.

"I love you Penelope"

"I love you more Zero"

He bent down a little to kiss her tummy "I love you babies".

Magkawak kamay sila papalabas ng hall, their hearts are filled with happiness and love.

"Okay stage two na babe" Penelope tilted her head to face him "ha? Stage two?" Tumango ang binata bago binuksan ang isa pang pinto. "Dito ka muna. I will wait for you" he winked before kissing her lips and exiting the room.

Isang minuto lamang ay pumasok ng sabay si Alexis at Trina "Time to fix your hair!" Trina said in a happy tone. Hinalikan ng dalawa ang magkabilang pisngi nya "Best wishes!" Sabay na sabi ng dalawa. She thanked them as she watch them do her hair.

"Okay, blindfold time!" Sabi ni Alexis, sinuotan sya ng blindford ni Trina habang si Alexis naman ay may nilagay sa kanyang buhok. Her hair was curled to its ends.

"Okay, let's go!" Si Trina. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang kamay nya at inalalayan syang naglakad palabas. "Okay, here you go. At the count of twenty this time Penelope ha?" Alexis told her. She nodded and after the signal she started counting.

"One.."

"Five.."

"Twelve.."

"Seventeen.."

"Twenty"

Inhale... Exhale... Breathe in... Out...

She pulled the scarf and she was taken aback, flabbergasted. Her eyes began to water and she started to chuckled. She's standing in a hall full of people, the hall was designed for a... wedding.

Nasa dulo malapit sa altar si Zero, he smiled and waved at her. "Kaya ba parehas ng dress sila Trina at Alexis? My God!" Aniya saka napahawak sa dibdib. She's laughing while tears falling down her cheeks, tears of joy indeed.

Her parents made their way to her, hinalikan sya ng mommy nya sa pisngi habang ang kanyang daddy naman ay isinukbit ang kanyang kamay sa braso nito.

"This is it anak! I am so happy for you!" Sambit ng kanyang ina, her daddy was teary eyed when he kissed her forehead. "Surprise anak!" He said. Sumandal sya sa braso nito bago napabuga ng hangin.

She's getting married today. Surprise!

Inayos ng ina ang kanyang belo at itinakip na sa kanya ito. She smiled while watching Zero on the other side of the hall, waiting for her. He started to cry when she started to get nearer, every single step of her closer to him para bang sasabog ang kanyang puso.

Her mom kissed him while her dad tapped her back "Take care of her, she's my most precious gift from above" tumango si Zero bilang sagot. Jairus and Trey tapped his back too.

Kinapit ni Zero ang kamay ni Penelope sa kanyang braso at naglakad na sila Papalapit sa altar. They're both smiling from ear to ear while facing the priest.

Magkahawak kamay sila habang nagseseremonya, she still can't believe that this is happening while he's still can't contain his happiness. They faced each other to give their message before they say their sweetest "I do".

"Zero, I still can't believe that this is happening!" She chuckled while her eyes ready to tear up again "I am surprised, good job my King. I just want to say thank you for always being there for me, for staying up all night just to give me and our twins cravings. Thank you for fighting for my heart, for our second chance to live each other again even after five years of nightmare. You are worth waiting, you're worth every pain Zero."

"Thank you for making all of these possible, job well done my King. I love you, always have and will. Now take this ring as a sign of my love and loyalty. In the name of the father, the son and the holy spirit, Amen." She inserted the wedding ring on his finger after her speech.

(Play the Song "Bless the Broken Road by Rascal flatts")

"Okay, hoo, pano ba to?" Natatawang sabi ni Zero, naglabas pa sya ng papel mula sa kanyang suit pero agad rin nya iyong itinago "Hindi ko na babasahin, impromptu nalang rin para dagdag pogi points" he winked at her the audience chuckled.

"Okay let's start sa una nating pagkikita. The first time I saw you was magical, I have never felt that way towards a girl, yung parang napatigil ka, natameme at suddenly nakalimutan mong magsalita. I know how I sound so corny right now" he chuckled nago humawak sa kamay ni Penelope, both of their hands feels so cold and shaky.

"And that moment I hated Trey thinking you're his cousin, thinking why would my best friend didn't tell me he has this breathtakingly beautiful cousin. But then he introduced you to me as Ashton's nanny, ilang beses ko bang naisip na sana ako si Ashton? Okay, this is really awkward" pinasadahan nya ng kamay ang kanyang buhok bago binasa ang oang ibabang labi.

"Gusto ko nalang tumira sakanila, habang busy ka busy rin ako sa panunuod sayo, everything felt foreign for me. Ilang beses na ba akong nagandahan at pumatol sa mga babae, pero iba yung pagtingin ko sayo, yung tipong kahit sinong lalapit o magtatangkang kumausap sayo minumura ko sa isip ko kasi gusto ko ako lang lalapit sayo o kakausap. That's how selfish I am when it comes to you, I wanna beat the shit of other guys who talks to you and flirts with you."

"Sorry kung noong mga panahon din na alam kong may nararamdaman ka sakin at kailangan kong lumayo nakikita mo akong may kasamang iba, I'm just trying to convice my self that I can, that you're not the one for me. But hell, I will always find my self coming back to you. Every step away from you means a step closer to hell, seems like I go weak without even a glance of you. Maging ang pagtawag ng Penelope sayo pinagdadamot ko, kasi I want you, all of you for me" he wiped away the tear that escaped her eyes while smiling.

"Sorry for being such a douchebag treating you like shit when I wanted to give chance to my friend, you don't deserve the pain that I have caused you, I know from then I will never deserve your love for me."

"But I still want you all for me, ikaw lang Penelope, wala ng iba, that's why I still pursue you. Hanggang sa akin ka na. Pero hindi pa tapos ang laro ng tadhana, siguro ayaw ng mundo na maging tayo. Five years. Hanggang sa pagkatapos ng five years na yun pinaglalaruan parin tayo ng tadhana, hindi kita maalala, hindi ikaw yung kinilala kong girlfriend, pero alam ng puso ko unang kita ko palang sayo pagkabalik ko na kilala kita. The mind may forget but the heart won't. Then I find my self coming back to you again, even if I can't remember who you are. Minahal ka ulit ng puso ko. Ikaw parin. Ikaw ang pinili."

He wiped his tears away, he's getting emotional while stating at her eyes and telling her how much he loves her.

"Hindi ako paladasal, but every day I thank God for giving me the chance to love you, to take care of you, and for having you. Ngayon, masasabi ko na kakampi ko ang tadhana kasi nasa akin ka ngayon, sabi nga nila 'without effort destiny won't work' ginawa ko ang lahat para paniguradong sa akin ka lang at walang makakagaw. And now I wan to tie the knot, I will keep you all for my self. I will marry you and will treasure you for the rest of my life"

"I can't wait to finally call your name with my surname after, I am excited to share with you my life, my failures and my success. After all the heartbreaks and being separated with you we can finally live our life together as husband and wife. My greatest fear will always be losing you, so I'm standing infront of everybody especially in front of God, I am begging you to stay with me as long as I live. I promise to give you all the best that I can give and I will provide you the life that you and our future babies the life that I have always dreamed of living. I am truly blessed to have you Penelope, I love you, I love you, I love you so much. Take this ring, as a sign of my love, trust and loyalty. In the name of the father, of the son and the holy spirit, amen."

The audience clapped their hands ang mga barkada nila at todo kantyaw sakanila.

"Hoo nakakiyak!" Si Arki

"Go Penelope, Zero!" Si Alexis.

"By the power bestowed upon me, I may now pronounce you Mr. & Mrs. O'brien. You may now kiss your bride" inalis nya ang kanyang belo at isinantabi ang kanyang mga takas na buhok. He slowly cupped her face while smiling at each other. Parehos na naiiyak, parehas na gustong sumabog ang puso sa tuwa.

Slowly he leaned closer to her until his lips touched hers, they kissed passionately while the audience stood on their feet and clapped their hands cheering for the newly wed couple.

Finally Mr. & Mrs. O'brien.

Muling nagpalakpakan ang mga bisita pagpasok ng mag asawa sa reception hall, nasa bewang nya ang kamay ni Zero habang ang isa naman ay nakahawak sa isa nyang kamay. Malawak ang ngiti nila habang nagkakalakad papunta sa mini stage na para kanilang dalawa.

"Ladies and Gentlemen, please welcome the newly weds." Si Arki ang nagsilbing emcee nila kaya naman naging masaya ang naging seremonya.

"I still can't believe I am married at ngayon we are about to announce the gender of our babies. Please open the box na nasa harapan nyo" everybody was stoked at naexcite, bawat isa ay may mga hawak na maliit na kahon.

They opened each box at lumabas ang maliliit na kulay blue at pink na balloons.

"Yes! We're having a baby boy and a girl!" Masayang sabi ni Penelope saka sya pumalakpak saka sumandal sa braso ni Zero na yumakap agad sakanya.

"Hindi kaya alanganin yang plano mo? Mamaya tumaas presyon ng kapatid ko maapektuhan ang kambal mapaanak ng maaga" Zero sighed and thinked about it, pero desidido na sya sa gagawin.

"She can handle it. We all know how much of a fighter my future wife is, sakanya magmamana ang kambal namin." He said confidently. "Okay then, may the odds be in our favor" Trey tapped his back, he can't help but smile wishing that everything will go s, oothly and according to his plan"

Bago nya kinausap ang mga kaibigan pumuslit muna sya sa office ng Daddy ni Penelope para kausapin ang magulang ng dalaga, tantyado nya ang oras ng pagkain ni Penelope kaya binilisan nya ang paglatag ng plano sa mga magulang nito.

"All the best for your plan hijo, I just want our daughter happy." Her dad offered a handshake na agad nya namang pinabulaanan. "Makakaasa ho kayo... daddy"

"And take care of the twins, ano bang mga magiging apo namin? Babae o lalaki?" Dagdag ng ina ng dalaga, she's the exact copy of Penelope kumbaga sya ang older version ng nobya.

"Soon to find out mommy, after five months sakto."

Naalala ni Zero lahat ng pagpaplano nya para sa surprise wedding na gusto nyang mangyari, successful ang naging plano nya. Kasal na sila. Sakanya na habang buhay si Penelope. Walang mapaglagyan ang saya nya habang pinapanuod ang asawa na ihahagis ang kanyang bouquet sa mga kaibigan nitong nga babae.

"Ayy!" Tili ni Alexis na syang nakasalo. Tinapik nya ang likod ni Jairus na natawa nalang "Ikaw na susunod" aniya sa kaibigan na napahalakhak nalang.

"Kiss! Kiss!" Their audience cheered pagkatapos nilang mag slice ng cake. Hinapit sya sa bewang ni Zero at hinalikan sa labi.

"Mommy, push! Push! Iri lang mommy!" Utos ng doctor habang hawak ang kanyang tyan. Pagkatapos ng ilang buwan ay handa heto sya at manganganak na!

"Ahhhhh!" Iri nya habang mahigpit ang hawak kay Zero na nirerecord ang kanyang panganganak. Napabagsak ang ulo nya ng makarinig sya ng iyak. "Ang baby ko!"Pinapanuod nya ang kanyang anak na umiiyak habang hawak ng doktora.

"Ang baby boy nyo po" Zero trembled when he finally met his son. Itinutok nya ang camera sa mukha ng kanyang anak "Hello to our baby boy!" Aniya saka hinawakan ang kamay ng anak.

"Push ulit mommy!" Sabi naman ng doktor palabas na ang kanilang baby girl. Hinang hina man ay pinilit nya paring umiri para sa kanyang anak. "Ughhhhhhhhhh!" Aniya at doon na sya tuluyang nanghina at nakatulog.

Zero patiently waited for their babies to be delivered to Penelope's hospital room, tulpg ang kanyang asawa dahil siguro sa pagod. Dalawang oras itong naglabor. He can't help but tear up a little while watching his recorded video of his son and daughter.

Just when he thought he couldn't love her more, mas minahal nya pa si Penelope sa pagsasakripisyo nito ng siyam na buwan para isilang ang kanilang mga anak. He couldn't contain his happiness and pride, mahal na mahal nya si Penelope at lahat gagawin nya para sakanya at sakanilang anak.

Tila natunugan ni Penelope ang pagdating ng kanilang mga anak, nagising ito saktong pagpasok  ng mga nurse na hinehele ang kanilang kambal.

"Eto na po ang baby girl and boy nyo Maam, Sir" inihiga ng dalawang nurse sa tabi ni Penelope ang kambal. Hindi na niya napigilan ang pagiging emosyonal.

"Hello there little buddy!" Bati ni Zero sa anak nyang lalaki dahil gumalaw ito at inabot ang kamay ni Zero. Their baby girl is sleeping soundly habang nakahawak sa kamay ng kambal.

"My gosh, Zero ang babies natin" hindi parin makapaniwala si Penelope. Parehong mata ang kanilang anak lalo na si Baby Girl.

"Okay, what should we name them mommy? Ako sa boy at ikaw sa girl?" Tumango ang dalaga at nagsimula na silang magisip ng ipapangalan.

"Zacchaeus Everette Yu O'brien or Zarvis Eustace Yu O'brien" ani Zero habang nilalaro ang daliri ng anak. "Zacchaeus Everette. What a name. Sa susunod na baby boy nalang yung Zarvis, magandang nickname ni Zacchaeus ay Zarette o Chaeus" sabi ni Penelope habang nagiisip parin ng pangalan para sa anak ng babae. Nagustuhan nya ang napiling pangalan ng asawa para sa anak na lalaki, it is indeed unique.

"Prixie Renesmee, her nickname would be Prism or Prim." Aniya tila narinig naman ng baby girl nila ang sabi nito at kumapit sa daliri ni Penelope. "Hello baby girl" bati nya rito. Pinunasan nya ang luha nya, hindi nya mapigilang mapaiyak dahil sa pagiging proud sa sarili. Ang healthy ng kanyang mga anak at totoong magkamukha sila. Hindi nya pa masasabi kung kanino nagmana ang kanilang mga anak pero alam nyang halo sila ni Zero.

"Oh andito pala ang babies eh!" Sabay na pumasok ang mga magulang nila at mga kaibigan nila. "May pangalan na ba sila ate?" Tanong ni Ashton, pumagilid si Zero para bigyan ng espasyo si Ashton para masilip nito ang mga pamangkin.

"This little buddy right here is Zacchaeus Everette or Zarette for short" sabi nya habang hinahaplos ang ulo ng anak, and this little princess is Prixie Renesmee" pagpapakilala nya sa kanilang mga anak. Lahat ng mga tao sa kwarto ay excited na kinuha ang kanilang mga cellphone at pinicturan ang kanilang mga anak. Proud parent moment iyon para sakanila, natutuwa sila na mapapaligiran ng mga taong mapagmahal at masiyahin ang kanilang mga anak.

"Say daddy" kinakausap ni Zero ang kanyang anak habang pinapakain ito ng baby food siya sa baby boy si Penelope naman ay nasa kanilang baby girl. Mag dadalawang taon na ang kambal. Sa ugali ay namana ni Zarette ang pagiging tahimik at observant ni Zero habang si Prim naman nakuha ang pagiging bibo ni Penelope palagi itong naghahum at sumasayaw sayaw.

"Da.. da" anang bata he pinched his cheek bago sinubo sa anak ang baby food.

"Mooom" sabi naman ni Prim habang tinuturo ang kanyang mommy "Very good mahal kong baby. Kiss ko nga prinsesa ko" at pinaliguan nito ng halik ang mukha ng anak na kinatuwa ng bata.

Both of them are dead tired, gusto ng matulog. Pero kailangan muna nilang mapatulog ang mga anak bago magpahinga. Being a parent and doing parent duties are different from working, mas nakakapagid ito at nakakaubos ng energy lalo na sa kalikutan ni Prim. Mas malikot nga si Prim habang si Zarette naman napipirmi sa isang tabi habang may hawak na libro pero kapag nasa mood ito hanggang madaling araw ay patakbo takbo pa ito gamit ang walker nya.

Minsan nagvovolunteer ang mga kiabigan nilang ibabysit ang mga bata, kailangan na rin nilang kumuha ng nanny para bantayan ang bata kapag may kailangan silang tapusin o pagaralang trabaho.

Nakalipat na rin sila sa bahay na binili ni Zero bago ang kasal. Walo ang kwarto ng bahay at tatlo ang okupado paminsan minsan ay lahat dahil doon natutulog ang barkada at mga parents nila para laruin ang mga bata.

"Pagod mommy?" Tanong ni Zero sakanya "Very. Ikaw daddy?" Bagong shower na sila at tulog na sa kanya kanyang crib ang dalawang bata na nasa gilid ng kama nila.

"Hindi nauubusan ng energy si Prim" he said takbo ng takbo ang bata habang nakawalker kaya kailangan bantayan dahil maaring mapasubsob ang bata.

"Kaya nga. Saka na natin sundan ha daddy? Hindi ko pa kayang mastress" sabi ng asawa nya humalik naman siya bilang sagot.

Both of their hearts are filled with happiness, para parin silang teen agers na nagliligawan. Dalawang taon na rin silang kasal pero lagi parin sinusurpresa ni Zero si Penelope.

In complete surrender, he promised to give her the best of him. Ipinangako nya hindi lang sa sarili pati na rin sa Diyos na ibibigay nito ang lahat sa asawa at anak, gagawin nya ang lahat para mapasaya ang mga ito.

Dugo, puso at kaluluwa ang inaalay nya para sa pamilya nya. He wouldn't trade his family for any amount of money, they're priceless. They're his most priced possession. Sila ang kanyang kayamanan,

Both of them are lucky to have each other, they complement each other.

"Hindi lahat ng Zero walang value" she thought to herself. Katabi nya si Zero and he means everything to her. For her Zero means everything, means love. If she didn't have Zero sino ba sya ngayon? May pamilya ba syang masaya ngayon?

"Penelope, mahal na mahal kita. Kayo ng mga anak natin" nakangiting sabi ng asawa, she reached for his face and grant him kisses of love.

Minsan sa buhay dadating tayo sa point na walang wala tayo, walang makakapitan, walang matatakbuhan. But God has better plans for us. The broken road that we are passing through will lead us to something big, something that will make us better.

And God blessed that broken road that led her straight to Zero

Sa buhay nya ilang beses na ba syang nawalan, may punto na walang wala na sya. Zero balanced. And now she have Zero, pero ang Zero na nasa tabi nya ngayon na nagmamahal sa kanya ang nagbibigay sakanya ng lahat ng meron sya. Kayamanan nya si Zero, kayamanan nya ang pagmamahal nito.

If she didn't have Zero she wouldn't be this happy.

If she didn't have Zero her life would never be this better.

If she didn't have Zero she don't know what's her purpose is.

If she didn't have Zero she wouldn't have this perfect life that she's living.

If she doesn't have Zero she wouldn't have her Zacchaeus Everette and her Prixie Renesmee.

Every Zero in our lives count, just like how Zero is relevant to our Hundreds, Thousands and millions.

Thank God she got Zero, for Zero will always mean the world to her.

Chương trướcChương sau