Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

24. Balesin

Napanuod ko na yung bagong update ng favorite kong make up guru na si Kathleen Lights sa youtube, mga fifteen minutes yung bago nyang tutorial at hindi pa lumalabas si Zero! Ano bang ginagawa nya sa banyo? Nag e-LBM na ba sya? Halla baka natrap na sya sa loob? O baka naman nabagok sa sa bath tub? O kaya sa bowl?

Dali dali akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo, kakatok palang sana ako ng bumukas ang pinto, buti nalang nasalo ako ni Zero!

"Penelope, what are you doing?!" Galit nyang tanong, inakay nya ako papunta sa kama at pinaupo "eh kasi ang tagal mo sa banyo, naisip ko baka nabagok ka na don o nag LBM. Nagalala lang naman kasi ako"

He chuckled "Nakipag handshake lang ako sa kaibigan ko, you'll meet him soon" natatawa niyang sabi "Ha? Nasan na sya? Pano sya nakapasok sa banyo? Kanina pa ba siya dun? Ano pangalan? Paano sya lumabas?" Mas lalo syang natawa ng magpaulan ako ng tanong, napakunot ang noo ko kaya naman tumigil sya sa kakatawa.

"You'll find out soon babyboo, but for now let's sleep" humiga na ako sa side ng kama at yumakap sakaniya. "Comfortable?" He asked, I nodded. I prayed, and after that I kissed him on the lips. "Goodnight" I whispered. He kissed me on my forehead "Goodnight wife"

Hinihintay ko si Ashton ngayon sa labas ng classroom nya, iaabot ko lang yung regalo namin ni Zero. May party sya sa bahay nila mamaya pero hindi na kami pupunta, mas mabuti narin iyon para wala ng gulo pa. Kumaway agad ang bata ng makita ako, dali dali itong tumakbo papunta sa kinauupuan ko.

"Ate Rae! I miss you, hindi ka pa po ba uuwi sa bahay? Hindi kasi ako binabasahan ni Kuya ng bed time stories, he's always drunk" nakangiwi nyang sabi, umupo sya sa tabi ko at nilapag ang lunch box sa table.

Hindi ko alam kung paano ba ako magpapaalam sa kanya, pero ito lang ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang makita araw araw si Trey na obviously ay may sama ng loob sa akin, ayoko ring magisip ng kung ano pa si Zero.

"Ashton, alam kong hindi mo ito maiintindihan pero ito lang ang dapat kong gawin. Magreresign na ako at hindi na ako babalik pa sainyo" napalingon sya habang hawak hawak ang sandwich niya, inabot ko sakaniya ang tubig at uminom don.

"I do understand ate, kuya Zero told me that Kuya likes you too and now Kuya Zero is your boyfriend" tinuloy nya ang pagkain niya sa sandwich niya "But I am sad to know that you're leaving our house now, wala na akong ate sa bahay. Hindi naman nakikipag play sa akin si Kuya" he pouted.

"You can visit us and play with us in the house" rinig kong sabi ng boses sa likod ko, lilingon sana ako pero naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at hinalikan ang pisngi ko.

"Hindi papayag si Kuya. Pero I'll try" nakangiting sambit ng bata. I handled him our gift at agad naman niya iyong binuksan. His eyes sparkled while unwrapping our gift.

"Virtual Reality glasses! Yay!" Nagtatalon nitong sabi, yumakap ito sakin at nakipagfistbump kay Zero. "Happy Birthday Ash" ani Zero, he's now eight! And next week I will turn nineteen!

Magkahawak kamay kaming bumalik sa Classroom, kami nalang rin ang magkatabi. Wala naman ng klase pero gusto lang namin tumambay sandali. Bukas wala ng pasok, Christmas break.

"Do you want to travel?" Tanong niya, magkaharap kami ng upo at magkahawak ang aming mga kamay "Like, let's go to El Nido, Amanpulo, Hongkong, Korea, name it. I want to travel with you" nilapit ko ang upuan ko sa kanya at yumuko sa armrest ng upuan nya.

"I just want to be with you" I whispered, I closed my eyes and I felt him play with my hair. "Kahit saan, basta kasama ka" I added before I fell asleep.

Naramdaman ko na may bumuhat sakin pero dahil drowsy pa ako, hinayaan ko nalang. I clung my arms to his neck and started kissing him there.

"Penelope, dont. Just sleep baby girl" suway niya sakin, napangiti ako sa 'baby girl'

Naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa kama, binuksan ko ng bahagya ang mata ko at nakita si Zero na nagpapalit ng damit. Maya maya nasa tabi ko na sya at nakayakap na sa bewang ko.

"Let's go to Balesin. We'll stay there for 3 nights. I booked us a village already" he said, ano yung sinasabi nya? Disoriented pa ako! "Bukas ang alis natin" aniya, tumango tango nalang ako kahit wala akong naiintindihan. I heard him chuckle then he pressed his lips to my forehead.

"Good morning" bati ko sakaniya, nagising ako sa amoy ng niluluto niyang sa tingin ko ay fried chicken or anything fried. Hinarap niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Pack your things, matagal pa tong niluluto ko" aniya. Napakunot ang noo ko, pinapalayas nya na ba ako? "Papakainin mo muna ako bago ako palayasin? Hehe bait mo naman po" sambit ko, hinarap nya akong uli at hinawakan sa bewang. "Bakit naman kita papalayasin? Are you completely out of your mind?" Masungit nyang tanong.

Kumalas ako sa yakap niya at kumuha ng tubig sa ref "Sabi mo pack your things, baka kasi ayaw mo na ako tumira rito." Sabi ko, well it's fine by me "Last night I told you that we'll be heading to Balesin. Can't you remember?" Aniya habang nilalagay sa plato ang mga niluto.

Sumandal siya sa countertop at humalukipkip. His hair is disheveled yet it looked good on him.

"Wala akong matandaan. Pero diba mahal sa beach na iyon? Pwede namang Boracay nalang" protesta ko, alright maganda sa Balesin pero yung hindi maganda yung presyo.

"Nakareserve na ang village para satin, and besides Boracay is too crowded. Gusto ko ng private lang. You'll love the place baby boo, don't worry" aniya, wala na akong nagawa kung hindi mag empake.

"Wow!" Yun lang ang nasabi ko ng ihatid kami sa village namin, mykonos ang pangalan. The place were painted white and blue, ang ganda talaga! Pinagmasdan ko ng buo ang loob ng maramdaman kong may yumakap sakin at pinatong ulo sa aking balikat.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya, hinarap ko sya at niyakap "Syempre. Thankyou" sa pagkakaalam ko 33 ang rooms ng mykonos, pero kami lang ang umoccupy ng buong village.

Nagaayos ako ng gamit namin sa walk in closets ng makarinig ako ng tawanan sa baba, agad agad akong bumaba at nakita sila Jairus na may hawak pang mga maleta.

"Hi Rae!" Kaway sakin ni Arki, ngumiti ako at kumaway rin. Inakbayan ako ni Zero ng makalapit ako sakaniya, muntikan na akong mapairit ng makita ko si Ashton at suot ang regalo namin sakaniyang VRG. Natanggap na rin ni Mrs. Yu ang resignation letter ko, malungkot man ay pumayag rin siya. Sinabi niya rin na kapag gusto kong bumalik ay welcome parin ako.

"We'll be celebrating your birthday here" bulong sakin ni Zero "Sorry wala si Trey" dagdag pa niya. "Okay lang yun, atleast you tried inviting him" sagot ko, nag away man sila kaibigan parin ang turing niya dito.

"Kamusta?" Bati ni Jairus ng tumabi siya sakin, magkalaro kasi si Zero at Ashton. Sila Dark naman nag swimming. "Okay naman. Ikaw?" "Well okay lang rin. Tho I'm missing the real fun with the whole squad. Hindi buo ang saya kung may kulang" napayuko ako, kasalanan ko ang lahat. Kumalas si Trey sakanila ng dahil sakin.

"Don't blame yourself, kasalanan niya rin naman. You can only be selfish in love when its yours." Aniya, napabuga nalang ako ng hangin. "Pero kasalanan ko pa rin" I stated, he looked at me and he smiled

"Nagmahal at minahal ka lang, kelan pa naging kasalanan ang pagmamahal at mahalin? Unless bawal na pag-ibig. Zac and the squad had been trying to reach him out, pero siya na mismo ang naga-isolate sa sarili niya."

"Just be happy and stay happy." Iyon ang huli niyang sabi bago siya tumayo at nagtungo kila Dark.

Bakas sa mukha ko ang pagkamangha habang tinatanaw ang paglubog ng araw, nakaupo ako ngayon sa gilid ng dagat. Ang ganda! Pero paborito ko parin ang sunrise, kasi ibig sabihin niyo ay panibagong araw na naman para mabuhay.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit wala ng natira sakin sa pamilya ko ay binigyan nya ako ng pangalawang pamilya sa katauhan nila Ashton at ang pamilyang Yu na tumanggap sakin at tinuring akong kapamilya. Binigyan nya rin ako ng mga kaibigan na nagbibigay saya sa araw araw, at higit sa lahat lalaking hindi ako iiwan.

Lahat ng sakit worth it.

Umusal ako ng maikling panalangin bago tumayo at naglakad papuntang villa namin.

"Zero" tawag ko pero walang sumasagot, umakyat ako sa kwarto pero wala siya. Chineck ko rin ang banyo at guests room pero wala. I even asked the boys pero sabi hindi raw nila kasama!

I tried calling him but he's not answering it, kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Napaupo ako sa lanai at sinubukang tawagan siyang muli pero hindi talaga siya sumasagot, naiiyak na ako sa kaba!

"Zero, nasan ka na ba?" Bulong ko sa sarili habang tumitipa sa cellphone ko. Tinext ko na rin ulit si Jairus pero wala parin daw.

"Penelope" napalingon agad ako at mabilis na tumakbo papunta sakaniya. "Calm down babygirl, you're choking me" aniya saka mahinang tumawa, nasampal ko tuloy siya ng marahan agad ko rin namang hinalikan ang parteng iyon ng kanyang pisngi "Sorry! Ikaw kasi pinagalala mo ako!" Reklamo ko sakaniya pero tinawanan niya lang ako.

Umupo siya at marahan akong hinila para umupo sa lap niya "Sorry, galit na galit si Jairus sakin kasi nagaaalala ka raw. Sorry, may binili lang naman ako" aniya "I won't buy that act Zero. Saan ka galing?" Tanong ko, I saw how his lips arched up. May inabot siya sa akin na paper bag "Prepare yourself and wear this. I'll see you at 7." He winked.

Sinipat ko ang orasan dito sa kwarto Six Thirty na pero hindi parin ako kumikilos! Dali dali akong kumuha ng twalya at nagmamadaling pumunta sa banyo. Sa sobrang taranta ko ay hindi na yata ako nakapagconditioner, okay lang yan wala namang sabit ang buhok ko. 

Ilang beses pa akong napairit ng makitang sampong minuto nalang alas siyete na! Dali dali kong blinower ang buhok ko at inayos ito pa-bun. Naglagay rin ako ng minimal make up kasi feeling ko magdidinner kaming lahat.

Napangiti ako ng makita ang pinili niyang damit para sakin, tulle skirt at collared top. Agad agad ko iyong sinuot at nagspray ng pabango. Pinaypayan ko ang sarili ko para kumalma, at nang makakalma ay lumabas.

Nakatalikod si Zero sakin at tila tinatanaw ang dagat, nang marinig ang yabag ko ay awtomatiko siyang napalingon at ngumiti. He's just wearing a black shirt and a pants yet he looked damn good.

"Stunning" he commented while looking at me, lahat yata ng kulay pula ay napunta sa pisngi ko. "Shall we?" Aya niya sabay lahad ng kanyang kamay, inabot ko iyon at pinagsaklop ang aming mga kamay.

"Wear this" aniya sabay abot ng aviator glasses saka niya sinuot ang kanya "Ay!" Irit ko ng hanginin ang palda ko, umandar kasi ang helicopter na nasa side ng bahay.

Teka bakit may helicopter rito?

"Hop in" napataas ang kilay ko ng pinagbuksan ako ni Zero ng pinto "Ha?" Confused kong tanong, ngumiti sya "Sakay na" aniya disoriented man umakyat na ako at umayos ng upo.

Sumakay sya sa Pilot's seat.

Wait...

Siya magpapalipad nito?

"Ikaw magpapalipad nito?" Tanong ko habang siya naman ay may pumipindot ng kung ano ano "Huy sagot" tapik ko sakaniya. He chuckled "Trust me, Nag attend ako ng aviation" aniya, ano raw?

Inayos nya ang seatbelt ko "Let's go" napakapit ako sa kamy niya ng unti unting umangat ang helicopter "Lord, sana naman ho marunong tong boyfriend ko baka mamaya pinagpapractisan nya lang tong helicopter" I prayed, humalakhak lang si Zero sa tabi ko.

"Ang cute talaga ng girlfriend ko" aniya tangka niyang kurutin ang pisngi ko pero tinabig ko iyon "Wag mo bibitawan yang hinahawakan mo kung ano man yan, ayusin mo pagpipiloto. Balak ko pang tumanda" he chuckled again lagi nalang nya akong tinatawanan "Yes ma'am, maingat ako ngayon syempre kasama kita. Balak ko rin tumanda kasama ka"

"Just enjoy the view Penelope" he commanded, I did. Napaawang ang labi ko, tanaw ko ang buong Balesin! "Teka san tayo punta?" Tanong ko habang tinatanaw ang scenery "Breathtaking" I whispered

"Yeah, you're breathtakingly beautiful" he whispered too nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sakin.

"Mag lalanding na tayo baby boo" aniya. Tinatanaw ko ang paligid sa ibaba, may isang kubo roon na may ilaw "Doon ba tayo?" Tanong ko, he nodded as a response.

Inalalayan nya ako pagbaba, maingat ang paghawak nya sa kamay at bewang ko na para bang isang maling pisil lang ay mababasag na ako.

"I hope you liked it" nahihiya niyang sabi, pinasadahan nya pa ng daliri ang kanyang buhok. Binuksan niya ang pinto at tumambad samin ang loob ng kwarto. There's a table in the middle of the room, may mga nakatakip na pagkain at bottle of wine sa ibabaw nito.

And then there are canopy beds na maraming rose petals sa ibabaw. Iginiya nya ako papalapit sa table, ipinaghila nya ako ng upuan umupo ako roon saka siya umupo sa kanyang upuan.

I am completely out of words, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Thank you perhaps?

"Let's eat" basag niya sa katahimikan. Pero hindi ako tuminag, nanatili lang akong nakatingin sakaniya humahanap ng tamang salitang bibigkasin. This is really to much, effort palang na humiram ng chopper I could give him an A plus plus grade.

"Penelope are you okay?" He asked "Hindi ko lang alam ang sasabihin ko" there! I finally said it. Dahil iyon ang totoo, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng ito.

"You don't have to say anything, just you being with me makes this date perfect" sabi niya habang tinatanggal ang takip ng mga pagkain. Lahat ng iyon ay paborito naming dalawa. Lasagna, carbonara, dynamite, buffalo wings, baby back ribs at graham cake.

How are we supposed to eat all of these?

Nilagyan niya ng mga pagkain ang plato ko. Pinunasan nya rin ng tissue ang lahat ng kubyertos namin. I should be doing that but I am just here sitting and watching him.

"Penelope, we're not into staring contest baby. Drop the stares and we'll eat" aniya habang inilalagay ang kubyertos sa pinggan ko.

I am so lost.

And so inlove with Zero.

"Grabe ang sakit ng tyan ko! Pwede ka na mag asawa ha? Ang galing ng pagkakaluto mo" Sabi ko sakanya habang palakad lakad kami dito sa buhanginan. Magkahawak kamay kami. And as expected hindi namin naubos lahat, pero binigay namin iyon sa mga nagset up na mga nakatira sa lugar na iyon.

"Hindi pa handa yung babaeng papakasalan ko eh" he said, I gulped. Ready naman na ako eh, pero tingin ko masyado namang naging madali ang lahat. Gusto kong maranasan ang stages ng pagmamahal.

Yun bang getting to know each other naging mutual ang feelings tapos exclusively dating tapos in a relationship. Napagdaanan naman na namin iyon pero marami pang stages ang relasyon.

Isa pa, dalawang buwan palang kami.

Pero sabi nga nila wala sa tagal iyan kung doon ang patutunguhan, bakit pa patatagalin?

"Kelan mo ba balak magpakasal?" I asked, dropping hints.

"Ngayon. Handa ka na ba? Pwede ko gawan ng paraan na ngayon. Seryoso ako Penelope, just say yes and we'll call my ninong right here right now" seryoso niyang sabi na para bang may hinahabol siyang deadline, I chuckled. Dammit!

"Gusto ko yung nakaplano, hindi yung biglaan" sabi ko, I turned around to face him. "Okay. Pagpaplanuhan ko mamayang bago matulog" nakangiti niyang sabi, I bit my lower lip and as if its his cue he pressed his lips on mine.

Chương trướcChương sau