I heard that Trevor and Penelope are dating, natuwa ako at some point. Natuwa dahil umuusad yung effort ng Kaibigan ko. Pero tangina lang, ibig sabihin noon maaring mawala na sakin si Penelope. I'm gonna lose her if Trevor's plans work.
Napupuno ako ng galit kapag nakikita ko silang magkasama. Galit sa kaibigan ko dahil mukhang nakukuha niya na sakin si Penelope. Galit kay Penelope dahil kaya niyang maging masaya kahit wala ako. Galit sa sarili ko kasi hinayaan at ginusto ko lahat ng ito.
I am dry humping this girl I met at the bar, I am unbuttoning her top when I saw her necklace with her name on it. Damn it, her name is Penelope.
Napabalikwas ako agad saka sinuot ang puting t-shirt ko na gustong gusto ni Penelope. Tangina. Hinahaunting na ako ng nararamdaman ko sakanya.
Andun na eh, abot kamay ko na. Itinaas ko siya sa ere kasama ako, pero kalokohan ko rin ang nagpabagsak sakin sa lupa. Mas masakit na lumagpak ka galing sa mataas na parte ng ere kesa maiwang nagiisa doon.
Hindi ko iniwan si Penelope, sadyang mapaglaro lang ang tadhana hindi yata kami ang para sa isa't isa pero mas gugustuhin kong isipin na hindi pa ito ang tamang panahon para samin kesa sa hindi kami ang tamang tao para sa isa't isa.
Kung kelan ramdam ko ng panalo na ako saka pa na bad move. Lintik! Ano bang problema at parang hindi kami pwede? Bakit parang hindi kami ang dapat? Positive siya, negative ako.
Andito ako ngayon sa labas ng restaurant na pinagkakainan nila, akala ko ba ayaw niya dito sa restaurant na to kasi mamahalin? Well, may tao talaga na magpapabago ng pananaw mo.
She seems to be uncomfortable with him around, she barely chitchat with him. Para siyang teenager na kaharap ang crush niya. My heart constricted a bit. Damn it. Talo na yata talaga.
Nauna akong bumalik sa school para kunwari hinahanap ko siya, last try ko na ito. I need to try my luck. I will give my all to this.
I'm giving up all of my cards, kahit tagilid pupusta ako. Manalo, matalo she's worth the fight.
I clenched my fist when I saw him holding her hand, I saw how he smiled triumphantly. Damn. He is one hell of a lucky bastard, he is holding my girl. Yung babaeng dapat ako ang kahawak kamay.
I smiled bitterly at my thoughts, damn that should be me.
She tried pulling her hand but he didn't budge, that somehow ignited the fire inside me. Kahit tagilid. Kahit hindi pwede. Kahit ayaw. Kahit hindi tama. Ipupusta ko na lahat. Para kay Penelope.
"Penelope" I called her name loud enough for her to hear. She looked at me, she seemed ill at ease. Trevor looked at me with anger, dude its my turn. I realized Im too generous to share Penelope with him, I want to be selfish now. Tangina kahit ngayon lang. Gusto ko lang subukan sa huling pagkakataon.
"Yung kamay ko" she said pulling her hand from my grip "Bakit? Siya lang ba pwedeng humawak dito?" Inis kong sabi, shit bad move nanaman. Kelangan kong umayos at kumalma. Hindi kami dapat mag away pa.
"Akala ko ba magpapractice tayo?" She sounded so irritated, kalma aking mahal. Magkikita rin kayo. Ako muna pwede?
"Alam naman na natin so what's the point?" Tanong ko sakaniya, gusto lang kitang solohin mahal. Pagbigyan mo na ako. Hayaan mo muna akong kumalma, hayaan mo muna akong huminga. Kelangan kong umayos para maayos ko kung ano man ang namamagitan sating dalawa.
Kapag nasabi ko na ang lahat sayo, kung matatanggap ko ikalulugod ko.
Pero kung sadyang nahuli na ako, ako na kusang lalayo.
"So what's the point of dragging me here then? Wala namang tao!" Sigaw niya sakin, I need to fucking calm down. "Saka kung may rehearsal tayo bakit hindi kasama si Trey" fuckshit. Damn it, magkasama na nga kayo kanina parang lahat ng pag asa ko nawala.
"Eh di bumalik ka kay Trey makipaglandian ka sakaniya" inis kong sabi, I need to filter my mouth and slow down pero tangina naman para na akong sisintensyahan. Sasabog na ako sa selos at galit, ginagatungan nya pa ng wala siyang kamalay malay. Tangina.
Sino ba kasing nagpauso ng pag-amin at pagtatapat? Hindi ba pwedeng "Uy mahal kita" tapos yon na yon? Bakit kelangan pati pagamin kumplikado? Hindi ba pwedeng kasing dali nalang ng ABC at 123? Tapos saka na bakbakan kapag nagmamahal ka na?
I saw bitterness in her eyes, bakit ba puro nalang bad move? Damn. Gusto ko lang naman umamin pero bakit parang mas nilalayo ko pa siya sakin? Kelangan kong umayos bago pa mahuli ang lahat, itinaya ko na ang lahat dito. Hindi pwedeng bahala na si Batman kahit si Batman pa ang paborito kong super hero.
Nakita ko kung paano niya pakalmahin ang sarili niya kung kelan ready na akong sabihin sakaniya na "Penelope, mahal kita" saka siya akmang aalis. Oo in simplest form ko gustong umamin, hindi ko gustong magdrama o magnobela pa kapag nasabi ko na saka ako mageeffort para patunayan na totoo yung sinasabi ko. Gusto ko lang malaman niya na mahal ko siya, mahal na mahal. Mahal na mahal na hindi ko na yatang magmahal pa ng iba, mahal na mahal na hindi na yatang pakawalan pa siya. Mahal na mahal na baka pag di niya ako pinili ay ikadurog ng puso kong buong buo ang pagmamahal sakaniya.
Saglit, manatili ka muna.
Humarang ako sa pinto, kita ko sa labas ang galit na mga mata ng kaibigan kong pilit hinahadlangan ang posibilidad na pwede kaming dalawa. Mabilis kong isinara ang pinto para hindi siya makapasok, kumalma ka diyan oras ko to.
"Ano bang problema mo? Wala naman tayong rehearsal, gusto ko ng umuwi. Hinihintay na ako ni Trey" Tuluyan ng binalot ng galit ang sistema ko, ako yung kaharap iba ang hanap. Penelope, ganon mo ba kadaling kinalimutan ang mga masasaya nating ala-ala? Burado na ba sa bibig mo ang lasa ng mga halikan na pinagsaluhan nating dalawa?
Hinalikan kita kasi mahal kita at ramdam kong mahal mo ako base sa mga halik mo? Hindi ka hahalik kung hindi mo mahal pero natawa ako sa naisip ko, ilang babae na ba ang nahalikan ko? Mahal ko ba sila? Naalala ko, hinalikan ko lang sila para kalimutan ka pero ang tamis ng labi mo ang laging hanap ng mga labi ko.
You were once mine, and now I'm painstakingly losing you.
"Kating kati ka bang umalis at makipagdate sa kaibigan ko?" Tanong ko sakaniya "Hindi kami nagdedate" mali, nakita ng dalawang mata ko mga ilang beses na kayong magkasamang dalawa, may hawak siyang bulaklak at inabot saiyo nung nakaraan. Ilang beses mo siyang tinanggihan pero ilang beses ka na ring pumayag. Kapag ako laging may limitasyon, hindi ba ako ganun kasayang kasama? Wala ba akong kalayaan kapag kasama ka?
Kapag ako laging hindi pwedeng makita ng iba, kapag sa akin kelangan may limitasyon. Kapag hawak ko ang kamay ko, babawiin mo agad. Kapag yakap kita parang ayaw mo.
"Ano nagbabahay bahayan?"
"Bakit kelangan kong magpaliwanag sayo? Hindi ko hiningi yung paliwanag mo nung nakita kita na may kasamang iba't ibang babae. Wala naman akong karapatang humingi non! Nilunok ko lahat Zero, sarili ko sinisisi ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Dahil sayo. Tangina. "
"Nilunok ko yung sakit na makita kang may kahalikang iba, tapos eto binabaliktad mo yung takbo ng storya? Ako? Ako ang nakikipagbahay bahayan? Ako ang nakikipagdate? Hindi ikaw ang biktima ng panloloko dito, ikaw yung nangloko, ako yung naloko."
Napangiti ako ng mapait, oo nga pala kasalanan ko tong lahat. Sana nung una palang naging makasarili na ako para angkinin ka. Pero Penelope, kaibigan ko iyong katalo ko saiyo. Kaibigan ko na kinapitan ko nung mga panahong ang batang Zac ay walang kalaro, walang kasama sa bahay at walang saysay ang buhay.
He was my best friend, mahirap kalabanin ang taong naging karamay mo sa buhay mong pinaglalaruan ng tadhana. Kaya nung bata kami kahit anong gusto ko na nagugustuhan niya ay binibigay ko, pero utang na loob hindi ko lang gusto si Penelope. Mahal na mahal ko siya para isuko ko sa kaibigan ko.
Trevor, ipaubaya mo naman sakin si Penelope.
"Niloloko ko rin ang sarili ko, Penelope. I dated, I kissed, I fucked girls to forget you."
Napatigil siya sa sinabi ko, hindi ko alam kung good sign ba iyon o hindi.
"Every time I kiss them, I taste your mouth. And when I try to close my eyes, all I can see is you. And I wonder, Does your lips still remember mine?" Isa isang pumatak ang mga luha niya, takot na takot akong paiyakin siya pero ano nanaman ito? Umiiyak nanaman siya dahil sakin.
"You are my drug, Penelope" mahina kong sabi, tinitigan ko ang mga mata niyang may bahid ng mga luha. I pinned her to the wall. Ibinaon ko ang ulo ko sa leeg niya at mahinang humikbi.
Nanlumo ako sa sinagot niya, wala na. Talo na.
"But being addictive didn't make you stay"
Oo pala, ako pala ang dahilan kung bakit unti unti siyang nawala. Kung naging makasarili lang ako sana nasa bisig kita at yakap yakap. Pero hindi ako naging makasarili, tinulak kita palayo, niloko, ginago.
Ngayon hanggang tanaw nalang ako sayo, habang ikaw ay papalayo sa kinaroroonan ko.
Kasama ang kaibigan ko.
Nangangapa ako sa dilim habang paekis ekis ang lakad, batid kong pinagtatawanan na ako nila Arki pero wala akong pakealam.
"Penelope, di pa ako tapos! Di ko pa nasasabing mahal kita, tumalikod ka na? Tangina talaga!" Sigaw ko sa kawalan, nasa gilid kami ng bangin. Kung pwepwede lang gusto ko ng talunin mula dito sa taas hanggang sa baba para matapos na ang lahat, nang tumalikod ka mahal, dinala mo lahat, pati puso kong sugatan kasama mo sa pag alis mo. Pero Penelope, umaasa pa rin ako.
"Bra, tara na uwi" rinig kong sabi ni Dark, KJ ng mga to. "Go home if you want to, bra. Gusto kong makita si Penelope" yun lang ang sabi ko sakanila. Umupo ako sa pinakagilid ng bangin, tumabi sakin si Jairus.
"Gusto mo siyang makita pero nagpapakalasing ka. Tara nalang sa bahay nila" seryoso niyang sabi "Asa. Baka binakuran na ni Trevor yon." Buntong hininga lang ang tangi niyang sagot, hopeless case.
"Sa likod tayo dadaan. Ano payag o palag?" Napatayo ako ng biglaan at muntik pa akong mahulog. Halos paliparin ko na ang sasakyan papunta sa bahay nila saka nagpark sa likod. Tanaw ko ang bukas na ilaw sa kwarto niya. Hindi ako si spider man para kayaning akyatin ang bakod nila pero nagpapasalamat ako sa mga boy scouts kong kaibigan at may dala silang hagdan. Hagdan.. Paano?
Tinapik ni Jairus ang balikat ko bago ako umakyat, mahina akong nagpasalamat sakaniya. Sila ni Trevor ang una kong naging kaibigan, kahit kelan hindi niya sinalungat mga desisyon ko sa buhay, lagi niya akong tinatama. Ganun ang totoong tropa, tinapik ko rin siya bago ako humakbang pataas.
Tulog ka mahal ko ng makababa ako sa kwarto mo, mabuti nalang at iniwan mong bukas ang bintana mo. Umupo ako sa sahig at pinagmasdan kang tulog, hulog na hulog talaga ako sayo at wala na akong balak pang umahon.
You groaned when I pressed my lips to your cheek, akala ko nagising kita kaya nataranta ako. Ano nalang sasabihin mo kung nakita mo ako? Napalingon ako sa bed side table mo, ang ganda ng mga bulaklak, bulaklak na galing sa kaibigan ko. Nakita ko kung paano mo tinanggap iyon.
"Penelope" panimula ko, tulog ka pero kinakabahan ako. "Boo. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Sorry kung nasasaktan kita at sinasaktan kita. Sorry kung ganitong klase ng pagmamahal ang kaya kong ibigay sayo, masakit at puro poot, pero mahal na mahal kita."
"Gusto kitang ipagdamot pero wala akong karapatan, hindi ka nakatali sakin pero alam kong nakatali ako sayo. Pasensya ka na kung babaero ako, pasensya ka na kung ako dahilan ng kalungkutan mo, pasensya ka na kung palaging ako ang rason kung bakit tumutulo ang luha mo. Pasensya na kung hinayaan kitang mawala sakin, pasensya ka na kung akala mo hindi kita mahal. "
, Pasensya ka na kung tinatarantado kita kahit mahal na mahal kita. Hindi ako mamamaalam dahil umaasa parin ako na magkakaroon ng tayo. Pasensya ka na kung ngayon ko to sinasabi habang tulog ka. Pero Penelope mahal na mahal kita."
Pinagmasdan ko pa siya at kinalma ang sarili. Napahilamos ako sa mukha at doon ko napagtantong umiiyak na pala ako, nanaman. She deserves my tears, she deserves my world. She can even shut down my world, kung yun ang magpapasaya sakanya.
"Let's go" malamig kong sabi sakanila, mas mabilis pa sa pagpapatakbo ko kanina ang ginawa kong pagmamaneho. Alak. Gusto ko pa ng alak.
"Wala kang kaharap na umiinom ah" rinig kong sabi ni ate "Hindi ba obvious ate?" Sarkastiko kong tanong, umupo sya sa harap ko habang hawak ang isang baso. Nagsalin siya doon ng alak na nilalaklak ko.
"Bakit kapag problemado sa pag-ibig alak ang karamay? Kapatid, imbes na puso mo lang ang masakit kinabukasan pati ulo mo na rin" aniya sabay inom sa baso niya, kita mo to nanenermon pero iinom rin. "Bukas pag wala na yung hangover mo, masakit parin naman ang puso mo. You can never escape the wrath of love." Mataman ko siyang tinignan, saan niya hinugot yon?
"I lost her" I stated, she sighed heavily. "Kelan naging sayo? Hindi naging sayo at hindi magiging sayo hangga't di mo ipaglalaban." That was a big blow to me.
"Pinaglaban ko ate pero "Hindi pa sapat yung ginawa mo. Kung pinaglaban mo eh di nasayo na. Hawak mo na pinakawalan mo pa. Since when did I have a stupid brother" sabi niya sabay kutos sakin, grabe naman to sakin. Lintik!
"Hindi kasi lahat ng pinaglalaban mo mapapasayo" I hissed pero di yata siya titigil "Kasi pinapamigay mo." Yun na nga yon. Nilagyan ko ng alak ang shot glass ko at tinungga iyon. "Hindi laruan si Penelope para ipamigay mo lang, kung mahal mo bakit mo hinayaang mapunta sa iba?" "Oo na ate"
"Chase her"
"Ano?"
"Cut the crap and chase her"
"Bakit pa?"
"Kasi hindi pa sila. Hindi pa sila ibig sabihin pwede pa. Pagsisisihan mo lang kung lagi mo lang haharapin tong mga bote ng alak na wala ng laman. Harapin mo si Penelope, habulin mo saka mo itali. Wag mo papakawalan hanggang hindi pa sila. Wag kang tanga" dirediretso niyang sabay tungga sa baso niya.
"One martini please?"
That brought me back to reality, I served her order without even glancing at her. Trevor is watching, baka ibala na naman niya sa amin ito ni Penelope. Umupo ako sa stool at nag browse ng mga picture namin sa galery. Pampatanggal ng pagod kahit kanina pa ako serve ng serve ng inumin. Tumunog ang cellphone ko at pangalan ni Penelope ang nagpakita sa screen.
"Wife"
"Husband." She chuckled "Mag six na. Halika na dito. Nandito na ako sa backstage. And ugh, Zero bilisan mo miss na kita" saka niya pinatay yung tawag, I smiled widely.
"Penelope" rinig kong tawag sakin ni Zero lilingon sana ako ng naramdaman ko nalang na nakakulong na ako sa bisig niya. "Missed me? I missed you too." Bulong niya sa tenga ko. Iniharap niya ako sakaniya saka hinalikan ang noo ko at pisngi ko.
Inabutan ko siya ng tubig at ininom niya naman iyon habang nakatitig sakin, I gulped when his stares landed on my lips I stared at his too. Kinabig niya ako papalapit sakaniya saka idinikit ang labi niya sa labi ko, sobrang bilis non kasing bilis ng tibok ng puso ko! Luminga linga ako kasi baka may makakita, saka ko siya sinamaan ng tingin he just chuckled.
"Don't worry, si Jairus lang nakakita" he said cooly, napalinga ako kay Jairus at nakasmirk siya samin.
Napalunok ako ng dumaan si Trevor sa gitna namin ni Zero, sinadya nya pang mabunggo si Zero. Masama ang tingin niya sa amin. Hihilain sana siya ni Zero pero hinawakan ko kaagad ang kamay niya saka umiling sa kanya.
"Ang yabang eh. Akala mo naman, tss." Sabi niya habang pinaghihila ako ng upuan, umupo rin sya sa tabi ko saka ko hinawakan ang kamay niya. "Penelope, please leave their house quit your job, sakin ka na tumira. Di kita papabayaan, I'll provide all your wants and needs. Just be with me" puno ng sinseridad nyang sabi, hindi ko alam kung anong isasagot ko hanggang sa mapabuntong hininga nalang siya. Gusto ko iyon pero hindi pa tamang panahon para doon.
"Zero, kasi hindi pa dapat" nakayuko kong sagot. Natahimik sya pero maya maya ay narinig ko ang pagtawa niya "It's okay. Pero pag ready ka na, just let me know" he whispered and kissed my forehead.