Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon sa pathway ng school, naiilang ako kasi bawat madadaanan namin ay bababa ang tingin sa kamay naming magkahawak.
Naiilang ako while Zero is walking like he's holding a trophy. Mga ilang babae na rin ang umismid ng makita ang kamay naming magkahawak, sila yung mga naging ka-fling ni Zero.
"Zero yung mga babae mo ang sama ng tingin, pwede ko ba balikan tapos tusukin ko yung mga mata?" Inakbayan niya lang ako at marahang hinaplos ang ulo ko.
"Possessive girlfriend, but I like it." Iyon lang ang sinabi niya, umani tuloy ako ng death glare iba e paano inakbayan ako sa gitna ng pathway.
Nakarating kami sa Photo booth ng buhay pero batid ko kung nakakasugat lang ang ang mga tingin nila gumagapang na ako ngayon ng duguan.
Nakita ko si Jairus na nag seset up ng mga gagamitin ng booth, napatigil siya ng makita kami. Agad silang nag fist bump ni Zero at nagtapikan ng balikat.
He hugged me and I hugged him back, siya talaga ang best friend ko eh. Balak ko siyang bigyan ng Trophy ng bestfriend ng taon! Pag may time ako papagawan ko siya nun, yes for real.
"Where's Trevor?" Tanong agad ni Zero, wala man lang good morning? Or kamusta na u bro? Ganon? Wala? Oh well ang mga babae din naman kapag nag kita kita ang bungad 'uy bes may kwento ako'. Pero sakanila pala hanapan ng bros.
"Checking all the possible hotels, looking for Rae" prenteng sagot ni Jairus habang kumukuha ng shot sa background. I swallowed hard and Zero smirked. I shrieked when I felt my self being lifted awtomatiko akong napahawak sa leeg ng nakangiting si Zero.
Agad naman kaming kinuhanan ni Jairus ng picture he mouthed "sweet" habang tinitignan ang shot niya. "Tayo kayo jan sa background, kunan ko kayo ng picture" agad naman akong hinila ni Zero doon. Pumwesto kami doon at pumose ng kung ano ano.
He suddenly cupped my face and captured my lips, Jairus took a shot of it. Namula ako ng ulanin kami ng pangaasar ng mga kadadating naming barkada. Niyakap ni Arki si Dark at nag pout "Ako din bebe pakiss" pero sinapak lang ni Dark ang labi nito "Bra, umamin ka bading ka no?" Mabilis na umiling si Arki at binatukan si Dark.
"Paunahan pa tayong makabuntis bra" ani Arki
Zero's combing my hair with his fingers, napahikab ako at sumandal sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghalik nya sa tuktok ng ulo ko sabay yakap sa akin. Makakatulog ako nito eh. Ang tamis tamis ng amoy niya, parang gusto ko yun singhutin maghapon. Manly yet sweet.
"Nagmomoment yung mag jowa" rinig kong bulong ni Nathan. Nagangat ako ng tingin at nakita kong namumungay ang mata ni Zero habang nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. "Antok ka pa?" Tanong ko umiling lang siya "Uwi nalang yata tayo. Let's just cuddle in bed and sleep" bored niyang sabi, naibuga ni Dark ang iniinom niya sa mukha ni Arki! Eew!
"Ready na ba kayo maging ninong mga bra?" Natatawang tanong ni Ethan, naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. "Soon" rinig kong sabi ni Zero saka tumawa ng mahina.
"Bakit, sinong buntis?" I stiffened upon hearing that peculiar voice. It's Trey. Hinawakan ko ang kamay ni Zero and I heard him sigh. Wala ni isang sumagot.
Bumaling ang tingin niya samin, and pababa sa kamay namin ni Zero. Para akong tinutunaw ng mga pagkakataon na iyon. He looked straightly to me eyes and his eyes speaks volumes of emotion but his face remained impassive.
"Ate Rae!" Napabuntong hinga ako ng malalim ng marinig iyon, binasag ni Ashton ang tensyon na namumuo sa kinatatayuan namin at tahimik akong nagpasalamat dahil doon. Thanks heavens!
Parang ngayon ako sisintensyahan ng kamatayan. Kaibigan namin si Trey, may nararamdaman siya sa akin at hindi ko iyon masuklihan pabalik. Ngayon boyfriend ko ang bestfriend niya, thats a big blow for his ego.
Yumakap sakin si Ashton at kay Zero, binuhat ni Zero ang bata saka sila nag fist bump. Nag tiim bagang si Trey and I can see that he's irritated.
"Ate bakit wala ka kagabi? Hindi magaling mag read ng bed time story si kuya eh" sabay kamot sa batok niya "Ah.. Eh. Uhm. Nagpunta ako sa mga pinsan ko. Nagstay muna ako dun" I lied. Tumango tango naman ang bata.
"Ashton, let's go" maawtoridad na sabi ni Trey, humalik sakin ang bata saka sumama sa kuya niya at umalis. Zero gripped my hand saka hinalikan ang likod nun. "Kung nakakamatay lang ang tingin, I bet I'm now a dead meat" he jokingly stated saka humalakhak.
"Grabe, hindi niya yata matatanggap bra." Sabi ni Dark humalukipkip lang si Zero "Tanggapin nya man o hindi kami na ni Penelope, we don't need his approval." Diretsong sagot nito.
Paano ang trabaho ko? Paano kapag pinatanggal niya ako? Paano ang pagkakaibigan nila? Ayoko pa namang magkalamat ang pagkakaibigan nila dahil lang sa akin, pero narealize ko na umpisa palang na nilalapitan na ako ni Zero habang alam niyang may gusto si Trey sa akin ay nagkakalamat na ang pagkakaibigang binuo at pinagtibay ng panahon.
"Don't worry, he won't fire you" he whispered. Lumapit siya kay Jairus at tinignan ang mga kuha namin, napangiti ako kasi ang gaganda ng mga shots na iyon. Para kaming nasa Pre-nuptial shoot. "Can we have a copy of these?" Tanong ni Zero kay Jairus tumango lang ang huli.
"Kayo na rin unang costumer namin sa Marriage booth" sabi ni Ethan "Why not?" Nakangising sagot ni Zero hinila niya ako palabas ng booth, nakasunod sila pati si Jairus na may hawak na camera. May mga ibang staffs pa naman ang booth namin.
The set-up for the booth is simple yet elegant. May isang mini chapel doon at nabibilang na upuan para sa magiging witness ng Kasal. I feel pumped up kahit ba Marriage booth lang ito, wedding feels talaga. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zero sa kamay ko tinignan ko siya at nakangiting mukha niya ang sumalubong sa akin.
"Ma'am ayusan na po namin kayo" rinig kong sabi ng isa sa organizer pinaupo nila ako sa vanity part ng booth at inayusan. Pinapili rin nila ako ng damit, pinili ko ang isang simpleng white dress. They fixed my hair and they styled it with a flower crown. Nanlalamig ako sa kaba but at the same time excited ako sa hindi malamang dahilan.
Im getting married!!!
Sa marriage booth nga lang, pero paano pa kaya kapag sa simbahan na? Tinitignan ko ngayon si Zero na nagaayos ng buhok, nakaputi rin siya mukha siyang anghel na kapag kinalabit mo ay agad agad na magkakasungay. They gave me a simple bouquet, ang bango nito hindi ko napigilang amuyin ang mga bulaklak.
I saw Zero walking towards the altar, nag sign of the cross siya at tahimik na nagdasal. I don't know but it melted my heart inside. Ideal man indeed. Pumwesto siya sa tatayuan niya at pumaibabaw ang kantang Beautiful in White
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece
Goosebumps. Iyon ang nararamdaman ko ngayong naririnig ko ang kantang ito, I can even feel my lacrimal glands sweating! Ilang beses akong tumingin sa taas habang naglalakad to suppress my tears from falling.
I saw Zero fidgeting, how adorable. Is he nervous and at the same time excited too? Because I am. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya pero ang mata niya ay diretsong nakatingin lamang sa akin. Jairus massaged his neck to calm him up.
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
Nang makarating ako sa harap niya ay di ko na natigilan ang mapaluha, he immediately brushed my tear of saka hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I
Say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
Isang seminarian ang kinuha nila para mag pari sa wedding. The ceremony went well. Narealize kong wala pala kaming singsing! May kinuha si Zero sa kanyang bulsa at isa iyong pulang box, he opened it at bumungad dito ang isang Cartier ring.
Ang vow ay nanggaling sa pari, mabuti narin dahil lutang ako and I can't even construct a proper sentence. Naluluha ako sa sobrang tuwa!
"I know pronounce you man and wife. Congratulations Mr. and Mrs. Zac Erwan O'brien." The seminarian said smiling "You forgot something" putol ni Zero, the seminarian chuckled "Alright. You may now kiss your bride"
Zero pulled me closer to him and tilted my face, I saw volumes of emotion to his eyes, adoration to be exact. He claimed my lips and we kissed passionately.
Everyone clapped their hands after we kissed, except for one. It's Trey. He smirked at me when he saw me looking at him. He's fuming mad. He clenched his fists and his jaw. I saw pain and anger in his eyes before he left the booth.
I looked up to Zero and our eyes met "Matatanggap rin niya tayo soon, if not, again as I've said we don't need his approval" aniya "Pero kaibigan rin natin siya" I said while leaning against his body "Friends respects your happiness and friends will never obstruct it" malaman niyang sabi saka hinalikan ang noo ko.
Pero paano siya magiging masaya para sa kaibigan niyang kahati niya sa kaligayahan niya? Trey likes me too, bestfriend niya si Zero at si Zero ang minahal ko. Mahirap tanggapin na hindi ka mahal ng mahal mo pero mas mahirap lunukin ang katotohanang ang kaibigan mo ang mahal at pinili niya.