Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

17. Coming home

"Rae, acoustic ka ba sa Dear No One na song mo?" Tanong sakin ni Rina isa sa officers namin dito sa music club. Puspusan yung practice namin ngayon dahil next week na yung school fair. Nagtayo rin kami ng music booth where they can play guitar hero, drums and any instruments na magiging available sa araw na iyon. May bayad syempre kasi pataasan ng kita sa booths.

Si Dark at Arki nakaisip ng jail booth saka dare booth, puro kalokohan yung dare booth. Kapag di mo ginawa yung dare may panibagong dare kang gagawin na mas intense.

Si Jairus naman naisip ang Photo booth, dalawa kami doon actually kasi tinuruan niya akong kumuha ng picture sa tamang angulo, siya na bahala sa editing.

Si Nathan at Ethan naman marriage booth.

Si Trey at si Zero may mini bar silang itatayo, limited to 50 costumers lang ang kayang i-accommodate. Sila ang taga mix ng drinks, nag aral pa sila ng flairtending.

Occupied ang utak ko ngayon kaya hindi ko muna naiisip ang mga bagay bagay tungkol samin ni Zero. Madalas na ang pagyayaya sakin ni Trey na sabay kami kumain, ilang beses na akong humindi pero this time I have to say yes para hindi niya isipin na umiiwas ako.

"Thank heavens sasama ka na ulit sakin ngayon" aniya ngumiti lang ako. Awkward kasi, anak siya ng amo ko at isa pa bestfriend sya ni Zero.

Nakatingin lang ako sa daan habang nagdadrive siya papunta sa isang restaurant. Parang ayaw ko ng bumaba ng huminto kami sa parehong restaurant na dapat naming kakainan ni Zero noon.

"Let's go" aniya sabay baba sa trailblazer niya, hindi ako bumaba, ayaw ko dito.

"Are you waiting for me to open your door?" Tanong niya kumunot ang noo ko at umiling "Trey ayoko dito eh. Masyadong mahal saka hindi naman worth- "Ako naman magbabayad"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, iniisip niya bang hindi ko kayang magbayad? Kaya kong mag bayad pero hindi worth it ang pera dito, iyon yung point. Bumaba nalang ako para pagbigyan siya, ayoko maging bastos.

Umorder nalang ako ng carbonara iyon lamang, ayoko siyang magbayad ng mahal.

Inaamin ko nainsulto ako sa sinabi niya, yaya lang ako pero sapat ang pasweldo sakin at hindi iyon nagkukulang.

Tahimik lang ako habang kumakain kami, paminsan minsan ay may itinatanong siya at sinasagot ko lang iyon. Tabang, iyon ang nararamdaman ko ngayon matabang rin ang pagkain, hindi talaga worth it.

"Enjoying the food?" Nakangiting niyang tanong, hesitant akong tumango. Hindi naman kasi siya masarap. Actually parang lasang asin lang, nananakit na ang dila ko sa sobrang alat.

Nang matapos kaming kumain ay nagaya na akong pumasok na. Natanaw ko sa di kalayuan si mamang sorbetero gusto ko tuloy bumili.

"Trey, saglit lang bibili lang ako ng ice cream" sabi ko ngunit umiling siya "Kakakain lang natin." Ngumuso ako at malungkot na tinanaw si mamang sorbetero. Bye manong!

"Dinala ka rin ba ni Zac sa restaurant na iyon" tanong niya umiling ako "Sa Karinderya lang kami kumain noon" sagot ko humalakhak siya "Lame ass." Hindi ko nagustuhan iyon. Mas gusto ko pa sa karinderya kesa sa mamahaling restaurant na ipinilit lang sa akin.

Mas masaya ako nung kasama ko si Zero.

Kahit simple lang.

Kahit sa Karinderya lang.

Pero hindi ko sinabi, ayaw ko naman sya ma-offend. Pero na offend ako sa kumento niya, masyado niya g minamaliit ang mga nagluluto sa karinderya, kung tutuusin mas okey pa nga sila minsan kesa sa cook sa fine dining. Pagkadating namin sa school ay agad akong bumaba, hinigit niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin, pumalag ako pero tumingin siya sakin na para bang nagmamakaawang pagbigyan ko siya.

"Penelope" nanindig ang balahibo ko ng marinig iyon, napalingon ako at nakita si Zero sa likod namin, I can tell that he's pissed.

"I've been looking for you. May rehearsals tayo kung saan saan ka lang pumupunta. Tss" aniya yumuko ako at humingi ng dispensa, hindi ko alam kung bakit ako nag so-sorry.

Hinila niya ako paalis rinig ko ang pag mumura ni Trey mula sa likod namin pero hawak hawak ni Zero ang kamay ko, doon ko lang napagtanto na na nakahawak nga sya sa kamay ko at mukha na siyang kalmado. Pero hindi ang puso ko, nagsimula nanaman itong magwala.

"Yung kamay ko" sabi ko sabay hila sa kamay ko pero agad rin niyang hinawakan ulit. "Bakit? Siya lang ba pwede humawak dito?" May bahid ng inis niyang tanong, nanahimik lang ako dahil pati ako ay naiinis na rin.

Pabagsak siyang umupo sa isang swivel chair saka humawak ng gitara.

"Akala ko ba magpapractice tayo?" Iritado kong tanong, prenteng prente siya sa pagkakaupo at parang walang pakealam na tumingin sakin.

"Alam naman na natin so what's the point?" Pabalang niyang sagot. I clenched my fist trying to calm my self. "So what's the point of dragging me here then? Wala namang tao!"

"Saka kung may rehearsal tayo bakit hindi kasama si Trey?"

"Eh di bumalik ka kay Trey makipaglandian ka sakaniya"

That was a low blow for me.

Mali ang iniisip niya tungkol sa akin at sa amin ni Trey. Inaakusahan niya akong nakikipaglandian gayong wala naman siyang alam? Ano bang gusto niyang iparating?

Padabog akong nagmartsa papunta sa sulok ng kwartong iyon. Yumuko ako at kinalma ang sarili ko.

Nang makakalma ay naisipan kong umalis. Humarang sya sa pinto at mabilis na isinara iyon.

"Ano bang problema mo? Wala naman tayong rehearsal, gusto ko ng umuwi. Hinihintay ako ni Trey" iritado kong sabi sinamaan niya lang ako ng tingin "Kating kati ka bang umalis at makipagdate sa kaibigan ko?" Pagalit niyang tanong.

Bakit parang ako yung may maling ginawa? Bakit parang ako yung gumago sakaniya? Bakit parang ako yung lumalabas na lumalandi sa iba? Bakit ako yung nasisisi?

"Hindi kami nagdedate?"

"Ano nagbabahay bahayan?"

"Bakit kelangan kong magpaliwanag sayo? Hindi ko hiningi yung paliwanag mo nung nakita kita na may kasamang iba't ibang babae. Wala naman akong karapatang humingi non! Nilunok ko lahat Zero, sarili ko sinisisi ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Dahil sayo. Tangina. Nilunok ko yung sakit na makita kang may kahalikang iba, tapos eto binabaliktad mo yung takbo ng storya? Ako? Ako ang nakikipagbahay bahayan? Ako ang nakikipagdate? Hindi ikaw ang biktima ng panloloko dito, ikaw yung nangloko, ako yung naloko."

Puno ng galit kong sabi. Hindi ko gustong aminin na nasasaktan ako sa ganitong paraan. Ayoko naman talaga umamin na nasasaktan na ako.

"Niloloko ko rin ang sarili ko, Penelope. I dated, I kissed, I fucked girls to forget you."

Nangatog ang katawan ko ng marinig iyon. Gusto kong magsalita pero parang hindi ko alam kung paano ako magsasalita! He fucked girls to forget me? Bakit? Para saan? Bakit niya ipinapamukha na marami siyang babae? Anong connect ng "I fuck girls" sa paglimot niya sakin? Bakit kelangan niya akong kalimutan? Nagmomove on din siya sakin ganon? Ay the feeling is mutual.

"Every time I kiss them, I taste your mouth. And when I try to close my eyes, all I can see is you. And I wonder, Does your lips still remember mine?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng haplusin niya ang mukha ko, isa isang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko iyon makakalimutan. Ang mga labing iyon.

"You're my drug, Penelope" napayuko ako at humikbi.

Tinignan ko ang mga mata niya, ang mga mata niyang punong puno ng sinseridad at sakit.

Gusto ko siyang angkinin pero parang hindi dapat. Parang hindi pa tama. Kasi ang sakit sakit parin.

"But being addictive didn't make you stay" nanghihina kong sabi. Hinalikan ko ang noo niya at lumabas sa kwartong iyon.

Damn it. I want him. And the fact that I can't have him makes me want him even more, and it's driving me insane. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nakuha ko pa siyang halikan, good bye kiss I guess? Ayoko mag goodbye, ayoko pa matapos. Gusto ko lang muna magpahinga. Tama si Jairus, hindi ako tumigil na umasa. Ilang beses ko na bang pinakiusapan ang sarili ko na tama na? Pero wala namang nangyare, mas lumalim lang yung pagmamahal ko sakaniya.

"Bukas na ang school fair hindi parin nagpapakita si Zac" bulong ng Rina na isang officer ng club.

Isang linggo na siyang hindi pumapasok kapag tinatanong sila Trey they'll just shrug their shoulders. Simula nung nangyare samin dito hindi ko na siya nakita. Pinatay ko ang cellphone ko at hindi ko alam kung may texts o tawag ba siya.

Should I blame myself then?

"Rae, paano na yung duet niyo niyan?"

"Dadating siya." Sabi ni Jairus. Tumingin ako sakaniya at ngumiti lang siya sa akin.

"Tara?" Tanong niya kumunot ang noo ko but he chuckled and pulled me out of the room. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "Gusto mo ba siyang makita?" Hindi ko alam pero tumango ako. Miss ko siya at alam ko sa sarili ko iyon.

Dinala niya ako sa likod ng isang classroom, may isang parang waiting shed doon. Ngayon ko lang ito nakita. I saw Zero standing and leaning to the wall, nakahalukipkip siya at nakatingin sa malayo.

Lumapit si Jairus sakaniya at tinapik ang balikat niya, nagfist bump sila bago umalis si Jai.

Kaming dalawa nalang ang nandito. Gusto kong umalis pero gusto ko ring manatili.

May kinuha siya sa bulsa at isang tube iyon. Imbis na hahakbang ako paalis, humakbang ako papalapit sakaniya, Kinuha ko iyon bago niya pa masindihan.

"Easy there boo. That was fast." Aniya, nanindig ang balahibo ko ng tawagin niya akong boo, namiss ko iyon kahit alam kong maaaring lahat ng babae niya ay iyon ang tawag niya. Parang pakiramdam ko pangalan ko iyon.

"Give me that" aniya pero initsa ko iyon sa kabilang bakod, hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para gawin iyon. Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, I missed him.

He smirked.

And he claimed my lips.

Namungay ang mga mata niya at pumikit, pumikit rin ako and I returned the fervor.

"Ayoko masyadong maging adik sa kung ano, pero gustong gusto kong maadik sayo. I didn't left you, Penelope. I am too addicted to leave." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang hindi ko namalayang tumakas sa mata ko.

"Itinaas mo ako Zero. Sobrang taas. Hanggang sa maramdaman ko nalang na mag-isa nalang pala ako sa ere." Naluluha kong sabi, pinagdikit niya ang mga noo namin saka niya hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Listen. Trey wants you too and he's a brother to me, sometimes love is selfless. Hindi ako makasariling tao, Penelope. Pero ang makita siyang hawak ang kamay mo ang nag uudyok sakin para maging makasarili nalang."

"I can't stand seeing you with him. I want you mine... And mine alone" and he crushed his lips into mine.

"Penelope, mahal kita. Mahal na mahal. Wala na akong pakealam kung parang kapatid ko na ang babanggain ko, fuck bro code, fuck him. Ikaw ang kukumpleto sa pagkatao ko"

"Do you.. Do you love me too?" He whispered, he closed his eyes while waiting for my answer para siyang batang takot sa isasagot ko. Ilang beses akong lumunok bago ako sumagot "Sobra" maikli kong sagot, para sa akin ay sapat na iyon para sa katanungan niya. He kissed my forehead while smiling at me.

He hugged me tightly. I burried my face to his chest. I'm coming home...

Chương trướcChương sau