Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

11. Home visit

Lunes na ngayon at papasok ako, okay na ako simula kagabi. Okay na ako kasi pinipilit kong maging okay. Tahimik lang ako buong maghapon, ni hindi ko na tinapunan ng pansin si Zero, kahit nasa isip ko siya buong maghapon. Dismissal na kaya pumunta ako sa music room. Kumuha ako ng mga lyrics dahil araw araw ay kailangan namin magperform ng isang beses bilang practice na rin.

Lumapit ako sa piano at humingang malalim, inayos ko ang mic at umupo.

Lately I've been thinking about what I can do

I've been stressing to fall back inlove with you

I'm so sorry that I couldn't follow through

But I can't go on this way, I've got to stop it babe

You've been wonderful in all that you can be

But it hurts when you say that you understand me

So Believe me. I, I am sorry, I, I am sorry. I, I

Pumikit ako at dinama ang kanta. Dinama ang sakit. I need to let go of all the butterflies. Para wala na akong maramdaman kapag pinapamukha nya sakin na pinapaasa nya lang ako. Sometimes we create our own heartbreaks through expectations. Umasa ka eh, kasi pinakitaan ka ng motibo.

I wanted you to be there when I fall

I wanted you to see me through it all

I wanted you to be the one I loved

I wanted you, I wanted you

I wanted you Zero, but I'm not the one you wanted. I will never be.

I wanted you to hold me in my sleep

I wanted you to show me what I need

I wanted you to know just how down deep

I wanted you, I wanted you

Ramdam ko nanaman ang pares ng mata na nakatingin, dahan dahan akong dumilat at nakita sya. Tinapos ko ang kanta at tumayo. Ayoko na siyang tignan, may kasama siyang babae. Umupo ako sa isang monobloc at tuluyan na silang pumasok. Hindi ko alam kung aalis ba ako o dito lang, naramdaman ko ang pagtapik sakin ni Jairus, tumango rin sakin si Dark at Arki. Kumuha ako ng gitara at tumugtog ng kung ano ano sa gilid. Nang mapagod ay pinili ko muna magmasid. Nakita ko kung paano akbayan ni Zero ang kasama nyang babae, nanlamig ako ng halikan ng babae ang labi niya.

He smiled at her after that, seeing him that happy broke me somehow. Yumuko ako sa upuan para itago ang lungkot sa mga mata ko. I heard someone cursed beside me, tumingala ako at nakitang si Jairus iyon.

"Tara!"sabay hila sakin patayo, nagpahila nalang ako sakanya. Dinala nya ako sa puno ng mangga na may mga benches, mga ilang metro ang layo sa music room.

"Cry."he said, nakakunot noo akong tumingin sakanya. "Bakit?" I asked umupo ako sa isa sa benches, medyo nag squat sya para lumebel sa akin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla nyang pitikin ang noo ko.

"When there is love, there is pain. Sasabihin mo sakin ngayon na wala kang pakealam sa nakita mo kanina" aniya, alam kong iyong paghalik ng babae kay Zero ang tinutukoy nya. "Wala ako sa posisyon para masaktan" maikli kong sagot at yumuko.

Hinawakan nya ang baba ko at inangat iyon nagtama ang mga mata namin, nang mga sandali na iyon ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

"Meron, may gusto ka sakanya. Nasaktan ka sa nakita mo. Your eyes wont lie, lalo na ang puso. Go on deny it, pero hangga't dinedeny mo mas lalong sasakit. Iiyak mo, huminga ka ng malalim, yakapin mo ako o si Dark, si Ethan, Si Arki, Si Nathan o si Trey kasama mo kaming tatanggap ng sakit . Wala akong pake kung kanina pa sinasaksak ng matatalim na mata ni Zac ang likod ko, hell I care, ikaw ang babae sa barkada kargo ka namin pag nasaktan ka" litanya nya, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya at isiksik ang mukha ko sa balikat nya. I'm thankful that he's here to comfort me.

"Ssh. Magiging okay din ang lahat." Ilang minuto rin siguro kaming ganon, kinuha nya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha ko. Hiyang hiya ako batid ko ay mukha akong basahan , pero sobrang nagpapasalamat ako sakanya. "Okay now?" Tanong nya, tumango ako at nagpasalamat muli. Ginulo nya ang buhok ko at tumatawang hinila ako pabalik.

Tinanguan nya ang kabarkada maliban kay Zero na nasa likod namin, ramdam ko ang talim ng titig niya dahil tumaas ang balahibo ng batok ko. Galit sya? Bakit? Hinila ako ni Trey sa tabi niya "Okay ka na ba?" Aniya, tumango ako at tinapik nya si Jairus at nagpasalamat.

Pinaupo ako ni Jairus sa gilid, umakyat sya sa stage at kumuha ng gitara. Pumusisyon sila sa stage at nagready para magperform. Ngumiti pa siya sakin at tumango. Nagumpisa silang tugtugin ang kantang Wipe your Eyes by Maroon 5 (play here)

I'm afraid that I gotta do what I gotta do

But if I let you go, where you gonna go?

We gotta make a change, time to turn the page

Something isn't right, I don't wanna fight you

We've been through tougher times, you know it gets worse

We can turn this around please let me be first

And as I feel your tears spilling on my shirt

Something isn't right I don't wanna fight you

Hey you, come over and let me embrace you

I know that I'm causing you pain too

But remember if you need to cry

I'm here to wipe your eyes

Tonight before you fall asleep

I run my thumb across your cheek (across your cheek)

Cry 'cause I'm here to wipe your eyes

I know I made you feel this way

You gotta breathe, we'll be okay (be okay)

Cry 'cause I'm here to wipe your eyes

"Rae, papicture nga ng notes mo" sabi ni Dark "Sulatin mo nalang" sagot ko naman sabay abot ng notes ko sakanya "Picture nalang. Maraming puno ang pinuputol para maging papel. " sabi nya saka tumawa, umiling nalang ako at bahagyang tumawa sa sinabi nya puro siya kalokohan. Malapit na exams namin kaya ganiyan, namove din next month ang school fair sa hindi malamang dahilan. Sabi ng iba next month daw makakadalo ang presidente ng university kaya nalipat ng date yung school fair.

"Di daw papasok si fully booked boy, may sakit daw sabi ni Athena R, hindi si Athena S" bungad ni Arki pagpasok nya, isa lang napagtanto ko sa sinabi nyang iyon, nagbibilang lang talaga siya ng babae.

Ilang Penelope rin kaya ang meron sa buhay nya? Dalawa ba kami? O tatlo? Apat? Lima?

Halos mapalundag ako ng tumunog ang cellphone ko, kumunot ang noo ko ng makakita ako ng limang texts galing sa iisang tao, at ngayon tumatawag siya. Anong problema nya?

"Hello? Bakit?" Sabi ko sakanya, I heard him cough and sniffed may sakit nga siya "Penelope." Maikli niyang sabi saka umubo ulit, wala ba siyang kasama sa bahay nila? "Please. Come over." Aniya, nanlamig ako sa kinatatayuan ko, bakit ako pa?

Ilang beses akong umiling kahit alam kong di niya makikita ang di ko pagsangayon sa gusto niyang mangyari pero ng umubo sya na parang walang katapusan ay parang gusto ko na nga siyang puntahan doon.

Wala bang magaalaga sakaniya doon? Kung kelan pinapatay ko na yung nararamdaman ko saka naman may ganito. Um-oo ako at sinabi niyang itetext nya ang address.

"Uhm Trey, ah ano kasi gusto ko dalawin si mama ngayon. Pwede ba?" Ito lang ang palusot na alam kong lulusot, he looked at me with confusion parang ayaw niya pumayag "We still have class. Mamaya nalang ihahatid kita" ngumuso ako "Ngayon na, kaya ko naman magisa eh. Please?" Tumitig siya sakin na parang binabasa kung totoo ang sinasabi ko, pero mga ilang saglit lang ay tumango siya.

Ma, daanan nalang kita mamaya ha? Bulong ko habang naglalakad, tutal siya naman ang dinahilan ko dadalawin ko nalang din siya. Sumakay ako ng taxi at binigay ang address na tinext ni Zero sakin. Nang nasa harap na ako sa bahay nila ay parang nagalangan ako, bakit ako nandito? Hays

Ilang beses akong nagdoorbell at lumabas si Zero para pagbuksan ako ng pinto. "Come in" namula siya ng ilang beses syang umubo. Hinaplos ko ang likod niya "Inom ka ng tubig, please?" Sabi ko. Pumasok kami sa loob at namangha ako doon puro sketches ang nasa pader at iilan doon ay pirmado ni Zero. Magaling pala siyang gumuhit, ang galing!

Kumuha siya ng pitcher sa ref at akmang lalagyan ang baso niya "Hep! Malamig yan eh. Dun nalang" nginuso ko ang water dispenser sa likod niya tinitigan niya muna ako bago gawin iyon. Pansin ko, ang laki ng bahay nila pero bakit parang walang tao?

"Mag isa mo lang dito?" Tanong ko, tinaas nya lang ang kilay nya para um-oo dahil umiinom siya. Hindi ba siya nababagot dito? O may mga babae siyang dinadala dito para samahan siya? Tumabang ang panlasa ko ng maisip ko iyon. Malalagay na ba ako sa listahan ng mga babae na pumunta rito?

Para akong kinukuryente ng maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod ko, ang init niya pati ang hininga nya ay mainit. "Thankyou for coming" he said while hugging me tinapik ko lang ang kamay niya at tumango. "Kumain ka na?" Umiling siya "But I ordered food for us".

"Bakit wala kang kasama dito?" I asked again at humarap sakanya, ang awkward naman kung nakayakap lang siya sakin, I'm trying to kill my feelings for him at ang yakap na iyon ang nagrerevive sa mga pinapatay ko. "Mom and Dad is on a business trip. Ate, is studying abroad" aniya maganda ang ate niya, nakita ko sa family picture nila.

Lumapit siya sakin at tinitigan ang mata ko, I looked away but he cupped my face with his hands and kissed my forehead. Ayan na naman siya, pinaparamdam na naman niya sa akin na may gusto siya sa akin pagkatapos nitong araw na ito siguradong iiwasan na naman niya ako. Hindi ko nalang binigyan ng malisya iyong ginawa niya, hindi ko na rin pinansin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hinila niya ako paakyat sa kwarto niya, ilang beses akong lumunok bago pumasok sa kwartong iyon. Humiga siya sa kama, pagpasok ko palang ay ramdam ko na ang lamig. May sakit siya tapos ganito kalamig?

"Ang lakas ng aircon mo" hinagilap ko ang remote at binabaan ang temperature noon. Inayos ko rin ang kumot at unan niya, nakatitig lang siya sakin habang ginagawa ko iyon pinilit ko nalang na wag pansinin iyon. Nakarinig ako ng doorbell kaya bumaba ako at kinuha ang order niyang pagkain. Nagpasalamat ako at may soup siyang inorder.

"Zero, gising ka muna kain ka" idinilat nya isa isa ang mga mata niya at tinapunan ng pansin ang soup sa may table niya. Nagsimula siyang kumain at kita ko ang pamumuo ng butil butil na pawis sa noo niya. Tumayo ako at lumapit sa closet niya para kumuha ng tshirt. Kinuha ko ang plain white shirt niya at umupong muli sa upuan na kaharap niya. Inabot ko ang t-shirt sakanya.

"Magpalit ka pagkatapos" I said, tumango lang siya at uminom ng tubig. Walang pasabi ay hinubad niya ang suot niyang damit, napatayo ako at napatakip ng mukha sa ginawa nya. Bastos! Narinig ko ang halakhak niya "Pervert!" Sabi ko "No I'm not" sagot niya naman "Open your eyes now, I'm done" dumilat ako at nakita kong nakahiga na siya sa kama niya.

Ibinaba ko ang pinagkainan niya at hinugasan iyon, paano kaya kapag may pumuntang babae niya rito? Si Athena R, alam niyang may sakit siya diba? O galing na iyon rito kaya niya alam? Nanikip ang dibdib ko ng maisip ko iyon pero pinagkibit balikat ko nalang iyon mas okay na yung alam kong sinasali niya ako sa mga babaeng napapunta niya rito para mas madali ko siyang makalimutan. Kung nasasaktan ako, mas madali akong mamotivate para kumalimot. Tanggap ko na.

Umakyat ako ulit at umupo sa swivel chair niya malapit na katabi ng kama niya. "Thankyou" aniya habang nakapikit tumango lang ako. "Wag mong isipin na marami ng babaeng nakapasok sa kwartong ito. Sa bahay oo, pero ikaw palang nakapasok ng kwarto ko" he stated while looking at me, bakit niya kailangan sabihin iyon? Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko!

"Wala naman akong iniisip na- "You do. I can see it in your eyes. Kung wala lang akong sakit ay nakatayo na ako sa harap mo ngayon para humakbang papalapit" pagpapaalala niya sa One Lie One Step closer na usapan naming dalawa! He tapped his bed, umupo ako roon.

Hinila niya ako kaya napayakap ako sa kanya, naramdaman kong hinigpitan niya ang yakap niya sakin "This is heaven" maikli niyang sabi "Can you sleep here?"mabilis akong umiling at umayos ng upo "Hahanapin ako ni Trey" sabi ko agad siyang napanguso at tumango, mali yata ang sinabi ko.

"I want to be selfish, but damn it!" Aniya, hindi ko iyon naintindihan kaya tumahimik lang ako. Tumagilid siya ng higa. Tinapik niyang muli ang kama niya na parang sinasabi na humiga ako doon, nagdalawang isip ako kung susunod ba ako "I want to be selfish right now, Penelope. Please?" Tumingin siya sakin ng may pagsusumamo, nanlambot ako at parang gusto ko siyang yakapin.

Humiga ako sa tabi niya, tumitig lang siya sakin habang inaayos ang higa ko. Ngumiti siya kaya napangiti nalang din ako. Inayos niya ng ulo ko at inunan iyon sa braso niya. This feels so right, pakiramdam ko ay dito ako dapat, na walang mananakit sakin kapag ganito ako kalapit sakanya. Nagsimula nanamang naghurumentado ang sistema ko.

"All I need is you right here, you this close to me. I missed you Penelope" sabi niya habang nakatitig sa mata ko, pakiramdam ko ay bumalik lahat ng nararamdaman ko para sakanya na pinipilit kong patayin. My feelings did a somersault. Hinalikan nya ang pisngi ko at pumikit, mas hinigpitan nya ang yakap niya sa akin "We'll sleep now boo." tuluyan ng nanahimik para matulog. Pumikit narin ako at siniksik ang mukha ko sa dibdib nya.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, wala si Zero sa tabi ko. Nasan iyon? Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Zero

0_ZERO:

Stay there, the boys are here. Trey's looking for you. Please stay there, boo

Nanlamig ako ng mabasa ko iyon. Umupo ako sa kama niya at niyakap ang unan niya, ang bango sobrang bango, iginala ko ang paningin ko sa kwarto niya wala man lang ni isang picture frame na nakadisplay. Puro paintings at sketches lang. White with a touch of matte black ang kulay ng kwarto, napakamasculine, malinis.

Bumukas ang pinto at niluwa noon si Zero, dumiretso ito sakin at hinalikan ang ulo ko, para nanaman akong kinukuryente sa kilig! "Hahatid kita pauwi" he offered, umiling ako "Dadalawin ko pa si Mama" "Sasama ako. Mamaya mapahamak ka pa sa labas" aniya habang kumukuha ng cap sa closet niya.

"Zero, may sakit ka" I stated but he cut me off "Okay na ako nung dumating ka pa lang, mas umokay ako nung nakapagpahinga ako sa tabi mo. Don't worry about me too much boo, iniisip ko tuloy crush mo talaga ako" aniya, batid ko ang pamumula kaya binato ko siya ng unan "Joke lang, alam ko naman talaga eh" saka siya humalakhak. "You wish!" Sigaw ko sumeryoso ang mukha niya habang yakap ang unan, pinaglalaruan ako ng isang ito at ineenjoy nya ang mga reaksyon ko!

"Well, I wish you want me the way that I want you" pakiramdam ko ay nasa pinakatuktok ako mundo at pasway sway doon. Malapit na akong tumambling sa mars dahil sa nararamdaman ko. Inabutan nya ako ng cap "Anuhin ko to?" Sabaw kong tanong "Sayo na iyan. Wear it" may nakaburdang Zac Erwan sa side nito. Akin na talaga to? Ang ganda.

"Akin na talaga ito?" Tanong ko "Yup. Halika na bibili pa tayo ng flowers para kay Mama" natatawa niyang sinabi tinampal ko ang braso niya, tigilan niya na pagjojoke niya please. Hustisya naman, I'm trying to move on here! At pakiramdam ko ay di ako magtatagumpay kung ganito sya.

But I'm lowkey hoping that he'll stay the same tomorrow, baka bukas kapag okay na talaga siya hindi nanaman niya ako papansinin. Parang kinukurot ang puro ko ng maisip ko iyon. Nagdrive siya papunta sa pinakamalapit na flowershop at bumili ng bulaklak, nakakahiya dahil siya pa ang nagbayad para doon. Itinuro ko sakanya ang daan papunta sa sementeryo kung saan nakalibing si mama.

Chương trướcChương sau