Chapter 26
FOUR MONTHS LATER.
"Inay, manganganak na yata ako sumasakit na ang tiyan ko!"daing ni Lyn.
"Aba teka anak, dadalhin ka muna namin ng Itay mo sa hospital. Kanor, bilisan mo kumuha ka ng masakyan natin manganganak si Lyn!" sigaw nito.
"Oo, sandali. Anak, pigilan mo munang lumabas ang baby mo ha," natarantang wika ng ama.
Paglabas ni Mang Kanor tamang dumaan si Roy.
"Oh, Mang Kanor, saan po ang punta mo at nagmamadali ka?"
"Roy, kukuha ako ng masakyan dahil manganganak na si Lyn."
"Ganon po ba, sige ho sumakay ka na sa akin at ako na ang maghahatid sa inyo sa bayan."
"Salamat, Roy. Sige sandali at tatawaging ko sila baka lalabas na ang bata."
"Sasama na po ako, Mang Kanor. Baka kailangan mo ang tulong ko."
"Sige-sige tara na sa loob, Roy."
"Kanor, meron ba?"
"Oo, si Roy. Tamang paglabas ko nasa labas siya."
"Mabuti naman kung ganon, hala Kanor, buhatin mo na ang anak mo."
"Alalayan ko na lang hindi ko siya kayang buhatin ano ka ba, Luz."
"Ako na po, Mang Kanor," prisenta ni Roy.
"Sige, Roy."
Kaagad na binuhat ni Roy ang dalaga.
"Anak, kaya mo pa bang pigilan ang sakit?"
"Opo, Inay pero tila lalabas na, eh."
"Pigilan mo ng kunti Lyn, malapit na tayo."
"Pero... ahhh!"i mpit na sigaw ni Lyn.
"Roy, bilisan mo pa!"
"Malapit na po, tayo."
"Ano kaya ang apo natin, Kanor?"
"Aba, siyempre bata ikaw talaga, Luz?"
"Hoy! Kanor, huwag kang pilosopo ha, alam kung bata ang tanong ko babae ba o lalake?"
"Aba ay linawin mo kasi ang sinasabi mo, Luz. Kahit na ano pa ang apo natin ang mahalaga ligtas silang dalawa."
"Inay, Itay, hindi ko na talaga kaya!"
"Narito na tayo!"
Dali-daling bumaba si Roy pagkaparada sa sasakyan niya binuhat si Lyn.
Kaagad naman na may mga dumating na nurse.
Nang nalaman ni Ana na manganganak si Lyn agad siyang nag tungo sa bayan para samahan ang kaibigan.
"Mang kanor, Aling Luz. Kamusta si Lyn, nanganak na ba siya?"
Tama naman na kakalabas lang ng doctor mula sa delivery room.
"Doctor, kamusta po ang anak ko at ang apo ko?"
"Okay na po siya maganda naman ang panganganak niya at malusog po ang apo niyo."
"Salamat naman sa Diyos. Eh, ano po ba ang apo namin, Doc?"
" Lalaki po."
Napangiti ang mag asawa sa nalaman ganon din sina Ana at Roy.
"Sige po hintayin nalang ninyo na mailipat ng kuwarto ang pasyente."
"Salamat po doctor."
"Sige po maiwan ko na kayo."
"Salamat po ulit doc."
"Wala pong ano man."
"Sino kaya ang kamukha ng apo natin Kanor?"
"Aba siyempre ako, Luz."
"Hayan ka naman eh, Kanor."
"Nagsasabi lang ako ng totoo, Luz. Ano ka ba."
"Sabagay eh, guwapo ka naman nong kabataan mo, eh."
"Inamin mo rin kaya ka nga na inlove sa akin, eh."
Pinanglakihan ng mata ni Aling Luz ang asawa.
"Oh, huwag kanang kumontra pa, Luz. Dahil totoo naman di ba?"
"Hmp!" tugong nito.
Napailing at napapangiti sina Ana at Roy sa biruan ng dalawang matanda.
Nang nailipat na sa silid si Lyn agad nilang pinuntahan ito.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Lyn?" tanong agad ni Ana.
"Okay lang, Ana. Nakaraos na ako."
Pumasok ang nurse dala ang baby ni Lyn."Oh, heto na ang baby mo misis."
Pagkakita nila."Wow ang guwapong bata mana sa, Lolo."
"Patingin nga, Kanor."
"Oh, tignan mo, Luz. Nakangiti siya sa akin sabi niya siguro ang nasa isip niya opo Lolo magkamukha nga tayo."
"Ambisyosong matanda!"
Napangiti na lang ang mag kaibigan dahil sa nakikita nilang masaya ang mga ito.
"Ana, Roy. Tignan naman ninyo ang apo ko di ba mana sa Lolo?"
"Wow ang guwapo nga ng inaanak ko kamukha ang ama," walang prenong wika ni Ana.
Kaya napatingin sila sa kanya lalo na si Roy.
"Ana...?" awat ni Lyn dito.
"Oh, totoo naman ah, Lyn. Kahit na baby palang hawig na niya ang ama."
"Sino ang ama niya, Ana?" tanong naman ni Roy dito.
"Roy, tignan mo siya oh. At alam mo kung sino ang Daddy niya."
Kaagad naman tinitigan ni Roy ang baby ng matapos napatingin siya kay Lyn.
"Si Alex ba, Lyn?"
"Oh tignan mo Lyn, tamang-tama ako."
"Ana, naman, eh."
"Hay naku, Lyn. Huwag ka ng magkaila sa kanya no, tutal tanggap naman niya ang anak mo."
Kaya walang magawa si Lyn kundi sabihin ang totoo kay Roy.
"Oo, Roy si Alex nga."
"Paano nanyari 'yon, Lyn. My asawa na siya si at Micah pa?"
"Please, Roy. Huwag ka ng magtanong pa tungol doon dahil sarado na sa akin ang bagay na iyan ayoko ng alalahanin pa."
"Tama!" si Ana.
"Oh, ano ang ipapangalan natin sa anak mo, Lyn?"
"Wala po akong maisip, Itay."
"Mare, Aj, nalang madali pa niyang isulat pag nag-aral na siya."
"Aba maganda, Aj," sigunda naman ng ina ni Lyn.
"Oh, Lyn. Aj, nalang ha."
"Sige kung 'yan ang gusto ninyo kayo ang masusunod."
"Aj, welcome to beautiful world!" si Ana.
Ngiting-ngiti naman si Lyn."Welcome anak ko!" aniya saka hinalikan ang noo ng baby niya.
Mabilis ang pag lipas ng buwan sinubukan ni Lyn na mahalin si Roy. Dahil matiyaga ito sa kanya.
"Ang bilis talaga ng panahon ano mare? Tignan mo ang laki na agad ni Aj, at habang lumalaki siya lalong naging kamukha niya ang ama."
"Oo nga, Ana. Parang kailan lang."
"Lyn wala pa ba kayong balak na magpakasal ni Roy, nakikita naman natin na mahal niya ang anak mo."
"Hindi ko alam, Ana. Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin siya magawang mahalin."
"Kasi, Lyn. Hindi mo pa rin siya nakakalimutan."
"Pinipilit kung kalimutan siya, Ana. Pero narito talaga siya sa puso ko."
"Kung ganon, Lyn. Sabihin mo sa kanya habang maaga pa para hindi siya umasa sa wala."
"Oo, Ana. Sasabihin ko naman sa kanya talaga, eh."
"Oh, hayan papunta siya rito ito na ang pagkakataon mong sabihin sa kanya, Lyn. Doon muna ako sa inaanak ko para makapag usap kayo ng mabuti."
"Oh, Lyn, Ana. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo, ah?"
"Hindi naman, Roy. Sige maiwan ko muna kayo ha."
"Sige Ana."
Nang makalayo na si Ana.
"Lyn, anong balak mo ngayon handa ka na bang mag pakasal sa akin?"
"Roy, sana mantindihan mo ako pinipilit ko naman na mahalin ka nasa iyo naman na ang lahat pero hindi ko talaga kayang turuan ang puso ko na mahalin ka. Hindi ako ang nakalaan para sa iyo, Roy. Alam kung isang araw makikilala mo ang babaeng magmamahal ng lubos sa iyo 'yon karapat-dapat sa pag-ibig mo. Mahirap naman na magpapakasal tayo na ikaw lang ang nagmamahal sa akin, Roy."
Ngumiti si Roy ginagap niya ang palad ni Lyn.
"Hindi kita pipilitin, Lyn. Siguro nga hindi tayo para sa isat-isa, salamat at naging totoo ka sa akin Lyn."
"Ako ang dapat na magpasalamat, Roy. Dahil minahal mo ako. I pray na makikila mo agad ang babaeng nakalaan para sa iyo."
"Sana nga, Lyn."
Ginagap ni Lyn ang kamay ng binata."Roy, sorry talaga ha, pero masaya ako na naging kaibigan kita."
"Ako rin Lyn, kung kailangan mo ng tulong ko narito lang ako ha, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin.”
Niyakap ni Lyn ang binata tanda ng sobrang pasasalamat niya rito.
Nakangiti naman si Ana ng makita niya ito alam niyang okay na ang lahat para sa dalawa.
"Sige, Lyn. Magpapapaalam na ako pakisabi nalang sa magulang mo na umalis na ako."
"Oo, Roy. Salamat ulit."
Isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Roy bago ito umalis.