Chapter 10

KINAUMAGAHAN gaya ng dati madilim palang nasa bahay na nila Lyn si Ana para gisinging sana ito.

"Wow naman Lyn, nagbago kana ha, lagi ka nang nagigising ng maaga.

Tinignan ni Lyn ang kaibigan at pumasok sa isip ang nakita kagabi."Ana, lahat ng tao nagbabago!"

"Sandali nga, Lyn. Bakit tila iba ang timpla mo ngayon ha? Hindi mo siguro napaginipan ang mahal mo ano?"

"Kahit hindi ko siya mapaginipan, Ana. Narito na siya," turo pa ni Lyn sa parteng puso niya.

"Napapansin ko lang iba ang mood mo ngayon at parang iba rin ang tingin mo sa akin may kasalanan ba ako sa iyo, Lyn?"

"Meron ka nga bang kasalanan, Ana?"

"Lyn, ano ba ang gusto mong palabasin?"

"Ana, alam mo kung ano ito."

"Sabihin mo nga sa akin ng deretso, Lyn. H'wag ka ng magpaligoy-ligoy pa!" medyo nakadama ng inis si Ana para kasing may pinunpunto na hindi maganda ang kaibigan.

"Sige, Ana. Bakit ka naglilihim sa akin samantalang ako sinasabi ko naman ang lahat sa iyo wala akong tinatago alam mo lahat."

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong nililihim sa iyo ano ka ba, Lyn."

"Kung wala sige nga tignan mo ako sa mata ko at sabihin mong wala kang nililihim sa akin, Ana."

"Ang mabuti pa, Lyn. Tara ng makarami tayo ngayon hindi 'yan kung ano-ano ang sinasabi mo." bigla siyang kinabahan iba kasi ang kaibigan ngayon may laman ang sinabi nito.

"Kung hindi mo masasagot ang tanong ko sa iyo, Ana. Ikaw nalang muna ang magtitinda ngayon tinatamad ako."

Napatitig si Ana kay Lyn seryoso ang mukha nito hindi naman ganito ang kaibigan.

"Lyn, ano ba ang gusto mong malaman?"

"Iyong totoo, Ana. Lagi mo akong pinapangaralan na hindi ako papatol sa may asawa di ba? Pero bakit ikaw ginawa mo?"

Naging uneasy bigla si Ana sa tinuran ni Lyn.

"A... ano bang sinasabi mo, Lyn?"

"Ana, h'wag kang magkaila pa sa akin nakita ko kayo ng lalaking 'yon na nagtatalik sa batuhan sa ilog."

Lumarawan sa mukha ni Ana ang pagkagulat sa narinig. Pakiramdam niya nawalang siya bigla ng boses.

"Oh, ano magsalita ka, Ana. Di ba sabi natin sa isat-isa walang lihiman bakit ikaw nagawa mo, ha?"

Huminga ng malalim si Ana."Lyn, kasi baka husgahan mo ako!"

"Bakit, Ana. Ganon ba ang pagkakakilala mo sa akin mapanghusga sa kapwa?"

"Sorry, Lyn. Kung hindi ko masabi sa iyo natatakot din kasi ako. At natakot din ako sa iyo na baka mag iba ka sa akin."

"May takot ka sa akin pero sa sarili mo wala, sa magulang mo wala ka rin bang takot ha, Ana?"

"Sorry, Lyn." tumulo ang luha niya.

"Ana, bakit siya pa may nangliligaw naman sa iyo na binata pa."

"Lyn, mahal ko na siya."

"Ano? Paano nangyari 'yon ng dumating siya rito sa atin may asawa na siya."

"Hindi ko alam, Lyn. Basta naramdaman ko nalang 'yon sa kanya kasi siya lagi ang tumutulong sa akin ng wala ka rito noon nag-aaral ka."

"Oo, nandoon na ako pero alam mong may pamilya na siya di ba?"

"Lyn, pinigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko na kaya, nangibabaw pa rin ang sinasabi ng puso ko, dahil habang pinipigilan ko na damdamin ko sa kanya lalo ko siyang minamahal ng sabihin niya sa akin na mahal din niya ako, sabi ko sa akin sarili bakit ko pa pipigilan ang ang nadarama ko para kanya eh, mahal rin niya."

"So, pumayag kang maging kabit niya ng dahil sa mahal mo siya ganon ba, Ana?"

"Lyn, dahil 'yon lang ang alam kung paraan para makasama ko siya."

"Ana, hanggang hindi pa alam ng asawa niya ang tunggol sa inyo hiwalayan mo na siya please lang."

"Hindi ko kaya, Lyn. Mahal na mahal ko siya, kilala mo kung anong pamilya meron ako, Lyn. Sa kanya ko naramdaman ang pagpahalaga, pagmamahal, pag-aaruga na hindi ko nadama sa kanila."

"Pero, Ana. Mali pa rin."

"Alam ko, Lyn. pero siya ang nagbibigay ng lakas sa akin sana maintindihan mo ako kaya ko nasabi sa iyo na pigilan mo ang damdamin na meron ka kay sir Alex. Dahil ayokong matulad ka sa akin na maging kabit."

"Papaano kung hindi ko rin kayang pigilan ang puso ko na mahalin siya, Ana. Katulad mo rin hindi ko siya kayang iwasan?"

"Lyn, kaya mo pang ilayo ang sarili mo sa kanya pinipigilan kita dahil nakikita ko sa mata mo ang kaligayahan ng makita mo siya, may takot akong nadama para sa iyo Lyn, lalo pa't sinasabi mong siya ang lalaki sa panaginip mo."

"Paano ko pipigilan, Ana? Kung sa panaginip ko palang mahal ko na siya, ikaw napatuyan mo sa sarili mo habang pinipigilan mo ang damdamin mo sa kanya lalong gusto nitong umalpas di ba?"

"Kaya nga, Lyn. Habang maaga pa umalis ka muna dito sa atin pumunta ka ng Manila para magtrabaho gamitin mo muna ang iyong pinag-aralan."

"Teka nga bakit sa akin na punta ang usapan ito. At isa pa hindi naman dito titira ang lalaking 'yon ang sabi ni Itay, nagbabakasyon lang silang mag asawa ng ilang linggo o isang buwan tapos babalik na sila sa America, dapat ikaw ang lumayo, Ana, hindi ako."

"Magagawa ko ba iyan, Lyn. Eh, sa akin lang umaasa ang pamilya ko."

"Subukan mo silang iwan ng matauhan sila."

"Hindi ko kaya, Lyn. Pamilya ko sila, eh."

"Ewan ko sa iyo. Bulag ka na nga sa pag-ibig tanga ka pa sa pamilya mo, ano pa ang natira sa iyo wala na, Ana."

"Kahit nakakapagod, masaya na naman ako, Lyn."

"So, papaano ang asawa niya ha, Ana?"

"Lyn, hindi ko naman kukunin ang asawa niya sa kanya ito tama nang mahalin ako ng asawa niya."

"Hmp! Ewan ko sa iyo ano bang klaseng katuwiran ang meron ka. Bahala ka, Ana. Hindi na kita pakikialaman pa, ganon ka rin sa akin ha."

"Lyn, naman!'

"Tseeee!"

"Lyn, galit ka ba sa akin?"

"Hindi naman ako galit sa iyo nagtampo lang kasi naglihim ka sa akin."

"Ngayon alam mo na may tampo ka ba pa?"

"Wala naman akong magagawa, Ana. Buhay mo 'yan kung saan ka masaya siyempre doon ka pero sana maisip mo pa rin na walang patutunguhan ang relasyon ninyo dahil pasakit lang ang kapalit nito pagnalaman ng asawa niya."

"Salamat, Lyn. Ang bait mo talagang kaibigan, sorry ulit ha kung hindi ko sinabi sa iyo."

"Kaya pala minsan ang saya-saya mo dahil nadiligang ka. Sige na tara malapit ng sumikat ang araw."

"Payakap nga muna bago tayo umalis."

"At bakit? Para saan naman ang yakap, ha?"

"Wala naman, I love you my friend!" Saad nito sabay yakap ng mahigpit kay Lyn.

"Anong drama 'yan may pa I love you ka pang nalalaman."

"Naglalambing lang po ako sa iyo dahil kaya mo akong intindihin."

Napangiti si Lyn at niyakap din niya ito."I love you to my friend, sana ako rin intindihin mo pag nagkamali ako, ha?"

"Opo!" kay kagalang na sagot ni Ana.

"Hmp! Tara na nga."

Nakahinga ng maluwag si Ana dahil wala na siyang sekreto pa sa kaibigan.