CHAPTER 5

ITINAKIP niya ang kumot sa katawan ng babae. Nakadampot naman siya ng tuwalya sa isang bahagi ng kama. Itinapi niya iyon sa hubad niyang katawan. Parang nangingiming umupo si Dax sa gilid ng kama at sinuri ang mukha ni Nyebe na tinangka namang iiwas ito sa mga mata niya.

"Birhen ka pa. How come? Kung isa kang bayaran, hindi na dapat na ganyan." Magkahalo ang galit at pag-aalala sa boses ng lalaki.

"Ikaw ang una kong... kostumer." Lumunok muna si Nyebe bago nagsalita. Tinitigang mabuti ni Dax ang mukha ng kausap. Dahil pinanggigilan niya ito ng halik kanina, nabura na halos lahat ng make up nito. Natiyak niyang tunay ang maitim at malago nitong kilay. At kahit wala nang lipstick ang mga labi, nakita niyang likas na mapupula ang mga 'yon. Ang balat nito sa mga pisngi ay halos walang kaibahan sa napakakinis na pisngi ng isang bata. Ni hindi mo makikita ang mga pores. Napalunok sa takot si Dax.

"My God, you're still a kid! Paano ko nagawang galawin ang isang bata?"

Biglang napaupo si Nyebe, daklot ang kumot na nakatakip pa rin sa katawan.

"Seventeen na ako! Bata pa ba iyon? At isang buwan nalang para maging legal ang edad ko. At huwag kang ma-guilty dahil talagang doon ako nagtatrabaho sa karaoke bar, bilang kahera nga lamang! Pero ano ba ang kaibahan ng kahera at GRO doon? Halos wala! Hinihintay lang ako ng aking tiya at tiyo na maging beinte anyos at tiyak na isasabak na nila ako sa kung sinu-sinong lalaki doon! Pero bago nila ako gawing GRO ay tiyak na rereypin muna ako ng walanghiya kong tiyuhin!" wika ni Nyebe.

Lalong natulala si Dax. Nakita niya sa anyo ni Nyebe ang galit at katotohanan ng Ikinumpisal nito. Mabilis na nagsuot ng damit si Dax at pormal nang umupo sa antique chair na malapit sa kama.

"So, nagrerebelde ka? Kaya ikaw ang nagprisintang maging gift girl? Bakit naman pati ako idinamay mo? Hindi na ako matatahimik ngayon. Kahit ano pa ang ikatwiran mo, pakiramdam ko'y may malaking kasalanan akong nagawa sa iyo." Nag-aalalang wika nito.

"Hindi ko naman ito gagawin kung hindi kita gusto. Hindi mo ako kilala, pero kilala na kita tuwing Biyernes at Sabado, parang inaabangan ko ang pagdating mo sa karaoker bar namin." Mahina ang boses na nagpatuloy sa pangungumpisal si Nyebe.

Kumunot ang noo ni Dax.

"Crush lang tawag doon. Natural iyon sa edad mo. Kung hindi ka nagrerebelde hindi mo maiisipang magpaangkin sa lalaking estranghero pa rin sa iyo!"

"Basta wala kang kasalanan," iginiit ni Nyebe.

Hindi sumagot si Dax. Sa halip ay napasuntok ito sa kanyang hita.

"Shit!" galit na wika nito. Narinig ni Nyebe ang pagmumura

"O, sige na nga. Magalit ka na sa akin. Pero t-tapos na naman, e. Wala ka nang magagawa." Gustong balewalain ni Nyebe ang panghahapdi sa pinakasentro ng kanyang pagkatao.

"Look, hindi ako taong walang konsensiya! Nasimulan ko ang mali sa buhay mo! Pagkatapos ngayon, madali na sa iyo ang sumama sa agos ng buhay ng mga GRO sa karaoke bar ninyo! At may hinala ako kung gagahasain ka ng tarantado mong tiyo ay babalewalain mo na lang dahil nga ang tingin mo sa sarili moy marumi na!" Gigil sa galit si Dax.

Tumingin na lamang si Nyebe sa lalaki. Ngumiti, may pait. Na para bang ang ibig niyang sabihin ay.. , so?

Tahimik naman si Dax, nag-iisip. Nang makitang isusuot na ni Nyebe ang mga nahubad na costume kanina ay mabilis na binuksan ni Dax ang nakitang cabinet sa silid.

Hindi na namiling kumuha ng polo at pantalong maong doon.

"O, ako na ang bahalang humingi niyan sa may-ari nito. Kahit maluwang isuot mo. Ang importante, ihahatid kita sa tinitirhan mo na disente ang ayos."

"M-may baon akong damit, nasa plastic sa labas ng room. lbinilin ko sa friend mo".

Sumungaw sa pinto si Dax at hiningi sa mga kasamahan ang plastic bag nagbihis na si Nyebe kaso ay ngayon nagkataong nasira ang kanyang belt.

Mumurahin kasi, bumigay ang hook. Maluwag pa naman ang kanyang pants na hipster style, na posibleng mahubo kung walang belt. Nakita ni Dax ang kanyang pinoproblema. Walang babalang hinugot nito sa sariling pants ang suot na belt. lbinigay iyon sa dalaga. Hindi naman nagdalawang-isip si Nyebe. Mabuti na ang panlalaking belt kaysa naman mahubo ang kanyang pants.

"Maupo ka at mag-usap tayo nang maayos." Pormal na pormal na ang tono ng lalaki. Sa gilid ng kama umupo si Nyebe. Sa antigong upuan naman bumalik si Dax.

"Para sa kapanatagan ng isip ko ay gusto kong lumayo ka na sa pinagtatrabahuhan mo. o kung nakatira ka man doon sa tiyo at tiya mo, umalis ka na rin doon." Matatag ang pagsasalita ni Dax, parang nag-uutos na naman na hindi mababali.