CHAPTER 10
WALANG naging problema sa gown na dinaanan nila. Perpekto ang fitting nito. Isang midnight blue na ethnic Chinese ang design. Bagay na bagay sa kanya ang kulay at kusang lumitaw ang kaakit-akit na hugis ng kanyang katawan. Para naman makita ng kanyang ina, isinukat niyang muli ang gown na suot din ang katernong midnight blue na stilleto shoes. Umiikot siya sa harapan ng matanda na parang namamalikmata naman sa anak.
"Ang ganda mo, Nyebe!"
"Thanks, Mommy. Gusto ko kasi, proud sa akin si Chito. But of course, bagay na bagay rin naman sa inyo ang gown na ipinagawa natin para sa okasyong darating. Nang isukat n'yo kagabi, parang ayaw kong ipahubad sa inyo. Regal na regal kayong tingnan."
"lkaw ang pumili ng gown na iyon. At nagustuhan ko naman." Ngumiti ang kanyang ina, na nakatingala sa ganda ng anak.
"Sa pag-i-imagine ko ng engagement party namin ni Chito ay ganito talaga ang kini-kinita kong isusuot ko, Mommy! Ngayon syempre ay matutupad na! Oh, I'm so happy!"
"Puwede bang magtanong anak?" inosente ang tono ng nanay nito.
"Si Mommy naman, humihingi pa ng permiso. Sige ho, magtanong kayo."
"Mahal na mahal mo ba si Chito?" Hindi nababawasan ang kainosentehan ng expression nito sa mukha.
Natigilan si Nyebe. Hindi niya akalain na matatanong siya nang ganito ng Inay niya. Ngayon lamang ito nag-usisa ng tungkol sa kanyang damdamin.
Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang kanyang mga mata. Hindi niya ngayon natagalan ang tumitig sa ina niya na naghihintay ng sagot.
"Natural naman, mahal ko siya, Mommy. Kaya nga pakakasalan, e."
"Sige. Naniniwala ako. Kasi "yan ang sabi mo. Tumangu-tango pa ang matanda.
"Makakasundo mo naman si Chito, Mommy... hindi ba?" Malambing na wika ni Nyebe habang tumabi kay Aling Koring sa malambot na sopa.
"Oo. Bakit naman kami mag-aaway? Lagi naman niya akong binabati kapag pumupunta siya rito. lyon nga lang. Bihira siyang magkuwento. Nahihiya naman akong magkuwento sa kanya." Parang bata ang pagsasalita ng Inay niya. Na nakasanayan na rin naman niya.
"Ganoon lang naman talaga si Chito, Mommy. Masyado kasing maraming iniintindi sa kanilang kompanya. Kahit siguro dinadalaw niya tayo, naroroon pa rin sa trabaho ang isip niya. Kaya hindi makuwento. Pero mabait naman ho iyon." Ipinagtanggol niya ang nobyo, tumango naman si Aling Koring.
"Basta nga sinabi mo, naniniwala ako."
Ang totoo, nagpapasalamat na rin naman siya na hindi madalas magkuwentuhan si Chito at ang Inay niya. Ang tila masyadong simpleng kaisipan at ang halos parang batang pananalita ay hindi na masyadong napupuna ni Chito dahil nga bihirang-bihira naman silang mag-usap ng matandang babae.
"Alam mo anak, may itatanong nga pala ako sa iyo. Matagal ko nang gustong itanong ito, e. lyon bang sinturon na nakalagay sa magandang box na maingat mong itinatago sa iyong cabinet. Kanino ba iyon? Bakit iniingatan mo nang ganoon. Ang iba mo namang mga sinturon ay nakasampay lamang doon sa mga lalagyan. Parang iba ang sinturon na iyon. Panlalaki yata iyon, e." ani Aling Koring.
Parang may patalim na ang dulo'y sumagi sa puso ni Nyebe.
"Mommy, nakikialam na naman kayo sa cabinet ko."
"Nilinis ko lang naman," pangangatuwiran ng ina.
"Ako na lang ang dapat na maglinis sa cabinet ko. Kung anu-ano naman kasi ang hinahalungkat n'yo roon. e."
"Bakit ayaw mong mapag-usapan ang tungkol sa sinturon na 'yon?" Curious na tanong ng matandang babae, sinipat siyang mabuti.
"Wala naman ho kasing dapat pag-usapan tungkol sa sinturon na 'yon."
Para namang hindi makuha ng matanda ang paliwanag niya.
"Pero nakapagtataka kasi anak, sinturon lamang iyon pero itinatago mo na parang mamahaling alahas."
Inis siyang napabuntunghininga.
"I am entitled to some privacy, Mommy." wika ni Nyebe.
"Ayan ka na naman e. Hindi kita maintindihan. Ang hilig mo talagang mag-ingles. Pareho kayo ni Chito. Kaya nga... Kaya nga parang kinakabahan ako na magpakasal na kayo. Dalawa na kayong ingles nang ingles. Matataranta na ako, kasi dalawa na kayong hindi ko maintindihan." Nanlulumo ang kanyang ina.
Inalo naman niya ito.
"Hayaan ho ninyo Mommy, kapag kayo naman ang kakausapin namin ay magta-tagalog kami." nakangiting wika ni Nyebe.
"O, nawala na sa sinturon ang usapan natin."
Napapikit na naman siya sa inis.
"Mommy, please..." wika ni Nyebe pero hindi parin tumigil si Aling Koring.
"Paano kung makita ni Chito ang sinturong iyon at magtanong siya?"
Napipi na naman si Nyebe.
"Paano nga ba? Magtataka rin kaya si Chito katulad ng mommy niya kung bakit niya iniingatan at itinatago ang isang sinturon?" bulong niya sa sarili.
"Saka, hindi ba may pangalan 'yon? Binasa ko e. Ang nakalagay ay... Dax."
Nanlaki na ang mga mata ni Nyebe.
"Mommy, aba'y para naman pala kayong imbestigador. Sinuri pa ninyong mabuti."
"Bakit, masama ba 'yon? Ang masama ay kung kinuha ko. Ibinalik ko naman sa lalagyan niya, a." Simple na naman ang argumento ng kanyang ina. Naiiling na siya.
"Ang Mommy talaga."
"Sagutin mo ang tanong ko Nyebe. Paano nga kung makita ni Chito ang sinturong iyon na may pangalang Dax?"
Kinagat ni Nyebe ang ibabang labi.
"Hindi naman ho niya kailangang makita."
"ltatago mong mabuti?"
"Ang mommy naman. Siyempre ho,"
"Kapag nakita ni Chito iyon, maaari siyang magtanong, maaari ring hindi. Baka nga hindi. Kasi busy siya palagi, sabi mo. Hindi na siguro siya magkakaroon ng oras na mag-isip pa tungkol sa sinturong iyon."
Tumango na lamang si Nyebe, matamlay.
"Yes. Baka nga hindi na. Mommy. Sana nga kasi, ayaw ko naman talagang pag-usapan ang tungkol sa sinturong iyon."
Nang gabing iyon, ayaw man niya ay dinalaw na naman siya ng alaala ni Dax. Hindi niya magawang itapon ang sinturon na parang ibinigay na rin nito sa kanya. Aywan niya kung bakit. Sinabi niyang inilibing na niya sa limot ang nakaraan pero hindi naman niya magawang itapon ang tanging ala-ala ng estrangherong pinagkalooban niya ng kapurihan. Na pinalitan naman ng limang daang Iibong piso nito. Aywan din kung bakit binuksan niya ang cabinet at inilabas ang kahon na kinalalagyan ng iniingatan niyang sinturon. Maingat niyang inalis ang takip ng magandang kahon. Pabilog ang porma doon ng sinturon. Gawa sa mamahaling balat ng hayop at maganda ang kalidad ng paggawa.
Pero balewala sa kanya ang mga detalyeng ito. Ang gusto lamang niyang salatin ay ang nakaukit na pangalan sa loob ng sinturon. Propesyunal din ang pangalan ng lalaki sa sinturon. Personalized talaga. Dax. Ang lalaking huli niyang nakita nang gabing ipagkaloob niya rito ang lahat-lahat. lba na ang naghatid ng pera kinabukasan, hindi na niya natanaw man lang ang Kotse ni Dax. At bakit pa nga ba kailangan pa nilang muling magharap? Kaya nga binayaran siya lalaki ng malaking halaga ay dahil iyon na ang una at huli nilang ugnayan.
Siguro siyang nilimot na rin siya ni Dax. At ipinagpatuloy nito ang sariling buhay. Sampung taon na ang nagdaan. Imposible nang makilala siya ni Dax kung magkita man silang muli. Ibang-iba na kasi ang personalidad niya ngayon. Tumangkad siya at lalong pumuti. Maikli na ang kanyang dating mahabang buhok, moderno ang gupit. At ang tanda niya ay hindi naman niya sinabi kay Dax ang totoo niyang pangalan. Ni hindi nga ito nakapagtanong noon kung ano ang pangalan niya. Sa mga kaibigan naman ni Dax ay ibang pangalan ang kanyang ibinigay.
Napahinga nang malalim si Nyebe. Ligtas nga siya sa nakaraan. Ang tanging link niya ay itong sinturon. Pero nakatago naman ito. At iingatan niyang hindi talaga ito makita ni Chito.