Chapter 19
Hailey Alissa's Pov
HANGGANG ngayon ay hindi ko parin maibuka ang aking bibig. Natatakot ako. Pakiramdam ko kasi hindi ko kayang sabihin kay Hannah ang totoo.
"Zake raped Hannah ..." natahimik ako sa sinabi nya pero pagkatapos din ng ilang segundo ay playful ko syang hinampas.
"Quit joking. It's not funny" nakangiti ko pang saad habang nakatingin sa seryosong mukha ni Jether .
Kaso ang akala kong seryosong mukha ay mapapalitan ng nagbibiro ay hindi nagkatotoo. Siguro, kahit alam ko na ang katotohanan ay hindi ko parin pinaniniwalaan ito.
Natatakot pa ata akong aminin sa sariling na-raped ang kaibigan ko at kalahati nun ay kasalanan ko.
"Hailey, If I'm just joking i won't be this serious" natigilan naman ako sa pagngiti nung sinabi nya 'yon.
He has a point there.
"Pero paano ..." hindi ko matapos ang sinasabi ko dahil tanging mga luha ko na ang nagtuloy ng mga salita kong sabihin . Pinunasan ko lang ito gamit ang daliri ko.
"I just figured it all out. Someone says that he saw Zake and Hannah drinked. But before that Zake offered Hannah a drink he poured something to the drink. My guess will be , it's a powered drug" mahabang lintaya ni Jether habang nananatili paring seryosong nakatingin sa daan.
Nanatili lang akong tahimik. Pakiramdam ko hindi ko kayang i-absord lahat ng information .
"Rape drug. It's a kind of drug that will cause you to passed out. Men use this kind of drug to rape those poor girl that don't want to be with them. Unfortunately , Hannah is one of those poor girls." naging malungkot ang boses nya.
"Babygirl ko, bakit parang ang tahimik mo ? Isang linggo na ang lumipas ganyan ka parin , may nangyari ba?" napalingon naman ako dito sa kalapit ko. Isang linggo na rin kasi ang lumipas simula nangyari ang insidenteng 'yon at hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasalita.
Umiling lang ako kay Jether bilang tugon. Nandito kami sa school at lunch time ngayon pero parang hindi ko kayang kumain dahil pakiramdam ko iluluwa ko lang din ang kakainin ko.
Isang linggo ko ng tinatago kay Hannah ang lahat. Isang linggo na akong nakukunsensya. Nung linggo lang , ang tagal kong nakaluhod. Sabi ko kay Lord, hindi ko masabi kay Hannah ang nalalaman ko. Natatakot ako para sa kanya. Kaya nanghingi ako ng lakas ng loob sa Lord para masabi ko kay Hannah ang lahat ng nalalaman ko.
"Kung iniisip mo parin ung tungkol nung isang linggo at ung kay Hannah, don't worry sinabi ko na sa kanya ang lahat" bigla akong natigilan sa aking pag nguya. Napatitig lang ako kay Jether, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Matutuwa o maiinis.
"Look, Alissa, you cannot keep this things to her. She needs to know everything." napatungo naman ako sa sinabi nya. Maybe he's right. Hannah needs to know everything. At ang ginawa ko ay tinago ko ang lahat .
"Sorry" nakatungo kong saad. Naluluha na rin ako. Isang linggo . Isang linggo kong tinago sa kanya ang lahat. It's all my fault.
"It's okay." at pagkatapos ay naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Jether kaya mas lalo akong naluha.
Hannah, I'm sorry.
Hannah Mikaella's Pov
Isang linggo. Isang linggo na ang lumipas. Hindi naging madali ang isang linggong lumipas para sakin. Simula palang nung araw na nakauwi ako. Nung nakita ko ang nag-aalalang mga mukha ni Papa at Mama ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naluha.
Marahil ay nabigla sila sa naging reaksyon ko at pinuntahan nila ako at niyakap ng mahigpit.
Kahit masakit para sakin ay sinabi ko sa kanila ang totoo. Kung bakit anong oras na ako nakauwi at kung bakit hindi ko damit ang suot suot ko.
Sinabi ko sa kanila na ni-raped ako. Akala ko sasampalin ako ni Papa hanggang sa mamula at madugo itong mukha ko at sasabihin sakin ni Mama na isa akong kahihiyaan at hindi na nila ako anak pero mukhang isang pagkakamali ang inisip ko dahil ang naging reaksyon nila ay niyakap nila ako ng mahigpit at sinabing 'Huwag akong malungkot' . 'May rason ang Panginoon kung bakit nangyari sakin 'to' Naiiyak ako . Napabuti ng Panginoon para bigyan ako ng ganitong kabait na mga magulang.
Tinanggap nila ako kahit nabahiran na ako ng karumihan. Tinuring parin nila akong anak despite sa lahat ng nangyari . Mahal parin nila ako. Sabagay , parang si God lang. Ganun sya magmahal . Unlimited. Unmeasure. Never ending.
"Mama, sorry po talaga" patuloy na pag iyak ko. Pero niyakap lang ako ni Mama ng mahigpit at pagkatapos ay sinabing ...
"Okay lang yan . Atleast , hindi ka nya pinatay. At kung magbubunga man yang paglalapastangan nya sayo ..." naluluhang saad ni Mama . Nakita ko rin naluluha na si Papa .
"... Tatanggapin namin ng Papa mo ng buong buo ang bata. Lalaki syang may takot sa Panginoon. Magiging christian sya. Magiging mabuti syang bata" napangiti ako sa sinabi ni Mama. Kaya niyakap ko rin sya ng mahigpit .
"I love you Mama at Papa"
"Mahal ka rin ni Mama at Papa, anak"
Sa isang linggong lumipas , hindi parin mawawala sakin ang pagiging tulala. Alam kong bago ako mawalan ng malay ay kasama ko si Zake pero parang hindi ko magawang sisisihin sya, it's more like ang dapat kong sisihin ay ang sarili ko dahil kung hindi ako pumayag ay hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon.
"Hannah, tara lunch tayo" napalingon naman ako dito sa kalapit ko. Alam ko sa sarili kong alam ko ang pangalan nya pero hindi ko maalala.
"No. Sige kayo na lang" at naghalf smile ako. Umalis naman sya kasama ang iba naming kaklase at naiwan akong mag-isa dito sa loob ng room.
And for the nth time, napatulala na lang ako.
Lance Damian's Pov
"Paano na lang kung mabuntis mo si Hannah?' nagtatangis na bagang kong tanong kay Zake habang kinukwelyuhan ko sya. Nakikita ko na rin ang takot sa kanyang mga mata pero hindi nya 'yon pinapahalata sakin.
"Edi mabuti. Nagbunga ang kalandian nya" at tumatawang aso nya pang saad . Sobra nyang inaapakan ang babaeng mahal na mahal ko kaya sinikmuraan ko sya.
Napadura sya ng dugo . Napangisi naman ako. Ito ang unang beses na lalabanan ko sya. Nuon natatakot ako pero nung narealize kong binastos nya ang mahal ko ay kailangan ko ng lumaban.
"Kapag nalaman nila Dad ang ginagawa mo ..." pagbabanta nya sakin. Kahit bugbog sarado na 'to ay may lakas pa sya ng loob na manakot.
"Anong gagawin mo? Iiyak ka? Pagtatawanan mo ako o ipapatapon mo rin ako sa paris kagaya nung nangyari sayo. Makinig ka Zake, narealize kong kahit pinilit kong mapadala ka ng paris ay may kasalanan ko parin . Hindi mo man lang sila pinigilan. Mas pinili mong isisi sakin ang lahat" at muli ko syang sinuntok sa mukha at pagkatapos ay tinanggal ko na ang pagkakakapit sa kwelyo nya dahilan para basta na lang syang bumagsak.
"Sinasabi ko sayo. Kung mabuntis mo si Hannah. Panagutan mo dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari sayo" huli kong banta bago ko sya tuluyang iwan.