Kabanata 4

Tinuro ko ang malaking gusaling lagi kong ginagaya sa mga drawings ko, wala eh maganda ang pagkakagawa at detailed din, halatang mamahaling materials ang ginamit kaya subrang tibay ng gusali.

"Nakikita mo ang building na 'yan? Balang araw design ko naman ang gagawin nila, gusali ko ang magiging pinakamatibay na gusali sa buong mundo at tatayo ako sa gusaling dati pinapangarap ko lang," buong puso kong pag mamayabang kay Code.

"I didn't ask."

Gusto kong sampalin siya hanggang sa maging flat surface ang mukha niya dahil sa sinagot nito, bilang lang ang mga taong alam ang gusto kong gawin sa future at kahit ang mga kapatid ko hindi alam na gusto kong may arkitekto.

"Pag ako naging architect at maging sikat sa whole universe kahit ilang milyon ang ibayad mo sa'kin never kong ide'design yang bahay mo!"

Sinisira niya naman ang magandang mood ko eh, okay na sana kung hindi siya sumagot o hindi nalang ako pinansin hindi yung sumagot nga siya walang kwenta naman.

"As if i'll ask you to design my house."

"Aba't! Hoy! Kahit barong-barong o kawayan na bahay mahal na ang bayad non kaya wag mo kong ma 'as if' 'as if' diyan dahil balang araw kakatok ka sa mansion ko at mag mamakaawang gawan ka ng makataong bahay!"

Hindi niya ko pinansin at pinag patuloy niya lang ang paglalakad, kung hindi lang sana ako nag inarte at sumakay nalang ng bus edi sana hindi ko makakasabay sa paglalakad ang hinayupak na 'to.

Para ngang hindi kami magkasabay dahil mahahaba ang lakad na ginagawa niya dahil sa haba ng kanyang mga paa. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko at nag tatanong kung bakit hanggang five-two lang ang height ko eh matatangkad naman ang mga kapatid ko.

"Ilan heigh mo?" tanong ko kay Code.

"Six."

Natigilan naman ako dahil sa sagot niya, hindi niya pa sinabi yung exact height niya pero alam ko na agad na lampas six iyon dahil nakikita ko naman. Gusto ko nalang umiyak dahil sa laki ng agwat namin, kaya pala ang bilis niyang maglakad at hinihingal naman ako kakalakad ng mabulis, kulang nalang tumakbo ako para maabutan siya.

'Bakit ko nga ba siya hinahabol? Bakit ako tumatakbo para makasabay siya?'

May sapak na ba 'ko sa utak kaya pati sariling isip ko kinakausap ko narin? Kailangan ko na bang kumuha ng appointment sa kapatid kong tumitingin sa behavior ng tao?

"Bakit gusto mong mag Architect?" tanong niya.

Nakangiti akong lumingon at inisip kung bakit nga ba gusto ko mag arkitekto, basta ang alam ko lang subra kong tinitingala ang mga taong nag de'design ng mga building. Kung gaano sila ka-creative.

"Pangarap ko yun at magkaiba ang pangarap sa gusto lang," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "What's the difference?"

"Yung gusto, parang gusto mo lang ng ganon at hindi ka masiyadong nag lalaan ng effort dahil gusto mo lang naman. While yung pangarap, kailangan mong magsikap at maglaan ng panahon para siguraduhin mo kung tama ba ang pinapangarap mo, kung makakaya mo ba 'to at kung sure kana don ka mag lalaan ng oras, panahon, pawis, efforts at dugo para makamit mo yung pinapangarap mo."

"Anong gagawin mo kung lahat ng tao disagree sa pangarap mo? I mean, what are you going to do if they will judge your dream and disown you?"

Natawa naman ako dahil sa tanong niya. "Honestly hindi ko alam, supportive ang mga kapatid ko kaya kahit hindi ko pa sinasabi sa kanila suportado na agad ako. Pero kung dadating man ang oras na ma-disappoint sila sa pangarap na pinaghirapan ko, edi okay lang. Tatayo ako sa sarili kong mga paa at ipapakita sa kanila na kahit mali sa paningin nila ang desisyon ko, kaya kong pangatawanan yun at makakaya kong bumangon."

Ang sarap sa pakiramdam na may taong nakikinig sa mga pangarap mo sa buhay, may taong interesado sa gusto mong pangarapin. Hindi naman kami subrang close ng mga kapatid ko dahil ang ilan sa kanila may mga asawa o busy sa work.

"Ikaw? Bakit ka nag HUMS--"

Hinayupak, mukhang nasayang lang ang pag-dra-drama ko kanina dahil nakasuot pala ng headset ang hinayupak. Wala na talagang matinong gagawin ang lalaking 'to, nakakainis.

"Bahala ka sa buhay mo!"

Binangga ko ang braso niya at tumakbo para takpan ang hiya. Nakakahiyang ang daldal ko kanina at nag-expect pa kong nakikinig siya tapos hindi naman pala.

"Magkatigyawat ka sanang hinayupak ka!" muli kong sigaw.

Dahil sa lakad-takbong ginawa hindi ko namalayan na isang liko nalang bahay na pala namin. Hinihingal kong kinuha ang susi sa bag at binuksan ang pintuan ng bahay, for sure wala na namang tao dito dahil si Kuya may trabaho at si Ate naman pumupunta lang para linisin ang bahay o maglabada tapos uuwi na sa pamilya niya.

Good thing may goya pa 'kong hindi kinakain sa bag at iyon nalang ang i-offer ko sa picture nila Mama. I forgot kasing bumili ng prutas dahil sa kagagawan ni Code.

"Hello po Mama, hello din po Papa! Maaga akong umuwi ngayon kasi wala kaming pasok sa last subject namin, may goya po pala akong dala para sa inyo."

Pinahiran ko ang kakaunting alikabok sa picture nila bago inayos ang pagkakatayo nito. "Wag mo kong pagalitan Papa ha? Alam kong hindi ka mahilig sa sweets pero favorite naman yan ni Mama eh, love mo si Mama diba? Kaya share nalang po kayo niyan diyan sa heaven."

Pumasok ako sa kwarto at naglinis ng katawan  masiyadong maalikabok ang daan kanina dahil hindi naman umulan kaya kailangan ko talagang maglinis bago bumaba para mag handa ng makakain.

"Hi Moshie!" karga ko sa alagang pusa.

"Meow.."

Niyakap ko ito at ninamnam ang kiliting nararamdaman dahil sa balahibo niya. Si Moshie ang first pet ko na regalo sa'kin ni Kuya nong unang sahod niya bilang taga alaga ng baliw. Iniisip ko nga na baka malalaman ko nalang si Kuya na pala ang inaalagaan nila don at bibisita nalang ako para dalhan siya ng pagkain.

"Stay here Moshie mag hahanda lang ako ng kakainin namin mamaya okay?"

Hindi ako pinansin ng pusa kaya hindi ko nalang ito kinulit pa, masiyado na 'kong nagugutom para makipagalitan pa sa pusang wala namang alam.

Kinuha ko ang phone sa bulsa at cheneck kung may chat ba sa'kin ang dalawang bruha at wala naman. May group chat narin na ginawa si Angel gamit ang HTTAM, sinali nila si Cold at iba pang pet nila.

Chinarge ko lang ang mobile phone ko at laptop ang ginamit, ilang minuto lang din ang inalay ko para sa online game dahil pinakain ko lang naman si Cold pagkatapos non ay nagsimula na kong magluto para kumain.