Chapter 39
SERENA's POV
"I love you." Nakayakap siya sa akin habang sinasabi ang tatlong salitang iyon. Kay tagal kong hinintay na marinig ang mga salitang iyon ngunit imbes na mangisay sa saya ay pakiramdam ko ay sinampal niya ako ng paulit-ulit.
How could she let this guy do this to her? How could she be so cheap? Once again, Devon won against her body. Her body that desired Devon so much, her heart that still loves him even though he gave her unbearable pain.
"Y-you.. How could you?" Ayokong makita niya ang sakit sa mata ko. Ayokong marinig niya sa boses ko ang sakit sa ginawa niya. Siguro naiisip na niya na makukuha na naman niya ako dahil binigay ko na naman ang satili ko sa kanya. Nadala na naman ako sa katangahan ko.
Ang tanga mo Serena, nakuha ka na niya noon hanggang ngayon binigay mo na naman.
"Serena.." Shock was written all over his face na parang hindi niya alam kung ano ang ginawa niya. Gusto kong matawa ng pagak dahil unti-unti niyang nakikita ang pagkalito sa mukha niya.
"You really like to make me a fool out of myself." Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako pero agad akong lumayo sa kanya. Umiling-iling ako kay Renzo.
"Hindi iyan totoo." Mahina niyang sabi habang titig na titig. Now she can see the pain in his face like he was hurt by what she told him just now. Hurt? Pain? Guni-guni ko lang siguro ang nakita ko sa mukha niya dahil wala sa bokabularyo niya ang mga salitang iyon. Dahil kahit kailan ay hindi ko nakitang nasaktan si Renzo.
"No! Don't you even dare touch me. Napakatanga ko nga naman talaga." Kinuha ko sa sahig ang heels ko at mabilis na lumabas ng suite nito. She don't care if she looks like she was raped as long as makalayo ako rito. Binalibag ko ang pintuan ng suite niya na kulang lang ay masira iyon sa sobrang lakas.
Nakita niyang nakatitig sa kanya ang elevator boy at ang iilang nakasakay sa elevator sa kanya ng pumasok siya sa elevator. Siguro iniisip ng mga ito na nawawala na siya sa huwesyo. Patuloy kasi siya sa pag-iyak at siguro gulo-gulo ang buhok niya. Hindi niya pa alam kung tama ang pagkakakabit ng damit niya. Hawak-hawak niya pa ang heels niya.
She really is pathetic. Buong akala ko mababago ko ang sarili and that I can resist the charm of Renzo. Pero hindi pa rin pala, kasi traydor ako sa sarili ko.
"Maam---"
"25th floor." Hindi ko na pinatapos ang sinabi ng elevator boy at sinabi ko na agad ang floor ko. Gusto ko na bumalik sa suite ko at magkulong na lang doon.
"Maam are you ok? Do you need anything?" Tanong naman ng elevator boy sa akin. Nag-aalala ito katulad ng mga kasabayan niya sa elevator.
"I'm fine." Pinahid ko ang luhang hindi tumitigil sa sa pagpatak. 'I'm fine', saan niya kaya nahagilap ang dalawang salitang iyon. Dahil sa totoo lang hindi ako okay, niloloko ko lang ang sarili ko. Kelan ba ako naging ok? Hindi ko maalala kahit isang araw na naging okay ako.
Dire-diretso ang lakad ko ng lumabas sa elevator dala dala ang heels ko. Agad kong nilagay ang passcode ng suite niya at pumasok roon. Hinagis ko sa kung saan ang heels pati ang pouch ko. Dumeritso ako sa kama, nahiga at kinumutan ang sarili ang hanggang ulo.
How can life be so hard for her? How can the only guy he love for many years hurt her so much? ano bang ginawa niyang mali? Minahal ko lang naman si Renzo, binigay ang lahat, puso at katawan ko. Ni wala na ngang natira sa akin dahil kahit anong pilit kong kunin ang puso ko sa kanya ay hindi ko iyon mabawi-bawi.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi na muli maiyak ngunit patuloy pa ding umaagos ang mga luha ko. Urgh, hindi na talaga ako napagod. Paulit-ulit akong umiiyak, paulit-ulit akong nasasaktan sa isang lalaking kahit kailan ay hindi ako mamahalin ng totoo.
Siguro sa paningin ni Renzo ay napaka-desperada ko dahil kaya niyang sabihin sa akin na mahal niya ako. O sadyang walang halaga ang salitang 'mahal kita' kaya nasasabi niya sa akin iyon.
Niyakap niya ako ng mahigpit ang unang nasa tabi niya. Why did she love Renzo of all the guys? Why does her life be so complicated? Why can't she be like those other girls who fall in love to a guy who also love them back? Ano bang pinagkaiba niya sa iba?
She loves Renzo because she believed that he will fall for her in time. Dahil naniniwala siyang mamahalin din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Na makikita niya rin ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Iyan ang paniniwala ko noon, nag-iba na ngayon.
Now thinking about happiness and love, it is impossible for me to ever experience. Happiness and Love? Wala hindi na ako makakaahon sa pagkahulog ko kay Renzo, ni hindi nga ko kayang bawiin ang sariling puso rito because she doesn't have the strength to do so. Kung kelan aahon na ako ay nalulugmok na naman ako sa simpleng mga akto ni Renzo sa akin.
Happiness? Hindi ko iyon mararamdaman kahit kailan, dahil ang kaligayahan ko lang ay ang lalaking minamahal ko. I hate to admit it but its the truth. Durog na durog na ko, pahiyang-pahiya na siya sa sarili ko.
Hurt and pain. That is all she will ever feel.
Matagal akong nakatulog dahil nakatitig lang ako sa kisame habang walang tigil pa din ang luha ko. Nakatulugan ko na ang pag-iyak at nagising ng 4 am ng umaga. Mabilis akong naligo para mahimasmasan at agad na hinanda ang mga damit ko.
Kinuha ko ang cell phone ko at nakita ang ilang mga missed calls nila Rezzy, Nate at Renzo. Ang pinakamaraming miss calls ay si Renzo na hindi na niya binilang at may mga messages din ito. Agad kong denilete ang mga texts niniyato, binasa ko na lang ang text nila Rezzy at Nate.
Nag-aalala ang mga ito kung nasaan daw ako, kung nakauwi na daw ba ako sa suite niya, bakit daw di ako nagrereply at sinasagot ang mga tawag nila. Napabuntong hininga na lang ako. Pinindot ko ang call button para tawagan si Rezzy.
"Hello," sagot ni Rezzy na mapapansin na kakagising lang nito. Siguro sinagot lang nito ang phone nito.
"Rezzy..." Sambit ko.
"Saan ka galing kagabi? May nakakita daw sayo na may kasamang lalaking gwapo? Totoo ba? Anong oras ka nakauwi kagabi? Bakit di mo sinasagot iyong phone mo? Sino iyong kasama mo? Naku S ha!" Inilayo ko saglit ang phone sa tenga ko dahil ang lakas ng boses nito daig pa ang Mommy ko kung magalit.
Napangiti ako ng matipid, mabuti na lang ay nandito si Rezzy at kasama ko na sa iisang hotel.
"Meet me at the coffee shop in front of the hotel." Binaba ko na ang tawag dahil alam ko di niya ako titigilan. Mamaya na lang ako mag-iisip ng mga isasagot sa tanong niya.
Ilang sandali lang ay nakita na niya si Rezzy na papasok sa coffeshop. Kakarating ko lang din at agad na din siyang nag-order ng coffee nilang pareho. Umupo agad ito sa upuan na nakaharap sa akin at tinitigan niya ako ng mataintim.
"What?" Tanong ko naman sa kanya. Alam kong tinatansya ako ni Rezzy, sa klase ba naman ng titig niya.
"What with your shades? Umagang-umaga nakashades ka! Aba wala pang araw kaya pwede mo iyang hubarin." Hay sabi na nga ba, ito agad ang mapapansin nito sa kanya.
"Trip kong magshades ngayon kaya walang basagan ng trip." Simpleng sagot ko rito.
"Trip ba talaga o may tinatago ka dyan?" Panghuhuli nito sa kanya.
"Hindi ko naman alam na imbestigador ka na pala Rez."
"Aba! Ginising gising mo ako ng maaga tapos pinapunta dito ng maaga tapos ganyan ka pa sa akin. Ayaw mong tinatanong kita, eh bakit pa ako nagpunta rito?" Nakaismid nitong sabi.
"I'm sorry Rez. Its just that hindi maganda ang gising ko." Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Unti-unti kong tinangal ang shade ko at hinanda ko na ang pagtadrad ng tanong sa akin.
"Serena!! Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba buong magdamag? Bakit? Sino may gawa nito at ipapapatay ko!" Medyo OA ito sa reaksyon kaya natawa siya sa mukha nito.
"Si Renzo, kaya mong ipapapatay iyon?" Sabi naman niya rito at ito naman ang napanganga.
"Wait, Renzo? Si Renzo ang gumawa niyan sayo? Bakit andito ba siya? Bakit ka niya pinaiyak?" Nabakas ang galit sa mukha nito.
"The usual, ako si tanga na nagmamahal sa isang taong walang ginawa kundi ang saktan ako. Isang taong kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin." Ngumiti ako ng tipid sabay sip sa coffee na kakalagay lang sa table namin.
"What happened? Nag-away ba kayo? Tsaka bakit nandito si Renzo sa singapore? Sinundan ka?" Sunod sunod pa rin nitong tanong.
"I don't know." Simpleng sagot ko rito. Hindi ko masasabi sabi rito kung ano talaga ang nangyari kagabi. Napabuntong hininga na lang si Rezzy sa akin.
"Okay, your not ready to tell me. Its okay S." Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya ng matipid.
"Thanks for understanding Rez. Nga pala mauuna na akong umuwi sa Pilipinas, mamaya na iyong flight ko. Diba dapat bukas pa tayo pero gusto ko na talagang makauwi agad, may aasikasuhin din kasi ako."
"Sige lang, sasabayan na kita sa pag-alis mo.---" agad kong pinutol ang sinabi nito.
"No, no need. Alam kong may mga gagawin ka pa rito tsaka para naman magkaroon kayo ni Nate ng oras para sa isa't-isa." Pigil ko rito. All she really wanted is to be alone for now. Tsaka nawalan na siya ng gana na magstay pa sa Singapore lalo na at nandito pa si Renzo.
"Are you sure? Kaya ko naman na mag-adjust ng time for you." Sambit naman nito ngunit umiling lang ako. Ayaw niyang maging pabigat rito at alam naman niyang nangangailangan ng oras para sa isa't-isa ito at saka si Nate.
"Yes, so don't worry too much." Napatingin ako sa phone ng magvibrate ito. Ang Daddy niya ay tumatawag, agad siyang nag-excuse sandali kay Rezzy at sinagot ang tawag nito.
"Serena, your in Singapore? What about your briefing for your work? Malapit na kitang ipakilala." Sambit ng kanyang ama. Hindi naman niya nakalimutan iyon, nawala lang sa isip niya sandali.
"I'm sorry Dad. Makakarating na din ako sa Pilipinas mamaya kaya po pwede na nating simulan bukas." Nasabi kasi ng dad niya na kailangan niya munang pag-aralan ang Xhen Gorup of Comapanies. Hindi na rin naman siya bago Xhen Group dahil nga sa kompanya din nila siya nag OJT at alam niya ang himay-himay nito. Kaya medyo hindi siya mahihirapan at kailangan lang ng isang linggo sa gustong mangyari ng Ama niya.
"Sige, ingat ka sa biyahe." Paalam nito. Nagpaalam na din siya rito.
Walang nakakaalam kundi ang ama niya lang na malapit na siyang papasok sa business world. Huminga siya ng malalim, buong gabi siya hindi makatulog kaya buong gabi din siya nag-isip.
Napangiti siya. Hindi alam ni Renzo ang plano niya, it will be a bomb to him. Hindi niya makukuha ang puso niya rito. Fine, he can have her heart and play with it all he want. But she can also tag along and play with him.
Wala namang nagsabing hindi niya kayang sakyan ang trip ng asawa niya. Sisiguraduhin niyang she will have his heart at her knees, na sa kanya babagsak at babagsak si Renzo sa huli. She will do everything to seduce him in a hard way. She will make sure she will have his heart.
But first she will make him feel rejection. Kung ano ang ipinaramdam niya sa akin ay ipaparamdam ko rin sa kanya. Sabi nga eh dapat fair and square.
"Ang creepy ng ngiti mo. Ganyan ba ang resulta ng pag-iyak mo?" Tanong pa ni Rezzy kaya naman mas napangiti siya.
"May naisip lang ako sa kakaiyak buong gabi. Hmm good girls can really go bad." Bigla kong sambit sa kanya habang nakakunot lang ang noo ni Rezzy.
She'll enjoy being a bitch for sure. Good luck sayo, Renzo.