Chapter 34
SERENA's POV
Pinahid ko ang pawis na namumuo sa mukha ko habang pinipilit kong abutin ang alikabok na nasa itaas ng cabinet. May mga nakasalansan kasing mga libro doon kaya napag-isipan kong maglinis-linis ng bahay.
Kanina lamang ng magising ako ay una ko kaagad naisip na mag-stretching at tumakbo takbo dito sa loob ng bahay at sa garden. Gusto ko talagang pagpawisan para kasing tumataba na ako. Lamon lang ng lamon sa kung anong pwedeng makain ko.
Napatingin ako sa bahay at naisip kong narumihan ako sa bahay. Oo, Narurumihan ako sa bahay na ito kahit pakiramdam ko hindi naman siya madumi. Sadyang wala lang siguro akong magawa sa bahay at sa buhay ko. At dahil sa gusto ko ngang malinis ang bahay ay inuuna kong pinagtatanggal ang mga alikabok dito sa cabinet.
"Urgh buti naabot na din kita sa wakas." Sambit ko sabay nang ngiting tagumpay. "Mabuti pang ganito ang gawin ko kesa ang mag-isip ng mag-isip tungkol sa lalaking iyon."
At dahil sa medyo tatanga-tanga ako ay nakalimutan kong nakatungtong pala ako sa isang bangko. At hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng balanse. Pinilit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay ang sakit na madadaratnan ko sa sahig dahil sa pagkahulog ko.
Ngunit nakabilang na ako hanggang sampu ay wala pa rin akong naramdaman na sakit. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Muntik na akong sumigaw kung hindi lang mukha ni Renzo ang nakita ko.
Mali, dapat pala sumigaw na lang ako dahil worth it naman na sigawan ang mukha nito. Ito ang nagpapahirap sa buhay ko kaya dapat hindi lang sigaw ang abot nito kundi kalmot at suntok sa mukha. Wag sayang din ang gwapo niyang mukha. Ang gulo ko.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit patuloy pa rin siyang tumititig sa mukha ko kaya bago pa mabilog uli ang ulo ko dahil sa titig niyang malamyos ay agad akong bumibtaw pero hindi niya ako binitawan kundi binuhat niya ako at binaba sa sahig.
Hindi dahil sa wala kang tulog ay madadala ka na sa mga arte niyang ganyan. Hindi dahil sa may nararamdaman ka pa sa kanya ay papatol ka na naman sa kolokoy na iyan. Hindi dahil sa sadyang malandi ka at nilalandi ka niya ay lalandi ka na din pabalik sa kanya.
Kaya bago ko pa sermonan ng sermonan uli ang sarili ko at bago pa lumala ang pagtambol tambol sa dibdib ko dahil sa gwapo at perpekto nitong mukha na ang sarap halik-halik ay mabilis kong inuntog ang ulo ko sa ulo niya para magising ako sa kahibangan ko.
Mabilis akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili. Huminga ako ng malalim ng tatlong beses habang nakasara ang mga mata. Narinig ko pa siyang nagsalita habang humihinga ako ng malalim sa pangatlong pagkakataon.
"Why did you do that?" Tanong nito sa akin habang nakahawak sa noo.
"Wag kang OA hindi iyon masakit." Kumpara sa ginawa mo sa akin. Gusto ko sanang dagdagan ang sinabi ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Wag kang emo Serena.
Naglakad na ako palayo sa kanya dahil ayoko siyang masakama sa isang lugar na kami lamang dalawa. Ayokong mag-isip isip ng kung ano anong kababalaghan tungkol sa sinabi ni Renzo kagabi. Lasing iyong tao, wag paniwalaan ang salita ng isang lasing.
But what if his words were true? You should listen to him.
Agad kong inalis ang sabi ng kabila kong utak. Ayoko mang aminin ay hindi maalis sa utak ko ang sinabi niya at ang sinabi ni Mommy kaya umabot sa puntong hindi ako nakatulog kagabi at naging resulta ang dalawang eye bugs ko sa mata at ang pananamlay ng katawan ko.
"He is really bad for my health." Kumuha ako ng tubig at naglagay sa isang baso. Iinom na sana ako ng may bilang kumuha ng baso sa kamay ko.
Napatingin ako sa kanya ng masama habang naubos na niya ang buong laman ng baso ko.
"What?" Tanong niya kaya mas sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong trip mo sa buhay? Ang mang-inis at manira ng araw ko?" Nakataas kong kilay na tanong.
"Sino? ako?" Tanong niya pa na para di siya iyong tinutukoy ko. Napasara ako ng mata sa inis. Inhale, exhale, inhale, exhale.
"Ay hindi, ako. Sisirain ko ang araw ko. Eh sino pa ba? Hay nako bakit ba ako nakikipag-usap sa isang katulad mo." Napailing na lamang ako at tinalikuran siya. Nakakainis, na high blood na ata ako sa ganitong edad ko.
"Where are you going?" Tanong niya habang palayo ako.
"Away from you." Simpleng sagot ko. Napahawak ako sa dibdib ko. How can this day be so long? Napailing na lamang ako.
Masama ang tinging binigay ko sa kanya habang pinindot ko uli ang stereo. Gusto ko kasing pakinggan ang kanta ni Taylor Swift. Lately ay nagugustuhan ko ang mga kanta niya, hindi lang isa kundi lahat ng kanta niya. Take note hindi ako bitter at hindi ako nagdedeny ngayon. Sadyang magaling lang na singer si Taylor.
Lumayo ako at naglakad palayo habang bitbit ko ang walis dahil trip kong maglinis ng bahay. Sinabi ko nga kaninang nadudumihan ako sa bahay.
Nagwawalis na ako ng narinig kong biglang nag-iba ang boses ni Taylor naging boses lalaki. At hindi ko naman nabalitaan na nagrarap pala si Taylor. Napatayo ako habang hawak hawak ang walis at nasa bewang ko ang isang kamay ko.
"Aba kung kanina trip mong agawin ang tubig ng may tubig ngayon naman pati ang pagpapakanta ko sa bahay ay inaagaw mo din sa akin." Nakataas kilay na sambit ko rito.
"What? I like the voice of jay-z." Sagot naman nito. Na makikita ang kaseryosohan sa sinabi nito. Lalong naningkit ang mga mata ko.
"Aba, sino nauna sa stereo? At tsaka doon ka na lang sa kwarto mo. Alam kong meron kang stereo doon. Doon ka magrap ng magrap." Napaismid ako rito at pumindot uli para bumalik sa taylor swift song ko.
"So you're a swiftie?" Nakaloop sided na ngiti siya. At umismid naman uli ako.
"Yeah, so what?" mataray ko na sagot. Napatingin lang ako sa kanya ng pinindot na naman niya ang stereo ngunit hindi na ang rap song nito ang naririnig ko kundi isang old song na pamilyar na pamilyar sa pandinig ko. One of my my favorite old song.
"Lets dance." Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. Nakatingin ako sa kamay niya at bumalik ang tingin ko sa mukha nito.
"Dance??" Alam niyang gustong gusto ko ang kantang ito. Alam din ba ni Renzo na gusto kong maisayaw ako habang tumutugtog ang kantang ito?
'Put your head on my shoulder'
"Come on." Kinuha na niya ang isang kamay ko at nilagay sa shoulder nito habang ang isang kamay ko ay hawak hawak niya. At nakahawak naman ang isang kamay nya sa bewang ko. Nagsimula na itong gumalaw kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa galaw niya.
"This is silly." Nasambit ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon titig na titig siya sa akin habang sumasayaw kami. Tinangal niya ang pagkakahawak sa isa kong kamay at naramdaman ko na lamang na pinalapit niya pala ako sa may dibdib niya kaya ngayon ay mas rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya.
"I like acting silly." Bulong naman niya sa may tenga ko habang sinasabayan namin ng slow dance ang rythm ng old song. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin, hindi ko maiwasang mapahawak rin sa kanya.
Ngayon ay nakapulupot na ang dalawa kong kamay sa leeg niya habang ang dalawa niyang kamay ay nakapulupot sa bewang ko. Nakadantay na din ang ulo ko sa pagitan ng dibdib at leeg niya.
Amoy na amoy ko ang sabon niyang ginamit at ang natural niyang amoy na kumapit na rin ata sa mga damit niya. He really smells good as always at hindi rin nagbabago ang amoy niya, ganoon pa din katulad ng dati. Embracing him like this felt so natural na parang hindi na bago sa amin ang ganito.
Then a sudden realization hit her. Tinulak ko siya palayo at tinitigan siya ng mabuti. Para akong nagising ng maisip kung ano ang ginagawa ko ngayon lang. What the hell! what is she thinking? And again I wasn't thinking straight dahil hinahayaan ko na naman ang aking puso ang umiral na isang maling pagkakamali at paulit ulit na lang nagyayari sa akin for a million times.
"Why are you acting like this?" Tanong ko sa kanya at pinipilit kong maging seryoso ang mukha ko. Ayokong makita niyang nahihirapan akong ilayo ang sarili ko sa kanya. Ayokong nakikita niya ako katulad ng dati.
"Why? Gusto kitang isayaw." Simple naman niyang sagot. He still keeps acting like this till now. Na parang balik normal kaming dalawa.
"Bakit gusto mo akong isayaw Renzo?" Sunod ko namang tanong sa kanya. Nakapoker face na ang mukha ko habang nakatingin sa kanya na nagiging seryoso na din.
"Gusto kitang isayaw kasi gusto kong malapit ka sa akin, gusto kong nahahawakan kita, gusto kong naamoy kita, gusto kong namamasadan ang mukha mo sa malapitan. Like this." At lumapit nga ito sa akin na ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin, nakatitig siya sa akin habang hawak hawak niya ang buhok ko.
"Why?" I just hate myself more now, I hate myself because my heart beats faster after hearing what he said. Kahit na alam ko sa sarili kong dapat tigilan na ang kahibangan na ito. Hindi ko alam bakit gusto ko siyang tanungin ng tanungin at hindi ko rin alam kung ano ba ang gusto kong lumabas sa bibig niyang sagot.
"Because I love you and I want to have your love back." He sounded so serious saying those magic words. He looked so serious looking at me now.
Hindi ako makaimik sa sinabi nito, isang parte ng katawan ko ay sobrang saya dahil sa sinabi niya ngunit merong kungting parte sa akin na nagsasabing wag na akong maniwala sa kanya. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko dahil sa unang pagkakataon ay narinig kong sinabi niya ang mga salitang iyan sa akin
"Oh so you want my love back?" Mas lumapit ako sa kanya at bumulong. "Magdusa ka." Pilit kong sabi sa kanya kahit sobrang bilis ng puso ko. Tumalikod ako kahit gustong-gusto kong bumalik at halikan siya.
The stubborn side of me, won.