Chapter 32
SERENA's POV
Napamulat ang mga mata ko, umaga na pala. Bagong araw na naman para harapin ko, napatayo ako at naghanda na ng damit para sa susuotin ko ngayong araw na ito.
Bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Renzo kagabi. At hindi ko mapigilang maalala ang gumuhit na pait sa mukha niya sa huling mga salitang sinabi ko. Bakit ganoong ekspresyon ang pinakita niya sa akin?
Napailing ako. No, don't even think about him again Serena. Tama na, tama na.
Ngayong kakagising ko lang sa umaga dapat naman magandang simula sa umaga ang meron ako at hindi iyong nakakasama sa pakiramdam. Tumayo na ako at tumingin sa salamin. Ngumiti ako sa salamin, ganyan dapat Serena.
Smile.
This is all you need Serena, smile and think about nothing. Tumango-tamango ako habang nakatingin sa sarili ko.
Hinanda ko ang mga gagamitin ko at dumiretso agad ako sa banyo para maligo at mag-ayos. Kahapon pa naisip kong magpunta kina Dad and Mom pero ayaw kong makita nila ang estado ko kahapon. Nang bumalik na ang alaala ko ay di ko man lang agad sila naisip at inalala, siguro alalang alala na sila sa akin dahil hindi man lang ako nakabisita sa kanila.
Mabilis ang galaw ko sa pag-aayos sa sarili, konting lagay ng make up at lip gloss sa mukha at labi ay ready to go na ako. kinuha ko ang isa kong pouch ko, napalingon ako sa table at sa night stand. Lumapit ako sa table at binuksan ang drawer, kinuha ko ang susi ng kotse ko at napangiti.
Mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina. Napatingin ako sa dining table na may nakahanda na pagkain doon na naka cover para hindi langawin. Lumapit ako roon at binuksan ang ang food cover, hotdog, egg at fried rice ang nakahanda roon. Pansin na pansin na naover cook ang hotdog at ang fried rice.
Kumunot ang noo ko ng makita ko ang sticky note na naka dikit sa may pinggan. Eat this before you go. Siya ba ang gumawa nito? Malamang sino pa ba ang magluluto ng ganitong pagkain. What is this? Some kind of peace offering? Napatingin ako sa kawawang hot dog dahil sa sunog na nga wala pang kakain rito.
Binalik ko sa pagkakaayos ang pagkain at hindi ito ginalaw, dumiretso na lang ako sa refrigerator at kumuha ng bottled water. Napatingin uli ako sa pagkaing hinanda. Bakit niya naisip na magluto? For me?
Nah Serena, tigilan mo yang mag-isip ng ganyan. Wag kang gaga. Mabilis ako naglakad palabas at pumasok sa kotse at pinaandar ito. Grrr. Bigla akong napatingin sa tiyan ko at napabuntong hininga. I am hungry. Magpapahanda na lang ako ng pagkain kay Mom mamaya.
Nag-iisip ako ng sasabihin kay Mom since alam ko naman na wala na naman si Dad sa bahay ngayon. Pero hindi rin ako sure kung nasa bahay din sa Mom, baka may appointment rin siya ngayon o baka kasama niya si Dad. Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa bahay.
Napatingin ako sa guard na hindi pa rin ako pinagbubuksan ng gate. Lumapit ito sa akin at kinausap ako.
"Miss sino po kayo? May kailangan po ba kayo rito?" Napatingin ako sa kanya, iba na ang guard na nagbabantay ng front gate ng bahay kaya siguro di ako kilala nito. Talagang mahigpit ang security sa bahay at hindi agad nagpapapasok sa bahay.
"I'm Serena, sabihin mo lang yan sa head security." Ngumiti ako rito at tumango naman ito. Umalis ito maya-maya ay mabilis na lumapit sa akin.
"Naku Maam pasensya na po at di ko kayo nakilala, bago lang po kasi ako rito." Mabilis nitong sabi sa akin.
"Its fine Manong." Ngumiti ako rito at pinasok na ang kotse. Napatingin ako sa bahay namin at napangiti uli. Mabilis kong pinarada ang kotse at bumaba. Naglakad na ako papasok ng bahay at agad na bumukas ang pintuan, sumalubong sa akin ang isang katulong namin.
"Maam Serena welcome back po." Ngumiti ako sa matanda, naalala ko ito dahil sa ito ang matagal ng nagseserbisyo sa pamilya namin.
"Nako Manang salamat po, saan si Mom?" Napatingin ako sa paligid, walang nagbago sa bahay at ganong-ganon pa din ito ng umalis ako sa bahay na ito. I miss this place.
"Sabi po ni Maam ay dumiretso na po kayo sa dining, nandoon po si Maam." Ngumiti ako sa matanda at dumiretso sa kusina. Mabislis akong naglakas papunta sa kusina. Agad ko naamng nakita si mom na naghahanda ng niluluto.
"Mom." Mahina kong sambit rito. Agad naman itong lumingon sa direksyon ko.
"Serena." Agad itong lunapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap rin ako rito ng mahigpit. Pakikiramdam ko maiiyak ako ngayong kaharap ko si Mom. Napapagaan ni Mom agad ang pakiramdam ko sa yakap niya.
"Mom, I miss you so much." Sambit ko ng binatawan na niya ako sa pagkakayakap.
"I miss you too darling. Come on, alam kong hindi ka pa nagbre-breakfast." Dinala niya ako sa dining table at pinaupo sa tabi niya. Agad na naghanda ang mga katulong ng makakain.
"Kumain ka muna bago tayo mag-usap. Tama ako ng naramdaman kong pupunta ka ngayon rito." Sambit naman nito habang nakatingin sa aking kumakain.
"Mom, where is Dad?"
"Work, alam mo naman iyon. Pupunta siyang New York mamaya and I was supposed to join him. Pero may iba talaga akong nararamdaman na ito nga pupunta ka nga rito ngayon." Ngumiti sa akin si Mom. Nag-usap sila habang kumakain siya. Nag-usap kami tungkol kay Dad at kung ano pa man.
Tumawa kami sa mga pinag-usapan namin. I miss laughing like this, I miss looking at my Mom like this. I smiled looking at my Mom now.
After breakfast ay dumiretso sila sa sala at doon naupo.
"How are you Serena?" It was a sudden question from Mom. Isang simpleng tanong ngunit hindi ko agad masagot-sagot. Tumingin ako rito at ngumiti ng pilit.
"I-I am fine Mom. Everything is great between me and Renzo." Agad kong sinundan ng ngiti, isang ngiting pilit. Alam kong napansin na ni Mom na nagsisinungaling ako basi sa tinging binigay niya sa akin ngayon.
"Is it? Gusto pa kitang tanungin kung ano bang nangyari sayo at sa inyo. Pero ayaw kitang piliting sabihin sa akin ang lahat. Alam mong makikinig ako kahit ano pang sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin katulad ng isang inang nag-aalala para sa kanyang anak.
Gusto kong umiyak ngayon at sabihin ang lahat ng hinanakit ko kay Mom pero may pumipigil sa aking wag magsalita na itago na lamang ang lahat upang hindi mag-alala ito sa akin.
"Thanks Mom for understanding." Gusto ko uling yakapin sa pangalawang pagkakataon ito ngunit pinigilan ko ang sarili ko. At siguro nabasa nito ang nasa utak ko dahil niyakap akong muli ni Mom.
Ilang sandali ay binitawan na niya ako at hinawakan ang isa kong kamay.
"Gusto kong sabihin ito sayo ngayon hindi para lituhin ka pero para makapag isip-isip ka. Nong panahong bigla kang nawala ng isang taon ay nag-alala kami ng Dad mo ngunit alam naming malaki ka na at alam mo na kung ano ang pinapasok mo. Sa buong taon na iyon, nakita ko kung gaano kamiserable si Devon ng nawala ka." Nakatingin siya ng diretso sa akin.
"Mom--" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"No you should listen to this Serena. Alam namin ng Dad mo na bigla kang umalis at nawala pero ang akala namin ay maayos niyo ito ni Devon at hindi aabot ng isang taon ang alitan niyo. Pero dahil sa nalaman ng Dad mo na walang ginagawa si Devon para maibalik ka ay sobrang nagalit ang Dad mo at pingsusuntok si Devon." Nanlaki ang mga mata ko.
"What?--" nanlaki ang mga mata ni Mom kaya nanahimik uli ako. Gusto kasi nitong patapusin muna ang sinasabi nito bago ako magreact.
"As I was saying, sinuntok ng Dad mo si Devon ng ilang beses lang naman at hindi akalain ng Dad mo na hindi iiwas si Devon sa kahit isang suntok nito. Gusto kasi ng Dad mo magising si Devon sa kamangmangan niya. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa Dad mo? He said your too good to him that he is not worth your love. And he'll make your life miserable like his. Na magiging masaya ka pag wala siya." Nakatingin lang ako kay Mom habang sinabi niya iyon.
"When your Dad told me this, he said Devon really loves you this much but he is stupid for thinking like that. And your Dad laughed really hard that time. Sabi niya pa na babalik ka rin daw kaya wag na daw kami makialam sa inyo." Nakangiting sabi ni Mom.
"Dad really said that?" Hindi tipo ng tao ang Dad niyang nagdesisyon ng ganoon-ganoon na lamang, lahat ng desisyon nito ay pinag-iisipan ng maayos at hindi bara-bara lamang. Kaya mas nabigla siya dahil sa sinabi ng Mommy niya.
"Your Dad is right as always. But you know darling hindi dahil sa palaging tama ang Daddy mo pero dahil sa alam ko at nakita kong mahal ka talaga ni Devon. Give your husband a chance, pakinggan mo siya at malilinawan ka." Nakatingin lang ako kay Mom dahil sa walang ako masabi sa kanya.
Hindi ko alam kung malakas lang talaga ang instinct ni Mom bilang isang ina o may alam talaga siya tungkol sa mga nangyayari sa amin ni Renzo.
"Mom I can still stay here right? Just for the night." Nabigla siya sa tanong ko.
"Yes, of course, this is still your house darling." Hinalikan niya ako sa pisngi at tumayo na.
"Thanks Mom." Tumayo na rin ako at pumanhik na ng hagdan papunta sa kwarto ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko at napansin kong walang nagbago sa mga gamit ko. Kung paano ko ito iniwan noon ay ganoon pa din ito ngayon.
Napahiga ako sa kama at napasubsob ang mukha ko sa unan dahil sa naiisip ko ang sinabi ni Mom kanina. Sasakit ata ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba ang tamang gawin at kung ano ang iisipin niya. Dahil sa sobrang pag iisip ay hindi na niya napansin na nakatulog na siya.