Chapter 4 The New Boss
Halos umakyat ang dugo ni Sharaine sa kanyang ulo nang bumungad ang pagmumukha ni Kaiden sa harap niya. Nakangisi ito ng nakakaloko habang nakataas ang isang kilay animo nang- iinsulto.
“Ikaw…” halos pabulong niyang sabi sabay hinga ng malalim.
“Yeah, it’s me. Why? Do you have any problems with that?” patuya nitong tanong.
Dahan dahan naman siyang umiling, sa isip isip niya ay pasalamat ang lalake at kailangan kailangan niya ng trabaho.
“Wala naman po, Sir.” Sagot niya sabay ngiti ng kaunti. Diniinan niya talaga ang salitang ‘Sir’ para kahit papaano ay maramdaman nitong nanggigigil parin siya sa impaktong lalake na’to.
“Good. Come on, get in.” sabi nito sabay tulak sa pinto para lumawak ang pagkakabukas nito.
Nagdadalawang isip pa sya kung tutulog pa ba o wag nalang. Mukha kaseng walang gagawing maganda ang bago niyang boss. Lalo pa’t ninakawan siya nito ng halik— kaya mas lalong lumakas ang paniniwala niyang walang gagawing matino ang lalake.
“What are you waiting for old maid? I said get in.” may bakas na ng iritasyon ang boses nito, kanina lang ay pangisi ngisi pa ito sa kanya na akala mo nangb-bwisit. Ngayon naman ay nagsusungit na ito. Bipolar lang?
At ano daw? Tinawag na naman ba siya nitong old maid? Tsk! May araw ka rin sakin.
“Here. Sign this contract.” Sabi nito ng makapasok kami sa loob. Agad ko naman itong kinuha sa kanya bago siya inirapan.
“Para saan naman ‘to?” masungit kong tanong sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi manlang umimik ang loko.
Hindi na ako nag antay ng sagot niya dahil mukhang wala naman syang balak na magpaliwanag kaya binasa ko nalang ang laman ng contract na inabot niya.
Halos tungkol sa trabaho ang nakalagay dito. May mga benefits na talaga namang di matatanggihan like yung pagtira dito sa condo which is makakatipid ako sa renta. Hindi ko na kase kailangan kumuha pa ng apartment para may matuluyan. Second, free na din ang pagkain. At third, yung salary. Infairness, malaki sya magpasahod. Hindi kuripot.
At dahil wala naman naging problema sa contract na ibinagay ng lalaki ay pinirmahan nya nalang ito.
“Oh.” Sabi ko sabay abot ng kontrata.
Ngumisi lang ito at saka ipinatong ang papel sa ibabaw ng lamesa.
“Wait me there. Magbibihis lang ako.” Sabi nito at saka naglakad palayo. Hindi niya na ito sinundan ng tingin dahil naiilang sya, walang ibang saplot ang lalaki kundi ang tuwalya nitong nakapulupot sa bewang hanggang itaas ng tuhod.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng unit niya. Malinis, maaliwalas at halatang mayaman lang ang may afford.
Pang lalaki halos ang disenyo, pinaghalong blue at gray ang kulay ng bawat sulok. Maski ang mga gamit, mula sa sofa, sa mga cabinet at ilang mga gamit ay blue at gray ang color combination.
“So…you can start now if you want.” Ani ng lalaki na bigla nalang sumulpot.
“There’s three room in this unit. My room is in the right side. The room in the left is unoccupied as well as the room in the middle. Just choose where you want to room.” Paliwanag nya. “But I prefer if you’ll choose the room in front of me.” Sabi niya at saka ngumisi.
Inirapan ko lang sya at hindi umimik.
“What? Don’t think too much, yung kwarto kase sa tapat ko ay may sariling cr. Mas convenient for you.” Depensa nito.
“Okay sir, di mo naman kailangan maging defensive. Halata ka masyado.” Sabi ko nalang.
“What? I’m not defensive. Tsk!” asik nito. Naupo sya sa sofa na nasa tapat ko at saka nag cross legs.
“Alam mo na naman yung mga dapat mong gawin at mga hindi dapat. Nakasulat yon sa contract. Your work here is to clean and just cook food. Hindi mo na kailangan pakialaman ang mga damit ko dahil may ibang gumagawa non. Manang Selma will collect all my laundry every Wednesday and Saturday. Pwede mo rin isama yung mga damit mo. Don’t worry hindi yon ikakaltas sa monthly salary mo.” Sabi niya na ikinatango ko nalang.
Infairness hindi masyadong hassle ang napasukan nya. Sadyang mukhang maniac at halatang playboy ang amo niya. At idagdag mo pang eto ang nagnakaw ng first kiss niya. Ugh!
Pag naaalala niya iyon ay agad tumataas ang dugo niya, parang gusto niya tuloy sakmalin sa leeg ang lalaki sa harap at saka ito pagkakalmutin sa mukha. Grr!
“You’re not allowed to bring boyfriend or kahit sinong lalaki dito sa unit ko. You can have your day off twice a month, but only in Friday-Sunday.” Napairap nalang ako. As if naman may madadala ako. At wala sa isip ko ang boyfriend, may pamilya akong umaasa sa’kin. Gusto ko yan ipagduldulan sa mukha niya, kaso wag nalang. Baka mawalan ako ng trabaho di pa man nakakapagsimula.
“Every Wednesday and Saturday ka mag-grocery. If you have class, pwede mo yon gawin after your class. And one more thing, ayaw ko ng ginigising ako sa umaga. I can wake up on my own. So kung hindi pa ako gising, you can just cook your own food.” Mahabang paliwanag niya. Ang gwapo niya pala talaga lalo sa malapitan. Kitang kita ang pag alon ng Adam’s apple niya sa tuwing nagsasalita siya. At tsaka yung labi niya, grabe ang pula. Parang ang sarap— shems! Ano ba yan mga pinagsasabi ko.
Erase. Erase. Kailangan ko na yata magsimba. Tamang tama Sunday na bukas.
“Nakikinig ka ba, old maid?” tanong nito habang nakataas na naman ang kilay. Tss. Sungit!
“Ha? Ah oo naman po Sir, nakikinig ako.” Sagot ko sabay ngumiti ng bahagya. Jusko! Nahalata niya bang nakatingin ako sa labi nya? Wag naman sana.
“It’s clear then.” Sabi niya sabay tayo sa kinauupuan.
“Ah… yeah. I mean— yes, maliwanag po Sir.”
“Okay, good. I have to go now, ikaw na bahala dito. Yung key card nandyan sa cabinet. Wag ka magpapasok ng hindi mo kilala, kahit pa sabihin nila na kilala nila ako, okay?” masungit nitong sabi.
“Okay po, Sir.” Sagot ko nalang at saka kinuha ang gamit.
“I’ll be late, so don’t wait me up.” Sabi nito at saka umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Dinouble lock ko lang yung pinto at saka nagtungo na sa magiging kwarto ko, sa tapat ng kwarto ng halimaw kong amo.
Nawa’y gabayan mo ako panginoon.