Chapter 15

Tinitigang mabuti ni Jarred si Jasmine. Hinihintay na magalit ito o kaya ay sigawan siya. Pero hindi iyon ang nangyari. Bagkus, ngumiti ito at hinalikan siya sa tungki ng ilong.

"Hindi mo naman kasalanan iyon, baby. Oo, inaamin ko nagseselos ako dahil ginawa niya iyon pero walang dahilan para pairalin ko ang selos ko. Bakit? Ayaw kong mag-away tayo dahil sa maliit na bagay lang iyon. Pero, ramdam mo ba na May gusto siya sa iyo?" tanong nito at hinaplos-haplos ang kaniyang dibdib at mas isiniksik ang katawan sa kaniya. Tumango siya.

"Oo, ramdam ko. Gusto mo bang iwasan ko siya?" tanong niya. Umiling si Jasmine at umilap ang mga mata.

"No, baby. You don't have to do that. Hayaan mo lang siya. Ipakita mo lang sa kaniya na hindi ka interesado sa kaniya, tiyak na lalayo siya." anito na may diin ang pananalita. Gamit ang kaniyang hintuturo, iniangat niya ang mukha nito para matitigan ito.

"You trust me that much. Akala ko ba ipagdadamot mo na ako?" tanong niya na hinaluan niya ng pagtatampo. Pero sa totoo lang, natutuwa siya dahil malaki ang tiwala sa kaniya ni Jasmine. Tinitigan siya nito.

"Ofcourse, ipinagdadamot kita. Jarred, hindi ko pwedeng iutos sa iyo na iwasan mo siya dahil ayaw kong masakal ka sakin. Hindi ibig sabihin na hinahayaan na kita, ay wala akong pakielam sa iyo. Gusto kong kumilos ka ng walang iniisip na baka magalit ako o mag-away tayo.

Pero kapag nalaman ko na may babaeng ayaw kang tantanan at gumagawa ng dahilan para mag-away tayo. Sisiguraduhin ko na makikita nila kung sino ako." anito habang titig na titig sa kaniya at madilim ang mukha. Napalunok siya, hindi niya akalain na may ganito pa lang itinatagong katangian si Jasmine. Ngumiti siya.

"Mas lalo tuloy kitang minamahal, baby." aniya. Hinaplos nito ang pisngi niya at dahan-dahang inilapit ang bibig sa kaniyang leeg at hinalikan iyon.

"F*ck, baby!"

"You're mine, Jarred. Kung noon ikaw ang gumagawa ng paraan para maisalba ang relasyon natin, ngayon ako naman ang gagawa nun. Just stay there. Okay? Hayaan mong ako ang kumilos." anito at lumayo na sa kaniya tsaka kinindatan siya. Mabilis niyang sinakop ang labi nito at hinalikan na mapusok sa labi. Nang maghiwalay sila, tinitigan niya ito sa mga mata.

"I'm all yours baby." aniya.

Nagising si Jasmine dahil sa tunog ng ring tone ng cellphone ni Jarred. Tiningnan niya iyon, at napakunot-noo ng makitang unregistered number iyon. Sino naman kaya ito? Dali-dali niyang sinagot ang tawag at inilagay iyon sa kaniyang taenga.

"Hello, Jarred! Good morning! Kinuha ko kay dad ang cellphone number mo. Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?" tanong nito sa masiglang tinig.

Bakit kailangan pa nitong kunin ang cellphone number ni Jarred? Naikuyom niya ang kamao. Ngayon, kompirmado ng may gusto si Genesaret kay Jarred. Anong rason bakit kailangan pa nitong kunin ang cellphone number ni Jarred at tawagan ito? Ang kapal din ng mukha ng babaeng ito.

"Si Jasmine ito, bakit kailangan mo pang kunin ang cellphone number ni Jarred?" tanong niya sa mahinahong tinig. Natawa ng mahina si Genesaret.

"Ms. Saderra, what's wrong with that? Masama bang kamustahin si Jarred?" tanong nito sa nanunuyang tinig. Huminga siya ng malalim. Plastic din pala ito eh.

"Mag-usap tayo mamaya sa sa Cletore, hihintayin kita. 1 pm sharp. I want to clear things." aniya at pinatayan na ito ng tawag. Kumuyom ang kamao niya. Makikita ni Genesaret, ang kamalditahan tinatago niya.

"Sino yun?" napalingon siya kay Jarred ng magtanong ito. Mukhang kagigising lang nito. Huminga siya ng malalim.

"Si Ms. Viesta." aniya. Kumunot ang noo nito.

"Bakit daw? At saan niya nakuha numero ko?" tanong nito. Halata sa boses nito na hindi nito nagustuhan ang ideyang may number siya ni Genesaret.

"Sa dad daw niya. Kinakamusta ka niya kung nakauwi ka daw ng maayos kagabi. Kompirmadong may gusto siya sa iyo." aniya na hindi maiwasang malakipan ng inis ang boses. Tumawa ng mahina si Jarred, binalingan niya ito.

"Anong nakakatawa?" tanong niya.

"Pasensiya ka na kung nakukunsumisyon ka, masyado lang gwapo ang magiging asawa mo kaya hinahabol-habol ng mga babae." biro nito. Inirapan niya ito.

"Sanay na ako, ganiyan din noong nasa Kolehiyo tayo ang daming nagbibigay ng love letters sa iyo! Nakakainis!" aniya. Hinaplos nito ang kaniyang tiyan.

"Ops! Huwag masyadong ma-stress baka makaapekto sa bata." anito sa nag-aalalang tingin. Huminga siya ng malalim at sumampa rito dahil nakahiga pa ito. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito.

"Sorry, nakalimutan ko na buntis ako." aniya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kaniya at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo.

"Just take care, okay? Sigurado ka ba talaga na makikipagkita ka sa kaniya? Baka mapano ka?" nag-aalalang tanong nito. Tiningala niya ito at itinulak ang sarili paupo sa dibdib nito. Nilaro-laro niya ang balahibo nito sa dibdib.

"Magiging ayos lang ako, baby. Don't worry too much." aniya. Hinaplos ni Jarred ang kaniyang hita na naging dahilan para mapapikit siya.

"Just call me if something bad happen, okay? Pwede ring i-hire kita ng bodyguard mamaya? What do you think? Hindi ako makakapag-concentrate sa trabaho kung inaalala ko ang kapakanan mo." ani Jarred. Napangiti siya, talagang napakaalaga nito. Para hindi na ito mag-alala, mas magandang sumang-ayon na lang siya sa gusto nito.

"Okay. Kung yun ang ikapapanatag mo. Sure." aniya.