Chapter 10

Kitang-kita ni Jarred ang pagliwanag ng mukha ni Raquel dahil sa kaniyang balita. Kitang-kita ang kasiyahan roon. Tumayo si Raquel at lumapit sa kaniya para bigyan siya ng isang mahigpitt na yakap. Dagli naman siyang tumayo para tanggapin ang yakap ng kaniyang Tita Raquel. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. Hinaplos ni Raquel ang kaniyang pisngi.

"Masaya ako para sa iyo, iho." tiningnan nito si Jasmine na mataman lamang na nakatingin sa kanila. Nginitian nito si Jasmine at iniunat ang mga kamay rito.

"Pwede ba kita mayakap, iha?" tanong nito. Dagling tumayo si Jasmine at tinanggap ang paanyaya nito. Humiwalay si Raquel sa pagyayakapan nila at tinitigan si Jasmine.

"Alagaan mong mabuti si Jarred, huwag kayong papayag na masira ang inyong samahan ng kung sinuman. magpakatatag kayong dalawa," tumingin ito kay Jarred "hindi madali ang buhay may asawa. madami kayong pagsubok na pagdaraanan, pero malalampasan niyo iyon kung nagtitiwala kayo sa isa't-isa." mahabang sermon nito sa kanila.

Ngumiti siya sa tiyahin. Hinawakan ang kamay ni Jasmine at dinala iyon sa kaniyang bibig. Tinitigan niya ang katipan ng buong pagsuyo at pagmamahal.

"Makakaasa po kayo, tita. Kailanman ay hindi ko bibitiwan si Jasmnine. Ipaglalaban ko siya anuman ang mangyari." aniya habang titig na titig kay Jasmine. Ibinuka na ni Raquel ang bibg para sana magsalita pero biglang may nagsalita sa kanilang likuran.

"Ang sweet naman ng pinsan ko, sana makahanap ako ng kagaya mo." anang boses sa may bungad ng pinto.

Napatingin sila roon. Ang kaniyang pinsan na siia ang naroon. Nakasandal sa pintuan habang nakahalukipkip, Dagling hinila ni Jasmine ang kamay na hawak ni Jarred at kitang-kita ang pamumula sa pisngi nito.

"Zia, anak. Ikaw pala. Kamusta ang trabaho?" tanong ni Raquel. Umalis sa pagkakasandal sa pintuan si Zia, lumapit sa ina at nagmano.

"Okay naman po inay. Masyadong toxic! Gusto ko na magresign." anito at tiningnan siya.

"Good afternoon, pinsan. Long-time no see. Baka naman may bakanteng pwesto sa kompanya mo, baka pwede ako?" tanong ni Zia.

Biglang nag-isip si Jarred, iniisip kong may bakanteng pwesto pa sa kompanya. Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha ng may maalala.

"Sure, meron bakanteng pwesto sa finance department. pwede ka ba doon? Diba finance ang natapos mo?" tanong niya. Nanlalaki ang mga mata ni Zia at nilapitan siya tsaka niyakap.

"Thank you, cous! Kaso medyo malayo ang bahay sa kompanya mo, magrerent nalang siguro ako." anito at humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. Samantala, nakikinig lamang sina Jasmine at Raquel sa dalawang nag-uusap.

"Hm, May apartment di kalayuan sa bahay. Kakausapin ko ang may-ari doon. Ako na ang bahala sa renta." aniya. Ngumiti ng malapad si Zia.

"Thank you so much, cous!" anito. Hindi sinasadyang napabaling ang tingin nito kay Jasmine na mataman lang nakatingin sa kanila na May ngiti saga labi. Inilahad ni Zia ang kamay sa kasintahan ng pinsan.

"Hi, I'm Zia Decano Paronoa, nice to meet you Jasmine Saderra." ani Zia na May ngiti sa mga labi. A genuine smile. Kaagad namang tinanggap ni Jasmine ang pakikipagkamay nito.

"Hello, I'm Jasmine Saderra. Soon to be Mrs. Racqueza." pagpapakilala ni Jasmine sa sarili.

"Omg! invited ba ako?" tanong nito at binalingan si Jarred.

"Yes cous, kaya nandito kami dahil dun. Sa huwes kami ikakasal by next week." pagpapaalam niya rito. Biglang nalungkot ang mukha ni Zia sa nalaman.

"Bakit sa huwes? Wala ba kayong balak na sa simbahan magpakasal?" tanong nito na naroon pa rin ang lungkot sa mga mata. Tumikhim si Jarred.

"Para mabasbasan na rin ang bata," tiningnan niya si Jasmine na nakatingin sa ibaba. "Ang balak kasi namin ay kapag lumaki na anak namin, doon kami magpapakasal sa simbahan. Gusto ni Jasmine kasi na maging ring-bearer ang panganay namin." aniya at inakbayan si Jasmine na ikinagulat nito. Tiningala siya nito at nginitian. Inilapit niya ang bibig sa taenga nito.

"Don't be sad. Naiintindihan nila tayo." aniya. Tumili ng malakas si Zia na naging dahilan para mapatakip ng taenga si Jasmine.

"Zia! Masakit sa taenga ang tili mo!" pagalit na saway ni Raquel rito.

"Masaya lang po ako sa kanila, magkakaroon na ako ng pinsan!" anito na may kasamang pagsayaw pa. Napailing-iling nalang si Raquel sa inasal ng anak. Samantala, mahinang natawa naman si Jasmine, siya naman ay napailing-iling.

"Wait! Namumukhaan kita, ikaw yung kasama ni Jarred noon sa Gee Mall?" tanong bigla ni Jasmine.

Ah, oo! Natatandaan niya iyon. Ang dahilan kung bakit hindi siya pinapansin nun ni Jasmine dahil pinagselosan nito si Zia.

"Yes, ako nga. Bakit?" tanong ni Zia.

"Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin eh." aniya. Kinurot siya ni Jasmine.

"Bakit mo sinabi iyon! Nakakahiya!" anito sa kaniya na tinawanan niya lang.

Wala namang masama eh kung sasabihin man niya. Kamag-anak naman niya ang mga ito, at walang iba sa kanila. Normal lang naman ang pagseselos, huwag lang yung sobra.

"Upo muna nga tayo! Nangangawit ako." ani Zia na ikinatawa nila. Nakatayo pala sila, hindi napagtuunan ng pansin ang umupo dahil sa pinag-uusapan. Sabay-sabay silang naupo. Tiningnan ni Zia si Jasmine nang nakangiti.

"Okay lang iyon, ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao, magseselos ka talaga." anito. Tumango lamang si Jasmine.

"Salamat sa pag-iintindi." ani Jasmine. Ikinumpas ni Zia ang kamay na para bang sinasabi na hayaan na ang bagay na iyon.

"Wala iyon, magiging hipag na kita niyan. Masaya ako para sa inyong dalawa ng pinsan ko." anito at tiningnan siya. "Napakaswerte mo kay Jasmine, oo ngayon ko lang siya nakita pero ramdam ko na mahal na mahal ka niya." anito habang titig na titig sa kaniya. Ngumiti siya. "Salamat, cous." aniya. Tumayo ito.

"Sandali, magbibihis nga lang ako!" anito na may kasamang pagtawa ng mahina tsaka naglakad na patungo sa hagdan kung saan naroon ang kwarto nito.

"Ang kalog naman ni Zia. Masaya siguro siyang kasama." puri ni Jasmine. Tumiim ang kaniyang ekspreksyon.

"Kalog yan pero kapag nakasama mo siya, Jasmine. At nakikita niyang sinasaktan ka ng ibang tao ipagtatanggol ka niya." aniya. Oo, totoo yun. Palaban si Zia.

"Tama si Jarred. Palaban ang anak ko. Masiyahin pero May ugali rin." ani Raquel na naiiling.

"Bigla tuloy akong kinabahan." ani Jasmine na binuntutan ng mahinang pagtawa. Hinawakan niya ang kamay nito at tinitigan.

"Don't be. Mabait yan sa mga taong parte ng buhay namin at isa ka na doon. Gusto mo bang sa bahay nalang siya tumira?" tanong niya rito. Oo nga noh, bakit hindi niya naisip iyon? Maluwang ang mansiyon at mas makakatipid pa si Zia sa mga gastusin. Ngumiti si Jasmine

"Sure. Walang problema sakin yun." ani Jasmine na ikinapatag ni Jarred.

"Thank you, Jas!" ani Zia na hindi nila namamalayan na nakalapit na pala ka sa kanila. Ngumiti si Jasmine.

"No worries." sagot nito. Umupo naman si Zia sa isang pang-isahan sofa.

"Gusto kong bisitahin si mom sa mga susunod na araw." aniya bigla.

Matagal na rin nang hindi na niya nadadalaw ang ina. Unti-unti na niyang natatanggap ang lahat na ipinagpalit si mom kay Tita Celeste. Napakabuting tao ni tita Celeste at walang dahilan para magtanim siya ng galit.

"Mabuti naman kung ganun." ani Raquel.

"Ano kaya ang wala kay inay na meron kay tita Celeste, tita? Bakit ipinagpalit ni dad si mom?" tanong niya bigla.

Noon pa man ayaw niya ng balikan iyon. Noong binalik ng kaniyang ama na ipaliwanag ang lahat, sinandalan niya iyon dahil gusto na niyang ibaon sa limot ang lahat. Pero bakit bigla siyang na-curious?

"Sino nagsabi sayo na ipinagpalit ni Dante si Rancel na iyong ina?" tanong ni Raquel. Kumunot ang noo niya sa sinabing iyon ng kaniyang tiyahin.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. May hindi ba siya nalalaman? Nagsinungaling ba ang kaniyang ina?

"Hindi ipinagpalit ni Dante si Rancel, Jarred." ani Raquel na nagpagulat sa kaniya.

Anong ibig sabihin nito? Na puro kasinungalingan lamang ang nalalaman niya? Puro kasinungalingan lamang ang mga sinabi ng kaniyang ina sa kaniya? Pero bakit? Ano ang dahilan?

Part 3