Chapter 20: I love you

"I like you!"

Napasimangot si Amalia at hindi natuwa sa pag-amin ni Max. "Ano ako, bata?"

"Do you love me?" Nakangiti na tanong ni Max sa dalaga na parang batang nagtatampo sa kanya ngayon.

Muntik ng mabulonan si Amalia sa tanong ni Max. Mabilis niyang tinungga ang laman ng baso na tubig upang alisin ang bumara sa kaniyang lalamunan.

"Because I love you!" Seryuso pa rin ang binata habang nakatitig kay Amalia. "I want to hea— what the!" Napatayo siya mula sa kinaupuan nang maibuga ni Amalia ang tubig na nasa bibig nito sa kaniyang harapan.

"Naku, sorry!" Mabilis na dinaluhan ni Amalia ang binata at pinunasan ng tisue ang bandang dibdib ng damit nito na nabasa niya ng tubig.

"Huwag ka ngang mag-joke nang ganyan kapag kumakain ako." Paninermon nito sa binata habang mariing pinupunasan ang damit nito gamit ang tissue.

"Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako?" Sikmat nito sa dalaga sa matigas na tinig. Nainis siya hindi dahil sa nabasa siya ng tubig na galing pa sa bibig nito. Kundi dahil hindi ito naniniwala sa kaniyang pag-amin. Hindi biro ang inipon niyang lakas ng loob upang masambit ang nilalaman ng kaniyang puso.

Napatda sa kinatayuan si Amalia at parang namagnet na rin ang kamay sa dibdib ni Max. Hindi makapaniwalang nakikipaglaban ng titig sa huli.

"Hindi ako nagbibiro."

Dahan-dahan inalis ni Amlia ang kamay na nakalapat sa dibdib ng binata at tumayo ng tuwid. Walang kurap na tinignan ang nangungusap na mga mata ni Max.

"We are both matured enough para maglaro sa isang relasyon." Patuloy na pagkumpisal ni Max sa kanyang totoong damdamin para kay Amalia.

Sumang-ayon si Amalia sa sinabi ni Max ngunit sa isipan lamang. Parang biglang nawalan siya ng dila at hindi magawang makapagsalita. Dumagdag pang nabibingi siya sa lakas ng kabog ng sariling dibdib.

"I've never felt this feeling sa mga nauna kong karelasyon. I've never been act like this. Ayaw ko na may ibang lalaki pang pumorma sa iyo kaya, let's get maried."

Muling nasamid si Amalia kahit wala namang laman kahit na anong pagkain ang kanyang bibig. "Kasal agad?" pinandilatan niya ito ng mga mata. "Ayun na eh, kinilig na sana ako sa mga una mong banat." Inirapan niya ito kahit na ang totoo ay abot hanggang puson ang ngiti ng kanyang puso.

"Whether you accept it or not, we're getting maried as soon as possible." May pinalidad na deklara ni Max bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Whoahh! Grabe siya!" Eksaheradong naibulalas ni Amalia habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. "Ano ito, shotgun proposal?"

"Mas gusto mong magpakasal sa gago mong ex-boyfriend?" Naggalawan ang kuwadradong panga ni Max habang ang mga mata ay nagbabanta ng panganib kung makatingin kay Amalia.

"Mamatay na ang magpakasal doon!" mabilis na tugon niya sa binata sa takot na magalit na naman ito sa kanya. "Pwede bang ligawan mo muna ako bago ang kasal?" Kumurap siya ng ilang beses habang nakangiti ng matamis kay Max. Sa ganoong paraan ay alam niyang mapapawi ang galit nito dahil sa maling iniisip.

"Kailangan pa ba iyon? Nag-honeymoon na nga tayo kaya hindi na siguro kailanga—." Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang biglang nagsalita ang dalaga.

"Kay Joy ka magpakasal kung gusto mo!" Padabog na tumayo si Amalia at tinalikuran ang binata kahit hindi pa siya tapos kumain.

"Hindi ko alam paano manligaw." Mabilis niyang paliwanag bago pa makalayo ang dalaga.

Natigil si Amalia sa paghakbang at nilingon ang binata. Tinaasan niya ito ng kilay nang kumamot ito sa batok at tila nahihiyang tumingin sa kanya.

"Paano ka nagkaroon ng ex-girlfriend?" nagdududa pa rin niyang tanong kahit alam naman niya ang sagot. Sa estado ng buhay nito at taglay na kagandahang lalaki ay normal ng babae ang unang lalapit dito. Idagdag pa na kay sarap yakapin ng matigas nitong katawan.

"Kumakain kami sa labas na magkasama at ginagawa ang katulad sa ginawa natin?" hindi sigurado sa sagot ang binata. Tumayo siya nang humakbang pabalik sa kinaroonan niya ang dalaga at bakas sa mukha nito ang galit.

"Hindi ako katulad ng mga ex's mo!" Mabilis ang hakbang na nilapitan ang binata upang hampasin ito sa dibdib gamit ang kanyang kamay.

"I know, right," Mmabilis na niyakap ni Max ng mahigpit ang dalaga upang pakalmahin ito. "Kaya nga pakakasalan kita." Pampalubag loob niya dito na ikinagalit lang lalo ng huli.

"Damn you!" Tinuhod niya ang harapan ng binata na nailagan naman nito.

Nagtatanong ang tinging ipinukol ni Max sa dalaga habang pinuprotektahan ang parte ng sariling katawan na hindi maaring mabasag. Nang makakuha ng pagkakataon ay muli niya itong niyakap ng mahigpit. Mabuti na lang at nasa opisina lang sila kaya walang ibang nakakasaksi sa nangyayari. Kung nagkataon ay mababawasan ang kakisigan niya bilang isang dating heneral. Nagmumukha kasing under de saya siya ngayon ng dalaga.

"Alam ko na lahat sila ay inalok mo ng kasal!" Nagpumiglas siya upang makawala mula sa mahigpit na yakap nito. Nagpupuyos sa galit ang kanyamg kalooban at naninibugho dahil sa nadaramang selos at lungkot. Nagseselos siya sa kaalamang pareho lang ang nadarama ni Max sa kanya at sa mga nakaraang karelasyon nito. At nalulungkot sa isiping iisa ang tingin sa kanila ni Max. Ang ayaw niya sa lahat ay ikumpara siya sa iba.

"Kung ginagamit mo lang ako upang ipamukha sa ex mo na naka move on ka na sa kanya, kalimutan na natin ang isa't isa." Gumaralgal ang kanyang tinig at ang luha ay nagbabantang kumawala sa kanyang mga mata.

"It's not what you think," pinakawalan niya ang dalaga at naihilamos ang kamay sa sariling mukha. "Look," inilahad niya ang kanang kamay upang abutin ang kamay nito, ngunit humakbang ito palayo sa kanya.

"You were more special to me at mas malakas ang tama ko sa iyo kaysa sa mga dati kong kasintahan." Napabuntong hininga siya nang umiling ang dalaga. Namamasa na rin ang mga mata nito tanda na nagpipigil itong umiyak. Muli siyang napabuntonghininga at nag-isip ng mas akma o mas magandang salita upang mapaamo na ang dalaga.

"Minahal kita ng walang pag-aalinlangan. Hindi ako nakakaramdam ng takot noon sa tuwing maisip na tatalikuran nila ako dahil sa uri ng aking trabaho. Hindi rin ako naging ganito kaagresibo sa aking past. Ok lang sa akin kung lalabas sila kasama ang kaibigan lalaki. But in your case," muli siyang nagbuntong hininga at lumapit sa dalaga. " Kapag nakita kitang may kasamang ibang lalaki, gusto kong maging kriminal."

"Weee?" Nakalabi niyang buska kay Max, ayaw ipahalata na muling nabuhay ang kilig sa kanyang malanding puso. Sa haba ng sinabi nito ay napuno ng kagalakan ang kaniyang damdamin.

"Kahit si Wigo ang kasama ko?" dugtong pa na aniya at nanunubok ang tanong dito.

"Kung patuloy kang makipag matigas sa akin, baka siya ang unang lalaking mabaril ko dahil sa iyo." Tumiim ang kanyang mga titig sa dalaga. Humaplos ang isang kamay sa pisngi nito, na tila sa pamamagitan niyon ay maalis na ang agam-agam na iniisip ng dalaga.

"Ayaw ko nang may kapareho." Parang bata na maktol ni Amalia. Naniniwala naman siya na mas mahal siya ng lalaki kaysa sa mga past nito. Pero gusto niya makasiguro at maranasan ang maging special sa lahat.

"Hindi ako ang unang nagco-confess ng feelings sa aking past. And most of all, I've never say those three magic words to them." Hinapit niya sa baywang ang dalaga at pinagdikit ang ibabang parte ng kanilang katawan.

Napasinghap si Amalia nang maramdaman ang katigasan ni Max na bumundol sa kaniyang puson.

"Ito ang patunay na kaiba ka sa lahat." Nakangisi niyang dugtong at hinigpitan ang pagkahawak sa baywang ng dalaga.

"Siguradohin mo lang na sa akin lang ito sasaludo!" Walang pakundangang dinaklot ni Amalia ang pagkalalaki ng binata. Napabitaw ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baywang dahil sa ginawa niya.

"Guato mo ba akong mabaog?" Reklamo ni Max habang minamasahe ang sarili dahil sinakal iyon ng dalaga." Gusto ko pa bigyan ng kapatid ang panganay natin."

Nakagat ni Amalia ang ibabang labi upang supilin ang ngiting gustong sumilay sa kanyang labi. "Kailangan ko nang bumalik sa trabaho." Mabilis siyang dumistansya sa binata nang marinig ang bell, hudyat na tapos na ang break time.

"Hey, no need to rush. I'm the boss here, remember?" tawag ni Max sa dalaga na nasa pintuan na ngayon.

"Labas ang trabaho sa personal life, Sir. " Diniinan niya ang huling kataga. Ayaw niyang pag usapan sila ng lahat lalo na at nasa unang baitang pa lang ang kanilang relasyon.

"Pero hindi mo pa sinasagot ang lahat ng sinabi ko." Himutok na ani ni Max.

Natawa si Amalia sa inakto ng binata. Hindi niya akalain na marunong din pala magpabebe ang huli. "Pag isipan ko," aniya bago tuloyang binuksan ang pinto. Gusto niyang magpakipot sa pagkakataon na ito.

"Tama na iyong sa kama lang siya hindi nahirapan sa akin." Pilyang ngiti niya sa kanyang sarili. Gusto niyang tumalon sa tuwa nang maisara ang pinto. Pati yata buhok niya ay kinilig nang ipahabol ng lalaki ang katagang 'I love you!'

"Magsabi ka nga ng totoo!"

"Ay matigas na talong!" Gulat na naibulalas ni Amalia nang magsalita ang kaibigang si Jolina mula sa kanyang likuran.

"Hala, tama ba ang iniisip ko?" Nangningning sa tuwa ang mga mata ni Jolina habang sinusuri ang katawan ni Amalia.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" Nagkunwaring walang alam si Amalia at nilampasan ang kaibigan.

"Ikaw nga ba ang dahilan kung bakit ayaw na ni Sir Max makipagbalikan kay Ma'am Joy?" Umaktong kinikilig si Jolina na siyang tunay niyang nadarama.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" bahagyang namula ang pisngi ni Amalia at nakaramdam ng hiya. Ngayon niya lang naisip na kung gaano kalaki ang agwat nila ni Max sa estado ng buhay. Bigla siya nakaramdam ng takot kapag malaman ng lahat, lalo na ng pamilya ng lalaki. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Anthony. Takot siyang mahusgahan ng mapanghusgang tao lalo na at isa siyang dalagang ina. Walang salitang tinalikuran niya si Jolina, mukhang nakaintindi naman ang huli at nabasa ang laman ng kanyang isipan ngayon dahil hindi na siya kinulit pa.