Chapter 13: Kakaibang mission

"BAKIT dito?" Nakasimangot na tanong ni Amalia kay Wigo nang ihimpil nito ang minamanehong motorcycle sa isang eskinita. "Gutom ka 'di ba?" Nagpatiuna na siya ng lakad papasok sa isang karenderya. Naipadyak ni Amalia ang isang paa sa lupa at nanatili sa kinatayuan. "Ang ganda ng suot ko tapos dito mo ako edi-date?" Nakangisi na nilingon ni Wigo ang kaibigan. "Sino ba ang may sabi na date ito? Pasalamat ka nga at sinamahan pa kita at pumalit sa pwesto ng nang-indiyan sa iyo." Nang-aasar niyang buska sa dalaga. "Doon na tayo sa restaurant, treat ko at ako naman ang nag-aya sa iyo." Naka cross arms na humarap siya kay Wigo. "Maganda sa pandinig pero tagalid tayo sa ganyang lugar," nag-iisip na turan ni Wigo. "Hindi malabong naroon din si Heneral Max dahil pang mayaman ang lugar na ganoon." Paliwanag niya dito nang taasan siya ng kilay ng huli. "Kailan ka pa naduwag?" nang iinsultong tanong ni Amalia dito. "At saka ano naman kung makita natin siya roon?" "Sus, tapang mo kapag hindi siya kaharap," tinapatan ni Wigo ang talas ng dila ng dalaga. "FYI, tiklop tuhod mo sa kanya doon sa elevator." Nakangisi niyang dugtong "Wala kaming ginawa!" defensive na sansala niya sa iniisip ni Wigo. "Kakain ba tayo o uuwi na lang?" Pasupladong tanong nito sa dalaga. Ayaw na niya pahabain ang bangayan nila dahil magkakapikunan lamang sila tulad ng dati. "Busog ako, inum na lang tayo?" Kibit-balikat na bumalik si Wigo sa kanyang sasakyan. Pinagbigyan ang gusto ng kaibigan para wala ng mahabang usapan. Habang tumatagay ay naisipan ni Amalia e-text si Jolina—ang kanyang officemate. "Kamusta ang araw sa office kanina? Hindi ba ako hinanap ni Boss?" "Naku paano niya mapansin ang absence mo kung may kasama siya maghapon na magandang babae?" Daig pa ni Amalia nakainum ng katas ng ampalaya pagkabasa sa sa reply ng kaibigan. Mabilis niyang inagaw ang hawak ni Wigo na basong puno ng beer at tinungga iyon. "Hoy, alak iyan at hindi tubig!" Inagaw ni Wigo ang baso sa dalaga. "Gago talaga kayong mga lalaki! Mga malalandi!" singhal ni Amalia sa kaibigan at dito ibinunton ang inis na nadarama. "Aray!" Sapo ang kamay na tinamaan ng puwet ng baso dahil doon ibinagsak ng kaibigan ang hawak nito. " Promblema mo?" "Mga malalandi kayo at walang isang salita!" patuloy sa pagmamaktol si Amalia habang tumatagay. Ibinuhos ang sama ng loob sa pag-inum ng alak. Iwinawaksi ang kamay ni Wigo sa tuwing aagawin ang baso sa kanya. Pinakiramdaman ang sarili at ramdam niya ang dobleng sakit doon kaysa sa unang lalaking minahal niya. "Tsss, ngayon ako nagsisi kung bakit tinanggap ko ang kabaliwang misyon na ito." Palatak na ani Wigo habang tinatakpan ng kamay ang magkabilang taenga niya. Malamyos ang tugtog sa naturang beerhouse at nangingibabaw ang boses ng kaibigan. Maging ang mga tao sa karatig lamesa ay napapatingin na sa gawi nila. "Ganyan ka rin noh?" Dinuro niya si Wigo na tila nahihiya na kasama siya ngayon. Bahagya siyang huminahon nang mapansin na sa kanya nakatingin ang iba pa. Inirapan niya ang mga ito lalo na ang mga kalalakihan. "Tama na iyan, baka malasing ka pa eh hindi kita maiangkas sa motor." Pilit nagpakahinahon si Wigo nang mapansin na lasing na ang kaibigan. "Iwan mo na lang ako dito." Mukhang paiyak na mukha niya dahil walang nakakaintindi sa kaniyang damdamin ngayon. Natahimik si Wigo nang marinig ang pagpiyok ng boses ni Amalia. Nakayuko na ito at nilalaro ng daliri ang bibig ng baso. "Ano ba ang nangyari at biglang sumama ang templada ng mood mo?" Ginagap niya ang isang kamay ng dalaga. "Iwan mo na ako!" Tinabig ni Amalia ang kamay ng kaibigan. " Pare-pareho lang kayo na mapaglaro ng damdamin ng babae!" Napasinok siya bigla hindi dahil sa kalasingan, kundi dahil sa pagpipigil na umalpas ang luha sa mga mata. "Pambihira! Ang drama niyo talagang mga babae at napaka unfair. Kapag kami ba ay sinaktan ninyo ay nilalahat namin kayong mga babae?" Hindi napigilan ni Wigo ang sarili na makipagtungali sa babaeng lasing. "Bakit, nasaktan ka na ba? Kailan ka pa nagkaroon ng babae?" Naka ismid na buska ni Amalia sa kaibigan. Kahit papaano ay nabaling sa iba ang isip at nabawasan ang bigat ng dibdib. "Aba, talagang minamaliit mo ako?" Maaskad ang tabas ng aura ng mukha ng binata  at inayos ang nagulong buhok. Napangisi si Amalia habang pinagmamasdan ang kaibigan na nag-ala kingkoy sa kanyang harapan. Ito ang gusto niya dito, kahit nagbabangayan ay napapatawa siya nito. "Naiihi ako." Bahagya pa siyang gumiwang sa pagkatayo. Inalalayan siya ni Wigo hanggang sa pintuan ng palikurang pambabae. Habang nagmamaneho ay ilang ulit na tinawagan ni Max ang cellphone ni Amalia. Naka tatlong ring na ay walang sumasagot kung kaya tumaas na ang level ng init ng kanyang ulo. Galing siya sa bahay ng mga ito at napag-alaman niyang umalis ito kasama umano ang kaibigang lalaki, sakay ng motorcycle. Hawak ni Wigo ang bag ni Amalia at narinig niya ang pagtunog ng aparato. Napilitan siyang sagutin iyon dahil sa walang humpay na pagtunog at naiisip na baka emergency. He answered it without checking who is on the line. "Who are you?" Nailayo ni Wigo ang hawak na aparato sa kanyang taenga dahil sa lakas ng boses ng lalaking nasa kabilang linya. "Who the hell are you?" pag-uulit na tanong ng lalaki na ikinapantig ng taenga ni Wigo. "Ikaw ang sino? Sira ulo ka ah! Ikaw itong tatawag sa akin tapos magtatanong ka kung sino ako?" Bulyaw na rin ni Wigo sa kausap. " Babaliin ko ang leeg mo kapag may ginawa kang masama kay Amalia!" Biglang natauhan si Wigo pagkarinig sa banta ng lalaki. Tila slow motion na inilayo sa taenga ang cellphone at itinapat sa kanyang mukha upang tignan ang pangalang nakarehistro sa screen. " My Max" bigkas niya sa nabasang pangalan ng caller sa mahinang tinig lamang. "Shit! I'm dead?" Naibulalas niya at binatukan ang sarili nang mahinuha na hindi kanya ang cellphone na hawak. Dahil na rin sa alak na nainum at sa biglang pagpantig ng taenga kanina ay nakalimutan niyang kay Amalia ang cellphone na hawak. "Sabihin mo sa akin ngayon din kung nasaan siya?" Nag-igtingan ang ugat sa leeg at ganoon din sa kamao ni Max habang mahigpit na nakahawak sa manubela. "Sa-sandali po, boss, umiihi pa si Amalia!" halata sa tinig ni Wigo ang pagkataranta. "Kasama ka niya inside the bathroom?!" Dumagundong na ang tinig ni Max dahil sa galit at nakilala ang tinig ng kausap. "Boss naman, lalaki po ako!" Ngumiti siya na tila nakikita siya ng kausap. "Ikaw ba ito, Wigo?" mataas pa rin ang timbre ng kanyang tinig kahit napanatag ng kaunti ang kalooban, sa kaalamang kilala niya kung sino ang kasama ng dalaga. "Hindi po," nabatukan niyang muli ang sarili. "I mean, ako nga po ito kaya huwag kayong mag-alala. Nasa malinis na kamay si Amalia." "Send me your location now, I'm on the way!" "Huh? Teka Boss! Boss?" ilang ulit niyang tinawag ito ngunit pinatayan na siya ng linya. "Ayst, malas na naman ang gabi ko!" Maktol niya habang nagtitipa sa sariling cellphone at send ang location kay Max. "Sino kausap mo?" nagtatakang tanong ni Amalia sa kaibigan nang maabutan na tila problemado habang hawak ang cellphone nito. "Ang dragon, maghilamos ka ng mukha at ituwid ang tayo mo dahil ayaw kong mabalian ng leeg." "Pinagsasabi mo?" Nakasimangot na anito at kumawala sa paghawak ni Wigo sa kanyang balikat upang itulak sana siya pabalik sa loob ng palikuran. "Dalian mo na, parating na ang sundo mo." Tinulak na niya ang kaibigan at napilitan na rin siyang pumasok sa loob upang hilamusan ito. Puro reklamo ito na kisyo nabura na ang make up sa mukha dahil sa kanyang ginawa. Ipinagpasalamat na lamang niya na walang ibang babae na pumasok sa loob hanggang nakalabas sila. Naabutan ni Max ang dalawa na naglalakad pabalik sa upuan. Wala pang ten minutes ay narating niya ang lugar dahil malapit lamang siya kanina. "Next time na makita ko pa ang kamay na iyan na nakahawak sa kanya, babaliin ko na." Dahil sa gulat ay mabilis na binitawan ni Wigo sa balikat ang kaibigan na naging sanhi ng pagkagiwang ng tayo nito. Mabuti na lang at naging maagap ang kilos ng heneral at umalalay sa dalaga. Hindi niya akalain na naroon na agad ang heneral. Nagtagal sila sa palikuran dahil ang kulit ng kaibigan at gustong magpaganda pa. "Kanina mo pa ako hinaharash ah!" Nakapikit ang mga mata na sikmat ni Amalia sa kaibigan. Hindi nakilala kung sino ang sumalo sa kanya dahil bigla siyang nahilo sa ginawa sa kanya ni Wigo. "Ayusin mo nga iyang pinagsasabi mo." Pabulong na sikmat ni Wigo kay Amalia nang maningkit ang mga mata ni Max na nakatingin sa kanya. Baka akalain na ginawan niya ng masama ang dalaga. "Bakit ba—" "Ah Boss, pasensya na at hinayaan ko siyang uminum," mabilis niyang pinutol ang iba pang sasabihin ni Amalia. " Mukhang broken hearted po kasi." Paliwanag niya dito na lalo lamang kinabagsik ng aura ng mukha ni Max. Pakiramdam ni Amalia ay biglang nawala ang kalasingan nang maamoy ang pabango ng taong may hawak sa kanya. Nang masilayan ang guwapong mukha nito ay nabuhay muli ang galit sa kanyang puso. "Tara na Wigo, uwi na tayo!" Itinulak niya si Max at mabilis na ikinawit ang kamay sa braso ni Wigo. Siya na mismo ang humila sa kaibigan palabas ng beerhouse. Parang tuod na napasunod si Wigo sa kaibigan. Pakaladkad na siyang isinama nito, nilingon niya si Max na nakasunod sa kanila at mukhang kumukuha lang ng tyempo na bugahan siya ng apoy. "Isinakay mo siya diyan?" Parehong napatda sa kinatayuan sina Wigo at Amalia pagkarinig sa baritonong tinig ni Max mula sa kanilang likuran.  "Pake mo?" mataray na tugon ni Amalia kay Max nang makahuma. "Mauna na ako sa iyo, ayaw kong madamay sa gulo." Pabulong na paalam ni Wigo sa kaibigan at nagmamadaling iniwan ang napatangang dalaga. Kumaway lang siya sa heneral bago pinaharurot palayo ang motorcycle. Hindi na nakapalag si Amalia nang pangkuin siya ni Max at sapilitan isinakay sa kotse nito. Pareho silang galit sa isa't isa at hindi siya nagpapatalo sa pakipag tikisan ng tingin. Hanggang makarating sa bahay ni Max ay walang namagitang pag uusap sa dalawa. Nang halikan siya ng binata ay mas marahas ang kanyang naging tugon sa halik. Tila sinapian siya ng malakas na ispirito dahil nagawa niyang pumaibabaw dito. Gusto niyang makaganti kay Max at sa paraang naisip ay alam niyang magawa niya iyon sa lalaki.