Epilogue
Clark's POV
"Hey brother, wake up! Late ka na naman sa school, first day na first day." Inis akong nagtalukbong ng kumot nang marinig ko na naman ang mala-megaphone na boses ng kapatid ko.
"Can you lower your voice? Umagang-umaga ang ingay ingay mo." Singhal ko.
"A-Aba?! Ginigising lang kita tapos sasabihan mo 'ko niyan? Unbelievable."
Bumangon na lang ako kahit na ayaw pa ng katawan kong bumangon. Badtrip kasi.
"Ito na, tatayo na! Kainis..." naiwan naman siya roong parang tangang naka-awang ang bibig.
Matapos akong maligo at makapagbihis ay hindi na ako nag-abala pang kumain dahil mas lalo lang akong mababadtrip kung magtatagal pa ako rito.
Pagkarating ko sa school ay dumiretso na agad ako sa room at tuloy-tuloy lang sa pag pasok.
"Continue miss," napatingin ako roon sa babaeng nakatayo sa harapan.
Hmm... maganda siya, huh. Maputi, maganda, singkit, matangkad— pero mas matangkad pa rin ako sa kaniya. I think she's new here, ngayon ko lang siya nakita eh.
"Good morning, I am Min-jo Yoon and I'm 17 years old." Pati boses at pangalan maganda rin.
But she's not my type.
Matapos siyang magpakilala ay lumakad na siya paupo at kung sini-suwerte ka nga naman at katabi ko pa.
"Are you half Korean or pure?" Tanong ni Ma'am.
"Pure Korean po," sagot naman nitong katabi ko.
"Tss, stupid." Umiiling na sabi ko. Makatulog na nga lang.
Nasa kalaliman ako ng tulog nang may walang hiyang gumising sa akin.
"Ma'am ayaw po niyang gumising eh," dinig kong sabi noong katabi ko.
"Nevermind, let him be." Dinig ko namang sabi ni Ma'am.
Lagot ka sa akin mamaya, babaeng pinaglihi sa tokwa.
Nang mag-bell na ay hinintay ko munang makalabas lahat ng kaklase ko bago ako lumabas.
Papasok na ako ng Cafeteria nang may babaeng bumunggo sa akin kaya natapon sa akin 'yong hawak niyang tubig.
"Are you blind?!" Sigaw ko sa kaniya.
Paulit-ulit naman siyang nagso-sorry habang nakayuko.
Inis akong lumabas ng Cafeteria at pumunta sa locker room para manguha ng extra uniform at nagpalit na.
Matapos akong magpalit ay bumalik ako sa Cafeteria para abangan 'yong lampang babae kanina.
Iginala ko ang tingin ko at bigla na lang itong tumama sa gawi nina babaeng pinaglihi sa tokwa. May atraso rin pala sa akin itong isang 'to... mamaya ka sa akin.
Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at tamang-tama namang tumama ang mata ko sa babaeng lampa.
Mag-isa lang siya kaya naman hindi ako mahihirapang lapitan siya.
Nang wala na akong madaanang estudyante ay tinawag ko siya. "Hoy babae!"
Dahan-dahan naman siyang lumingon at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya.
"You think nakalimutan ko na 'yong kanina?" Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya samantalang nakatayo lang siyang parang tanga sa puwesto niya.
"Bukas na bukas dapat wala ka na rito kung hindi... hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa buhay mo." Pananakot ko.
"O-Oo, b-bukas na bukas aalis na ako." Utal na sagot niya.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, you may now leave. May allergy ako sa pangit kaya umalis ka na ngayon sa harapan ko." Pagkasabi ko noon ay agad na siyang kumaripas ng takbo.
Papunta ako ng garden nang mapadaan ako sa girls locker room saktong naroon si Min-jo. Kaya naman tahimik akong naglakad palapit sa kaniya at tahimik na sumandal sa katabing locker niya.
Matapos siya sa ginagawa niya ay sinarado niya na 'yong locker niya at napaatras na lang siya nang makita ako.
"W-What are you doing here?" Utal na tanong niya.
Deretso lang akong nakatingin sa kaniya saka dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya.
"H-Hey! Don't come near m-me!" Sabi niya habang umaatras-atras. Hanggang sa wala na siyang maatrasan. Lagot ka ngayon.
"Ikaw 'yong babaeng nang gigising sa akin, right?" Tanong ko, hindi naman niya ako kinibo.
"You know what? Ang ayoko sa lahat ay 'yong ginising ako?" Seryosong sambit ko.
"Pinagising ka sa akin ng teacher natin eh." Sabi niya.
"Kahit na. Tell me, anong gusto mong gawin ko sa 'yo?" Nakita ko siyang napalunok. "None? Okay, ako na ang bahala. Be ready babaeng pinaglihi sa tokwa." Ngumisi ako at iniwan siya roon.
Kinaumagahan, nagulat si ate nang makita niya akong nakabihis na at ready nang pumasok.
"Wow, you're early huh.." saglit ko lang siya sinulyapan saka nilampasan siya.
"Clarkson! Tama bang dedmahin at talikuran mo ang napakaganda mong ate?" Nakapamewang na tanong niya.
"Alis na ako." Sabi ko at umalis na.
Inagaahan ko talagang pumasok ngayon para abangan si Tofu.
Narito ako ngayon sa bench malapit sa hallway nang makita ko si Tofu na mag-isang naglalakad. Lalapitan ko na sana siya nang makita kong papalapit 'yong kaibigan niya. Pero wala akong paki.
"Babaeng tokwa!" Sigaw ko.
Huminto naman silang dalawa kaya naman naglakad ako nang mabilis palapit sa kanila.
Aalis na sana sila kaso mabilis kong nahawakan ang braso niya.
"Tatakbuhan mo pa ako, ha?"
Nang iharap ko siya ay masamang tingin agad ang sumalubong sa akin. Woah, tumapang bigla ah.
"Let go of me." Palihim naman akong napangisi.
"Aba matapang ka ha, parang kahapon lang para kang kaawa-awang pusa. Well, ganiyan ang gusto ko. Pumunta ka mamaya sa garden at may ipapagawa ako sa 'yo." Sabi ko.
"What if I don't?" Pinapahanga niya ako sa katapangan niya, ha.
"It's up to you, hindi mo magugustuhan mangyayari sa 'yo." Sabi ko at iniwan na sila roon.
Sa garden ako dumiretso dahil boring 'yong dalawang subject namin ngayon.
Kinuha ko na lang 'yong earpods ko sa bag at nakinig na lang ng music saka natulog na lang.
Nagising na lang ako nang marinig kong tumunog na 'yong bell.
Ilang oras akong naghintay kay Tofu pero hindi siya pumunta. Lagot ka sa akin, babae ka.
Naghanap ako ng dalawang utusan para sa plano kong pagpaparusa kay Tofu.
"Kita niyo 'yong maputing babaeng 'yon?" Turo ko, nagsitanguan naman silang dalawa.
"Sa kaniya niyo itataklob ito ha?" Turo ko naman doon sa basurahang katapat namin.
"Noted po." Sabay nilang sagot saka umalis na.
Umalis na ako sa puwesto ko nang makita kong palabas na sila ng Cafeteria. It's showtime!
"Mga tarantado kayo!" Galit na sigaw noong kaibigan niya.
Poor you, Tofu. Kung pumunta ka lang siguro kanina edi sana hindi nangyari sa 'yo 'yan.
Sinundan ko sila papuntang shower room.
"May extra uniform ka?" Rinig kong tanong niya.
"Oo meron, mauna ka na sa shower room at kukunin ko muna sa locker ko 'yong uniform." Sagot naman noong kaibigan niya.
Pagka-alis noong babae ay agad ko nang nilapitan si Tofu.
"Are you happy now?" Tanong niya.
"Actually, no. Wala pa 'yan sa kalahati kaya mag hintay ka lang." Ngisi ko bago siya talikuran.
Masuwerte ka dahil iyon lang ginawa ko sa 'yo. Siguro kung hindi ka lang maganda baka mas grabe pa 'yong ipapagawa ko kaysa kanina.
~~~
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa school na ako dahil sure na sure na akong pupunta na si Tofu.
Sumandal na lang muna ako sa may puno para hintayin siya.
"Ano na?" Speaking of.
Matapos kong sabihin sa kaniya 'yong ipapagawa ko ay sinabi kong samahan niya muna akong tumambay rito sa garden kaso tumanggi siya.
Hinayaan ko na lang siyang umalis at bumalik na lang ako sa pagkaka-upo at umiglip saglit.
Nang tumunog ang bell ay mabilis na akong tumayo at agad nang pumunta sa room. Nagtaka naman ako dahil wala roon si Tofu at pati 'yong kaibigan niya.
Pero ilang saglit din ay dumating na sila kaya umayos kaagad ako ng upo at kinindatan siya nang magtama ang tingin namin.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya.
"Maganda ka pala, ngayon ko lang na realize." Actually, unang kita ko pa lang sa kaniya ay nagandahan na ako sa kaniya.
~~~
Hindi ko minsan ma-control ang sarili kong masaktan siya dahil sa galit ko. Ikaw ba naman masabihan ng hindi mahal ng magulang, sinong hindi masasaktan at magagalit doon?
Nag-utos muli ako ng tatlong lalaki para maikulong siya sa stock room. Lumawak na lang ang ngiti ko nang makitang nakapasok na siya sa loob at sinimulan na nilang i-lock.
Nagpalipas muna ako ng ilang oras bago siya puntahan at tignan. Na sana ay hindi ko na lang dapat pala ginawa dahil kung minamalas nga naman at dalawa pa kaming nakulong sa loob. Inabot tuloy kaming dalawa roon nang gabi.
"Hoy Tofu, buhay ka pa?" Tanong ko.
"Malamang," sagot niya sabay irap.
Ang sungit talaga ng babaeng 'to.
Kinapa ko naman ang bulsa ko para kunin 'yong binili kong cloud nine kanina. Actually, para sa kaniya talaga 'yan, eh. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko siya naisipang bilhan niyan.
"Oh..." bato ko sa kaniya.
Noong una ay parang ayaw pa niyang kunin pero kalaunan ay kinain niya lang din. Aarte pa eh.
Ilang oras ang dumaan at nang lingunin ko siya ay nakayakap siya sa tuhod niya habang nakapatong ang ulo niya roon.
Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan siya pinasandal sa balikat ko at hinayaan siyang matulog doon. Hinubad ko rin ang suot kong jacket at ipinatong sa kaniya para hindi siya lamigin. Ilang saglit din ay dinalaw na rin ako ng antok.
~~~
Habang patagal nang patagal ay unti-unting nagbabago ang pakikitungo namin sa isa't-isa at nagsimula 'yon noong maihatid ko siya noong gabing 'yon sa bahay nila.
Naging mag kaibigan kami. Pero parang may parte sa akin na mas gusto ang higit pa roon.
Akala ko magtutuloy-tuloy na pero mayroong nangyaring hindi ko inaasahan. Si Neron, nahuli kong may pinapanood sa cellphone niya at nang tignan ko 'yon ay bigla na lang kumulo 'yong dugo ko nang makitang si Min-jo ang pinapanood niya habang nagbibihis ito.
"Gago ka!" Sigaw ko sabay suntok sa kaniya.
"Ano bang problema mo, ha?!" Tanong niya habang nakahawak sa panga niya.
"Sa dinami-rami ng babaeng puwedeng manyakin, bakit si Min-jo pa?" Nanggigigil na tanong ko. T*ngina, mapapatay ko itong g*gong ito.
"Nakakasawa na 'yong mga babae rito sa school eh, kaya si Miss Koreana na lang para ibang putahe naman." Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinila ang collar niya saka paulit-ulit na sinusuntok.
"Tarantado ka! Sigurado akong pandidirihan ka niya kapag sinabi ko sa kaniya kung ano at sino ka talaga." Sarkastiko naman siyang tumawa.
"Kung paniniwalaan ka niya," bugbog sarado na nga't lahat nakuha pa rin niyang ngumisi.
At tama nga siya, hindi nga ako pinaniwalaan ni Min-jo. Sobrang nasaktan ang loob ko noon kaya isang linggo akong na kina lolo.
"Gusto mo ba siya?" Tanong ni lolo.
"Hindi ko po alam, siguro po.." sagot ko.
"Ito lang ang masasabi ko, kung gusto mo siya bakit hindi mo subukang sabihin sa kaniya?"
"Lolo naman, aware ka naman po siguro kung gaano ka-torpe itong apo niyo, 'di ba?" Umiling naman siya.
Kinahapunan din noon ay nagpaalam na ako kina lolo na aalis na.
Naka-upo ako ngayon sa damuhan habang umiinom nang beer in can at nakatanaw sa ilaw ng mga gusali. Naubos ko na 'yong limang beer in can kaya naman tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko bago sumakay sa kotse ko.
Hindi ko alam pero saka ko lang namamalayan na narito na ako sa tapat ng bahay nila Min-jo. Damn, I missed her so much.
"Clark... tama na, please..." saka lang ako natauhan nang marinig ko ang umiiyak na boses niya.
Shit! What am I doing?!
"I'm sorry, Min-jo... I'm so sorry, shhh.. stop crying..." sabi ko sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.
Pagkatapos ng nangyari kanina ay sa sala na ako pumunta at doon na natulog dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Muntik na 'yong kanina.
~~~
Nasabi ko na kay Ate 'yong nararamdaman ko para kay Min-jo at kulang na lang ay magpa-party pa siya.
At bukas na ang birthday niya kaya oras oras niya akong kinukulit para kumbinsihin si Min-jo na pumunta.
"Pupunta raw siya bukas," sabi ko kaya tumili siya.
"Dapat 10 narito na siya, okay?" Tumango na lang ako saka naglakad na papunta sa kuwarto ko.
Narito ako ngayon sa kusina habang pinapanood silang masayang nag uusap. Masaya ako dahil nagkaroon muli ng kaibigan si ate.
Sa mga sumunod na araw ay start na ng foundation namin. Naghanda ako ng isang mahabang message para kay Min-jo at para roon na rin umamin.
Ako rin ang may pakana ng jail booth na 'yon. Bakit ba, gusto ko siyang ma-solo kahit na ilang oras lang eh.
Noong uwian ay tumawag sa akin si ate na hindi na raw matutuloy umuwi sina mommy bukas. Nakakainis, nangako sila kay Chandler na uuwi sila. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila? Eh hanggang pangako lang naman sila.
"May problema ka ba?" Saka lang ako natauhan nang magsalita si Min-jo.
"Wala." Sagot ko.
"Hindi ako naniniwala, ano nga? Ano pang silbi ng pagdala mo sa akin dito kung hindi ka rin naman pala magsasalita?" Bumuntong-hininga naman ako saka nagkwento sa kaniya.
Mabuti na lang at nariyan siya. Sinamahan niya ako para lang mapasaya si Chandler. Hindi ako nagkamali sa babaeng nagustuhan.
"Kuya, gusto ko si ate Min-jo para sa 'yo." Nilingon ko naman si Chandler sa gilid ko.
"Why?" Tanong ko habang nasa daan pa rin ang tingin.
"Because she's so kind and sobrang pure ng pagkatao niya." Sagot niya.
Napangiti na lang ako sa isinagot niya. That's the reason kung bakit ako nagkagusto sa kaniya.
"Clark!" Habang naglalakad ako ay may narinig akong tumawag sa akin.
At nang lingunin ko 'yon ay nakita si Sandara na tumatakbo papalapit sa akin.
"What?"
Huminga muna siya bago mag salita.
"Malapit na birthday ni Min-jo, ano plano mo?" Nanlaki naman ang mata ko.
Oo nga pala muntik ko nang malimutan.
Nginitian ko naman siya. "Secret, bakit ko sasabihin sa 'yo?" Ngumuso naman siya at saka inirapan ako.
~~~
Today is Min-jo's birthday at ang sabi sa akin ni Ate ay 6 pm pa raw ang start ng party kaya naman marami pa ang oras ko para paghandaan ang birthday niya.
At pagpatak ng alas sais ay chinat na ako ni Ate na hinahanap na raw ako ni Min-jo. Kinilig naman ako ro'n.
Bago ako pumunta sa resort at dumaan muna ng flower shop para bumili ng bulaklak para kay Min-jo.
At pagkarating ko sa resort ay nakangiti akong bumaba ng sasakyan. Malapit na ako sa paggaganapan nang may maaninag akong pigura ng lalaking nakatayo sa 'di kalayuan.
Lalapitan ko na sana siya nang tawagin ako ni Ate.
"Saan ka pa pupunta?" Tanong nito saka hinila na ako.
Napako ang tingin ko kay Min-jo na parang anghel dahil sa suot at ayos niya. Hinding-hindi ako magsasawang tignan siya buong magdamag.
"What are you waiting for? Lapitan mo na siya!" Mahina akong tinulak ni Ate kaya wala na akong nagawa kundi ang lapitan siya.
Sobrang saya na sana ng araw na 'yon kaso may hindi inaasahang nangyari.
"Clark, nakita mo ba si Min-jo?" Tanong ni Sandara.
Nagtaka naman ako.
"Hindi ba at kasama niyo siyang umalis kagabi?" Tanong ko.
"Oo nga, pero kaninang paggising ko ay wala na siya sa tabi ko." Sagot naman niya.
Bigla naman akong kinutuban.
"Alam na ba nina lolo at lola?" Umiling naman siya. "Sinubukan niyo na siyang tawagan?" Umiling siyang muli.
"Naiwan niya phone niya eh," sagot niya. "Kanina pa nga kami naghahanap ng ate mo eh," pagtutuloy niya.
"Baka naroon lang siya kina lola niya," sana nga nandoon siya. At sana mali itong kutob ko.
"Puntahan natin," tumango na lang ako at sabay na naming pinuntahan ang kuwarto ng dalawang matanda.
"Akala ko ba at kasama niyo siya?" Takang sagot ni Lola Mytha.
Nagkatinginan naman kami ni Sandara. Fvck!
"Nawawala po si Min-jo, lola.." mahinang sabi ni Sandara.
"W-What? Papaanong nangyari 'yon? Magkakasama lang kayo kagabi, 'di ba?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Oo nga po, pero kanina noong gumising ako ay wala na siya sa tabi ko." Sagot naman ni Sandara.
"Ju-hwan, baka naman..." niyakap naman agad siya ni lolo.
"Kagabi po..." napatingin naman sila sa akin.
"Ano 'yon Clark?" Tanong sa akin ni lolo.
"Kagabi po may nakita akong lalaking nakatayo roon," turo ko kung saan naka puwesto 'yong lalaki kagabi.
"Ano ang itsura noong lalaki?" Tanong pa niya.
"Hindi ho siya gaanong katangkaran, may kahabaan ang buhok, at sakto lang ang pangangatawan." Pag-describe ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh.." aniya.
"Don't tell me si Hyeon Kwan ang dumukot sa kaniya?" Nagtingin kaming muli ni Sandara dahil hindi namin alam 'yong pinag-uusapan noong dalawang matanda.
"Gustuhin ko mang sabihin na hindi siya pero..."
"Anong pero Ju-hwan?" Tanong naman ni lola.
"Siya talaga, naalala mo noong anniversary natin? Hindi ka lang basta namalik-mata noon. Talagang narito siya sa Pilipinas at alam natin pareho na si Min-jo ang pinunta niya rito." Hindi na nakatiis si Sandara na sumingit sa usapan ng dalawang matanda.
"Sorry po sa pagsabat pero sino po si Hyeon Kwan?" Tanong niya.
Kinewento sa amin nina lolo 'yong nangyari sa kanila Min-jo.
Parehong doctor ang mga magulang ni Min-jo sa Korea at pasyente nila ang nag-iisang anak na babae ni Hyeon Kwan. At mayroon itong malubhang sakit at hindi na kailanman malulunasan. Namatay raw ito at nang malaman ni Hyeon Kwan na ang mga magulang ni Min-jo ang doctor ng anak niya ay galit na galit ito. Gusto niyang gumanti sa nangyari sa anak niya.
"Iyon siguro ang dahilan kaya niya dinukot si Min-jo." Pagtatapos ni lolo sa kuwento.
"Eh nasaan na po ang mga magulang ni Min-jo?" Tanong naman ni Sandara.
"Hindi naman alam. Bago kami lumipat dito sa Pilipinas ay nauna silang umalis ng bahay upang magpakalayo-layo at hindi namin alam kung nasaan na sila." Si lola ang sumagot.
Ilang araw na akong walang tulog dahil tumutulong ako kina lolo para mahanap si Min-jo.
"Iho, magpahinga ka na muna, ilang araw ka nang walang tulog baka magkasakit." Ani lolo.
Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kaniya. Sa condo na lang muna ako.
Matutulog na sana ako nang may tumatawag sa akin at pag tingin ko ay unknown number. Hindi ko sana sasagutin 'yon pero parang may bumulong sa akin na sagutin ang tawag na 'yon.
"Papunta na, sasabihin ko muna kina lola mo. I-open mo 'yong location ng cellphone na hawak mo para madali ka naming ma track." Sabi ko at in-end na ang tawag saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko.
Nang makarating ako sa bahay nina Min-jo ay agad kong sinabi sa kanila na alam ko na kung saan pupuntahan si Min-jo.
"Ako na po ang sasama sa kanila." Sabi ko ngunit pinigilan nila ako.
"Masyadong delikado, iho, baka madamay ka." Usal niya.
"Ayos lang po basta mabawi lang natin si Min-jo kay Hyeon Kwan." Sagot ko.
"Mag-iingat ka ha?" Tumango naman ako bago sumakay ng kotse.
~~~
"Let go of her... I'm begging you," paki-usap ko ngunit nginisian lang ako nito.
"Then try to get her from me," panghahamon niya.
Nakita kong umiling si Min-jo pero hindi ko pinansin 'yon. Nang bitawan siya ni Hyeon Kwan ay mabalis akong tumakbo upang makuha siya. Malapit na ako sa kaniya nang makita kong itinapat ni Hyeon Kwan ang hawak niyang baril kay Min-jo.
"Min-jo!" Sigaw ko sa kaniya.
Niyakap ko naman siya at pinagpalit ang puwesto namin. Napahigpit ang yakap ko sa kaniya nang maramdaman kong tumama sa akin 'yong bala.
"You're safe now," nanghihinang sambit ko.
Sobrang saya ko dahil ligtas na siya... ligtas na ang babaeng mahal ko.
"I love you, Min-jo." Sabi ko at pumikit na.
~~~
Ilang araw na ang lumipas at sobrang saya ko dahil pareho kami ng nararamdaman ni Min-jo at saka hinayaan niya akong ligawan siya.
Tuwing sabado ay nasa bahay lang kaming dalawa at kung minsan ay nasa condo kami nanonood ng mga movies. At tuwing linggo naman ay nagsisimba kaming dalawa at pagkatapos noon ay pumupunta kami sa beach na palagi naming pinupuntahan.
Katulad na lang ngayon, magkasama naming pinapanood ang paglubog ng araw habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko habang ako naman ay nakaakbay sa kaniya.
"This is the memorable day for me," sabi niya saka humarap sa akin.
"Why? Dahil magkasama tayo?" Umiling naman siya. "Ano?"
"Dahil boyfriend na kita at girlfriend mo na ako." Matagal pa munang prinoseso ng utak ko 'yong sinabi niya bago ko makuha ang ibig niyang sabihin.
"Ayaw mo ba?" Natatawang tanong niya, umiling naman ako at saka niyakap siya.
"I love you so much, my Tofu." Malawak ang ngiting sambit ko.
"I love you too, my Favorite Bully."
Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo. Pinapangako ko sa lahat ng mga Greek Gods and Goddesses na mamahalin at aalagaan ko ang babaeng ito sa abot ng aking makakaya.
— End.