Chapter 22
Nagising na lang ako sa mahinang pag-uga sa akin ni lola.
"Gumising ka na at para makapagmeryenda ka na." Wika niya.
"Opo, susunod na po ako." Sagot ko naman.
Nag-ayos na lang muna ako bago ako lumabas ng kuwarto.
At paglabas ko ay nakita ko si lolo na naka-upo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo.
"Hi lolo," bati ko.
Tinigil niya sandali ang pagbabasa at nakangiting tumingin sa akin.
"Kumusta ka, apo?" Tanong niya.
Lumakad naman ako palapit sa kaniya at saka tinabihan siya.
"Marami pong nangyari pero okay lang naman po ako." Sagot ko.
"May I know kung ano 'yong mga nangyaring iyon?" Tanong pa niya.
"Ah.. eh..." sabihin ko ba o 'wag na lang?
"Nililigawan ka na ba ni Clark?" Marahas naman akong umiling.
"Hindi po, lolo!" Natawa naman siya.
"Eh ano?" Tanong niya.
"Basta po." Nakanguso kong sagot.
"Heto na ang meryenda," wika ni lola at inilapag na ang tray sa harap namin ni lolo.
"I heard Clark's name, how's he?" Biglang tanong ni lola.
"Ahm... ayos lang naman po siya, lola." Sagot ko.
"Kailan ulit siya makakapunta rito?" Tanong pa ni lola.
'Mukhang hindi na po siya kailanman makakapunta pa rito.' Gusto kong sabihin 'yan kaso magtatanong at magtatanong sila lola kung anong dahilan.
"Masyado po siyang maraming ginagawa kaya hindi ko po alam kung makakapunta po ulit siya rito." Palusot ko.
"Ganoon ba, sabihan mo kami kung kailan siya puwedeng pumunta rito para malutuan ko siya ng special dish ko." Masayang sabi ni lola.
"Sige po, sabihin ko po sa kaniya bukas." Ani ko at pilit na ngumiti.
Matapos akong kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako sa kuwarto ko.
Nakahilata ako sa kama ko at nakatitig lang sa kisame. Napatayo na lang ako at unang nadapuan ng mata ko ay ang teddy bear na binigay ni Neron.
Tumayo muna ako at saka kinuha 'yon.
Nakatitig lang ako roon at napakunot na lang ako nang may mapansing kung ano sa loob ng mata noong teddy bear.
Agad namang pumasok sa utak ko 'yong sinabi ni Clark. What if, tama pala siya?
Ibinaba ko saglit 'yong teddy bear at agad na kumuha ng gunting. At nang makakuha ako ay mabilis kong ginupit 'yong ulo ng teddy bear at mayroon ngang camerang nakalagay roon.
Why Neron? Bakit mo nagawa sa akin, sa amin 'to?
So, iyon pala ang dahilan dati ni Clark kung bakit niya ako pinapalayo kay Neron.
Kinuha ko 'yong camera at saka tinago. Hindi ko 'yon sisirain dahil maaari kong gamiting ebidensiya ito.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Sandy.
"Clark is right." Bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
["What do you mean?"] Takang tanong niya.
"Pinapanood nga ako ni Neron." Narinig ko naman siyang suminghap.
["Papaano?"]
"May nakita akong camera sa loob ng teddy bear na binigay sa akin ni Neron."
["Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko sa kaniyang manyak siya eh,"] ako naman ang nagtaka sa sinabi niya.
"Huh?" Iyan lang ang tanging nasabi ko.
["Kasi 'te may issue na 'yan dati pero hindi ko lang sure na siya kasi wala naman akong paki-alam sa paligid ko noon."] Sagot niya.
"Anong issue 'yon?" Curious na tanong ko.
["May hinipuan at sinilipan daw siyang dating kaklase niya."] Sabi niya.
"Bakit hindi pa rin na-i-expell?" Tanong ko.
["Mayaman eh, alam mo naman nagagawa ng mga mapepera."] Sagot niya at diniin pa ang huling word na sinabi niya.
"Basta bukas ko na lang ipapakita sa 'yo itong camera, ha?"
["Okay sige, lagot talaga sa akin bukas 'yang si Neron."] Ramdam ko ang panggigil niya nang sabihin niya 'yon.
"Okay, ba-bye!" Paalam ko at inend na ang tawag.
Should I call Clark din ba? O huwag na lang? Kasi alam kong masama ang loob noon sa akin eh.
Huminga muna ako nang malalim bago i-dial ang number niya.
Ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi niya sinagot. Pero hindi ako sumuko, tinawagan ko ulit siya.
Paulit-ulit ko siyang tinatawagan at paulit-ulit niya rin akong pinapatayan.
"Anong gagawin ko?" Bulong ko sa sarili at kinagat ang ibabang labi ko.
~~~
Kinabukasan, maaga akong pumasok at saktong nakasabayan ko si Neron ngunit hindi ako nito pinansin. Dinaanan lang niya ako na parang hindi ako nakita.
Guilty.
"Min-jo!" Rinig kong tawag ni Sandy.
"I saw him." Sabi ko nang makalapit siya sa akin.
"Nasaan 'yong gagong 'yon?"
"Easy ka lang, hindi niya ako pinansin kanina." Sagot ko.
"Pero nakita ka?" Tumango naman ako. "Impakto talaga! Hay naku, ginigigil talaga ng lalaking 'yon ah." Gigil na sabi niya.
Sabay na kaming pumasok ng Classroom ni Sandy.
"Baka hindi na 'yon magpakita sa atin mamaya." Sambit niya.
"Hindi 'yon, ako ang bahala mamaya." Wika ko.
Tahimik lang akong naka-upo sa puwesto ko habang inaantay na dumating ang teacher namin.
At dumating na nga si Ma'am Fely ngunit wala pa rin si Clark.
Natapos na ang una at pangalawang subject namin wala pa ring Clark ang pumasok.
Nasaan kaya 'yong lalaking 'yon?
"Ano na plano?" Tanong ni Sandy nang matapos kaming kumain.
Heto kami ngayon at nakasunod kay Neron.
"Hindi ko alam." Sagot ko naman.
"Tsk! Ako na nga ang bahala." Aniya at saka mabilis na humakbang palapit kay Neron.
"Hoy Neron turon! Bakit bigla ka yata naging mailap sa amin ni Min-jo?" Tanong niya habang naka-akbay rito.
"S-Sandara, M-Min-jo, patawarin niyo ako nagawa ko sa inyo," para siyang tuta na nagmamakaawang huwag saktan ng kaniyang amo.
"Hinding-hindi na namin palalampasin itong ginawa mong ito. Tinuring ka naming kaibigan tapos ganito ang gagawin mo sa amin?" Wika ko.
"Sumama ka sa amin sa dean's office." Sabi ni Sandy at hinila na si Neron.
"Mr. Tolentino, ano na naman itong ginawa mo? Naulit na naman 'yong ginawa mo dati. Kaya dahil diyan hinding-hindi ko na hahayaang may isang katulad mo ang nag-aaral dito sa school na 'to." Boom, kick out!
Pinabalik na kami ni Sandy sa Classroom namin nang dumating 'yong parents ni Neron.
"Finally, nawala na rin 'yong manyak dito sa school natin." Wika ni Sandy.
Same with Sandy, masaya rin akong wala nang manyak dito a school pero may parte sa akin ang malungkot. Kasi kahit papaano naging kaibigan ko si Neron, eh.
At isa pa si Clark, gusto kong humingi ng tawad sa kaniya pero hindi ko naman alam kung nasaan siya.
Sobrang sama ba ng loob niya sa akin kaya pati pagpasok sa school ay hindi niya magawa?
Please lang Clark, pumasok ka na. Gustong-gusto kong humingi nang tawad sa 'yo.