Chapter 18
"Kumusta 'yong ginawa niyo? Tapos niyo na ba?" Tanong ni lola habang tinutulungan akong maghanda ng mga plato.
"Yes po, mabilis lang po naming natapos kasi 'yong mga natutunan lang naman namin ang ilalagay roon." Sagot ko.
"Kailan ulit siya makakapunta rito? Sobrang bait na bata kasi niya eh," kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang tawa ko.
Mabait? Lola, kung alam mo lang kung gaano siya katarantado sa school.
"Tawagin mo na ang lolo mo at nang makakain na tayo." Tumango na lang ako at pumunta sa sala para tawagin si lolo.
"Hindi ako makakasama sa inyo magsimba bukas." Nahinto naman sa ere 'yong kutsara ni lola.
"Why?" Tanong ni lola.
"Maaga akong aalis bukas." Sagot naman ni lolo.
"Kung ganoon ay kaming dalawa na lang muna ni Min-jo ang mag sisimba bukas," ani lola.
~~~
Kinabukasan, gaya nga ng sinabi ni lolo ay maaga nga siyang umalis ng bahay dahil noong paggising ko ay si lola na lang ang nakita ko sa kusina.
"Good morning po, lola," I greeted.
"Magandang umaga rin apo, halika na at kumain na tayo." Sabi niya at ipinaghila pa ako ng upuan.
Halos sabay lang kaming natapos kumain ni lola.
"Ako na ang bahalang maghugas, maligo ka na roon at nang makagayak ka na." Aniya nang makitang hawak ko ang sponge.
"Sige po," ani ko at pumunta na sa kuwarto ko para kuhanin ang tuwalya upang maligo na.
I'm wearing polo shirt and denim midi skirt na pinartneran ko ng white sneakers ko.
After kong ma-finalize ang suot ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko at nadtnan kong nagwawalis sa sala si lola.
"Lola, ako na po riyan," sabi ko at inagaw sa kaniya 'yong walis.
"Ako na rito, apo, malapit naman nang matapos eh." Tanggi niya.
"Ako na po ang magtutuloy niyan," pagpupumilit ko.
Bumuntong-hininga naman siya at binigay sa akin 'yong walis.
"Iyan na, alam kong hindi mo ako titigilan eh." Sabi niya, natawa naman ako.
"Ligo well, lola." Ani ko, umiiling naman siyang tumawa.
Matapos akong magwalis ay napunas-punas naman ako ng mga alikabok at tapos na.
Nag-cellphone muna ako habang inaantay kong matapos si lola. At habang nanonood ako ay biglang tumawag sa akin si Sandy.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
["Simba tayo,"] aniya.
"Tara, kasama natin si lola." Sagot ko.
["Paalis na kayo?"] Tanong niya.
"After makagayak ni lola," sagot ko.
["Arouch! Putcha 'yong puwet ko,"] rinig kong daing niya.
"Ano nangyari sa 'yo?" Tanong ko.
["Nahulog sa kaniya—– charot! Nahulog ako sa kama sa sobrang pagmamadali."] Natawa naman ako.
"Why you're in hurry kasi?" Tanong ko.
["Eh kasi sabi mo after ni lola makagayak aalis na kayo,"] She replied.
"Edi bilisan mo na para maka-alis ka na rin." Sabi ko.
["Sige na, ba-bye na. Basta chat mo ako kapag paalis or nasa simbahan na kayo, ha?"]
"Noted. Bye." Sabi ko at pinatay ang tawag.
"Sino 'yon, apo?" Napatingin naman ako kay lola na nakatayo sa harapan ng salamin habang tinitignan ang sarili.
"It's Sandy po, sasama raw po siyang mag simba." Sagot ko.
"That's good, sa simbahan na lang ba tayo magkikita-kita?" Tanong niya.
"Maybe po, kasi kagigising lang po niya eh." I said.
6:20 kami umalis ng bahay kaya chinat ko na si Sandy at ang sabi niya ay paalis na rin siya ng bahay nila.
At exact 6:30 ay nakarating na kami ng simbahan. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Sandy at nahinto na lang iyon sa babaeng tutok sa kaniyang cellphone at naka neutral polo at trousers.
"Tawagin ko po muna si Sandy, lola." Paalam ko, tumango naman siya kaya mabilis akong lumapit kay Sandy at tinapik ang balikat niya.
"Let's go, naroon na si lola." Sabi ko sabay hila sa kaniya.
Nakasunod lang kami kay lola hanggang sa makahanap na kaming mauupuan namin.
Matapos ang misa ay sinamahan muna namin si lola na magtirik ng kandila.
"Ikaw ba, Jo, anong dahilan kung bakit ka sumusunod kay God?" Maya-mayang tanong niya.
"Ahmm, hindi niya ako pinapabayaan sa mga pagsubok na dumarating sa buhay ko." Sagot ko. "How about you?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Same lang," kibit-balikat niyang sagot.
"Saan niyo gustong kumain?" Tanong ni lola sa amin.
"Kahit saan na po," sabay na sagot namin ni Sandy.
"Saan nga?" Tanong pa ni lola.
"Mang inasal na lang po kaya?" Suhestyon ni Sandy.
Agad naman iyong sinang-ayunan ni Lola kaya sumakay na kami ng tricycle at sinabi na sa driver kung saan kami pupunta.
Halo-halo ang inorder namin ni Sandy samantalang nag kanin naman si lola.
"Iyan lang talaga ang kakainin niyong dalawa?" Tanong sa amin ni lola, sabay naman kaming tumango.
"May pupuntahan pa ba kayo after nito? Kung mayroon pa, mauuna na akong umuwi sa inyo," nagkatinginan naman kami ni Sandy.
"Mamamasyal po sa park," sagot ni Sandy.
"Kung ganoon ay mag iingat kayo ha?" Tumango naman kami.
"Tapos niyo na 'yong pinapagawa ni ma'am?" Tanong niya nang maka upo kami sa bench.
"Katatapos lang namin kahapon, kayo ba?" Tanong ko.
"Hindi pa, ngayon pa lang namin tatapusin." Sagot naman niya.
"How? Eh ako ang kasama mo ngayon." Ani ko.
"Parating na 'yong kasama ko... iyon na pala siya oh," turo niya sa papalapit na si Kaye.
"W-What? Sinong kasama ko ngayon?" Tanong ko.
"Don't worry, naka-plan na ito." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Wait natin kaunti 'yong makakasama mo." She said while smirking.
"Sino ba kasi iyon?" Pangungulit ko.
"Basta... iyon na siya," mabilis ko namang nilingon 'yong tinutukoy niyang makakasama ko.
"Si Clark?" Nakangiti naman siyang tumango-tango.
"Napag-antay ko ba kayo nang matagal?" Tanong nito nang makalapit siya sa puwesto naming tatlo.
"Actually no, halos magkasunod lang naman kayong dumating ni Kaye, eh." Sagot naman ni Sandy.
"Is that so, saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Clark.
"Gagawin namin 'yong activity na pinapagawa ni ma'am." Si Kaye naman ang sumagot.
"So, let's go?" Tanong ni Sandy kay Kaye, tumango naman ito.
"Clark, ikaw na muna ang bahala sa kaniya, ah? Lagot ka sa akin kapag may nangyaring masama sa kaniya, understood?" Natatawa namang tumango si Clark.
Pinanood lang namin 'yong dalawa hanggang sa maka alis na sila.
"So, saan tayo?" Tanong sa akin ni Clark.
"Hindi ko alam, may alam ka bang puwedeng puntahan?" Tanong ko rin.
"Sa langit," biro niya, tamad ko naman siyang tinignan.
"Bawal ang demonyo roon." Irap ko, natawa naman siya.
"Ibang langit naman ang tinutukoy ko, eh." Tawa niya.
Mabilis ko namang inabot ang tainga niya at piningot siya. Natatawa naman siyang dumadaing.
"A–Aray... joke lang naman, eh, b–bitaw na may alam na akong pupuntahan." Aniya kaya binitawan ko na siya.
"Paano mo alam itong lugar na ito?" Tanong ko habang inililibot ang paningin ko sa malawak na Beach.
"Madalas akong pumunta rito para mag-relax." Sagot niya.
"Mag-isa mo lang?" Tumango naman siya.
"Pero ngayon hindi na kasi kasama na kita." Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at mabilis na tumingin sa ibang direksyon maitago lang ang namumulang pisngi ko.
"Nga pala, may dala nga pala ako snacks, kunin ko lang sa kotse." Tumango na lang ako at kinuha ang cellphone ko para mag-picture. Sayang 'yong ganda ng view.
Hindi rin nagtagal ay bumalik na rin si Clark at may dalang maliit na basket at blanket.
"Hindi halatang pinaghandaan ah," ani ko.
Natawa na lang siya at hindi na nagsalita. Tinulungan ko na lang siyang ilatag 'yong blanket at nang matapos ay sabay naming pinagsaluhan 'yong dala niya.
"Thank you sa pag dala sa akin sa favorite place mo, sa uulitin." Natawa naman siya.
"Sure, why not. Sige, una ako, thank you rin."
Kumaway muna ako sa kaniya bago pumasok sa loob.