Chapter 15
Nang makarating ako sa bahay, nagulat na lang ako nang makita ko roon si Sandy.
"Min-jo!" Salubong ni Sandy sa akin at mahigpit akong niyakap. "Saan ka dinala noong mga gagong iyon?"
"Stock room. At si Clark ang may pakana." Sagot ko.
"Apo, mabuti at naka-uwi ka na. Sobra kaming nag-aalala sa 'yo, akala namin.." hindi naituloy ni lola ang sasabihin niya nang patigilin siya ni lolo.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at lumapit na ako sa kanila at pareho silang niyakap.
"Don't worry lolo, lola, narito na po ako kaya wala na po kayong dapat ipag-alala." Wika ko habang yakap sila.
Humiwalay na ako at nagpaalam na para mag bihis.
Sumunod sa akin si Sandy sa kuwarto ko at nahiga sa kama ko.
"Kinaya mong mag-isa sa stock room?" Manghang tanong niya.
"Who told you na mag-isa lang ako roon?" Natatawang tanong ko.
"May kasama ka? Sino?" Gulat na tanong niya.
"I'm with Clark." Sagot ko.
"Omg ka! Paano? Akala ko ba siya ang nagplanong ikulong ka roon?" Sunod-sunod na tanong niya.
Malakas naman siyang tumawa nang matapos kong ikwento 'yong nangyari kahapon.
"Ang shunga naman pala niya eh," sabi niya at tumawa ulit.
At nang makarecover siya ay umayos siya ng pagkaka-upo at seryosong tumingin sa akin.
"Anong ginawa niyo buong gabi?" Tanong niya.
"Natulog. Pero kaninang paggising ko nagulat na lang ako nang makita kong magkatabi na kami at nakaakbay na siya sa akin." Sagot ko.
"I smell something fishy, ah." Pang-aasar niya.
Umirap naman ako at hindi siya pinansin.
"By the way, why are you here?" Ang aga kasi niyang narito sa bahay eh.
Emosyonal naman siyang napahawak sa dibdib niya na parang nasaktan siya sa sinabi ko.
"Ayaw mo ba akong nandito sa bahay niyo? Grabe ha, FO na ba us?" Natatawa naman akong lumapit sa kaniya at mahina siyang binatukan.
"Ang OA mo, I'm just asking, okay? Ang aga mo kasing nandito sa bahay eh, dito ka natulog?" I asked.
"Yeps! Alam mo bang halos mabaliw ako kakahanap sa 'yo kahapon? Tapos 'yong dalawang lalaki kahapon, kawawa sa akin." Pag kuwento niya.
"Anong ginawa mo?" Curious na tanong ko.
"Kinulong ko rin sila sa classroom nila. Pero bago 'yon ay pinaamin ko muna sila pero ayaw nilang umamin kaya ayon." Sagot niya.
"Mga iha, labas na kayo at nakahanda na ang umagahan." Pareho kaming napatingin ni Sandy kay lola na naka dungaw sa pintuan.
"Sunod na po kami lola," sabi ko, tumango naman siya at isinarado na ang pinto.
"Tara na," aya ko saka hinila siya patayo sa kama.
"Oy ang cute nito ah, sino nag bigay nito sa 'yo?" Tanong niya habang hawak 'yong teddy bear na bigay ni Neron.
"Neron gave me that." Sagot ko.
"Ay wow, hope all binibigyan ng teddy bear." Ika niya at nilapag na ang teddy bear sa study table ko.
"Soon, bibigyan din kita niyan." Sabi ko.
"Yie! Sabi mo 'yan, ha?" Tumango-tango naman ako.
Sabay na kaming lumabas ng kuwarto at nagtungo na sa kusina.
"Kumain kayo nang marami, ha? Lalo ka na Min-jo, alam kong hindi ka nakakain kagabi." Tinanguan ko na lang si lola at nagsandok na ng pagkain.
Matapos kaming kumain ay kaming dalawa ni Sandy ang naghugas ng pinagkainan at naglinis ng bahay.
"Gala tayo?" Usal ni Sandy.
"Sige, wala namang magawa rito sa bahay eh," sagot ko.
Tapos na namin lahat ng gawaing bahay kaya puwede na naming gawin lahat ng gusto namin.
"Pero wala akong dalang damit na pang palit." Ika niya.
"Pahiramin kita, same lang naman tayo ng size ng katawan eh." Sabi ko at lumakad papunta sa mini closet ko at nag hanap ng puwedeng maipahiram sa kaniya.
"Here, pumili ka na lang dito." Sabi ko at nilapag 'yong mga damit ko.
"Ito na lang," aniya at kinuha ang pink crop top ko.
"Ano ipa-partner mo diyan?" Tanong ko.
"Ito? Bagay ba ito?" Patukoy niya roon sa hawak niyang trouser.
"Bagay siguro," sagot ko. Hindi kasi ako masyadong maalam pagdating sa fashion eh, basta kung ano 'yong makuha ko, iyon na.
"Sige, ito na lang. Una na akong maligo sa 'yo, ha?" Tumango na lang ako at naghanap na rin nang masusuot.
Plaid dress ang pinili kong isusuot at tinernuhan ko ng white sneakers.
"Your turn, beshy cakes." Wika ni Sandy na kalalabas lang ng banyo.
Kinuha ko na rin 'yong tuwalya ko at pumasok na rin ng banyo.
Wala pang dalawang oras ay tapos na rin akong maligo. At paglabas ko ng banyo ay tapos nang magbihis si Sandy at nag aayos na ng sarili.
Mabilis akong nagbihis at nag ayos na rin ng sarili.
"Let's go na!" Aniya at nauna na lumabas ng kuwarto.
"Paalam ka na kina lola, ha?" Pahabol ko.
Nag-thumbs up naman siya bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Tinignan ko pa ulit nang isang beses ang suot ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto.
"Mag iingat kayo, ha?" Sabay naman kaming tumango ni Sandy at nag lakad na paalis.
Pagkarating namin sa mall ay hinila agad ako ni Sandy papuntang book store.
"Ano gagawin natin dito? Hindi ako mahilig sa libro." Sabi ko.
"Ako. Mahilig ako sa mga libro kaya samahan mo muna ako rito dahil may gusto akong bilhing libro." Sabi niya at pumasok na sa loob.
Sumunod na lang ako sa kaniya sa loob at nagtingin tingin na lang din ng mga libro. Habang nagtitingin ako ay may isang libro ang nakakuha ng atensyon ko.
"Akala ko ba ayaw mo sa libro?" Tanong ni Sandy nang makita niya akong may hawak na libro.
"Nagandahan ako sa title at book cover eh, kaya feeling ko maganda siya basahin." Sagot ko. Ito na lang ang gagawin kong libangan kapag lowbatt ang cellphone ko.
"Kukunin mo 'yan?" Tanong niya, tumango naman ako.
"Okay, bayaran na natin." Sabi niya at nauna ulit na pumunta sa counter.
At nang matapos naming mabayaran 'yon ay nagpunta naman kami sa Penshoppe para mag tingin ng damit at pabango.
"Bagay ba sa akin 'to?" Tanong niya habang nakatapat sa kaniya 'yong spaghetti strap dress.
"Nag susuot ka pala ng mga ganiyan? Oo, bagay sa 'yo." Sagot ko.
"Sure ka? How 'bout this?" Kumuha ulit siya nang katulad noong hawak niya pero ibang kulay at tinapat niya ulit sa sarili niya.
"Mas maganda 'yong nauna kaysa diyan." Sabi ko.
"Okay, ito na lang. Ikaw, wala kang bibilhin?" Tanong niya.
"Ito lang ang bibilhin ko." Sabi ko at pinakita ang pabangong bibilhin ko.
"Hindi ka bibili ng damit?" Umiling naman ako.
"Marami na akong damit sa bahay eh," sagot ko.
"Sabagay, tara na." Inangkla na naman niya ang braso niya sa braso ko at hinila na papuntang counter.
Matapos naming mabayaran 'yon ay pumunta naman kami sa Jollibee para kumain.
Dalawang coke float, isang large fries, at dalawang spaghetti ang inorder namin.
Pagkatapos namin kumain ay nag order ulit kami ng sundae para may kainin kami habang nag lilibot libot.
"Bye bye, ingats!" Kaway ni Sandy kaya kinawayan ko rin siya pabalik.
Pagka-alis ng sinakyan niyang tricycle ay pumara na rin ako ng tricycle at umuwi na.