Chapter 11: Confessions

Pagbagsak akong humiga sa aking kama. Kararating ko lang galing university. Tumihaya ako ng higa. Tulad ng nakasanayan ko, napatitig ako sa kisame.

"It's been two days. Two days na niya akong hindi kinakausap." I bit my lips. Huminga ako nang malalim para pigilan ang luhang unti-unting bumubuo sa gilid ng mata ko.

I miss him. Nami-miss ko na iyong mga araw na palagi kaming magkasama. I miss the way he cares for me. I miss everything about him.

"What should I do?" napa-isip ako. Biglang lumiwanag ang mukha ko nang may maisip ako. I snapped my finger.

"Oh, right! Alam ko na gagawin ko. Tingnan natin kong hindi mo pa ako papansinin sa gagawin ko." I said and devilishly smirked."

"UY, magkikita sila mamaya ni Papa Seb," tudyo sa akin ni Jazzy. Siniko niya ako sa tagiliran na hindi ko pinansin. May sinu-sulat kasi ako kaya ayoko siyang pansinin.

Magkasama kasi kaming magla-lunch nina Kolin. Kami ang pupunta ni Jazzy papunta sa room nina Kolin para sunduin siya para mag-lunch. Magkatabi lang kasi ang room nina Kolin and Seb sa last subject nila sa hapon so hindi impossible na magkikita kami.

"Magkikita lang naman hindi naman kami magpapansinan," mahina at nagtatampo kong saad.

Ito iyong unang pagkakataon na it took as two days na hindi magpansinan. Dati kasi ilang oras pa lang ay hindi na namin matiis ang isa't-isa na 'wag kausapin. But now, it's different. Kaya iyong naisip kong paraan kagabi ay gagawin ko mismo ngayong araw.

"Bakit hindi mo pa kasi gawan ng paraan para mag-usap kayo?" He looked at me seriously in the eyes.

I looked down and started to wrote something unconsciously on my cattleya.

"I swear. If only you know what I've done just for him to notice me... But there's still no effect."

"Bakit? Ano bang mga ginawa mo?" He curiously looked at me. Naghintay ito ng sagot ko. Hindi sa ayaw kong mag-share kay Jazzy or Kolin ng mga ginagagawa ko para lang mapansin ni Seb.

Sa ngayon kasi, gusto kong ako lang ang nakakaalam at gusto kong ako mismo gumawa ng paraan para maging okay na ang lahat sa amin ni Seb.

"Secret. You're out of it."

"Edi, ikaw na!" he snapped and rolled his eyes heavenwards.

Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Pero alam ko naman na naiintindihan niya ako. I know him and Kolin well. They're my bestfriends apart from Seb. They are very understanding and wide-open minded.

Hindi pa man tapos ang klase ay sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko sa ibabaw ng desk. Ilang minuto lang naman kasi ang natira para mag-ring ang bell.

Hindi pa man nag-ring ang bell ay tumayo na ang prof. namin. Umayos ako nang upo. Inayos niya naman ang eyes glasses nito. Nasa middle forthy's na kasi ito at kita narin ang mga iilang white hairs nito.

"Let's meet tomorrow. Class dismiss," she announced.

Hinintay ko muna itong maunang lumabas saka ako tumayo. In my peripheral vision, I saw Jazzy confused of my sudden action.

"Jezz, mauuna na ako," nagmamadaling saad ko. Hinablot ko nang mabilis ang shoulder bag ko na ikinasabay niya ng tingin.

"Why? Akala ko ba sabay tayong uuwi nina Kolin."

Natigilan ako sa narinig. Napasapo ako sa ulo. Bakit ko nga ba nakalimutan iyon?

I apologetically looked at him. This is my only chance. Hindi ko hahayaang tumagal pa ang problema namin ni Seb.

"I'm sorry, babawi na lang ako. Kailangan ko kasing maabutan si Seb."

Umiba ang reaksyon ng mukha niya. He sexily lifted up his fingers. He touched my hair and put my hair strands at the back of my ear.

Kung hindi ko lang talaga alam na bakla tong lalaking ito, aakalain ko talagang sini-seduce niya ako ngayon.

"Si Papa Seb? Sige, Gora na! Ako na lang mage-explain kay Kolin."

Mahina niya akong tinulak. I hugged him. I'm so grateful to have them as my friends.

"Thank you." I thankfully smiled her.

Tahimik akong napa-salamat nang makita kong nagka-klase pa sila. Dumiresto ako sa bench at do'n umupo. Dito na lang ako mag-aabang. Kita naman dito ang lahat ng lalabas mula sa room nina Seb. Ganoon rin kay Kolin.

Nang sa tingin ko ay matatagalan pa ako, kinuha ko ang phone ko para malibang ako sa paghihintay.

I automatically stood up when I saw him got out of the room. I kept my phone to pocket. May kasama itong mga lalaking hindi ko kilala.

Bukod kasi kay Treck, wala ng ibang lalaking kaibigan ito. Treck is Seb's cousin and best buddy. Minsan lang ito nagkikita dahil nasa ibang kolehiyo ito pumapasok. Hindi naman pala-kaibigan si Seb but I'm happy because he's starting to make friends now.

Mabilis akong lumakad para lang maabutan sila. Nang malapit na ako ay tinawag ko siya. "Seb..."

He stopped. Kahit ang mga kasama niya napatigil din. Lumingon ang mga ito maliban sa kanya. And it hurts me so much. Sa pinapakita niya pa lang, masasabi kong wala pa din siyang balak na kausapin ako.

"Sige, bro. Mauna na kami," paalam ng isang lalaking kasama nito. He tapped Seb on the shoulder.

Naiintindihan 'ata niya ang sitwasyon namin ni Seb. Hinatak pa niya ang dalawa pang kasama na tila nalilito sa nangyayari.

Ngayon ay dalawa na lang kami ni Seb sa may hallway. Nakauwi nadin ang ibang blockmates nito. Sinundan ko siya nang tingin nang kumilos ito. Umupo siya sa bench na siyang ikina-sunod ko. May space pa naman sa inuupuan niya kaya tinabihan ko siya.

"Kailan mo ako balak kausapin?" I seriously asked. I talked first. Ako na ang nag-open kasi alam ko naman na walang mangyayaring batian kapag hindi ako mismo ang mauuna.

I waited for his answer and I waited for nothing. ‘Patience, Amara! Patience!’

Huminga ako nang malalim dahil ramdam kong malapit na akong mainis.

"Sabihin mo sa akin ang problema kasi hindi ko talaga alam."

He combed his hair with his fingers before he looked at me. I was stunned when I saw his features. Malapit ang mukha niya kaya kitang-kita ko pangi-ngitim sa ilalim ng mga mata niya.

Anong pinanggagawa ng lalaking ito sa dalawang araw na hindi kami magkasama? Imbis na mainis, parang naawa pa ako sa kanya.

"Are you done talking? I need to go."

He stood up without even hearing my respond. Nataranta naman ako nang magsimula itong lumakad.

So, without even thinking, I hugged him from the back. I felt him stiffened. Kapag hindi ko ito ginawa mawawalan ako ng pag-asa para makausap siya ulit.

"Paul is just a friend," mahinang saad ko. Nagsusumamo ang boses ko na sana ay maintindindihan niya.

Binaklas niya ang kamay kong nakayakap sa kanya at tinitigan niya ako ng pailalim sa ikalawang beses. Mariin iyon at galit na galit.

Hindi ko kaya ang mga tingin niya. Ayoko sa lahat ang nagagalit siya sa akin. It's my weakness. Kaya hindi na ako nagulat nang may pumatak na luha sa pisngi ko. But I shouldn't let him dominated me.

"Friend? Kakakilala niyo lang, friend na kaagad?" he sarcastically said.

His expression changes a bit when he saw my face. Titig na titig ito sa mukha kong basa na ng luha. I inhaled deeply and wiped my tears. I composed myself. I shouldn't let my emotions consumed me.

"Well... I know he's nice kaya I considered him as a friend already." I talked him in a nice way as much as I can. I'm trying to convince him. But maybe I'm just adding fuel to the fire.

"F**k that friend!" he angrily hissed. Nameywang ito at tumingala sa langit. He looked hurt and problematic.

"Filter your mouth, Seb," hindi ko mapigilang saway sa kanya.

He pinched the bridge of his nose. I thought he got more angered but I was shocked when his emotions became soft. Ibang-iba sa nangangalaiti at galit na galit nitong ekspresyon kanina.

"I'm sorry. I can't help but to cussed that guy," he apologized.

Natahimik kami sandali na siyang binasag ko. "Why?"

He looked confused when I met his brown eyes. Hindi ko alam kong tama ba itong itatanong ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Don't tell me you're jealous? Iniisip mo siguro na ipagpapalit kita kay Paul, no? You're my bestfriend. Higit sa lahat ikaw ang mas nakakakilala sa akin, Seb. Now, tell me. Sa tingin mo ba ipagpapalit kita ng gano'n kadali?" mahaba kong sabi.

Hindi ko kayang ipagpalit ang pagkakaibigan namin ni Seb sa kahit anong bagay, mapa materyal man iyan. We've been friends for three years at hindi basta -basta lang ang mga pinagdaanan namin. Kakakilala ko lang kay Paul kaya paano niya naiisip na ipagpapalit ko siya?

"You think that's the only reason?" pabalik niyang tanong sa akin. His forehead creased that made him more gorgeous even with that state.

"Oo. If hindi ano pa bang ibang rason?" matapang kong tanong sa kanya.

Tinitigan ko siya ng mariin. Sinisigurado kong mahahamon ko siya para masabi niya ang rason niya.

He bowed his head and lifted it up for a couple of seconds. Nang muling nagtagpo ang aming mga mata, kitang-kita ko ang pag-aalinlangan niya.

"I'm also scared," he mumbled.

Kaagad akong napatingin sa kanya. Scared? Scared of what? My heart crumpled when I saw his eyes are red. He's crying, isn't he? It was my first time to saw him in this state. Him, crying and vulnerable.

And my heart beat rapidly and almost got on my knees when I heard his confessions.

"I admit. I'm fucking jealous to that guy. But I'm also scared. I don't want you to be with other man. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Amara... hindi ko kaya."