Chapter 28: So In Love
“I… never thought I could be loved this way,” dugtong ni Rowan nang may nahihiyang ngiti.
Napangiti rin si Lucian sa kaniyang pinakamamahal. “And I feel the same.” Hinalikan niya ito sa labi nang may buong pagsuyo. “I can’t even believe I’m your first, not that I mean it the wrong way. Of course, I’m more than happy and proud that you gave me this honor, sweetheart.”
Napatawa nang marahan ang babae. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. “Ewan ko lang, Lucian… pero sobrang mahal na mahal kita kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa totoo lang, hindi ganito ‘yong naramdaman ko para sa mga ex ko.” Napailing ito. “Hindi ko alam pero… sadya lang talagang ang lakas ng hatak mo kaya pati virginity ko ay ibinigay ko na sa ‘yo kahit kaka-on lang natin bilang magkasintahan. Ang landi ko ba?” Napanguso ito.
Napatawa siya sa katipan. Hinagkan niya itong muli sa labi at tinugon nito agad iyon. Napangiti siya sa saya habang tinitigan niya ito ulit sa mga mata. Ang kaniyang hinlalaki ay marahang naglandas nang pabalik-balik sa ibabang labi nito.
“No, of course not. We both have our love and desire for each other so strong that we ended up in this bed right now.”
Marahang kumurap ang babaeng may matipid na ngiti sa kaniya.
Bigla na lang nilang narinig ang pag-ring ng kaniyang cell phone ngunit hinayaan niya lang iyon. Walang bagay na makakapaghiwalay sa kaniya ngayon mula kay Rowan.
“Hindi mo ba sasagutin ‘yan?”
“I don’t want to be distracted by something else other than you, sweetheart.”
Napahagikhik ito at hinalikan nito ang kaniyang matipunong dibdib. Lalo pa itong sumiksik sa kaniyang katawan at niyakap siya nang mahigpit. Gusto niya ang pakiramdam na ganito. Ayaw niya rin kasi itong pakawalan kaya umikot din nang mahigpit ang mga bisig niya sa hubad na katawan ng dalaga. Ang sarap nitong damhin, malambot. Bagay na bagay sa matigas niyang katawan. Gusto niya itong protektahan sa lahat ng pagkakataon. Ayaw niya itong masaktan.
“I love you, sweetheart,” bulong niya saka hinagkan ang buhok nito.
Ipinikit niya ang mga mata at naramdaman ang pagsukli nito ng halik sa kaniyang baba at leeg. Napangiti siya sa ginawa nito. Simpleng dampi lang ng labi nito sa kaniya ay sumasayaw na ang kaniyang puso. Para siyang teenager nang mga sandaling ito.
Bumaba na sila nang oras na sa pagkain ng dinner, pagkatapos nilang sabay na mag-shower at magkaroon ng round two roon. Batid niyang nakahanda na ang mesa ngayon dahil hindi naman nahuhuli si Lini kahit kailan.
***
Napangiti si Rowan nang makatanggap ng pumpon ng mimosa galing sa kaniyang mahal na kasintahan.
“Hoy, nakalimutan mo yatang magkikita tayo ng mga chakang gelays ngayon, ‘no?” untag ni Marion sa kaniya.
“Oh, shems! Right! Nakalimutan ko nga! At may lakad pa naman kami ni Lucian.” Natampal niya ang sariling noo. Ngumiwi tuloy siya sa kaniyang kaibigan.
Naatras kasi ang kanilang reunion na magkakaibigan dahil sa biglaang busy schedules ng mga ito. Kaya pagkalipas na ng isang buwan ay napagkasunduan ng lahat ang eksaktong date at oras, pati venue.
“Kung gano’n, isama mo na lang ang Sugar Daddy na papabol mo sa reunion natin.”
Namilog ang mga mata niya sa suhestiyon ng kaibigan. “Ano? Ayoko nga! Baka gigisahin lang nila si Lucian ko roon, ‘no? Alam mo naman ang mga babaeng iyon, Marionette.” Ngumuso pa siya.
Lumabi sa kaniya ang kaibigan. “Arte nito. Ipinagdadamot mo ba si Lucian?”
“Hindi naman sa gano’n. Alam kong sa malao’t hindi ay ipakikilala ko rin siya sa mga kaibigan ko. Kaya lang… nag-aalala ako sa iisipin nila.”
Ikinuros ni Marion ang mga braso at nakatitig sa kaniya nang husto. “Bakit? Natatakot kang baka may masama silang sasabihin sa ‘yo o kay Lucian? Na huhusgahan ka nila dahil mas matanda sa ‘yo ang boyfriend mo? Trust me, wala akong masabi. Ang super hunk kaya ng jowa mo, ‘no? For sure, maiinggit ang mga ‘yon sa ‘yo!”
Inikot niya ang mga mata. Natuwa siyang marinig iyon mula sa kaibigan. Pero ang tanong, pareho ba ang isip ni Marion sa iba nilang mga kaibigan? Ayaw niya kasing mainsulto o masaktan si Lucian kapag may masamang komento o ano pa man ang mga kaibigan niya. Hindi niya hahayaang mangyari iyon.
***
Wala na ngang nagawa si Rowan. Kinakabahan pa siya kung ano ang sasabihin ng mga kaibigan kapag nakita at nakilala nila ang kaniyang nobyo. But she was ready to take everything. Mahal niya si Lucian. Bahala na ang mga ito kung huhusgahan man siya o hindi. Lucian did not look that mature anyways. Isa pa, wala naman talaga siyang pakialam sa simula pa kaya bakit siya nag-aalala ngayon? Walang sabit si Lucian at siya rin naman.
Surprisingly, mukha namang na-impress sina Moira sa kaniyang katipan. Ang akala pa niya ay maa-out of place ang kasintahan pero naging hotseat ito.
“Ang guwapo ng boyfriend mo, Rowan! Kinikilig ako para sa ‘yo!” bulong pa sa kaniya ni Moira. Mas maliit itong babae kaysa sa kaniya at medyo singkit ang mga mata.
Pinaikot ni Rowan ang mga mata at napatawa.
“Wala ba siyang twin brother?” dagdag na tanong nito. Nag-puppy eyes pa sa kaniya ang kaibigan.
Kulang na lang ay humagalpak siya ng tawa. “Loka! Wala.”
“Bakit mo ba siya itinago sa ‘min, ha? Ni sa social media hindi mo pinost ang pictures ninyong dalawa,” sabat ng isa nilang kaibigang si Nisa. Mestisang Pinay at Azerbaijani ito kaya magandang morena ito.
Inismiran niya si Nisa.
Kasalukuyang nagbabayad si Lucian sa kanilang kinakain. Nakaupo ito sa kabisera at sinadyang pinaghiwalay sila ng mga kaibigan niya upang ma-interview ang lalaki. Mukhang komportable lang naman itong nakipag-usap sa mga kaibigan niya kahit kabado siya.
“At ang yaman-yaman kahit na hindi mo sasabihin sa amin,” sabat ni Moira, sinulyapan ang lalaking nakatitig kay Rowan kahit kinausap ni Nisa. “Tingnan mo lang ang suot niyang polo at slacks, pati relo at sapatos. Jusko! Puro mabibigat na brands, ‘day!”
“Of course. Marunong pumili ang boss slash best friend ko, ‘no?” singit ni Marion nang pabulong din.
Bahagya itong siniko ni Rowan.
“Well, ladies. I, unfortunately, have to take this call. Please excuse me,” tumayong anang binata nang mag-ring ang cell phone nito.
Sinundan naman niya ng tingin ang lalaking lumapit sa kaniyang kinauupuan. Hinalikan siya nito sa batok bago nito sinagot ang cell phone at lumabas ng restoran.
Kinilig ang mga gaga niyang kaibigan at impit na napasigaw. Hindi pinansin ng mga ito ang ibang kustomer sa loob ng restoran. Napakagat naman siya ng labi na sinundan ng tingin ang nobyo. Kahit backview lang nito ay inlababo talaga siya.
‘Pero sino kaya ang tumatawag sa kaniya para hindi iyon i-decline?’ Madalas pa naman nitong nire-reject ang mga tawag ni Rhenn kapag magkasama sila.
“O, ano? Mas magaling ba siya kay Riff?” tanong ni Moira.
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito sabay blush. “Hoy! Ano ka?”
Naghagikhikan ang mga kaibigan niya at pinukulan niya ng masamang tingin si Marion. Bumilog ang mga mata nito at kumibit.
“Wala akong sinabi, ah,” paghuhugas-kamay pang anito.
Binalingan niya si Moira. “Huwag mo ngang ihambing si Lucian sa malanding ‘yon. Wala siya sa kalingkingan ng boyfriend ko ngayon, ‘no? Mas bata lang siya kay Lucian pero kay Lucian pa rin ako babalik-baliktarin man ang mundo at kahit pa na gumapang na bumalik sa ‘kin ang Riff na ‘yon!”
“Hmm. Ang puso mo, hinay-hinay lang,” sabi ni Marion nang pabiro.
Nagtawanan naman sina Nisa at Moira.
“Oo nga naman, Moira,” sang-ayon ni Nisa. “‘Di hamak na mas guwapo naman talaga si Lucian kay Riff. Mas bagay sila ni Rowan. Sabi ko na nga ba, eh! Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Riff na ‘yon, ‘di ba? Ano’ng sinabi ko sa ‘yo noon pa man, Rowan? ‘Di ba tama ako? Sabi ko naman na sa ‘yo noon pa na nakita ko siya minsang may kasamang ibang babae sa hotel, eh. Ayaw mong maniwala noon, eh. Sabi mo pa baka kasamahan niya lang sa trabaho.
“Hay, naku! Kung sana hindi ka naging landscaper ng manager ni Riff, hindi sana kayo nagkakilala at hindi ka nasaktan ng gagong iyon! Isipin mo na lang, ginawa ka lang niyang secret girlfriend for two years! Tapos, iba-iba na pala ang ikinakama niya habang kayo pa? Buti na lang talaga nasaksihan mo na mismo ng dalawang mata mo at ‘yon ang dahilan para mailigtas ka sa relasyong ‘yon na walang kuwenta.”
Lumabi na lang si Rowan sa napapalatak na si Nisa. Ayaw na niyang isipin iyon ngayon. Lumipas na iyon.
“Bahala na nga siya sa buhay niya. Basta masaya ako kay Lucian,” wika niyang nakangiti.
“Naks! Lumalabas na ang maraming pulang hearts sa mga mata mo, o!” tudyo ni Moira sa kaniya sabay tawa.
***
“Did you enjoy your reunion?” tanong ng kasintahan ni Rowan habang binabaybay nila ang daang pauwi sa bahay niya.
“Yes, and it’s thanks to you, Lucian.” Hinalikan niya ito sa pisngi at leeg. Ang bango talaga nito! Pagkatapos niyon ay inihilig pa niya ang ulo sa balikat nito.
“Anything for my sweetheart.” Hinalikan nito saglit ang kaniyang batok bago nito ibinalik ang paningin sa pagmamaneho. “So… do you think they like me for you? Aprobado ba ako?”
Napatuwid siya ng upo. “Are you kidding me? They love you! Inggit na inggit nga sila sa ‘kin, eh!” pang-aalaska niya.
Ngumiti pa ito sa kaniya nang malapad. “That’s… good to hear perhaps… kung hindi ka magseselos?” pambubuska ng binata sa kaniya.
Napatawa siya rito. “They won’t dare!” Pero nanlaki ang mga mata niya. “Bakit? May gusto ka sa kanila?” Biglang may agam-agam na bumangon sa kaniyang dibdib. Tila sinakal ang puso niya nang hindi niya mawari. Ayaw niyang mangyari na may ibang babaeng aagaw kay Lucian, katulad noong may umagaw na iba kay Riff at sa una niyang nobyo noong nasa kolehiyo pa siya at nag-aaral ng Business Management.
Tumawa sa kaniya ang kasintahan. “Hey. Just remember that my love for you will fade when all of the flowers I gave you will wilt.”
Napatawa pa siya. “Alam mo, ang daya mo! Lahat pala ng mga basket at pumpon ng mga bulaklak ay may iisang artificial na bulaklak na kasama kaya hindi talaga mangyari na lahat ng mga iyon ay malalanta!”
“That’s the idea. So, my love for you won’t ever die!”
Kinilig naman siya sa sinabi nito. Kahit paano ay natunaw ang kaniyang agam-agam dahil sa matatamis nitong salita.
Then, he showed her just how much he loved her, as they made love in her room all through the night.