Chapter 22

Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa narinig. Agad kong nabitawan ang hawak na prutas, para sa kanila. Ano? Totoo ba? Tama ba yung iniisip ko?

Na yung kababata ko ay hindi si Marco. Tama ba ako? Kasi naguguluhan ako ngayon at sa oras na ito masakit din lahat ng narinig ko. Niloko ako ng dalawang taong importante sakin. Ang sakit sobrang sakit. Naramdaman kong may pumatak na kung ano sa pisngi ko, alam ko naman luha yun. Naiiyak ako sa mga narinig.

"Anaya." Si Eli. "Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya.

"Ano naman kung kanina pa ako dito. Bakit, ayaw mo, niyo na marinig ko lahat ng pinagusapan niyo?" Tanong ko.

"Anaya, I can explaine." Si Marco.

Hindi ko alam kung nabingi na ba ako sa mga naririnig ko at sa nakikita ko. Ayaw umalis ng mga paa ko sa harapan nilang lahat. Ayoko na dito gusto ko ng umalis.

Gusto kong lumayo sa kanila yung hindi nila ako makikita yung hindi ko na sila makikita, dahil ayoko na ng bagong kasinungalingan. Ayoko na, masakit na sobra pleaseee.

"Anaya, makinig ka muna please. Ang totoo sasabihin naman na talaga namin ang totoo, pero naunahan ako ng takot na baka hindi mo ko matanggap, na ganito tayo magkikita ulit. Kasi ako Anaya, hindi ko gusto kung ano man at nasaan ako ngayon." Si Bryce.

Naptingin ako sa kanyan, pero hindi awa ang siyang mababasa sa mga mata ko kundi galit ng humarap ako sa kanya. Galit na galit ako, dahil niloko niya ako. Ginawa niya akong tanga. Kundi sa mga kaibigan ko pati narin sa sarili ko.

"Ganoon ba kababa ang tingin mo sakin para lang hindi kita mapatawad, kasi iniwan mo ko noon. Alam mo kung gaano ko kagusto na makita at makausap ang kababata ko. Tapos malalaman ko nasa harapan ko na pala siya all this time. Na yung kababata ko na kinikilala ko ngayon ay hindi pala totoo. Sana sinaksak mo na lang ako para hindi na ako nasasaktan ngayon, Bryce." I said.

Tatalikod na sana ako sa kanila ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko nakita ko doon si Eli, na nakakapit sakin at nagmamakaawa ang mga mata.

Pero hindi ko siya kinakaawaan ngayon, all this time alam niya ang ginagawa ng magpinsan pero hindi niya sinabe sakin. All this time ikakasal na siya pero hindi niya sinabe samin ni Bri, pero okay lang baka hindi pa talaga siya handa ng araw na yun.

Pero bakit hindi na lang niya sinabe ang ginagawa ng dalawang magpinsan sakin. Na pinagmuka nila akong tanga, ang sakit kasi ee.

"Anaya, please kahit yung side ko na lang ang intindihin mo." Pagmamakaawa niya. "Wag lang masira ang frienship natin, Anaya." Nakatitig lang ako sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sayo. Wala ako sa lugar para sabihin sayo lahat ng iyon o lahat ng narinig mo." Huminto siya saglit.

"Alam mo Eli, kung kasinungalingan yang lalabas sa bibig mo. Itigil mo na kasi hindi ko alam kung pakikingan o paniniwalaan ko pa yan." I said. "Masyado ng marami nangyari ngayon para ipasok at itindihin pa ng utak ko lahat ng sinasabe mo." Pagtatapos ko.

"Anaya, please. Ayoko mawala ng ganon ganon yung pagkakaibigan natin ng dahil sa ginawa ko. Ang totoo, ayoko lang naman kasing malaman mo yung totoo'ng ako na yung kaibigan mo ganito ang nangyari. Na yung kaibigan mo ay ikakasal na ng walang dahilan." Naiiyak na usal niya.

"Bakit, Eli, hindi mo ba naisip na yung mga kaibigan mo ang siyang unang makakaintindi sayo. Bakit ginawa mo kaming tanga, lalo na ako. Ang sakit mo maging kaibigan. Ang sakit ng ginawa mo." Humihikbi kong usal.

"I'm sorry, Anaya. Handa ako humingi ng tawad wag mo lang akong iwan, Anaya." Lumuhod si Eli, sa harap ko.

"Tumayo ka diyan." Itinayo ko siya at inalisan silang lahat. Hindi ko yata kayang magpatawad ngayon. Masakit pa ang lahat ng narinig ko. Baka matagal pang maghilom.

Totoo naman, di ko na alam kung pano ko pa paniniwalaan ang lahat ng sinabe nila kung una palang ay nagawa na nila akong lokohin. Kung tutuusin pwede na nila sabihin sakin lahat ng alam nila, pero mas gusto nilang itago sakin.

Dapat 'di ako umiiyak ngayon, hindi ako ito. Hindi dapat ako umiiyak at mas lalong hindi dapat ako nasasaktan ngayon. Kasi una palang hindi ko naman dapat narinig yun kung hindi ako nagpilit na pumunta.

Pero matigas ang ulo ko, sinunod ko parin ang akin nais kaya sa huli ako ang nasaktan. Katulad na lang ng punyetang pagmamahal na ibinibigay ko kay Bryce, hindi sana aabot sa ganito kung hindi ako nahulog sa kanya, sa kababata ko.

Hindi sana ako umiiyak sa harapan nila ngayon, hindi ako nagpapaawa sa kanila. Kahit ang totoo ay awang-awa na ako sa sarili ko. Kasi nasasaktan ako ngayon.

Hindi ko alam kung sinong anghel ang nagudyok sakin na umalis sa kanilang harapan. Pero bago ako umalis may huli akong sinabe.

"Congrats sa kasal niyo, best wishes." May diin sa lahat ng lumabas sa bibig ko.

Umalis ako sa harapan nilang lahat naabutan ko pang papasok si Bri, agad naman niya akong nilingon, pero 'di ko siya pinansin nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namamalayan na nakalabas pala ako ng village ng lakad.

Hindi ko man lang namalayan, totoo nga yata ang sabi nila na pagmanhid kana hindi mo na nararamdaman ang mga bagay na nangyayari sa mundo o mangyayari pa lang.

Bago ako tuluyang lumabas ng village tumingun muna ako sa guard at pinunasan ang lahat ng luha na nararamdaman kong tumutulo sa aking mga mata.

Tumuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kalsada. Wala akong naramdaman hanggang sa tumawid na ako, sa hindi maintindihan dahilan bigla akong napalingon.

May nakita akong liwanag hanggang sa bigla na lang akong bumulagta sa sahig. Onti-onti ng naggiging black ang paningin ko, may naulinagan pa akong sinigaw ang pangalan ko.

"Anaya..."