Chapter 1
"Bri, bilisan mo naman." Rinig kong sigawan sa baba.
Ang aga-aga bulahaw ng dalawa ang naririnig ko. Diba pwede'ng wag sila masyado maingay at natutulog ang pinakamaganda sa kanila. Hay, nako ang papanget na nga ng gigising pa ng tulog. Tumayo na ako sa kama at inayos yun. Dina ako bumalik sa pagtulog. Dahil di narin naman ako makakatulog.
Dadaritso na sana ako sa banyo, pero nakita kong nakabantay pa doon si Elis, kaya alam kong kanina pa siya nagaantay don. Di niya ako napansin kaya naman dumaritso na muna ako sa kusina para magmumog. Wala naman ako'ng pwedeng gawin kundi ang magmumog muna. Kakain na sana ako ng pumasok sa kusina si Elis.
"Buti naman gising kana, kala ko aakyatin pa kita." Bulyaw niya agad sakin.
"Pano naman po, di magigising e sa bulyawan niyo pa lang ni Bri, gising na gising na ang diwa ko." Aburido kong sabi sa kanya.
"Pano naman kasi, kanina pa pumasok 'to si Brie, dipa rin lumalabas." Pasigaw na kumento ni Elis.
Nakarinig naman kami ng pagpatay ng ilaw at pagbukas ng pinto. Panigurado tapos na ang isang panget. Lalabas na ang kauri nitong isang nakasimangot.
"Oh, ikaw na tutal. Kanina mo pa naman ako hinihintay." Nakasimangot din na sabi ni Bri.
"Ano ba kasi ginagawa mo sa banyo, kanina ka pa doon a?" Tanong ni Elis.
"Nag-jajak*l... Aray--bakit ka naman nambabato diyan." Sigaw ni Bri.
Agad naman dumampot ng maibabato yung kamay ko at nadampot ko ay yung remote na nasa kaliwa ko. Hinagis ko yun kay Bri. Alam na nakain ako, kung ano-ano sinasabe. Puta naman talaga o. Ang panget na nga, ang bastos pa ng bibig.
Kaya di ako magtataka kung si Bri, ang unang mag-aasawa saming magkakaibigan. Oo, tama kayo diyan. Mga kaibigan ko tong mapapanget na ito. Pero di naman totoo yung mga panglalait ko sa kanila, sadyang sanay lang talaga akong laitin sila. At purihin ang kagandahan ko, na totoo naman.
"Kumakain ako dito, kung ano-ano yang lumalabas diyan sa bibig mo." Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Atleast sinabe ko kung anong ginagawa ko sa loob ng banyo, pag-di naman umamin. Magagalit kayo." Bulyaw niya pa ulit.
"Oo na, oo na. Tama ka na. Pero nxt time, ilugar mo naman. Alam mong may pasok pa tayo, kung anong milagro yang ginagawa mo." Sita ko ulit sa kanya.
Nang matapos ako sa pagkain sumunod na ako kay Elis, sa pag-ligo. Natapos lang ako ng bulabuhin ni Elis, ang pinto. Lumabas ako sa banyo at tinitigan mabuti si Elis, akmang hahampasin pa niya ako ng mabilis akong tumakbo.
Nagbihis lang ako sa loob ng kwarto ko at lumabas na naabutan ko pa silang dalawa na nakaupo sa sofa. Inaya ko na sila pumasok, at anong oras na. Male-late na kaming tatlo sa HU.
Sumakay na kame ng sasakyan ni Elis, para makapunta sa Univ. Nasa harap na sana kami ng gate ng Univ ng sitahin kame ng guardia.
"Oh, mga hija nasan ang ID n'yo?" Tanong niya.
"Ho, wala po." Bobo'ng sagot ni Bri.
Napailing na lang si Guardia. "Ah, ganon ba. Edi di kayo makakapasok sa loob." Sagot niya
"Ho, bakit naman ho. Estudyante din po kame sa loob." Sagot ni Elis.
"E pano yan, wala kayo'ng ID." Sita ulit ni Guardia.
"Guardia, ang totoo po niyan, di pa namin nakukuha ang ID namin, dahil papasok pa lang po kame ngayon." Sagot kong matino, kasi anong oras na kung magtatagal kame dito wala na talaga, tapos na ang klase.
Gulat naman na tumingin samin ang Guardia. "Ganon ba mga hija, edi dapat kanina n'yo pa sinabe. Oh hala pasok, kunin n'yo na ang ID n'yo." Sabi ni Guardia.
Pumasok kami sa loob ng Univ at dumaritso sa Faculty para makuha ang ID namin. Dun lang kasi ang alam naming pupunta para makuha ang ID namin. Eto kasi si Brie, di iniintindi kung saan namin pwede kunin yung ID nakalimutan n'ya daw kung saan.
Nang makarating sa Faculty kinuha lang namin ang ID, kapit ko ang mga ID namin para ibigay sa kanila ako lang kasi ang pinapasok nila sa loob. Palabas na ako ng may mabunggo ako... Nalaglag ang lahat ng kapit ko at ganon din siya. E halos lahat pa naman ay ID with phone pa.
"Shit." Rinig kong sigaw nung nabangga ko.
Agad kong kinuha ang lahat ng ID at inabot sa kanya ang iba. Tinignan niya pa ako ng masama bago kunin lahat ng inaabot ko.
"Miss, can you look where you're going." Abuh, kasalanan ko pa ngayon. Siya din naman di nakatingin sa dinadaanan niya. Naghahanap pa yata ng away ang bwiset na 'to.
"Bakit, kasalanan mo din naman a." Pabulong kong sagot.
"What did you say?" Tanong niya.
"Wala." Sagot ko, ng tumalikod siya inambahan ko pa siya ng babatukan pero pinigilan ko ang sarili ko.
Naglakad ako pabalik sa mga kaibigan ko at inabot ang ID nila, pero ng tignan ko ang ID ko para suriin sana kung ganon ako kaganda sa picture ng mapatingin ako sa likod ko.
"Arggggggggg." Sigaw ko.
Agad na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko ag tinignan naman kami ng iba. "Bakit, bakit ka humihiyaw?" Tanong ni Elis.
Bumuntong hininga ako at inabot sa kanila ang ID na nakuha ko. Nanlalaki ang mata ng iabot nila sakin 'to. Tumaas-taas pa ang kilay ni Bri. Alam na kasi gwapo, sino pa ba ang hindi bibigay d'yan. Syempre wala, lalo na si Bri.
Nakakainis naman kung unang araw pa lang ng araw ko sa school na 'to, letse na agad. Yung ID na nadampot ko ay yung ID na nakabunggo ko kanina.
"Teka An, bakit ibang ID nga ba yung nakuha mo?" Tanong ni Elis.
Tumingin ako sa kanila at ikinewento ang nangyari bago ko makuha ang punyetang ID na yun. Di ko naman kasalanan na di niya tinitignan ang dinadaanan niya. Di na lang siya umamin na may kasalanan din siya, ako lang talaga ang sinisisi at minura pa.
Pag-talaga nakita ko yang lalaking yan, ipapaabang ko siya sa tambay sa amin, para naman makaganti ako. Wala siyang karapatan na apihin ang isang katulad ko na maganda.
"So, sinong tanga?" Tanong ni Bri.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Elis, "Ikaw, ikaw yung tanga." Si Elis, ang sumagot.
"Bakit ako, edi naman ako ang nakabunggo don sa guy." Napailing na lang ako.
Di na siya sinagot ni Elis, at dumaritso na kame sa room namin dahil kailangan na. Sabi naman nila sasamahan nila akong bumalik sa Faculty mamaya para masabi na mali ang ID na nakuha ko.
At para gumanti na din sa lalaking nakabangga ko. Tatanga kasi, alam na daanan yun natural na may dadaan don, pero di niya tinitignan yung dinadaanan niya. Sa tutuusin nga mas may kasalanan siya kasi nagcecellphone siya habang naglalakad sino ba ang di tatatanga, hane.
Humanda ka makakaganti din ako sayo pero dipa ngayon sa tamang panahon.
Byrce Lucas Gueverra.