CHAPTER 21
Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Sora habang nag-aayos ng mga gamit ko. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko at muling napabuntonghininga na lamang.
"Narito na lahat ng gamit mo, Lady Maddie," rinig kong sambit ni Sora kaya naman ay napabaling ako sa bag na pinaglagyan nito ng mga damit ko. Handa na ang lahat. Babalik na talaga kami sa Montealegre Empire.
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at wala sa sariling napatingala sa kisame ng silid ko. "Sa tingin mo, sino ang tinutukoy ni Val na traydor na Montealegre?" mahinang tanong ko kay Sora at tumayo mula sa pagkakaupo. "Isang babaeng Montealegre." dagdag ko pa sabay hawak sa sintido ko.
Kanina ko pa iniisip ang tungkol sa mga sinabi ni Val Isaac sa akin kanina ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahulaan kung sino ang tinutukoy nito!
"Bilang lang ang mga babaeng Montealegre, Lady Maddie," ani Sora na siyang ikinatigil ko. "Kung pagbabasehan sa kapangyarihang taglay nito, alam kung matutukoy mo kung sino ito." makahulugang sambit nito na siyang nagpatigil sa akin. Mayamay lang ay napakunot ang noo ko sa mga narinig mula kay Sora. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at umayos na lamang nang pagkakatayo.
"Kilala mo ba kung sino ang tinutukoy ni Val Isaac, Sora?" kinakabahang tanong ko sa kanya at inalala ang naging pag-uusap namin kanina ni Val.
"You were ambushed?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Yes, Maddison, at doon ko rin nalaman ang lahat. I tried to escape but the Wilhelms are much way stronger. They outnumbered us," ani Val at marahang hinawakan ang kamay ko. "Kaya nga natagalan akong makabalik sa'yo."
"Val." I sighed and tried to calm down. "Sinong Montealegre ang nakita mo?"
"A powerful one," mariing sambit muli nito.
"What's her name, Val Isaac?" matamang tanong kong muli sa kanya. I can see it in his eyes. Ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang nakita niya. Kung sino ang traydor na Montealegre!
"Bumalik na tayo sa Montealegre Empire, Maddison. Let's talk to our fathers... I mean, let's talk first to Sir Cassandro and Sir Van."
"Do you trust them, Lady Maddie?" Natigilan ako noong marinig kong muli ang boses ni Sora. "Do you trust the Montealegre?" dagdag pa nito na siyang ikinangiwi ko. Binalingan ko ito at marahang inilingan.
"I do trust them, Sora. Pamilya ko sila at marapat lang na magtiwala ako sa kanila," sagot at humugot muli ng isang malalim na hininga.
"Pero iyong nangyari sa pangkat ni Sir Val, tiyak kong hindi iyon papalagpasin ng Archmage. Namatay ang isa sa kanila,” mahinang saad niya na siyang ikinatango ko na lamang.
"Alam ko iyon, Sora. What happened to them was unforgivable. Pero isang Montealegre ang pinag-uusapan natin dito. Hindi basta-bastan kikilos ang isang Montealegre ng wala man lang dahilan." I sighed again. “I don’t want to defend that Montealegre but still, she’s part of my family. I will give her at least the benefit of the doubt.”
Hindi agad nakapagsalita si Sora at matamang nakatingin lang sa akin. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling hinilot ang sintido ko. "So, what's your plan, Lady Maddie?" mayamaya lang ay maingat na tanong ni Sora sa akin.
"Babalik tayo sa Montealegre Empire at haharapin natin kung sino man iyong traydor na tinutukoy ni Val sa pamilya namin," matamang sagot ko sa kanya. I sighed again.
This is insane! Thinking about the current situation we’re facing right now wants me to know more about this traitor! Sumasakit lalao ang ulo ko dahil sa mga nangyayari!
Mayamaya lang ay sabay kaming napatingin ni Sora sa pintuan noong may kumatok doon. Mabilis na kumilos si Sora sa kinatatayuan niya at pinagbuksan ang taong nasa kabilang bahagi ng pinto.
"Val," sambit ko sa pangalan nito noong mamataan ko siya.
"Let's go," yaya niya sa amin at pumasok na sa loob ng silid. Nilapitan niya ang bag na naglalaman ng mga gamit ko at mabilis na dinampot ito. "Nakahanda na ang sasakyan sa labas. Bilisan na natin."
Tahimik akong tumango sa kanya at binalingan si Sora. Dinampot nito ang isa ko pang bag at naunang lumabas na sa silid namin.
"Val," tawag kong muli sa kanya at nilapitan ito. "Anong plano ang nasa isip mo?" maingat na tanong ko rito. "Kapag makita mong muli ang Montealegreng tinutukoy mo, a-anong gagawin mo?"
"We'll capture her," simpleng sagot ni Val at hinawakan ang isa kong kamay. "Hindi ko alam kung ano ang relasyon nito sa Wilhelm Empire pero natitiyak kong isa lang ang pakay nila."
"A-ano?" takot na tanong sa kanya.
"The end of Montealegre Empire."
Tahimik ang naging biyahe namin pabalik sa Montealegre Empire. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako noong maramdaman ko ang mainit na katawan ni Val Isaac sa likuran ko. Hindi muna ako kumilos habang nakasandal ako sa dibdib ni Val. Nanatili akong nakaupo at pinakiramdaman ang paligid. It’s too quiet. Tulog din ba si Val at Sora?
Akmang kikilos na sana ako mula sa pagkakasandal kay Val Isaac noong biglang narinig ko ang boses ni Sora. "Sir Val," tawag nito kay Val. Hindi ito tumugon at nanatili lang tahimik. Mukhang mali ako sa mga akala kanina. Gising silang dalawa! "Is it really okay to return her without a concrete plan? Hindi ba mas lalong mapapahamak si Lady Maddie sa gagawin natin?"
"We don't have a choice here, Sora. Mas kailangan si Maddison sa Montealegre Empire kaysa sa puder ng Archmage," marahang sambit ni Val at hinaplos ang buhok ko. "She's turning eighteen tomorrow. Sir Cassandro can now appoint her as the new Empress of the empire."
"How about Lady Catana?"
Lady Catana? Aunt Catana? What about her?
"I know you already warned me about her, Sora, pero ang huling desisyon ay hindi manggagaling sa akin. Even the Archmage doesn't want to meddle with this issue."
"An issue inside a powerful empire. Yes, that was the best decision from the Archmage. Hindi lang naman ang Montealegre Empire ang may kaguluhan ngayon. Halos lahat ng imperyo ng Agartha ay may kinakaharap na problema. Mas mahihirapan ang Archmage kung makikisali pa siya sa problema ng mga Montealegre," saad ni Sora na siyang ikinagulat ko. Hindi lang ang Montealegre Empire ang may gulo ngayon sa Agartha? Really?
"I just hope Maddison can accept this," marahang sambit muli ni Val at naramdaman ko ang paghawak nito sa kanang kamay ko.
"She's a different person now, Sir Val. Lady Maddie completed her trainings, and I can assure you that her magic level raised higher than what we expected."
"Thank you, Sora," ani Val at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Thank you for taking care of Maddison while I was away from her."
"It is my duty to serve the next heir of Montealegre Empire, Sir Val. And she's like a daughter to me. I'll do everything for her, to protect her with my life."
Sora.
Hindi na ako nag-abala pang kumilos at hinayaan ang sariling makapagpahinga pa. Dahil sa marahang paghaplos ni Val Isaac sa buhok ko ay nakatulog muli ako. Nagising na lamang ako noong marinig ang marahang pagtawag ni Val sa akin.
"Maddison, wake up." Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at umupo nang maayos. Bumaling ako sa labas ng sasakyan at biglang akong kinabahan noong mamataan ang pamilyar na malaking pintuan.
Montealegre Empire.
"We're here," wikang muli Val at naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. "Come on, nasa loob na si Sora." Tumango na lamang ako sa kanya at marahang humugot muna ng isang malalim na hininga bago lumabas mula sa sasakyan. At noong tuluyang nakalabas na ako sa sasakyan, mabilis na lumapit sa akin si Val at muling hinawakan ang kamay ko. Binalingan ko ito at tipid na nginitian. "Sa opisina tayo ni Sir Cassandro," aniya at nagsimula na kaming maglakad papasok sa malaking pintuan ng Montealegre Empire.
Tahimik lang kaming dalawa ni Val habang naglalakad. I wanted to break the silence between us, but I can't think straight right now. Ang tanging nasa isipan ko ngayon ay ang pagkikita naming muli ng ama ko. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula noong umalis ako at pansamantalang nanirahan sa Salvatierra Empire. And now that I'm back, things become more complicated. Ang akala ko pa naman noon ay magiging maayos na ang lahat. Isang buwan na ang lumipas ngunit mas naging komplikado ang sitwasyon ko, ang sitwasyon ng pamilya ko.
Napaayos ako nang pagkakatayo noong nasa tapat na kaming dalawa ni Val sa pinto ng opisina ng aking ama. Mabilis ko itong binalingan at namataan ang marahang pagtango nito sa akin. Tipid kong nginitian muli si Val at gumanti na lamang nang pagtango sa kanya. Mayamaya lang ay binalingan na ni Val ang dalawang taga-bantay ng aking ama at inutusan niyang pagbuksan kami ng pinto.
Sabay kaming pumasok ni Val Isaac sa loob ng opisina ng aking ama. Mabilis namang nagsitayo ang mga taong nasa loob ng silid noong mamataan kaming dalawa.
"Maddison!" tawag sa akin ng aking ina at mabilis na lumapit sa akin. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Val Isaac sa kamay ko at humakbang ito palayo sa akin. "How are you, Maddie? Ayos ka lang ba?" magkasunod na tanong nito sa akin.
"I'm fine, mom," marahang sagot ko sa ina at binalingan ang aking ama at ang kapatid nito. "Dad. Uncle Van,” bati ko sa dalawa.
"You look good, Maddison. Did you trained yourself well while staying inside the Salvatierra Empire?" tanong ni Uncle Van at naglakad na rin papalapit sa akin. Mabilis niya akong niyakap at binalingan si Val Isaac sa gawing kanan ko. "I've heard what happened to you and your mission. How's your injuries? Ayos ka na ba?"
"Yes, dad. I'm good."
"That was a relief. Akala ko'y hindi mo na ako tatawagin nang ganyan pagkabalik niyo galing sa Salvatierra Empire," nakangiting sambit ni Uncle Van sa kanya. "Welcome home, Maddison, Val Isaac."
"Thanks, Uncle Van," sambit ko rito at binalingang muli ang aking ama na tahimik lang nakamasid sa amin.
"Magsiupo na kayo," kaswal na sambit nito na siyang nagpalunok sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko mula sa kanya? Akala ko pa naman ay nagbago na ito. Isang buwan din akong nawala sa lugar na ito! Can't he even act as if he missed me? Oh, whatever.
Hindi na ako muling nagsalita pa. Inalalayan na ako ni mommy hanggang sa maupo kami sa mga nakahandang upuan sa harapanan ng mesa ni daddy. Sa tabi ko naupo si Val Isaac samantalang bumalik si Uncle Van sa puwesto nito kanina.
"What was exactly your mission, Val Isaac?" Iyon agad ang pambungad na tanong ni daddy kay Val. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at hinayaan sila ang mag-usap tungkol sa problemang kinakaharap ng pamilya namin.
"The Wilhelm Empire will soon annihilate our empire," sambit ni Val na siyang mabilis kong ikinabaling sa kanya.
Say what?
Anong pinagsasabi nito?