CHAPTER 19
Magsisimula pa lang akong gamitin laban kay Jeannie ang mga natutunan ko rito sa Salvatierra Empire noong biglang pumagitna sa aming dalawa ang mga taga-bantay ko.
Binalingan ko silang dalawa at pinagtaasan ng isang kilay. Umayos ako nang pagkakatayo at dahan-dahang ibinaba ang isang kamay kong ikukumpas ko na sana kay Jeannie. Kanina pa kami nagpapalitan ni Jeannie Faustino ng mga atake at nakapagtatakang ngayon lang sila pumagitna sa aming dalawa. Ipinilig ko ang ulo pakanan at napaawang na lamang ang mga labi noong maramdaman ko ang presensya ng High Priestess 'di kalayuan sa puwesto namin. Muli akong napatingin sa mga taga-bantay ko at noong mamataan kong tumango ang isa sa kanila ay mabilis akong napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
"Let's go, Lady Maddison. Baka hinahanap ka na ni Lady Sora," ani ng isa at nilapitan ako. Kita kong nilapitan ng isa kong taga-bantay si Jeannie na agad namang inalmahan ng babae.
"What? You're done already, Montealegre? Ito lang ba ang kaya mong gawin?" inis na wika ni Jeannie at hinawi ang taga-bantay kong nasa harapan niya.
"This fight is nonsense, Faustino. Let's stop it here. Nagsasayang lang tayo ng oras at kapangyarihan," walang ganang sambit ko at tinalikuran na ito. I can't risk it! Ayaw na ayaw ni High Priestess Irish ang ganitong klaseng duel sa loob ng Salvatierra Empire. Ilang beses na itong sinabi sa akin nila Storm ang tungkol dito. If you want a fight, sa training room lang dapat. That room was created for that reason. Maaari kasing makasira kami ng properties dito na siyang nakalimutan ko kanina bago patulan ang walang kuwentang laban namin ni Jeannie Faustino! Damn it!
"Nonsense? You call this nonsense? You almost burn me alive, Montealegre!" she hissed and attack me again. Mabilis namang kumilos ang dalawang taga-bantay ko at pinigilan ang galit na galit na si Jeannie. "Let me go! I will fucking freeze that girl!"
Napatampal na lamang ako sa noo at tiningnan ang itsura ni Jeannie. She was right. Muntik ko na itong masunog kanina. Mabuti na lamang ay medyo napigilan ko pa ang mga atake ko. I immediately stop myself earlier when I realized that I might really burn her alive! "Stop, Jeannie," mariing sambit ko sa kanya at napailing na lamang.
Mayamaya lang ay napapikit ako noong mas lumakas pa lalo ang presensya ng High Priestess, and worst, I can feel someone else presence, too! Kaya naman ay mabilis akong napabaling sa main entrance ng garden ng Salvatierra Empire. Sino naman kaya ang kasama nito ngayon? At talagang dito pa talaga sa hardin ang tungo ng mga ito! Shit! Hindi maaaring mabutan kami sa ganitong sitwasyon! Jeannie Faustino needs to calm down now!
Segundo lang ay nakaramdam ako ng hapdi sa braso kaya naman ay mabilis akong napabaling muli kay Jeannie na ngayon ay hawak-hawak na ng dalawa kong taga-bantay ko. Napatingin ako sa braso ko at napangiwi na lamang noong mamataan ang sugat doon. Really? Talagang hindi na ito nagpapapigil kahit na may nakahawak na sa kanya!
"Bitawan niyo ako! Ano ba!" sigaw ni Jeannie at pilit na nagpupumiglas pa rin. Damn! She's really gone mad!
"What's happening here?"
Damn it!
Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko at hinawakan na lamang ang sugat na natamo mula kay Jeannie. I used my own healing magic to heal my fresh wound, and when it was fully healed, hinarap ko ang mga bagong dating.
"High Priestess," bati ko at bahagyang yumukod sa harapan niya.
"Lady Maddison, what's happening here?" she asked again. Tahimik niya akong pinagmasdan at ang mga kasama ko ngayon sa hardin.
"Nothing much," sagot ko at pasimpleng binalingan si Jeannie. Napaarko na lamang ang isang kilay ko noong makitang tumigil na ito sa pagwawala. Tuwid na itong nakatayo sa puwesto niya at hindi na pinipigilan ng mga taga-bantay ko. "Someone just pays me a visit, High Priestess,” dagdag ko pa at umayos na rin nang pagkakatayo ko.
"I see," anito habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "I felt your power earlier that's why I decided to see what you are doing. I thought you were fighting against some... one," dagdag pa nito na siyang nagpangiwi sa akin. "But seeing you right now, looks like you can control your power now. Good job, Lady Maddison."
"Thank you, High Priestess," marahang sambit ko at muling yumukod sa harapan niya
Mayamaya lang ay nagpaalam na ang High Priestess sa akin at tahimik na umalis sa hardin. Pasimple ko silang pinagmasdang umalis sa hardin ng Salvatierra Empire ngunit bago pa man sila nawala sa paningin ko, napakunot ang noo ko noong may nakita akong pamilyar na marka sa suot ng kasama nito.
"That's the-"
Hindi ko na natapos ang dapat sasabihin ko noong bigla akong may narinig na malutong na mura sa likuran ko. Napatingin ako kay Jeannie at ngayon ay nakaupo na ito sa lupa. "Who's that woman, Montealegre? Damn!"
Napatingin ako sa mga taga-bantay ko at kay Jeannie muli. What? Hindi niya kilala ang High Priestess ng Salvatierra Empire? That's odd! She's one of the powerful Agarthian in this Empire!
"She's Irish, the High Priestess of this empire," mahinang sagot ko sa tanong nito. Mabilis na bumaling sa akin si Jeannie at kusang umawang ang labi nito. "She's the one who's managing this empire."
"High Priestess? Seriously? That was her? Oh, damn! I never met her before!" Jeannie hissed and tried to stand but she failed. Agad naman itong dinaluhan ng isa sa taga-bantay ko at inalalayang makatayo.
"Now, you met her," kaswal na wika ko at muling napabaling sa daang tinahak ng High Priestess at ng mga kasama nito. Napakagat ako ng labi at inalala ang nakita. Ang markang nakita ko kanina sa likod ng damit nito, sigurado ako kung sino at kung saang imperyo ito nabibilang.
But, why? Bakit nandito ito ngayon sa Salvatierra Empire? Bakit kasama nito ang High Priestess?
"Maddie!"
Natigilan ako sa mga iniisip ko noong marinig ang boses ni Storm. Mabilis akong napangiti noong mamataan ko sila ni Barrett at patakbong lumapit sa kanilang dalawa.
"Storm! Barrett!"
"You look well, Maddie!" ani Storm at mabilis akong niyakap.
"Mabuti naman ay natapos niyo na ang misyon niyo," ani ko at humiwalay na sa yakap ng kaibigan.
"Well," ani Storm at napatingin sa likuran ko. "Who's that?"
Napangiwi na lamang ako at napabaling muli kay Jeannie Faustino. Inaalalayan pa rin ito hanggang ngayon ng isa kong taga-bantay. Looks like her energy is already drained. She already hit her limit. Ito na marahil ang resulta ng mga pag-atakeng ginawa nito sa akin kanina. "Just someone," simpleng sagot ko sa kaibigan at muling binalingan siyang muli. They looked well, too! Mukhang matiwasay nilang natapos ang misyong binigay ni Archmage Quiro sa kanilang dalawa! "Let's go! Sa training room tayo! May gusto akong ipakita sa inyo ni Barrett!"
"Looks like someone did some training while we were gone!" Nakangising sambit ni Storm at hinila na ako. Hindi ko na muling binalingan pa si Jeannie at sumama na nang tuluyan sa kaibigan ko. Tahimik namang sumunod si Barrett sa amin hanggang sa makarating kami sa training room kung saan kami palaging namamalaging tatlo.
Nakangiti akong pumuwesto sa pinakagitnang bahagi ng training room samantalang tahimik na nakamasid sa akin ang dalawa. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli. "You ready?" I asked them. Tumango si Storm sa akin samantalang blankong nakatingin lamang si Barrett sa kinatatayuan ko. "Okay! Sacred-"
"Stop, Maddison.” Natigilan ako noong biglang pinigilan ako ni Barrett. Napakunot ang noo ko sa kanya at matamang tiningnan ito.
"What? I'll just show you my new magic, Barrett!" angal ko sa kaibigan.
"Are you sure about that? Are you sure you're going to waste your energy for that?" tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Oh, shit! I forgot about it!" ani Storm na siyang lalong nagpakunot ng noo ko sa kanilang dalawa. "The reason why I was running earlier and looking for you!"
"What? Hindi ko kayo maintindihan!" gulong tanong ko sa kanila. Ano bang pinagsasasabi ng mga ito?
"He's back, Maddison! Sir Val Isaac is back!" Storm exclaimed while smiling widely at me.
What? I froze for a second. Tila nabingi ako sa sinabi ng kaibigan kaya naman ay humakbang ako papalapit sa kanila. "Anong sinabi mo, Storm?" nanghihina kong tanong sa kaibigan. “Tama ba ang narinig ko mula sa’yo?”
Tumango si Storm sa akin at muling nginitian ako. "Sir Val Isaac is back. Nasa Salvatierra Empire na ito ngayon. He was actually our mission, Maddie! Umalis kami para tulungan silang makauwi nang ligtas dito sa Salvatierra Empire."
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. I mentally cursed then ran towards the room's door. Narinig kong tinawag ako ni Storm ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa.
He's back! Val Isaac is freaking back!