CHAPTER 10
Alex's POV
Napabalikwas ako sa kama at napahawak saaking dibdib, nag hahabol ako ng hininga. Napayuko ako saaking tuhod at hinilot hilot ang sentido ko.
'What happened? Bakit bigla kang bumangon Alex?' nag aalalang tanong ni Kaye at hinihimas ang likod ko. 'May masakit ba sayo?'
Umiling ako, 'I had a bad dream..' bulong ko, di ko na naramdaman na may tumulo palang luha saaking mata.
'Shhh.. Panaginip lang yon. Wag mo nang isipin. Matulog kana uli, binabantayan naman kita.'
Muli kong humiga at malalim padin ang pag hinga ko.
'Ano ba napanaginipan mo?' tanong ni Kaye.
'N-nalaman na daw nila, yung totoo.' mahina kong sagot.
Parang nag aalinlangan namang tumingin saakin si Kaye.
'T-Tapos nagalit sila sakin.' dagdag ko.
'Kumalma ka. Panaginip lang yun, okay?'
Tumingin ako sakaniya, 'W-what if.. Hindi talaga nila ko matatanggap sa kung sino ako? N-Natatakot ako Kaye.' halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Ang bigat ng dibdib ko.
'Shhh.. Wag mong isipin yan, andito lang ako. Baka dahil sa taas ng lagnat mo kaya nag kakaganyan ka. Matulog kana uli ha?' tumabi siya saakin at humiga sa tabi ko.
Muli akong pumikit at kinalma ang sarili ko.
---
Kaye's POV
Humiga ako sa tabi ni Alex at hinaplos haplos ang braso niya, to make him feel na hindi siya nag iisa.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako at naaawa para sakaniya.
Kahit naman sobrang naiinis ako sakaniya dahil sa kaartihan niya at panlalalaki, eh sobrang bait niyang kaibigan at anak.
I don't see any reason para di siya tanggapin ng ibang tao.
Kung kasarian lang ang magiging batayan ng lahat, hindi ito tama. Because ALL people deserves to be respected and to be treated equally.
Saglit akong napatitig kay Alex habang natutulog siya. Ang sayang mo naman kasi talaga bakla.
Ang pogi pogi mo.
Your eyes that can melt someone by just your stare, your perfect-shaped nose, your sharp jawline, your cute cheeks, and your kissable lips.
Siguro kung tunay na lalaki 'tong kaibigan ko na 'to. Matagal na kong nahulog sakaniya.
*knock knock*
Napatigil ko sa pag titig kay Alex at agad na tumayo para buksan ang pintuan.
Pag bukas ko ay bumungad saakin si Alfred. 'Kamusta ang kapatid ko?' tanong niya.
'Uh.. Okay naman, medyo mataas padin lagnat niya eh.'
'Here.' may inabot siyang supot. 'I bought some foods para sainyong dalawa, may extra din akong medicine na binili incase na mag kulang.'
Napangiti naman ako, kahit papaano ay maaalalahanin din naman pala ang isang ito.
'Thank you.' I said.
'Welcome. Dito kaba matutulog?' tanong niya.
Napatingin ako saaking relo. Alas 4 na pala ng hapon di ko na namalayan ang oras.
'Nako baka hindi, dadalhin ko pa din kasi sa Café namin yung nasa kahon.' sabi ko.
'You need a ride? You can ride on me.'
Nakakunot ng noo ko.
'What?'
'Hahahahaha I mean, I can give you a ride. Sungit mo talaga ano?'
Heto nanaman siya sa pagiging manyak niya.
'Hindi na, nakakahiya makakaabala pa ko.' sabi ko naman.
'No, it's okay. Girlfriend ka naman ng kapatid ko, so okay lang.' sabi niya.
'Hindi na, dadaan pa ko sa Café tapos--
He cut me off. 'I insist.'
'Babe...' napalingon kami sa bagong gising na si Alex.
'Babe, look dinalhan ka ng food ng kuya mo.' sabi ko at nilapitan siya.
'Wow, thanks kuya.' sabi naman ni Alex.
Pumasok si Alfred sa loob, 'Sabi ko diyan sa girlfriend mo, since hindi naman pala siya matutulog dito eh ako na mag hahatid sakaniya pauwi.'
Lumingon saakin si Alex, 'Di kaba dito mag s-stay babe?' lumamya ang boses ni Alex at tiningnan ko naman siya na parang nag tatanong.
'Di kaba mag s-stay para alagaan ako?' dagdag pa niya at hinawakan ang kamay ko.
'Pero kailangan kong pumunta sa Café babe, ihahatid ko pa yung mga pinamili ko.' sabi ko naman.
'But babe...' lumapit saakin si Alex at pinatong ang kaniyang noo sa balikat ko. 'Stay here please..'
Bahagya ko siyang kinurot sa kamay.
'Gosh, Nakakasuka kayo.' komento naman ni Alfred habang nakatingin sa kisame.
'Inggit ka lang kuya.' pang aasar ni Alex. 'Babe stay here na kasi, dito kana matulog.' muling sabi ni Alex.
Jusko ano bang gusto ng baklita na to?!
'Mataas pa yung lagnat ko oh, I need you po...'
'Baka kailangan ng kiss mo bro para pumayag na dito matulog!' pantutukso ni Alfred. 'Halikan mo na para pumayag!'
Nanlaki ang aking mata at napahigpit ang kapit ni Alex sa kamay ko.
'KISS NA! DAMI PANG SATSAT EH!'
Napalunok ako nang tingnan ako ni Alex.
Dahan dahan siyang lumalapit saakin.
At...
'OO NA! OO NA! DITO NA KO MATUTULOG!' sabi ko at narinig ko ang malakas na tawa ni Alfred.
'Pffttt-- don't tell me, hindi pa kayo nag kiss?' pang aasar niya.
Nakita ko naman na parang nakahinga din ng maluwag si Alex sa sinabi ko.
'N-Nag kiss na kaya kami!' pag depensa ni Alex.
'Weh? Wala kayong maloloko dito! Diyan na nga kayong dalawa. Mag practice muna kayo! HAHAHAHAHAH!' tumawa tawa siya habang palabas ng kwarto at sinaraduhan ang pinto.
'Aishhh!!!' napasubsob naman ako sa unan ni Alex.
'Sorry girl, gusto ko lang talaga na may kasama ngayong gabi. I feel like mas gagaan ang pakiramdam ko pag andiyan ka.' sabi ni Alex at humiga siya muli.
Pareho kaming nakatingin sa taas. 'Okay lang. Pasalamat ka kaibigan kita!'
'Shhh.. Hinaan mo boses mo baka marinig nila kuya na tinatawag mokong kaibigan.' pag saway niya kaya napatakip naman ako sa bibig ko. 'I think we should start calling each other babe kahit na normal ang pag uusap natin.' dagdag ni Alex.
'Why?' I asked.
'Eh syempre para naman kahit may makarinig, walang kataka-taka na tinatawag nating babe ang isa't isa dahil nga mag jowa tayo. Bobita mo naman.'
I rolled my eyes at him, 'Ah bobita pala? Sige diyan kana uuwi na ko!' pag loloko ko, umupo ako sa may kama at akmang tatayo.
'Teka di ka naman mabiro--
Hinawakan niya ang kamay ko at pinipilit akong humiga.
'Deeee wala! Uuwi na ko! Ayaw ko na dito!'
'Jokeeee lang nga babeeee!'
'No--- ARAY!'
Napabagsak ako sa may dibdib ni Alex at napauntog ang noo ko sa may baba niya. Ang kalahati ng katawan ko ay nakapatong sakaniya.
'Ang sakit!' reklamo ko.
Umangat ako ng tingin sakaniya at sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
'Sorry, ikaw kasi eh! Di ka mabiro.' sabi niya.
'Di ka rin mabiro alam mo yon. Nag j-joke lang din ako.' sabi ko naman.
'Aba infairness bakl-- este babe mabango ka ha kahit wala kapa ligo.' sininghot singhot ko ang dibdib niya.
'Tumigil ka nga Kaye, nakikikiliti ako!' sabi niya habang nilalayo ang mukha ko.
*sniff*
*sniff*
*sniff*
'Ay ang bango talaga ng babe ko!' sabi ko at patuloy padin siyang inaamoy sa may dibdib at leeg.
'Stop it! Aso kaba ha? Aso ka?!' tinutulak niya ang mukha ko palayo. 'Bwiset! Nakikiliti ako HAHAHAHAHAHAHAHA!!'
Umangat ako ng kaunti para mas maamoy ko siya ngunit nasagi niya ang kaliwa kong binti na nakapulupot sa kumot and I tripped.
Muli nanaman akong bumagsak sa katawan niya at..
*tsup!*
---