Chapter 25

Nakalipat na ako dito sa unit ko at ang una ko lang ginawa ay umiyak ng umiyak dito sa kama. Ang sakit lang kasing tanggapin na hindi man lang ako nagawang pigilan ni Zian.

Kung pinigilan man nya ako ay ang bilis nyang bumitaw. Parang wala man lang akong halaga para sa kanya, sa bagay ano pa nga bang aasahan ko.

Wala naman talaga akong halaga para sa kanya. Noon at hanggang ngayon ay isang wala akong kwentang fan para sa kanya.

Hinayaan ko lang ilabas ng mga mata ko ang sakit hanggang sa nakatulog ako.

Tanghali na ako nagising dahil sa pag-iyak ko kagabi at ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko. At bawat lakad ko dito sa loob ng unit ko ay nakakapanibago, pakiramdam ko ay hindi ko kayang mag-isa.

Hindi rin kasi ako tumawag kina Mommy dahil ayokong mamoblema pa sila. Gusto ko na lang isipin nilang masaya ako.

Kahit medyo nasasaktan pa ako ay nagbihis ako, kumain at pumasok sa trabaho. Ayoko namang magpa-apekto sa akin ang ganitong pangyayari sa buhay ko sa trabaho ko. Dahil ako na lang ang bubuhay sa sarili ko ngayon.

--------

Clark Zian's Pov

"Are you insane?" nainis ako sa itinugon sakin ni Robert at hindi ko na napigilan ang sarili ko at basta ko na lang syang kinuwelyuhan dahilan para pagtinginan ako ng mga tao dito sa set.

Wala akong pakialam, ang mahalaga masunod ang gusto ko.

"Kung nababaliw ba ako, hihingi pa ba ako ng tulong sayo?" madiin kong saad habang diretso sa mata kong sabi.

"Z-zian, look hindi naman valid na rason ung dinadahilan mo para panandaliang mawala sa paningin ng--"

"Sinasabi ko sayo, pag hindi mo ako tinulungan, sinisigurado ko sayong makikita mo ang hinahanap mo"

Ramdam ko kung paano nanginig ang buong pagkatao nya. Aaminin ko, hindi naman ako ganitong tao pero bakit pag kay Akia bakit bigla akong nagbabago. Idadag mo pa ung isiping maaaring tumuloy si Akia sa bahay ng lalaking yon, iniisip ko pa lang gusto ko ng bugbugin ang pagmumukha ng lalaking yon.

"Hello, A-akia .." nanginginig ko syang nilapitan. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Lalo akong sumaya ng makita kong naglalakad na rin sya papunta dito sa direksyon ko.

"A-akia, para sayo nga pala" ilalabas ko na sana ang tinatago kong teddy bear stuff toy na pinabili ko pa kay Mama nung isang araw ng makita kong dinaanan lang ako ni Akia dahilan para matigilan ako.

Parang biglang nanigas ang katawan ko. H-hindi nya man lang ako pinansin.

"A-akia .." nilingon ko sya pero nung pagkalingon ko ay nakita kong masaya syang kasama ung bestfriend nyang tinatawag nyang D. C.

"D. C., tara laro tayo dun oh" at may tinuro si Akia. Sabay silang naglakad papunta sa direksyon na tinuro ni Akia.

Sana. Sana hindi na lang ako sumama kay Papa na pumunta dito.

----

Akia Celestine's Pov

"Akia!!" agad akong napa-angat ng tingin at biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Nakita ko na lang si Des na tumatakbo papunta dito sa direksyon ko at niyakap ako habang ang sekretarya ko at si Darren na nakadisguise ay nakasunod.

"Ma'am, pasensya na po masyado po kasing mapilit si Ma'am e" nakayukong sabi ng sekretarya ko. Tumango lang ako sa sinabi nya at sinabi kong makakaalis na sya.

Pagkaalis ng sekretarya ko ay kumalas ng yakap sakin si Des at nakita kong umiiyak sya dahilan para ako na rin ang magpunas ng mga luha nya samantalang si Darren ay relax lang na nakaupo sa sofa dito sa opisina ko.

"Akia, umuwi agad ako nung nalaman ko. Sorry--" hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil niyakap nya uli ako dahilan para yakapin ko rin sya at mapaluha ko rin ako.

She kept on saying sorry kahit ilan beses ko ng sinabi na wala syang kasalanan. Alam kong sinakripisyo nya ang trabaho nya para lang makauwi.

"Tahan na, Des. " kumalas naman sya ng yakap at napangiti naman sya dahilan para kahit papaano ay mapangiti na rin ako.

Ikinuwento sakin ni Darren na nalaman nya daw ito dahil sinabi sa kanila ni Kuya Nico.

"Akia, sorry .."

"Wala naman kayong kasalanan sa nangyari. Ok lang yon, siguro hindi naman talaga kami meant to be" pinigilan ko ang sarili ko para umiyak na naman.

Ang sakit kasi, para kasing tuwing bumabalik sa alaala ko ay maka-ilang beses kinukurot itong puso ko.

"Siguro, ito na rin ang way ng Lord para sabihin sakin na hindi kami nararapat para sa isa't isa." at pagkatapos kong sabihin yon ay pinunasan ko ang aking mga luha.

-----

After a week ...

Aaminin ko, ang hirap mag-adjust. Hirap na hirap ako. Hinahanap ko at umaasa ako na makikita ko si Zian pero nung ma-realise ko ito maka-ilang beses akong umiling.

"Akia, tama na ! Hindi na tama ang pag-i-ilusyon mo. Walang kayo ni Zian! Walang kayo!" pinakalma ko ang sarili ko at naisipan kong magbuhay na lang ng tv para kahit papaano ay maalis sa utak ko si Zian.

"So, tell us, Zian, are you really leaving all your fans behind?" bigla akong natigilan ng marinig at makita ko si Zian sa tv na tinatanong ng reporter.

Hindi ko na makita ang dating Zian na nakilala ko. Ung Zian na nakasama ko sa bahay ng dalawang taon. Parang hindi na sya ung Zian na nakilala ko.

"Is that the right word for it? Leaving?" napangisi si Zian pero walang bahid sa mga mata nya na masaya sya bagkus ay nakikita ko sa mga mata nyang nasasaktan at nalulungkot sya.

"Yes! Kasi diba, you're leaving showbiz just to reunite to some random girl?" saad ng reporter na nakapagpatigil sandali ng tibok ng puso ko.

Some Random Girl? Ganun na lang ba talaga ako? Isa lang ba talaga ang nobody?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naluha na ako. Hindi ko na rin hinintay na magsalita pa si Zian dahil agad ko ng pinatay ang tv at umiyak lang ng umiyak.

So, the truth comes out, I'm just a nobody and also a random girl.