Chapter 16 Hold

Mabilis rumesponde ang mga taga ER kaya madaling naasikaso si Gino sa loob pagdating namin sa ospital.

"Gino... Gino please wake up..." sabi ko sa sarili ko habang nakadungaw sa pintuan ni Gino sa ospital. Ginagamot pa siya ng doktor sa loob.

Nanghihina akong napaupo sa katabing upuan. Pasado alas dos na pala ng umaga.

Awtomatiko akong napatayo nang bumukas ang pintuan at lumabas ang doktor kung nasaan si Gino. Kinausap niya ako at sinabing nasa mabuting kalagayan na si Gino. Nakahinga ako ng malalim nang sinabi niyang hindi naman siya comatose ulit. He said that he maybe remembers something from his past kaya biglang nagkamigrane.

Inilipat sa mas maayos na kuwarto si Gino kaya sumunod na rin ako roon. Antok na antok akong umupo sa upuan sa gilid ng kama ‘tsaka hinawakan ang kamay niya. Naalala na kaya niya ko? Nangyari 'yon nung nagkukuwento ako, maybe he remembers me that’s why it happened right? Ganoon rin ang pagkakaalam kong nangyari sa akin noong pagkagising ko na hindi ko siya maalala tapos bigla kong napanaginipan.

Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko na kanina pa siguro nagriring. Sinulyapan ko si Gino at nakitang nakapikit pa rin ang mga mata. Tulog pa siguro siya. Kinuha ko ang cellphone ko at pumasok sa banyo dito sa kuwarto niya para doon sagutin ang tawag.

Tuluyan akong nagising nang makitang si mommy iyon! Shit! Hindi nga pala ako umuwi. Ni hindi rin ako nakapagpaalam man lang kahit sa text dahil nakatuon kay Gino ang buong atensiyon ko sa kanya kanina.

Galit na boses ni mommy ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang tawag.

"Nasaan ka?! Bakit hindi ka umuwi?! Dinala mo pa ang kotse?! Nag drive ka mag isa?! Krystal!"

Napangiwi ako sa sobrang lakas at sunod sunod na boses ni mommy.

"M-Mommy..." umpisa ko. "N-Nasa ospital po ako ngayon," tanging nasabi ko.

Bigla namang natahimik ang kabilang linya kaya medyo nag-alala ako.

"What?! What happen to you? Bakit ka nasa ospital? Saang ospital yan? Pupuntahan ka namin ni daddy mo."

I sighed when I realize I got it wrong.

"N-No Ma, I mean, nasa ospital ako pero hindi po ako yung naospital."

Rinig na rinig ko ang buntong hininga ni mommy mula sa kabilang linya ng telepono.

"Then why are you there? Pupunta pa rin kami diyan. Give me the address."

Wala na akong nagawa at napatango na lang kahit na hindi naman nakikita ni mommy. Tinext ko sa kanya ang address ‘tsaka lumabas na agad ng banyo.

I jump a bit nang makitang gising na si Gino at nakatingin pa sa direksiyon ko. Ngumiti ako ng bahagya sakanya ‘tsaka siya nilapitan.

"Mabuti naman at gising kana. How are you? May masakit ba sa ‘yo?"

Umiling siya at bahagyang ngumiti sa akin. "Krystal..."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. What does that mean? Hindi kaya naalala na niya ko? Napalawak ang ngiti ko sa isiping naaala—

"Where's Joyce? Nandito ba siya?" he said and look at his hospital door.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. He glance at me after. Kumunot ang hitsura as if he was wondering what I were thinking.

"N-Naaalala mo na ba ko?" I hopefully asked.

Matamis siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tumawa atsaka tumango-tango.

"Of course, you said you are my classmate way back in elementary right? You also visit me here when I was in coma, the last time I remember, ikaw ang huling kasama ko diba?"

I felt a pain that stub against my chest. Still... Still no progress. Bakit hindi niya pa rin ako maalala? Ganoon ba ako kadaling kalimutan? Bakit siya... Bakit siya naalala ko naman agad. Gusto ko yong isumbat sa kanya!

"Krystal? Are you okay?" he asked and pointed his index finger on my face.

Nagbalik ako sa huwisyo at pinunasan ang luha kong kanina pa pala tumutulo.

"I... I-Im fine, tatawagan ko lang si Joyce..." I said and walk away.

Sa labas ko na ng hospital tinawagan si Joyce. Good thing I have her number, madali ko siyang nasabihan na nasa hospital ngayon si Gino. Nawala sa isip ko na tawagan siya kagabi dahil sa pag-aalala sa kalagayan ni Gino. Rinig ko sa kabilang linya ang pagmamadali niya kaya agad niya rin akong binabaan nang masabi sa kanya ang address.

"Oh God," agad akong napapanic nang matanawan ang pamilyar na kotse namin. Nagpalinga linga ako at di mapakali nang nakita kong pababa na ng kotse sina mommy. Shit! Anong gagawin ko?

Tumalikod ako at akmang babalik sa loob nang marinig ko ang sigaw ni mommy. Mariin akong napapikit at bumaling sa kanya. Patakbo siyang lumapit sa akin saka ako sinalubong ng mahigpit na yakap, kusa rin akong napayakap sa kanya pabalik.

"M-Mom..."

"Ano bang pumasok sa utak mong bata ka? Bakit ka umalis ng bahay? Bakit ka ba nandito ha? Bakit ka rin nag drive?!"

Bahagya akong napangiwi sa sunod sunod na tanong sa akin ni mommy.

"Mom, calm down okay?" pagpapakalma ko kay mommy kahit na ako ngayon ang kinakabahan.

"No, I won’t! Ano na naman bang ginawa mo ha! Bakit ka nasa ospital? Ano, may masakit ba sa ‘yo? Did you had a car accident again?" sabi ni mommy atsaka sinipat sipat ang braso, kamay at buong katawan ko.

I deeply breath and push mom away from me so I would be able to talk to her peacefully.

"Ayos lang po ako, mommy. Nothing's happened okay? I just drop here because of a friend, he suddenly collapse nung magkasama kami sa convenience store last night."

"And why are you at the convenience store last night?" mapang akusang tanong ni mommy sa akin habang nakataas ang kilay at nakapamaywang.

Alanganin akong ngumiti at pinagsalikop ang mga kamay ko sa likod.

"He just treat me an ice cream last night." alanganin kong sagot.

"He? Sino ‘yan at nakuha mo pa talagang umalis ng bahay para sa kanya?"

"We just talk some important matters, Mom..."

"Sino nga?" pagpumilit ni mommy.

"S-Si Gino p-po,"

Kumunot lalo ang noo ni mommy.

"Gino? Who's that Gino?" sabi ni mommy at parang inaalala kung may kilala ba siyang kaibigan kong Gino ang pangalan.

"The one who you met at the hospital the last time I got conscious from a coma, Mom."

Tila may bombilyang nagliwanag sa mukha ni mommy sa sinabi ko.

"Siya ba yung in-coma rin noon anak?"

Tumango ako.

"Is he the one who admitted? How was he?"

"He's okay, Mom. Nagising na siya kani kanina lang."

Tumango tango naman si mommy pagkatapos ay hinila-hila na ako patungo kung saan nakaparada ang sasakyan namin.

"Wait! Mom, hindi pa tayo pwedeng umalis."

"Akala ko ba ayos na siya? Hindi ba't may girlfriend ata iyan? Yung babaeng kasama niya noon? Asan na? Hindi niya kasama?" tanong ni mommy. Bigla akong natahimik saglit pero pinawi ko din ‘yon kaagad.

Palihim akong napabuntong hininga sa kay mommy. Anong problema niya?

"Paparating pa lang po. Kakatawag ko lang sa kanya kanina." mahinahong sabi ko kahit na alam kong nagpupuyos na sa inis sa akin si mommy.

"O yun naman pala, tara na, umuwi na tayo." she said and pulled me again.

"Ma!"

Bahagyang nagulat si mommy ng puwersahan kong bawiin sa kanya ang kamay ko. Ganoon rin naman ako, hindi ko naman sinasadya. Napaayos ako ng mukha at tumuwid ng tayo.

"M-Mom, kahit hintayin man lang natin si Joyce please? Hindi ko kayang maiwan si Gino na mag-isa dito."

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ni mommy at napabuntong hininga pagkatapos ay tumango. I sigh in relief and we decided to go back to Gino. Pagdating namin sa kuwarto niya ay nadatnan ko ulit siyang natutulog.

Wala ako sa sariling hinaplos ko ang buhok niya saka ako nakarinig ng pagbukas ng pintuan. Paglingon ko ay agad kong nakita doon si Joyce. I smiled at her and stand up.

Binilinan ko siyang magbantay na kay Gino dahil nag-aapura na si mommy para maka alis kami. Tinanguan niya lang ako at nagpasalamat.

"Do you want to take a leave? Mukhang kailangan mong mag pahinga."

Umiling ako nang hindi tinitiganan si mommy at diretso lang nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.

"No Mom, I'm fine with work." walang ganang sabi ko.

"You sure?"

"Yeah..."

"I'll hold on to you anak, huwag ka lang magpapagod."

Tumango ako at ipinikit na ang mga mata.