Prologue
Pabalik na akong Maynila sakay ang kotse ko nang mapansin ko na parang may itim na kotse na kanina pa sunod ng sunod sa akin. Iniliko ko ang sasakyan sa bandang kaliwa pero lalo lamang kumunot ang noo ko doon nang mapatitig ako sa rearview mirror ng sasakyan. Nakasunod pa rin sa akin ang kotse.
“Bakit ba sunod ng sunod sa akin ang kotse na ‘yon?” sabi ko sa sarili ko.
Binilisan ko ang takbo ko para di ako maabutan ng sasakyan sa likod. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang mapansin na binilisan niya rin ang takbo niya. Ano bang kailangan nito sa ‘kin? Matulin ko pang pinatakbo ang sasakyan ko at nakikisingit na sa mga sasakyan para lang di ako maabutan ng nasa likod.
Hindi ko na nakita ang sasakyan sa likod ko nang makaalis ako sa bulto ng mga sasakyan. Bumagal na rin ang takbo ko. Tumingin pa ako sa likod ko para makasiguradong wala na ngang nakasunod sa akin. Masaya na akong napasinghap nang wala na nga akong nakita. Ngunit paglingon ko sa harap ay di ko naiwasan ang truck na bumangga sa akin. Umalog ang katawan ko kasabay ng pagbagok ng ulo ko sa manibela. And everything went blank.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad na bumungad sa akin ang puting kisame ng kuwarto. Pinalibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Mag-isa lang ako at wala akong kasama. Nakakaamoy rin ako ng mga gamot senyales na baka nasa ospital ako?
Bumangon ako at lumabas ng silid. Tumingin ako at nagpalinga-linga ako sa kanan at kaliwa hanggang sa may mamukhaan akong dalawang tao na nakaupo sa waiting shed malapit lang sa kuwarto ko. Si Mommy at Daddy!
Nakangiti ko silang tinungo nang bigla silang tumayo. Lalapitan ko sana sila at sasalubungan ng yakap nang bigla akong tumagos sa katawan nila. Huh? Anong nangyari?! Lumapit ulit ako sa kanila at akmang yayakapin si mommy nang biglang tumagos na naman ang katawan ko sa kanila! What?! Ano bang nangyayari?
Lumapit ako sa harapan nila at ngumiti.
"Hi Mommy!" sabi ko at tumingin sa kabila. "... Daddy!"
Tumingin si Daddy kay Mommy. "Ma, mabuti pa umuwi ka na. Ako na muna ang magbabantay kay Krystal dito. Kailangan mo na ring magpahinga. Maghapon kang nagbantay sa kanya," ani ni Dad.
Tipid na ngumiti si Mommy pagkatapos ay umiling iling.
"Ayos lang ako, Pa... Hindi ko iiwan ng mag-isa dito ang anak natin."
"Iiwan? Ma! Nandito ako, oh! Hindi niyo ba ako nakikita?" sabi ko at pilit silang hinahawakan.
Tumalikod sila at umalis sa harapan ko.
"Ma! Pa! Saan kayo pupunta?" sigaw ko.
"Ma! P--"
"Huwag ka nang sumigaw. Hindi ka nila maririnig."
Natigilan ako nang may magsalita bigla sa paligid. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang lalaking nakapamulsa at nakatingin sa akin.
"Who are you? At ano yung sinabi mo?" kuryosong tanong ko.
He shrugged. "What happened to you? Car accident ba?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. Inalala ko ang nangyari sa akin sa nagdaang araw. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na nagmamaneho ako ng sasakyan pauwi pagkatapos ay may busina ng sasakyan akong narinig. What does that mean? That I've been into a car accident?!
Akma akong magsasalita nang may biglang dumaang tao sa harapan ko at parang hangin lang ako na tumagos sa kanya.
"A-Ano ‘yon?!" tanong ko sa lalaking nakalapit ngayon sa akin.
"Ba-Bakit t-tumagos ako doon sa t-tao?!!!" naguguluhan at wala sa sarili kong tanong.
"Really?! Isn't the realization hit you? Hindi mo pa ba alam?"
"A-Alam ang ano?" kinakabahan at kuryosong tanong ko.
The guy smirked. "You do realize that you are a soul now huh?" pairita niyang saad.
Hindi halos maproseso sa utak ko ang sinabi niya. What? Soul? Kaluluwa? Ako? Kaluluwa na ako?
Tumingin ako sa lalaki na nakatitig sa akin. Matiim siyang nakatingin habang pinagmamasdan ako.
"Kaluluwa na ako?" di makapaniwalang tanong ko.
He nod.
"E, bakit nakikita mo ko?"
He then chuckled. "Really? Eh samalamang kaluluwa na rin ako!"
"What?" gulat na gulat kong tanong.
"Yes!" he then rolled his eyes to me. Ke-lalaking tao ang taray naman niya!
"N-No!" tanggi ko habang unti-unting ini angat ang mga kamay ko para pagmasdan ang sariling katawan.
Kumunot ang noo niya. "Anong 'no'?"
"K-Kung... K-Kung kaluluwa na 'ko… ibig sabihin p-patay n-na ‘ko?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
Nangungusap ang mga mata ko sa kanya na bigyan niya ko ng sagot sa tanong ko. Narinig ko ang buntong hininga niya.
He shrugged then sat on the chair beside him. Nakakaupo pala mga kaluluwa ano? Funny. Iwinasiwas ko ang isiping ‘yon. Hindi ngayon ang panahon para magpatawa! He tap the chair beside him, inuudyukan akong umupo.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay sumunod na lang sa kanya at umupo sa tabi niya. Wala na rin namang nakaupong ibang tao, e.
"Maybe yes, maybe no."
Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.
"Anong maybe yes or maybe no?" kunot noong tanong ko.
"Maybe yes na patay ka na nga at humiwalay ka na sa katawan mo. Maybe in anytime soon may susundo na rin sa 'yo. Maybe no rin na hindi ka pa patay at baka unconscious ka lang," mahinahong paliwanag niya.
"P-Paano ko malalaman kung p-patay na talaga ako?" sabi ko sa lalaking katabi ko. Nanghihina na.
"Find your body. Check it if wala kapa sa morgue."
Marahas akong umiling iling sa kanya. Tila hindi tinatanggap ang mga pangyayari.
Narinig ko siyang bumuga ng hangin pagkatapos ay tumayo kaya napatingin ako sa kanya.
"Let's go. Sundan natin ang parents mo kung saan sila pupunta."
"Huh?!" kumunot ang noo ko sa kanya at tumingin sa direksiyon na itinuro niya. Nakita ko doon si Mommy at Daddy na pabalik muli ng ospital.
Tumingin siya sa akin na bahagyang nagpaatras sa mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit. "Sila ang parents mo di ba?"
Tumango ako. "Pano mo nalaman?"
Nagkibit balikat siya habang nakapamulsa. "Kanina pa kita tinitignan. Narinig ko rin na tinawag mo silang mommy at daddy... That's why I knew it was them."
Nakatikom ang bibig kong tumango para kumpirmahing tama ang sinabi niya.
"Stop crying. Lets follow them first. Baka sakaling buhay ka pa naman."
Tumango ako at pinunasan ang luhang di ko namalayan na naglandas na pala sa mukha ko. Sumunod kami kina mommy at daddy hanggang sa tumigil kami sa isang kuwarto.
Tumingin ako sa ibabaw ng pinto kung saan may nakasulat kung anong kuwarto 'yon. Intensive Care Unit. ICU? Ganoon ba kalala ang kalagayan ko?
Tumingin ako sa katabi ko. Ininguso niya ang maliit na glass window sa may pintuan. And then I saw... My body... Laying in bed... Unconscious. Nakita ko rin mula dito na nakabenda ang ulo ko at may mga malalaking tubo sa bibig ko.
Nanghihina akong napatingin sa katabi ko na nakatingin na rin pala sa akin. Sinubukan kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko na lang ang mahinang pagtapik niya sa likod ko kasabay ng pag-agos ng luha sa pisngi ko.
"Hush now... It's okay... At least ngayon nalaman mo na buhay ka pa pala. Your just unconscious. That's still a good thing. Posibleng mabuhay ka pa." aniya habang patuloy ako sa pag-iyak.
"Kailan naman ako makakabalik sa katawan ko?" umiiyak na tanong ko sa kanya.
"Who knows?" he said then slightly chuckled. "Baka nga mauna ka pang magising kesa sa akin, e. Imagine? I'm already stock in this hospital for two fucking months!"
"Y-You mean... Hindi ka pa rin patay?" manghang tanong ko.
Tumingin siya sa akin tsaka umiling.
"Still unconscious for two fucking months like you."
Naramdaman ko ang frustration sa boses niya.
"Kailan tayo magigising? O makakabalik?" I ask.
"Who knows? Baka hindi na tayo magising..."
Nanlaki ang mga mata ko at lalo akong nanghina sa huli niyang sinabi.
"... because were already souls. So baka hindi na." dugtong niya.