Chapter 11
Wyatt's Point of View
Bakit pumasok ngayon sa eskwelahan si Aiden? Halatang masama pa rin ang pakiramdam niya. Pinilit niya ba ang sarili niyang pumasok kahit na alam niyang hindi maganda ang pakiramdam niya? I'm concerned but I don't want to approach him. After what happened at the bar, I know that his perspective towards me changed.
I just want Danica to stay away from Aiden that's why I kissed her. I don't want her near him, not because I like her and I'm jealous. It's because, I only want myself to be near Aiden and no one else. Ayokong may ibang special sa buhay niya bukod sa'kin at sa pamilya. Wala silang alam sa buhay ni Aiden kaya wala silang karapatan lapitan siya. Ako lang... Ako lang dapat.
Kahapon noong hindi siya pumasok ay palihim akong pumunta sa condo niya. Hindi ko na siya ginising dahil ayokong makita niya ako, baka sabihin niya na nanghihimasok ako sa buhay niya. Alam ko naman na iba ang pinupunto niya noong sinabi niya sa'kin na, "We all have privacy. That's your life so why would I interfere?" But still, it hurts my feelings.
[Flashback/Yesterday]
Hinihingal akong nakarating sa condo ni Aiden. Noong magsimula pa lang ang klase at hindi ko siya nakita sa upuan niya ay kinutuban na ako na baka hindi maganda ang pakiramdam niya.
Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan matulog si Aiden. Balot siya sa kumot at namumula ang mukha niya. Kapag hinawakan mo rin ang balat niya ay para kang humawak ng mainit na tubig dahil sa sobrang init ng katawan niya. Haa, paanong hindi aalis ang init sa katawan niya kung nakabalot siya ng kumot? Tsk. Tsk.
Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa kaniya. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig at pamunas. Pagbalik ko sa kwarto niya ay kumuha ako ng damit na pwede niya ipangpalit. Pagtapos no'n, hinubaran ko siya at pinunasan ang katawan niya saka ko siya binihisan ng bagong damit.
Nag-stay pa ako ro'n ng ilang minuto habang pinagmamasdan lang siya. Nang maisipan ko na umalis ay bumalik na ako sa eskwelahan.
Hindi pa tapos ang buong klase ay umalis na ako agad. 7 PM ay nakarating ako sa condo ni Aiden. Pagdating ko ay madilim ang silid at mukhang natutulog pa rin siya. Nang buksan ko ang ilaw, walang bakas do'n ng kahit anong pagkain. Hindi pa ba siya kumakain simula umaga? Anong oras na, ha? Aish. Hindi naman pwedeng bumili ako ng pagkain niya at iwan 'yun dito pag-alis ko para kainin niya paggising niya, dahil ako pa rin ang unang papasok sa isip niya na nag-bigay no'n.
Aish.
Pumasok ako sa kwarto niya at kinuha ang temperatura niya. Napitik ko na lang ang dila ko nang makitang mataas pa rin 'to. Hindi pwedeng manatili ako ng matagal dito dahil baka gumising siya.
Agad kong hinubad ang damit niya, pinunasan ko ulit ang katawan niya gamit ang bagong tubig at tuwalya saka siya pinalitan ng damit.
"Please, get well soon," bulong ko habang hinahaplos ang mukha niya. I took a deep breath, "I missed you." I uttered before I kissed him on his cheek.
[End of Flashback]
7:30 PM tapos na ang buong klase para sa araw na 'to. Habang naglalakad sa hallway kasama sina Jacob, Yuan at Hans ay nakita kong magkasabay na naglalakad si Aiden at Regie.
Agad napakunot ang noo ko at saglit na napahinto sa paglalakad.
"Hey, what's wrong?" Tanong ni Yuan.
"May nakita ka bang multo?" Natatawang tanong ni Jacob.
Lumapit sa'kin si Hans saka bumulong, "Sino 'yung kasama ni Aiden, dude?"
I pushed Hans away and glared at him, "Don't ask."
"Bakit anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Jacob.
"Tinanong ko lang naman kung sino 'yung kasama ni Aiden," sagot ni Hans na sa iba na nakatingin.
Naglakad na ako ulit at sinabayan naman nila ako.
"Nag-away na naman kayong dalawa? Napapadalas ata, huh? Hindi naman kayo gan'yan dati," sabi ni Yuan.
"Parang lover's quarrel," natatawang sabi ni Jacob.
Hindi ako sumagot at tumakbo papalapit kina Aiden at Regie. Nang malapit na ako sa kanila ay tumigil ako sa pagtakbo at naglakad ng maayos.
"Then... do you still like me?" Aiden turned to Regie.
He averted his gaze, "You said I shouldn't like you because we're both men."
Wait, what? What am I hearing here? I know that Regie likes Aiden but I didn't know that he already confessed. Kailan pa alam ni Aiden at bakit hindi niya sinabi sa'kin? Damn it.
"Yeah," Aiden nodded and looked away. "You're right."
"But I still like you," Regie replied.
Aiden stopped walking, "W-What?"
Regie looked at Aiden, "I still like you, Aiden."
Fuck.
Binilisan ko ang paglakad at bago pa makasagot si Aiden ay agad akong sumulpot sa pagitan nilang dalawa.
"Hey," bati ko. "Regie, gusto mo ba sumabay sa pag-uwi sa'kin?"
Tutal iisang way lang naman ang dadaanan namin. Kung hindi ko siya isasabay baka ihatid niya pa si Aiden.
"Huh?" Sumulyap siya kay Aiden bago tumingin sa'kin, "Balak ko sana ihatid si Aiden."
Ang mukha kong nakangiti ay biglang naging seryoso, "Oh, really?"
"Wyatt!" Dinig kong sigaw ni Jacob sa pangalan ko.
"Hi, Aiden!" Hans approached Aiden.
What the heck? Bakit ang bilis naman nila atang nakarating dito? At kailan pa naging close si Aiden at Hans? This fucker.
"What?" Halata sa boses ni Aiden ang pagka-irita. Napaismid ako nang marinig iyon.
Yes, yes. Good attitude. Just ignore that man.
"I just want to say hi," Hans uttered.
"Then, say hi to your friends," Aiden replied.
Pfft~ good, that's my man.
"What are you smiling at?" Yuan asked. Nasa tabi ko na pala siya.
I shook my head, "Nothing." But my smile faded right away, when Aiden spoke.
"I'll go ahead. See you tomorrow, Regie," he smiled and waved his hand to Regie.
What about me? Damn, this Regie. Is he trying to steal my Aiden?!
"No, I'll go with you," Regie said and chased after him.
"Ey~ Aiden is so cold towards me," Hans complained. "Gano'n ba talaga siya sa lahat? Bakit pakiramdam ko may galit siya sa'kin?"
"Why are you even approaching him?" Jacob asked.
"Hmm..." Hans tilted his head, "I don't know? Aiden and Wyatt don't talk too much these days, so I thought of accompanying Aiden. He looks lonely, you know."
"And why do you care?" Asked Yuan.
"Because he's cute," he answered, smilingly.
"What?!" I immediately reacted.
"Why?" He turned to me, "I mean, he's cute just like my little brother. What are you thinking?"
I clicked my tongue, "Tch. I'm going home, bye." At nauna na sa paglalakad sa kanila.
"What the heck?"
"Okay, take care~" said Jacob.
"See you tomorrow!" Yuan said.
♡~♡
Pag-uwi ko ay agad akong naligo at nagbihis. Lumabas ako ng bahay at nagmaneho papunta sa condo ni Aiden. Nang nasa parking lot na ako ay hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan.
Damn. Hindi ako makapag desisyon.
Andoon pa kaya si Regie? Kung nandoon pa siya, ano naman ang ginagawa nila? Are they kissing? No, no, no. Haa, fuck. Gusto kong bilisan at pumunta na ro'n pero paano kung hindi ako pansinin ni Aiden?
Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang tinagal ko sa sasakyan bago ko napagdesisyunan na akyatin na si Aiden. Hindi na ako nag doorbell at binuksan na lang agad ang pinto niya. Pagpasok ko ay madilim ang paligid. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob at napakuyom ng kamay.
Bakit nandito pa rin ang lalaking 'to?
"Oh, Wyatt?" Tanong niya nang lingunin niya ako.
"You're still here," sabi ko. Pumasok ako sa kwarto at sinara ang pinto.
"Yeah," tumango siya saka bumaling ulit kay Aiden. "Uuwi na rin ako maya-maya."
"Pwede kana umalis, ako na ang magbabantay kay Aiden," sabi ko.
"Paano ka nga pala nakapasok? Alam mo ang passcode niya?" Tanong niya at tiningala ako.
"Oo, mag-best friend kami kaya alam ko ang passcode niya. Ako lang din naman ang madalas pumunta rito," sagot ko.
Tumango siya, "He's sick."
"I know," tugon ko. "Inalagaan ko siya kahapon."
"Really?"
"Yeah," I nodded.
"Oh, by the way, naghiwalay na raw kayo ni Aida?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko, "Huh? Who told you that?"
"Aiden," he answered. "Sabi niya may bago kana raw girlfriend, nag-aaral din sa eskwelahan natin."
Damn. Why did he said that? Ayaw niya ba talaga maging fake girlfriend ko? Aish.
"No, it's just a misunderstanding," sagot ko.
Nag-stay pa ng ilang minuto si Regie bago ito tuluyang umalis. Ni-kiss pa niya talaga ang ulo ni Aiden bago siya umalis. Damn, sa ulo lang naman 'yun pero bakit parang sasabog na ang ulo ko sa inis. Haa, ano bang nangyayari sa'kin. I feel weird.
Dahil sa inis ay humiga ako sa tabi ni Aiden. Inangat ko ang ulo niya at ipinatong 'yun sa dibdib ko. Shit, sobrang init niya.
"Hmm~" he moaned in his sleep and hugged me tightly.
Pinunasan ko muna ang part na hinalikan ni Regie bago ko siya yakapin.
"Ipasa mo sa'kin ang sakit mo, hmm?" Sabi ko sa kaniya kahit na alam ko namang hindi siya sasagot dahil tulog siya.
Hinalikan ko ang ulo niya, pero nang maalala na hinalikan siya ni Regie sa ulo ay inangat ko ang mukha ni Aiden at hinalikan siya sa labi.
Damn, anong ginagawa ko sa natutulog kong kaibigan? Haa, wala na ata ako sa tamang pag-iisip.
He pushed me lightly, "D-Don't kiss me."
My eyes widened, "You're awake?" But his eyes were still closed.
"Don't kiss me," he said again.
I smiled, "But I want to. Kiss me, Aiden."
He shook his head, "I don't want to. Y-You..." his voice shook and later on there are tears coming out from his eyes. Fuck. "Hindi mo ako pinuntahan kahapon dito. Hindi mo b-ba alam kung ilang oras akong naghintay sa'yo? Huwa~"
Damn. I didn't know!
"Shh... Please, stop crying. Damn, don't cry. I'm sorry, okay?" I wiped his tears, panicking. "Sorry, Aiden. Shh..."
"Gruuu..."
What the? Did he snore? So, he was just sleep talking, huh? Damn. How cute of you, Aiden. Haa, really.
I chuckled and kissed his forehead. Pinikit ko ang mga mata ko at nagising ako nang bigla akong mahulog mula sa kama. Napahawak ako sa puwet ko saka tumingala kung saan nakitang nakatingin sa'kin si Aiden na nanlalaki ang mata.
"W-What are you doing here?" Tanong niya.
Nakatitig lamang ako sa kaniya nang maalala ang sinabi niya kagabi, "Hindi mo ako pinuntahan kahapon dito. Hindi mo b-ba alam kung ilang oras akong naghintay sa'yo? Huwa~"
I smiled. So, he waited for me, huh? Damn, kung alam ko lang na matutuwa siya na makita ako sa araw na 'yon, ay ginising ko na sana siya at hindi na umalis sa tabi niya.
"Bakit ka pa nagtatanong? Hindi ba halata na nandito ako para alagaan ka?" Tumayo ako at umupo sa kama niya.
"May klase tayo ngayon at bakit mo naman ako aalagaan?" Tanong niya.
"Don't try to hide it from me, I know you were sick," sabi ko. Inabot ko ang kamay niya at kinulong iyon sa palad ko, "Let's stay here. Pwede ko naman tawagan si Jacob at magpadala ng excuse letter."
Binawi niya ang kamay niya sa'kin, "Okay lang ako. Kaya ko pa naman."
I clicked my tongue, "Don't be stubborn and just do what I say."
His brows furrowed, "Hindi ba mag-aalala sa'yo si Vanessa kapag um-absent ka ngayon?"
I looked away, "No. I already texted her last night." I lied.
"Hmm..." he bowed his head and played with his fingers.
What now? Is he hesitating?
I grabbed his hand, "If you really want to go to school, kiss me first."
"H-Huh? Kiss?" Binawi niya ulit ang kamay niya sa'kin at nilagay 'yun sa labi niya, saka umiwas ng tingin sa'kin, "I dreamed that he kissed me last night." I heard him mutter.
Pfft- But that wasn't a dream. However, I can't tell him that, so I will just keep my mouth shut.
"So, what do you say?" I tilted my head and smirked.
He turned to me, "Itigil mo na nga ang salitang 'kiss' kapag tayong dalawa lang. Hindi ka ba na-b-bother? Pareho tayong lalaki. Hindi ba sobra naman ata ang halik para sa laro ng dalawang magkaibigan na lalaki?"
That made my smirk fade.