Chapter 32: Chapter Thirty-one
Starting Over Again
Present
Banayad angngiti ni SPO4 Ralph Veneracion nang babain nito si Elaine at magkaharap sila sa maluwang na sala nito sa Makati. Mula sa hotel na tinutuluyan nila ni Drew, natagpuan niya ang sarili sa lugar na iyon.
For years, hindi naging madali para kay Elaine na balikan at harapin ang mga taong maaaring magpaalala sa kanya sa insidenteng muntik nang sumira sa buhay niya. Hindi kagaya noon, it was easier for her now to not quiver in front of the former police officer. Bagaman, mahigpit ang pagkakasalikop niya sa mga daliri sa kamay. Inihahanda pa rin ang sarili sa magiging reaksiyon sa mga impormasyong makukuha niya rito—impormasyon na tinanggihan niyang pakinggan at alamin noon.
Mabilis siyang naupo sa single sofa nang imuwestra iyon sa kanya ni Ralph. Kumilos ang huli para ilapit at ilapag sa harap niya ang lemon juice at cookies na isinilbi ng maid kanina.
Naupo ang may-edad na lalaki sa sofa na katapat ng kinauupuan niya. “Masaya akong makita ka uli. Kumusta ka na?”
Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. “You must be flustered. Hindi ako nakapagpasalamat noon. Alam kong matagal na panahon na ang lumipas. Magulo ang utak ko, hindi ko alam ang sasabihin at iisipin. Sana hindi pa huli…”
Tumango ang pulis. “Hindi biro ang pinagdaanan mo. Ilang beses din akong bumalik sa ospital para kunin ang statement mo hanggang sa nalaman ko na lang na nagpumilit kang magpa-discharge kahit wala pang go signal mula sa doktor.”
Tumungo si Elaine. Umalis siya dahil sa dalawang dahilan. Una, sa takot na tuluyan siyang masiraan ng bait sa lungkot, sakit, at hungkag. Her heart was in pain and she was scared. Dalawang emosyon na hindi niya alam kung paano papalisin. Tuwing ipipikit at ididilat niya ang mga mata, ang una niyang nakikita ay ang nakangising mukha ng lalaking dahilan ng pagkawala ng kanyang anak.
Pangalawa, sa pag-aalala na siya ang magdadala ng eskandalo sa pamilyang ni minsan ay hindi siya itinuring na iba. Tama na ang pagpapahirap ng tatay niya sa mga De Marco noon. Oras na para bumawi—sa paraang alam niya.
“Maliban sa pagpapasalamat, may ibang dahilan pa ba ang pagpunta mo?” tikhim ni Ralph nang dumaan ang katahimikan.
Huminga siya nang malalim. “Ang sabi mo sa akin noon, may natanggap kang tawag galing sa isang concerned citizen.”
Hanggang sa mga sandaling iyon, gustong umasa ni Elaine na si Silverio ang tumawag noon sa mga pulis para humingi ng tulong. She wanted to believe that there was this thing called paternal love. Na walang ama o magulang na magagawang ipahamak ang sariling anak.
“Well, yes, I met her two days after we rescued you.”
“Her?” Nakaramdaman siya ng disappointment. “N-nakilala mo ba kung sino? Nakuha mo ba ang pangalan niya?”
Saglit na nag-isip si Ralph. “Pumunta ang witness sa presinto para magbigay ng statement. She was in her mid-twenties. Nakita nito na wala kang malay nang ibaba ng kotse ng dalawang lalaki. Nagduda ito kaya agad na tumawag sa hotline number,” sagot ng pulis kahit napansin ni Elaine na bahagyang kumukunot ang noo nito habang nirerekolekta ang nangyari noon. “Kung tama ang tanda ko, Damara. Damara Fuego ang pangalan niya.”
Nag-aatubili, itinulak ni Elaine ang kalawanging gate ng lumang bahay na iyon. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata nang umingit iyon.
Kasabay ng pagdilat at paghinga niya nang malalim ay ang paghakbang papasok sa loob.
Ang dalawang palapag na bahay na iyon ang tanging pag-aaring naipundar ni Bettina sa ilang dekada nitong pagtatrabaho sa bar, pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at pagbebenta ng sarili sa kung sino-sinong lalaki.
Wala pa man, dama na ni Elaine ang suntok sa puso. Pati ang pagpapahalaga sa sarili, itinapon ng ina para itaguyod siyang mag-isa. Yet she was the ungrateful daughter who misunderstood her, disowned her, chose to leave her nang mga panahong kailangang-kailangan pala siya nito. Kagaya ng ginawa niya sa nag-iisang lalaking nagmahal sa kanya nang totoo.
Bago pa mamatay si Bettina, naisalin na nito sa pangalan niya ang titulo ng bahay at lupa. Pero mula nang mawala ang ina tatlong taon na ang nakararaan, hindi na uli siya tumuntong pa roon.
The two-story house brought her pain and terror. Maliban sa lumang litrato ni Bettina habang karga-karga siya noong sanggol pa lang siya, wala na siyang matandaang masayang alaala roon.
Pinanlalamigan si Elaine ng buong katawan habang atubiling humahakbang papasok sa kabahayan. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya nang pihitin ang seradura ng pinto matapos iyong susian.
It had been three years, but she kept getting flashbacks from the things she didn’t want to remember anymore. Para iyong sirang pinto na hindi masara-sara kahit anong kabig o tulak ang gawin niya.
Those painful fragmented memories and the excruciating flow of agony from her past were still there, stuck deep in her heart. Ayaw niyang habang-buhay na lang na tumakbo at matakot. She wanted so much to close that painful chapter in her life at mag-umpisa uli ng panibago. Dahil kung may gusto man siyang takbuhan at balikan, iyon ay ang mga bisig lang ni Tan.
September 18, 2017
Bitbit ang maleta at travelling bag, sa bistro ni Mang Chito dinala si Elaine ng mga paa. Hindi siya puwede sa bahay ni Bettina. Itataboy lang siya uli ng ina kagaya ng ginawa nito noong na-discharge siya sa ospital.
Pero hindi na niya kayang tumira pa sa isang bubong kasama ang asawa. She started hating the very job he loved. May mga pagkakataon na totoo sa loob niya ang mga lumalabas sa bibig. Subconsciously, gusto niyang sisihin si Tan kung bakit nangyari ang nangyari sa kanya.
Gayunman, mas higit pa rin ang nararamdaman niyang galit sa sarili. Hindi niya nagawang protektahan ang anak at sarili laban sa hindi niya nakikilalang lalaki.
Araw-araw, kahit anong ligo at kuskos ang gawin niya sa balat, she still felt like she was already a rotten, damage good na hindi na mare-revive. Pakiramdam niya, nakatatak ang magaspang at nakakahindik na palad ng lalaking iyon sa kanyang balat.
She could not allow Tan to touch her. Kahit ang simpleng paghawak nito sa kanya ay ikinapapaso niya. At kung mananatili pa siya sa tabi ng asawa, she’d only end up hurting and lying to him, and perhaps blaming him more. Na alam niyang unfair at hindi tama.
Kahit ano ang gawin ni Elaine na pagkumbinsi sa sarili, hindi niya makuhang magtiwala at sabihin kay Tan ang totoo. Natatakot siya sa magiging reaksiyon nito.
Dahil paano nga ba nito tatanggapin ang mga kasinungalingan niya noon? Pinatay niya sa kuwento ang ina na kinamumuhian at ikinahihiya niya ang trabaho. Ang pinagmulan niya—si Silverio. Ang kababuyang ginawa sa kanya ng lalaking muntik nang gumahasa sa kanya. Ang pagkawala ng anak nila na hindi man lang naipakilala rito.
Kahit hipuin man lang at salatin ang pipis niyang tiyan ay hindi nito nagawa. Tan was robbed of the opportunity to do all that.
Ikinurap-kurap ni Elaine ang mga mata. Noong gabing itaboy siya ni Bettina, nalaman niya ang totoong koneksiyon ni Silverio sa mga De Marco. Nadulas ito. Nang kulitin niya, nasabi nito ang totoo.
Silverio was obsessed with Tan’s mother, Charry. At ang taong dahilan ng ilang dekadang pananatili ng kanyang ama sa piitan ay si Chase. Nang makalabas ng kulungan, nag-umpisang magmanman si Silverio. Bumuo ito ng plano kung paano unti-unting makakalapit sa mga De Marco.
Until he learned about her existence at ang koneksiyon niya sa anak ng babaeng kinababaliwan nito. Sinadya ni Silverio na makipaglapit sa kanya. He was a greedy person out for revenge.
Nawala sa lalaki ang lahat—kasikatan, pera, pamilya—dahil sa mga magulang ni Tan. Umpisa pa lang, malalaking halaga ng pera ang paulit-ulit nitong inuungot sa kanya.
And like a fool na uhaw sa pagmamahal ng isang ama, nakumbinsi siya nito na mag-withdraw ng isang milyong piso sa savings account niya. She even bought him his own house sa likod ni Tan. Para lang malamang lahat ng iyon ay nilustay nito sa bisyo at sugal.
“Wala ka pa rin bang planong kumain? Kung ganito rin lang naman ang gagawin mo, bumalik ka na lang sa asawa mo. Huwag mong patayin ang sarili mo sa gutom. Hindi lang sarili mo ang pinapahirapan mo, si Tan din.”
Hindi tumitinag si Elaine sa pagkakaupo sa katre na nakapuwesto sa rooftop ng bistro—yakap ang sariling mga tuhod.
Matalim ang buntong-hininga ni Mang Chito. “Ano’ng plano mong gawin? Patayin sa lungkot ang sarili mo at ang asawa mo? Hahayaan mo na lang na isipin ni Tan na nagkulang siya at pinabayaan ka kaya nasira ang relasyon n’yo?”
“Magpapakalayo-layo kami ni Nanay. Ipapagamot ko siya. Gamit ang perang makukuha ko kay Tan, baka madugtungan pa ang buhay niya,” wala sa loob na sagot niya.
“At si Tan?”
Ikinurap ni Elaine ang mga mata. At si Tan… Wala siyang choice kundi pakawalan. Hindi siya ganoon ka-selfish para ikulong sa relasyong one-sided lang. Tan trusted her. Habang siya, umpisa pa lang ay nagsinungaling na rito.
At alam niyang walang pupuntahan ang relasyong kulang sa tiwala kundi sa pagkasira. Inagahan lang niya para isalba si Tan at ang sarili sa mas matinding sakit. Kung doon din naman sila papunta, bakit pa patatagalin?
“Magpahinga ka na siguro, bes. Ihahatid kita sa kuwarto mo,” sabi ni Drew na lumapit sa kanya bago pa sila tuluyang magkasagutan ni Mang Chito. Nagpaubaya siya nang alalayan ng kaibigan patayo.
Tumunog ang cell phone niya na nasa counter. Dinampot niya iyon matapos titigan nang ilang sandali. Hindi niya maintindihan ang kabang bumangon sa dibdib nang rumehistro ang cell phone number ni Bettina sa screen.
Sa loob ng napakahabang panahon, iyon ang unang beses na tinawagan siya ng ina.
“E-Elaine, tulungan mo ‘ko… Tulungan mo ‘ko…”
Pakiramdam niya ay nanlaki ang kanyang ulo nang marinig ang takot at garalgal na boses ni Bettina sa kabilang linya.
Mabilis siyang bumaba ng rooftop ng bistro bitbit ang susi ng kotse niya. Hindi pinansin ang pagpigil nina Mang Chito at Drew sa kanya. Halos paliparin niya ang kotse marating lang agad ang kinaroroonan ng ina.
Pagbukas na pagbukas niya sa pinto ng bahay, tumambad ang nakadapang katawan ng isang lalaki sa sala. Naliligo sa sariling dugo. Itinulos siya sa kinatatayuan.
Sa sulok ng lababo ay si Bettina na nanginginig at tulalang nakatitig sa nakahandusay na katawan. Malakas ang kabog ng dibdib at nanlalambot ang mga tuhod, bumaba ang tingin niya sa kutsilyo na nasa paanan ni Bettina. May bahid iyon ng dugo.
“‘N-Nay…” sabi ni Elaine, hindi alam ang gagawin. Hanggang sa wakas, napuwersa niyang ihakbang ang mga paa palapit kay Bettina. Mahigpit niya itong niyakap nang mapansin ang pangangatal ng buong katawan nito.
Ni hindi niya napansing kahit siya ay pinanginginigan ng mga kalamnan. Sa nanginginig na mga kamay, she dialed her phone para tumawag sa 911. Eksaktong nakakonekta na siya nang sa ngatal na boses ay nagsalita ang ina.
“Dapat lang siyang mamatay. Dapat lang siyang mamatay. Mamatay ka na. Mamatay ka na!”
Natigilan si Elaine. Sumikdo ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib niya. Lakas-loob na ibinalik niya ang tingin sa lalaking walang katinag-tinag sa pagkakadapa sa baldosa.
Natutop niya ang bibig para pigilin ang pag-alpas ng singhap. Ang lalaking naliligo sa sariling dugo ay walang iba kundi ang kanyang ama…
Present
Elaine shut her eyes in anguish. Tears stung her eyes. Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig, sinapo niya ang naninikip na dibdib as tears fell down from her already swollen, puffy eyes.
The rogue fragments of unbearable memory she kept by herself all those years felt like it was still happening. And until now, she was hopelessly trying to escape.
Nang gabing iyon, naaksidente si Tan. Itinakbo ito sa ospital at malala ang lagay. Pero kahit mamatay siya sa pag-aalala at kagustuhang damayan ito, huli na ang lahat. Nang mga oras na iyon, nasa presinto na siya. Inako niya ang kasalanang nagawa ni Bettina.
Unti-unti, namahay ang guilt sa puso niya. Hindi mangyayari iyon kay Tan kung hindi dahil sa kanya. Nakakulong na siya at lahat, perwisyo pa rin ang dala niya sa asawa.
She tried calling Tan tuwing may pagkakataon, hindi lang isa o dalawang beses. But each time, malumanay na boses ng babae ang natatandaan niyang sumasagot sa cell phone nito. That was the time when she realized na puwedeng magpatuloy ang buhay ni Tan kahit hindi na siya ang kasama. Masakit. Pero iyon ang pinaghugutan niya ng lakas para tuluyan itong bitawan.
Ang pinakamahirap na parte para kay Elaine ay iyong kailangan niyang harapin si Tan matapos niyang mag-bail. She saw him with that woman. Si Janine. She heard and saw her acting as if she was the wife. While she was the wicked witch who needed to pretend she didn’t give a single damn.
The jealousy she was feeling then, alam niyang walang saysay. Dahil habang tumatagal, padagdag nang pagdagdag ang mga rason para pakawalan niya si Tan.
Kaya sa halip na yakapin ito nang mahigpit at sabihin dito kung gaano siya nag-aalala, she threw him harsh words she didn’t mean. Kinuha niya ang tsekeng iniabot nito para patunayang pera lang ang sadya niya kaya siya naroon.
How much she hurt him then, alam ni Elaine kung gaano. Kahit sino pa siya, tatanggapin siya nito. But she was a woman with cracks and flaws. Hindi siya nababagay sa tulad nito.
That same day, she visited Bettina, dala ang perang in-encash. Sa isang pribadong ospital sa Maynila niya ito dadalhin para ipagamot. Ang perang dala, gagamitin niya para sa surgery at hospitalization nito. Hindi pa rin siya sumusuko. Gamit ang perang iyon, baka madugtungan pa ang buhay ng ina. Bettina’s all that she had. Gusto niyang malakas pa ito oras na makalaya siya nang tuluyan.
But when she opened their house’s main door, she was greeted by Bettina’s lifeless body, hanging at the center of the living room.
Bettina committed suicide. Leaving Elaine in misery and complete devastation. Tuluyan siyang nag-breakdown. Mahigit dalawang taon siyang hindi makausap at wala sa sarili dahil sa trauma.
Ang natitirang tao na paghuhugutan sana ng lakas, iniwan pa siya.
Iyon iyong mga panahon na paulit-ulit niyang kinuwestiyon ang Diyos. Hindi ba siya Nito mahal? Hindi ba Nito naririnig ang kanyang mga iyak at dasal? Pinabayaan na ba siya Nito nang tuluyan? Kasi kung hindi, bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit parang siya lang ang palagi Nitong pinag-iinitan?
Bakit hindi man lang siya Nito hayaang huminga muna bago batuhin uli ng problema? Bakit ang problema, kung ibigay Nito sa kanya, sabay-sabay? Hindi ba puwedeng paisa-isa lang? Bakit parang ang hirap-hirap maging masaya? Bakit wala na halos itinira sa kanya? Ano ba talaga ang purpose Nito? Patatagin siya nang todo o sirain nang husto?
Gusto na lang niyang mabaliw nang tuluyan. No, death could be sweeter. She believed only death could help her then. Hindi lang isang beses niyang tinangka, she wanted to die soon para matapos na ang paghihirap niya. Pero kahit si Kamatayan na lang, pinagkaitan pa siya ng katahimikan. Paulit-ulit siyang gumigising sa psychiatric ward. Buhay na buhay pa rin at humihinga.
Without that someone who kept visiting her and constantly reminding her that life was beautiful and she could still be happy again, she could’ve not probably snapped back. Ang boses ng taong iyon, pakiramdam niya ay boses ng mapagmahal na ina. Hinihila siya pabalik sa totoong siya.
Palaban. Matapang. Matatag.
Elaine was diagnosed with persistent depressive disorder. It was Drew whom she contacted first. Si Drew lang ang tanging nakakaalam ng mga pinagdaanan niya. Kahit kay Mang Chito, naglihim siya.
Nalaman niyang nag-iwan ng suicide note si Bettina. Inamin nito roon ang tungkol sa hindi sadyang pagkakapatay kay Silver nang saktan nito at pagbantaan ang buhay nilang mag-ina. She also wrote there how much she was sorry for not being a good mother to her sooner. Na kung may chance itong ultin ang buhay, pipiliin pa rin siya nito bilang anak. And that she would make it up to her for the rest of her life.
Nang maikalma ang sarili, nanghihinang naupo si Elaine sa inaalikabok na sofa. Lumipas ang ilang minuto na wala siyang katinag-tinag sa kinauupuan. Natuyo na ang mga luha niya. All that was left for her now were regrets na unti-unti, alam niyang tutubuan ng pag-asang makakapagsimula siya uli.
Para magawa iyon, tama si Sandra. Kailangan muna niyang i-let go ang guilt at patawarin ang sarili.
Few minutes later, natagpuan ni Elaine ang sariling naglalakad palabas ng bahay. Nilampasan niya ang kotseng naka-park sa gilid ng daan. It had been years, gusto na niyang palayain ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Sa kabilang bahagi ng daan, hindi niya napansin ang lalaking sinasabayan ang bawat mabagal at magaan niyang hakbang. The man kept staring and looking at her—with those love filled eyes.