Chapter 7

Dahil sa napagkasunduan ng parehas na pamilya ay ikinasal silang magpapamilya lang ang nakakaalam. Nag request din si Damien na ilihim muna ang wedding nila, at pumayag naman ang pamilya ni Anastasia.

Nung nalaman ng pamilya ni Anastasia ay takot na takot ang babae dahil, baka masaktan nila ang lalaki. At hindi matanggap ang anak niya.

Nanirahan sila Damien at Anastasia sa iisang bahay na malaki. Bali tatlo lang sila was malaking bahay na kanilang pinagiisatayan, kasama ang kasambahay na si Manang Eli.

Hindi din pinaalam ni Anastasia sa mga kaibigan ang kasal na naganap. Dahil nagsisi ito na hindi nakinig sa kaibigan, ayaw niyang mapahiya, ni hindi pa ito graduate ay nabuntis na agad.

Dismayado sa sarili si Anastasia. Kahit ganon niya ka gusto ang lalaki ay, never nitong pinangarap na mabuntis agad na hindi pa graduate. Kahit sino naman siguro mas hahangarin na makatapos muna bago mag ka anak.

Nang makapasok sila sa malaking bahay ay agad siyang kinausap ni Damien. " Anastasia, mag usap tayo." Ayon sa boses ng lalaki ay parang natakot ito sa lamig ng boses.

" A-ah okay.. tungkol saan?" Pag tatanong nito sa lalaki.

"Tungkol sa set up natin, Dito sa bahay."

Tumango ang babae agad dahil alam niyang mangyayari to.

" Una, magkahiwalay tayo ng kwarto. Pangalawa walang pakilamanan sa buhay. Magiging daddy ako ng bata, pero tayo hindi casual lang."

Dahil sa sinabi ni Damien ay nasaktan si Anastasia. Ang daming bawal, at higit sa lahat asawa ko siya pero may mga bagay na hindi ko pwedeng gawin.

" And kapag papasok. di pwedeng mag sabay tayo, Isa satin ang dapag mauna pumasok." Agad na tumango si Anastasia upang ipahatid na naiinitindihan nito ang nais ni Damien.

" Oo, masusunod.." umalis na si Anastasia sa harap ni Damien, at agad na tumungo sa kanyang room. Nang makapasok na siha sa room niya ay napa buntong hininga nalang ang babae.

Hindi ganto ang pinangarap ko. Gusto ko ng masayang pamilya and I guess once na mag give birth nako iiwan nako ng lalaki. Yun naman talaga ang pakay ng lalaki. Bakit siya pinakasalan.

Nag aayos ng gamit si Anastasia ng kumatok si Manang Eli. " Iha, lumabas kana diyan, kumain na kayo."

Hindi na din nagtaka ang matanda. Dahil sa alam nitong walang love na namamagitan sa dalawa. Sa unang tingin malalaman mo agad sino ang mga taong inlove sa isa't-isa.

Nang lumabas na ito ay naabutan niyang nasa labas pa siya Manang Eli. " Alam ko na yan. na gets ko na huwag ka mag alala, di ako mag susumbong, kung kayang ma develop bakit di subukan diba?"

Ngumiti nalang si Anastasia. " Maraming salamat po, at nauunawaan mo po kami."

Nang makaupo na si Anastasia ay, patapos naman na kumain si Damien.

" Good evening.." Pag bati ni Anastasia kay Damien. Pero tinignan lang siya nito, at nagpatuloy lang sa kinakain nito.

Dahil don ay pakiramdam niya ay napahiya siya. Kaya kumain nalang din ito. At itong si Damien naman ay nag mamadali na umalis.

At ng matapos na ang lalaki ay agad itong nag tungo sa kwarto nito. At nag bihis.

" Saan ka pupunta?" Pag tatanong ni Anastasia kay Damien.

" Remember, I told you na huwag pakialaman ang buhay ko diba??"

"Kung may lakad ako Wala na sayo yun. Kung meron ka wala akong pake." Dahil sa sinabi ng lalaki ay ngumiti nalng si Anastasia sa lalaki?

"A-ah oo nga pala pasensiya na." Nahihiyang naka ngiti ito sa lalaki.

Habang si Damien ay nagmamadali itong magbihis. Diretso lang ang lalaki ng matapos ito sa ginagawa, ni hindi na niya ito nilingon pa ng lumabas na siya.

Pero narinig nito ang pahabol ng asawa. " Ingat ka sa lakad mo.." nakokonsensiya ang lalaki sa pag trato nito sa kanyang asawa.

Napilitin lang naman ako dahil sa buntis ito. Si Cheska ang mahal ko hanggang ngayon.

Kaya ako nagmamadali ay para kitain si Cheska. Gusto I explain niya sa babae kung ano ang sitwasyon nila ni Anastasia. Dahil ayon sa lalaki iiwan niya din ito, once na manganak na ito sa baby.

Nang makarating sa place na pinagusapan nila ni Cheska ay, agad na kumaway ang babae ng makita siya nito.

"Come here!!" Pag tatawag ni Cheska kay Damien. Ng makita ni Damien ay agad itong lumapit sa kasintahan.

"May importante akong sasabihin.." tumango lamang ang babae tahimik na nag aantay sa sasabihin niya.

"Okay, what?" Pag tatanong nito sa lalaki dahil, nahahalata nitong kabado ang lalaki.

Sumagot, naman si Damien "I'm already married." Walang emosiyon na ani nito sa babae habang nakatingin.

"S-so it's mean kabit ako?? Paano ako gf mo diba??" Naguguluhang tanong ni Cheska.

" Nabuntis ko si Anastasia. Naalala mo siya diba?" Pag tatanong nito sa babae. At tumango naman ito.

" She is pregnant with my baby, and I need to marry her."

" And how about me?" Pag tatanong ni Cheska kay Damien.

" Don't worry, Once na manganak na ito mag-papa annulment kami."

Agad naman nakahinga ng maayos si Cheska. Akala kasi nito, ay iiwan siya ni Damien.

Pag ka tapos ng usapin ay, Nag bonding pa sila ni Cheska at Damien.

Habang si Anastasia ay, malungkot sa bahay hindi pwede masiyadong lumabas ng bahay.

Panay lang ikot ni Anastasia sa malaking bahay. Labis ang pagsisi nito na naging ganito ang sitwasyon niya. Iniisip niya na naging sobrang harot ko ba? Dahil pag iisip ng kung ano ano ay nahilo ito bigla.

Mabuti nalang at naalalayan agad ito ni Manang Eli. " Ano kaba, sa susunod mag ingat ka. Iniisip mo siguro asawa mo?" Pagtatanong ni Manang Eli sa kanaya.

"Di naman po masiyado." Ngiting mapakla ni Anastasia.

"Huwag ka mag aalala matututo din yun mahalin ka.," Pag papagaan ni Manang Eli kay Anastasia.

Sobrang late na ng dumating si Damien. Lalapit sana si Anastasia ng maamoy nito na may ibang amoy. At pang babae ang amoy na yun.

Dahil narin siguro sa buntis ako ay malakas ang pang amoy ko. Umatras nalang ako at bumati.

"Naka uwi kana pala, kumain kana ba?" Pag tatanong nito sa asawa.

"Im fine full pa naman ako, kumain nako sa labas."

Tumango nalang si Anastasia. Ramdam niya ang pang lalamig ng ugali ni Damien sa kanya. Naisip ng babae na maw mabuting noong mag kaibigan pa sila noon.

" And late na bakit gising kapa? Dapat natutulog kana mapapahamak ang bata niyan sayo."

Dahil sa sinambit ni Damien ay na offend ito sa asawa. Umalis nalang agad ito dahil sa parang tutulo na ang luha nito. Tingin pala nito ay ipapahamak lang ang anak nila.

Nang makapasok sa kwarto na si Anastasia ay humiga agad ito sa kanyang kama. Hindi ito makatulog kaya nag scroll muna ito sa social media acc niya.

Nang biglang may mag text na di familiar sa kanya. " Jaxon Dela Cruz" Ang pangalan tinitigan pa ni Anastasia ay profile ng lalaki na maalala niya na ito yung dating childhood best friend niya.

"Hi" pag message ni Jaxon sa kanya. Tuwang-tuwa si Anastasia, dahil naalala pa pala siya nito.

"Wait ikaw ba yan Jaxon na kababata ko??" Pag rereply ni Anastasia. Excited ito na makausap ang dating kaibigan.

"Yep I am, how are you??" Pag tatanong nito kay Anastasia.

" I'm okay lang, tagal mo nawala ah." Dahil sa sobrang miss ni Anastasia si Jaxon ay napahaba ang pag uusap nila. Hindi nito napansin ang oras.

Nang biglang may kumatok. " Anastasia tulog kana ba?" Dahil don ay nag kunwaring tulog si Anastasia ng bubuksan na ni Damien ang pinto.

Nang ma kunbinse nito ang asawa na tulog na ay nag paalam na ito kay Jaxon na bukas nalang mag usap.

Baddie_Cutie 8

________