Chapter 22
For Once Choose Me Please!
Kahit ilang beses na pinagtabuyan sa aming labas si Damien ay panay ang pag balik naman nito. Hindi ko ito hinaharap dahil ayoko na maloko muli. Dahil sa tuwing hihingi ito ay mabilis lang ako magpatawad.
Dahil sa pangungulit ni Damien ay naging mahigpit muli ang daddy sa aming security. Pinaka bilin nito sa mga guard ay huwag papasukin si Damien.
Nag uumagahan ako ng marinig ko na may nag wawala sa aming labas. Alam ko naman kung sino iyon. Nakakahiya na sa mga kapitbahay namin dahil, this time binabato na niya ang aming labas.
Masiyado ng aggressive na si Damien, dahil doon ay naisip ni daddy na saming rest house muna ako manuluyan. Doon mas safe daw ako at hindi mahahanap ni Damien.
Aming napag usapan din ni dad na aasikasuhin na ang annulment namin ni Damien. Alam ko na matagal ang proseso non dito sa pilipinas. Pero na ngako ang daddy na gagawa ito ng paraan.
Ayaw na muli ni daddy na bumalik ako sa kamay ng aking asawa. Mali na nagtiwala agad daw ang aking daddy sa asawa ko, at masiyadong bata pa ako.
Aking iniisip na marami pa na pwedeng mangyari sakin, Hindi porket di kami nag tagal ni Damien ay di na ako uusad sa buhay. Inisip ko nalang din na para sa baby ko ang gagawin ko.
Nag antay kami na wala sa labas si Damien, at agad kami bumyahe sa nasabing address kung saan ako mananatali.
Tahimik ang paligid at napaka ganda, tila nabigyan muli ako ng katahimikan.
Hindi rin ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko dahil sa biglaan, nag antay lang talaga kami na wala si Damien.
Naisip ko na mag message sa mga number ng mga ito, gumamit ako ng bagong number upang di ako ma contact ni Damien.
"Hi, Eva si Anastasia ito, new number ko, I want you to inform na wala na ako sa manila." Laman ng mensahe ko.
Akala ko pa hindi ako rereplyan ni Eva, agad ito na nag reply sakin.
"Bruha ka? Asan ka? Kasama mo asawa mo?" Tanong nito.
"Nope, and I will send the address kung nasaan ako. Please don't tell Damien kung nasaan ako." Saad ko.
Tiwala ako sa mga kaibigan ko dahil mas pipiliin ako ng mga ito, noon pa man ay binantaan na nila ako tungkol kay Damien. Pero di ako nakinig.
Kinabukasan ay nalaman ko na pupunta daw silang tatlo, wala daw dapat ako ikabahala dahil sinugurado nila bago umalis na walang naka sunod.
Naka upo ako sa aking pwesto at nakatingin sa dagat ng biglang lumapit ang kasama ko sa bahay.
"Mam, Ana andito po mga kaibigan mo daw po." Saad nito sakin.
Agad ako na tumayo sa aking kinauupuan. Nilapitan ko kaagad ang mga kaibigan ko. Tila mangha din sila sa kapaligiran ng aking tinutuluyan.
Tanging huni ng mga Puno at huni ng ibon ang maririnig.
"Welcome!!" Masayang pag yakap ko sa mga ito.
Habang si Annalise ay seryoso ito na nakatingin sakin. Siguro nahalata nito ang pasa na gawa ni Damien sakin.
"Anong nangyari diyan?" Seryosong turo ni Annalise sa aking pasa sa braso.
"A-ahh.. ito wala lang ito." Pag papalusot ko dito.
Ngunit ang mga tingin nila ay tila pinapaamin ako kung ano nga ba talaga ang nangyari sa pasa ko.
"Okay, Ang totoo si Damien ang may gawa nito. Sa mga panahon na di ako sumasama sa Aya niyo na kakain sa labas, ay nag dadahilan lamang ako, dahil puro ako pasa at nahihiya ako sa inyo." Sagot ko sa kanila.
Agad na lumapit si Eva sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Sabi ko sayo, huwag ka papaloko doon, noon pa man iba na pakiramdam namin sa Damien na iyan e, kung nakinig ka samin di mangyayari yan." Ani ni Eva sakin.
Based sa boses ng pananalita ni Eva ay galit ito at disappointed sakin, but it's okay to me naman, dahil in the first place kasalanan ko naman ito, kung nakinig sana ako sa kanila.
"I know I'm so sorry, nakinig sana ako sa inyo, edi sana nasa maayos at masayang nag aaral kasama niyo, but I'm okay na di naman ako nag sisisi na may baby na ako." Sagot ko dito.
"Okay lang samin iyon, at tsaka huwag ka mahiya samin, dahil friends tayo diba, Isa sa aming responsibility ay mag payo sayo ng mga tama, Andito kami para gabayan ka." Malambing na saad nila sakin.
Dahil sa usapin na iyon ay naging maluwag at maayos ang aking pag hinga, dahil sobrang takot ko na mahusgahan nila ako.
"By the way, I heard na andito na muli si Jaxon?" Sagot ni John.
Hindi man lang ako nito dinalaw. Di pa ako nakakahingi ng tawad dito sa nangyari. Marahil kaya umalis iyon at nabigla sa nalaman.
"Kapag naka-usap niyo naman paki sabi naman ng address ko, gusto ko maka usap si Jaxon, naka deactivate kasi mga social media niya, at sa phone naman cannot reach." Pang hingi ko ng favor sa kanila.
"Don't worry, I will." Pag sagot sakin ni John.
Nag stay sila ng ilang araw sa aking tinutuluyan, sobrang caring nila sakin. Excited daw sila makita ang pag labas. Atat na din maging ninang at ninong ang mga ito.
Biniro ko pa ang mga ito na sagutin na nila ang college tuition ng anak ko, at bilhan na din ng house and lot. Para secure na Ang future ng baby ko.
"Hoy, mas mayaman ka samin grabe naman regalo ang gusto ko, kahit nga ata palasiyo kaya niyo ipagawa e." Biro ni Eva sakin.
Dahil sa pag bisita nila ay kahit papano ay nakalimot ako sa aking problema.
Dahil sa ginawa sakin ni Damien ay parang naging trauma sakin ang mag tiwala sa mga lalaki. Tingin ko lahat sila ay lolokohin lamang ako. Na baka sa una ako pipiliin, pero ang totoo ay kahit minsan ay di naman pala ako pinili.
I always pray na, sana he will choose me because I'm his wife. But I think ito na ang tamang panahon at oras na bitawan na si Damien, tama na ang kabaliwan na umasa dito.
Dahil kahit noon pa man may Ivy na, dahil ang totoo para kay Damien ay walang Anastasia na nag eexist. Ayun ang reality.
Tama na Ang kahibangan na, baka someday piliin din ako. Dahil sa mga palabas lang iyon nag eexist. Huwag na natin paasahin ang sarili na piliin tayo ng taong wala namang pag mamahal satin.
Kung ang ibang tao ay sinwerte, pero ako sadyang minalas sa lalaki. Hindi ko na din pinangarap na umi-big muli, mula ng mag bigay ng trauma sakin si Damien.
Isipin man ng iba na, niloko ka lang naman okay lang yan, no! Hindi biro ang magkaroon ng trauma lalo na kung ang taong may gawa ng trauma na iyon ay ang taong mahal mo.
Hindi madali na kalimutan iyon. Kung ang iba kaya, pwes iba iba tayo, Hindi lahat parehas na nalalagpasan agad. Siguro darating yung panahon na makakaya ko pero sa ngayon kailangan ko ng peace of mind.
Mahigit Isang linggo din nag stay kasama ko ang mga kaibigan ko. Panay ang payo nila na huwag ko na daw balikan at ituloy ko na Ang annulment. Which is itutuloy ko talaga.
Wala na tayo sa pantasiya na pwedeng balikan ang abusive na asawa. Na nakaka thrill ang ganong set up, kung sa kwento pinapatawad ng babae ang ganong lalaki, pwes ako hindi ako papayag.
Limang araw makalipas ay nag message sakin si John na, kinuha daw ni Jaxon ang address ko. I'm so excited to see him. Hihingi ako ng tawad dito.
Nag expect talaga ako na dadating ito. Kahit hindi ko alam kung anong araw o oras ay nag antay talaga ako.
Sa aking pag babasa ay may taong pinapasok ang kasama ko sa bahay.
"Hi." Saad ni Jaxon.
Ilang buwan ko rin ito hindi nakita at naka usap man lang.
" Akala ko di mo na ako kakausapin e." Kunwaring nagtatampo ko na saad dito.
"Pwede ba yon? Ikaw pinaka gusto ko sa lahat." Sagot nito sakin.
Dahil sa sinabi ni Jaxon ay tila parehas kami napatigil saglit.
"What do you mean pinaka gusto sa lahat?" Takang tanong ko dito kahit s may clue na ako doon, gusto ko lang ng clarification mula kay Jaxon.
"I know you have problem with your husband, but I want you to know since elementary palang tayo, I like you na. Nahiya lang ako dahil noon nerd ako at natakot ako na baka ma reject mo ako, dahil napaka ganda mo noon pa man." Pag eexplain nito sakin.
Hindi alam paano ako sasagot sa biglang pag amin ni Jaxon. Dahil ngayon ay takot ako na sumubok muli.
"I'm pregnant Jaxon, kita mo malaki na ang tiyan ko sa tingin mo tatanggapin mo pa ako sa lagay kong ito?" Sagot ko.
"Kahit pa tatlo pa anak mo tatanggapin ko ang responsibilidad na hindi mapunan ng asawa mo. Ganon kita kamahal Anastasia." Sinserong saad nito sakin.
"Can you wait for me? Until I legally annul to my husband?" Tanong ko dito.
Alam ko masiyadong mabilis pero ramdam ko ang intension ni Jaxon sakin. Hindi ko naman agad ito sasagutin, kung noon madali ako pumayag kay Damien.
Now iyon ang babaguhin ko, dapat kilalanin ko muna ang Isang tao na papasukin ko sa buhay ko.
Kahit buntis pa ako ngayon ay di sumuko sakin si Jaxon, sa katunayan ay kumuha ito ng matutuluyan na malapit sakin. Upang ma check niya daw ako.
May mga bagay na hindi nagawa sakin noon si Damien, na ginagawa naman sakin ngayon ni Jaxon.
He always talk my tummy na tila siya talaga ang ama ng baby ko. Excited pa ito na lumabas na daw ang baby.
Napatunayan ko na ang attraction na nararamdam ko noon kay Jaxon ay totoo, walang pag aalinlangan.
He promised me naman na aantayin niya na legally annul na ako, at Isa naman sa naging problema namin.
Dahil si Damien ay nag titigasan na hindi niya daw iyon pipirmahan. Pinunit pa nito daw ang paper na pinadala ng lawyer ko.
Tuloy parin daw ang pangugulo nito sa labas ng bahay namin, at hinahanap ako.
Enjoy reading..
Baddie_Cutie8
___________