CHAPTER 24

CLARAH'S POV

Nasa tambayan kaming lahat ngayon. Ako, si Zyria, si Queenie, si Aleah, si Gio, si Andrew at Sandra, si Flich. I have really don't have any idea kung bakit ang tatahimik nilang lahat. It seems like may nangyari nanamang masama.

“What happen?” I asked in confused.

“What?” balik tanong sa'kin ni Flich.

“Sa inyo. Ang tatahimik niyo! Any problem?” hindi lang ako sanay.

“Wala, masama lang pakiramdam ko.” sabi ni Aleah.

“Ikaw, Queenie?” turo ko sa kan'ya.

“Ako? Wala lang tahimik kayo eh, kaya tumahimik ako. Same vibes tayo yieeee!” anak ng pota!

“Sandra, Andrew? Bakit ang tahimik niyo?”

“Wala lang. Hindi maganda ang araw ko,” sabi ni Sandra.

“Feeling ko kasi nasisira na tayo.” pinaalala pa ni Andrew.

“Bakit naman tayo masisira?” biglang tanong ni Zyria. She really don't have idea.

“Zyria kasi....”

“Bakit kayo nandito?” sasabihin ko palang dumating na ang bruha. It was Shane together with Aldrake.

Nagkatinginan kaming lahat. Napatayo si Zyria ng makita niyang nakabuntot sa likod nito si Aldrake. Mukhang magkakaroon ng away ngayon at kailangan ng kaibigan ko ng backup.

“Sino siya?” tanong nito pero hindi sa amin ang tingin kundi kay Aldrake.

Hindi siya sinagot ni Aldrake. Nag-iwas lamang ito ng tingin, “none of your business,” malamig na sabi nito.

“Simula ngayon ayoko ng makikita 'yang pagmumukha niyo dito sa tambayan na 'to! It was Aldrake property tapos kayo ang gumagamit? Ewww! Bakit hindi kayo magpagawa ng sarili niyo?!” shutangina.

Mukhang nainis na si Andrew kaya bigla siyang tumayo. Akmang susugurin niya 'yong babae kaso humarang agad si Aldrake. Hindi siya mananalo kay Aldrake, isang beses na siya nitong natalo sa suntukan.

“Don't you dare.” madiin na sabi ni Aldrake.

Nakita ko ang palihim na pag-ngisi ni Shane. Pangalan palang pang-kontrabida na tsk.

“Putangina?! Anong don't you dare pinagsasabi mo?! Gago kaba?! Putangina mo, Aldrake! Tangina ka!” sigaw ni Andrew sa mismong mukha ni Aldrake.

“Tama na 'yan,” awat sa kan'ya ni Sandra.

“Hindi! Tangina kasi nito eh! Kung makapag-sabi sa amin ng gan'yan parang akala mo walang pinagsamahan! Bakit pre hindi mo ba kami naging kaibigan? De puta pala kayong dalawa niyang kasama mo! Isang ma-papel, isang uto-uto!”

Napatili kami ng bigla siyang suntukin ni Aldrake. Natumba si Andrew sa semento sa sobrang lakas ng suntok nito. Susugod pa sana si Aldrake kaso sinuntok din siya ni Flich na naging dahilan din ng pagbagsak niya sa semento.

“Tama na!” sigaw ni Aleah.

Lumapit ako kay Flich, “tama na, Flich!” hinila ko siya.

“Tangina! Hindi ko alam anong utak meron ka, Aldrake! Hindi ko talaga alam!” singhal ni Flich habang dinuduro si Aldrake, “kilala mo 'ko! Kilala kita! Sinasaktan mo kami and worst sinasaktan mo si Zyria! Gago ka ba?! Naalala mo ba kung ilan kaming nagpa-ubaya sayo? Bago ako nagka-gusto sa babaeng gusto ko ngayon alam mo! Alam mo na si Zyria 'yong naging unang crush ko kaso anong sabi mo sa 'kin? "Akin 'yan pre, humanap ka ng sayo" tapos ngayon sasaktan mo?”

Shit, nagka-gusto siya kay, Ria?

“Si Andrew, nagka-gusto din siya kay Zyria pero gaya ng ginawa mo sa'kin, gano'n din ang ginawa mo sa kan'ya. Si Gio, naging interesado siya kay Zyria pero itinigil niya dahil nga sayo tapos gan'yan? Putangina pina-iiyak mo?!” nakatingin lang sa kan'ya si Aldrake na wala manlang bakas ng kahit na anong emosyon sa mukha nito. Mukhang wala talaga siyang pake-alam.

“Bobo 'yan eh! Tara na! Hayaan na natin silang dalawa magsama!” sabi Andrew na hawak-hawak ang labi niyang sinuntok ni Aldrake.

“Look at them, Drake! Tignan mo 'yang mga taong 'yan. Look how they insult you na parang walang kang nagawang tama sa kanila! Look---- awwwww!” hindi na naituloy ni Shane ang sasabihin niya dahil itinulak siya ni Aleah.

“Ay! Sorry naitulak pala kita?” sarcastic tone. Nang-aasar lang talaga siya.

“Tara na!” yaya ko.

Hinila ko si Zyria na tulala lang. Mukhang hindi nagpa-process sa utak niya lahat ng nangyayari at kung ano ba talaga ang nangyayari. Pumunta kami sa lumang tambayan. Ayaw talaga namin magtambay dito dahil medyo kita ng mga estudyante tapos maliit pa 'yong space. Kaya ng nagpagawa kaming lahat ng tambayan na bago para kahit papaano magkaroon kami ng magandang spot.

Tahimik lang kaming lahat umupo. Tinignan ko si Andrew at Flich na hanggang ngayon bakas pa din ang galit sa mga mukha nila. I can't blame them. Kasalanan naman talaga ni Aldrake sa umpisa pa lang. Hindi kami magkakagulo kung hindi pumasok sa buhay namin 'yong Shane na 'yon. Akala mo naman maganda, eh peke naman 'yong kilay niya.

“Ayoko na!” itinakip ni Zyria ang dalawang palad niya sa kan'yang mukha sabay umiyak, “ayoko na! Ayoko na!” paulit-ulit na sabi niya.

“Bwiset!” galit nanaman na mura ni Flich.

Hinagod ko ang likod niya, “shhh... alam kong hindi okay. Kaya mo :

'yan, ikaw paba?” hindi ako marunong mag-cheer up putangina!

“Paano na?” singit na tanong ni Queenie. Mukhang pati siya nagugulohan na din sa kung anong mangyayari sa amin ngayong hindi namin alam paano gagawin.

“Ho! Nakakaputangina ang sarap pumatay ng tao!”

“Andrew!” saway sa kan'ya ni Sandra.

“Iiwasan natin si Aldrake at saka 'yang Shane na 'yan. Iiwasan natin 'yang dalawang 'yan at simula ngayon,” huminto si Flich. “Wala ng Aldrake na makakasama!” madiing sabi niya.

Napatingin namaj ako kay Zyria na hikbi lang ng hikbi ngayon. Nararamdaman ko 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon. Alam ko din 'yong pakiramdam ng pagtaksilan ko. Wala nga silang label pero hindi ba pwedeng masaktan kahit walang label? Minahal mo na 'yong tao tapos sinanay ka pa sa presensya niya, biglang magiging gano'n? Ansakit no'n mga 'te.

Sumasakit ata ang ulo ko sa mga nangyayari. May stalker pa ako na dapat kong alalahanin dahil baka makapatay 'yong kung sakali mang lalapit ako sa lalaki. Kung si Vall naman ang papatayin niya, no problem pero kung si Flich? H'wag naman sana. H'wag naman si Flich.

“Paano 'yan? Bell na.” oo nga pero paano si Zyria.

“Okay lang ako, pwede niyo na ako iwan.” nagpupunas luhang sabi nito. Tumingala pa siya para pigilan ang luha niya.

“Hindi, dito nalang ako sasamahan ko siya.” ayokong mag-isa si Zyria lalo na ngayong kailangan niya ng taong makikinig sa kan'ya.

“Sige, hindi nalang din ako papasok.” sabi din ni Queenie.

“Ako din!” ani ni Aleah.

“Ako na bahala kung may activity!” kumindat ito. Oo nga pala madaming source si Sandra na pwede niyang pagtanungan.

Ngumiti lang ako. Kompleto naman pala kami sa grupo kahit may mga kulang. Umalis na din sila agad para pumunta sa kanya-kanyang room. Kami nalang ang naiwan sa tambayan. Kailangan pa palang linisan 'tong lugar namin ngayon. Napabayaan na kami 'to simula no'ng may bago na kaming tambayan. Tinignan ko isa-isa ang mga kasama ko ngayon.

Si Queenie na busy lang sa pagce-cellphone. Siya sa ngayon ang walang problema pagdating sa mga pino-problema namin pero alam kong apektado na din siya dahil mga kaibigan niya din kami. Si Aleah naman nakayuko lang. Masama nga talaga ang pakiramdam niya kasi namumutla siya. Napapansin ko din 'yong madalas na pamumutla niya. Nagmumukha na nga siyang bampira dahil doon eh. Siguro stress lang siya o may sakit siya gano'n. Si Zyria naman nakatulala lang. Nakatingin sa kawalan, hindi mo maintindihan kung anong expression ang meron siya pero alam mo na si Aldrake 'yong nasa isip niya.

Tahimik kong dinukot ang cellphone ko sa bag. Tumunog ito at mukhang may nag-chat nanaman. Mula sa screen nakita ko ang sunod-sunod na chat galing sa mga kaklase ko na may tinatanong tapos 'yong iba naman galing sa group chat namin. Tsk, kapag may kailangan ang gagaling mag-chat sa'kin. Mga slap soil na 'to.

Binuksan ko ang isang chat mula nanaman kay unknown ano nanaman kayang sasabihin nito? Natatakot na ako sa kan'ya dahil baka....

Shit!

Bumungad sa'kin ang picture ng isang lalaki na nasa hospital. Puno ng pasa ang mukha nito at may bali din sa kamay. Ito 'yong lalaking naka-usap ko kahapon sa loob ng bar. Ito 'yong nangbastos sa akin.

From: unknown

I told you, akin ka lang. Pakitandaan nalang na walang pwedeng humawak sayo maliban sa'kin!

Gumuhit nanaman sa mukha ko ang pangamba. I feel like I'm going to die right now. Lahat nalang ng nangyayari sa amin puro negative and worst para akong sinumpa dahil sa dami ng masasamang nangyayari sa akin.

“Are you okay?” tanong ni Zyria. Mugto pa ang mata nito kakaiyak.

Tumango ako, “y-yeah. I'm o-okay,” pilit kalmadong sagot ko. Ngumiti pa ako ng peke para matakpan ang takot na nararamdaman ko.

“Gusto ko ng pagkain,” ayan nanaman si Aleah.

“Hello, Clarah!” shit anong ginagawa ng lalaking 'to dito?

Kumunot ang noo ni Zyria habang nakatingin sa kan'ya. Si Queenie naman tumaas ang kilay habang si Aleah nakangiwi. Iba-iba ang reaction namin sa pagdating ni Vall. Paano niya nalaman na nandito ako?

“Anong ginagawa mo dito?” mataray na tanong ni Queenie. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa inyo pero alam ng dalawang 'yan ang nangyari sa akin.

“I'm just visiting my honey,” nakangising pang-aasar nito.

“Umalis ka dito, Vall!” madiin na wika ni Queenie.

“Na-ah. Ikaw ba si Clarah?”

“Hindi ako si Clarah pero ako ang magde-desisyon para kay Clarah!”

“Sino ba 'to?” singit ni Zyria.

Napatingin ako sa kan'ya, “Ah...” hindi ko masagot.

“Ex siya ni Clarah.” walang emosyong sabi ni Aleah. Halata sa mukha niya ang galit at inis sa lalaking kaharap niya ngayon.

“Umalis kana dito, Vall.” pagtataboy ko sa kan'ya. I have to be strong! Hindi pwedeng mga kaibigan ko lang ang lalaban para sa akin.

“You heard her right? Umalis ka na Mr. kasi hindi nababagay ang mga masa-sangsang na tao sa lugar na 'to.” that's why I love Zyria as always.

“We're not yet done, honey.” sabi nito sabay umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bumalik nanaman 'yong takot ko. Nagiging normal na sa akin na kapag pinagbabantaan ako imbis na lumabas nauunahan ako ng takot. Simula lang 'to no'ng nawalan ako ng anak.

“Bwiset talaga karamihan ng mga lalaki!” galit na sabi ni Zyria.

“Grabe ka naman.”

“Bakit gano'n sila? Matapos nila tayo gawing importante tapos pinaramdam sa atin na mahalaga tayo saka nila tayo iiwan?” nagsimula nanamang umagos ang luha sa mga mata niya, “una, si kuya Kreus. No'ng bata pa kami parang prinsesa turing niya sa akin pero no'ng lumaki na ako bigla niya akong tinaboy. Ano bang kasalanan ko? Tapos ngayon naman si Aldrake. Matapos niyang guluhin 'yong buhay ko, matapos niyang pasukin 'yong mundo ko, ipinagpalit naman niya ako sa.... sa ipokritang 'yon! Ayoko! Bwiset sila!”

“Zyria...”

“Baka naman maidadaan niyo pa sa usap, ria? Malay mo naman kausapin ka pa ni Aldrake hindi ba?” sana naman kumalma na siya.

“Bakit naman siya kakausapin ni Aldrake?” tangina speaking of ipokrita.

“Bakit ka muna nandito?” taas kilay na tanong ko.

“Hindi din kayo allowed sa tambayan na 'to. Dapat nga pinapaalis na kayo sa BCU eh. May awa pa naman ako kaya sige mag-stay kayo dito pero hindi kayo allowed tumambay sa mga tambayan na pinagawa ni Aldrake.”

Boos ka 'te?

“Bakit mo muna kami inuutusan? Ang kapal naman ng mukha mo! Sino ka ba?”

“Ako lang naman si Shane. Ang girl bestfriend ng...” tumingin siya kay Zyria, “boy-- ay wala pala kayong label.” personalan pala ang gusto nito.

“Galing naman pala. Kapag walang label lalandiin gano'n?” pambabara ko.

“Hindi ko siya nilandi and it's not my fault kung mas maniniwala sa akin si Aldrake. Ikaw naman kasi Zyria, you're so selosa that's why Aldrake hate you. Ano bang alam mo kay Aldrake, Zyria? Hindi ba wala naman? Kilala mo lang ang pangalan niya, eh ang pagkatao niya? Alam mo ba?”

Tahimik lang si Zyria habang nakatingin sa kan'ya. Hindi ko mabasa kung anong sasabihin ni Zyria. Ngumisi lang sa harap namin si Shane sabay tumayo ng tuwid. Ang lakas din mang-bwiset ng babaeng 'to. Pangalan pa lang pang-kontrabida na talaga. Kamukha niya si Sherk, mukha siyang alien na walang kilay and lastly mukha siyang alien na panget!

Ang panget niya!

Sobrang panget niya!

Hindi talaga deserve ni Zyria si Aldrake. Hindi niya deserve 'yong lalaking mas pipiliin ang pangit na chipay kaysa sa kan'ya like, ewww! Ang baba ng taste ni Aldrake.

“Oh! Got to go I have my appointment pa saka kakain pa kami ni Aldrake. Pakisabi nalang sa kaibigan niyo na h'wag na h'wag na silang tatambay sa mga tambayan kung saan magiging madalas kami ni Aldrake, ayaw kasi namin makalanghap ng masamang amoy!” nag-flipped hair pa ang bwiset. Ngumiti siya ng peke sabay umalis.

Tumayo si Zyria, “excuse me muna.” paalam niya.

Hinila ko kaagad ang kamay niya kahit nakaka-dalawang hakbang palang siya. Natatakot ako na baka mamaya sugudin niya 'yong babae tapos mag-away and worst siya pa ang mapa-sama sa lahat.

“Saan ka pupunta?” tanong ko dito.

“Kay kuya. Kailangan ko si kuya ngayon,” mahinang sabi niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay ko sabay tumakbo palayo.

“Uuwi muna ako ha? Masama pakiramdam ko eh.” paalam din ni Aleah.

Kami nalang ngayon ni Queenie ang magkasama. Napahilot siya sa sintido niya, stress na din siya sa mga nangyayari. Lahat naman kami apektado lalo na kapag usapang magka-kaibigan. Alam ko din na lahat kami iisa lang ang tanong sa isip. Kung bakit nga ba nangyayari sa amin ang ganito? At, kung bakit sa amin pa? Ako naman nag-iisip kung paano ko kakayanin lahat.

Ex ko.

Stalker ko.

Kaibigan ko.

Pag-aaral ko.

Paano ko kakayanin lahat 'yan? 'Yong ex ko na ginugulo ako. Stalker ko na gustong pumatay kapag nakikita akong may kasamang ibang lalaki. Kaibigan ko na may problema. Pag-aaral ko na halos napapabayaan ko na. Ngayon lang nangyari sa akin 'to. Nagsabay-sabay lahat ng nangyayari at feeling ko talagang sasabog na ang utak ko sa sobrang stress.

Nagdesisyon kami ni Queenie na lumabas nalang ng school. Maglalakad-lakad nalang muna kami sa park para mabawasan naman ang iniisip namin. Habang naglalakad nalilibang ako kakatingin sa mga batang natakbo. May gan'yan din sana ako kaso wala na, ipinalaglag.

“Miss ang ganda mo naman.” bati sa amin ng isang lalaki. I don't know who he is.

“Salamat.” walang buhay na sabi ko.

“Tara na, Clarah.” yaya ni Queenie.

Lalagpasan na sana namin 'yong lalaki kaso hinawakan ako sa pulsuhan. Tangina anong trip nito?! Hindi niya ba alam na 'yong kausap niya lumalayo sa mga lalaki? Malamang hindi niya alam kasi wala siyang alam.

“Bitiwan mo nga ako!” pilit bawi ko sa kan'ya ng kamay ko.

“Kiss muna.” nakangising sabi nito.

“Kiss mo p'wet mo!”

“Tatawagan ko na 'yong boyfriend mo, Clarah ha.” pinagsasabi nito? I looked at her very confused. Wala naman akong jowa ah!

“Ha?” hindi maintindihang tanong ko sa kan'ya.

“HINDI BA MAY BOYFRIEND?” may diin na sabi niya. May gusto yata siyang ipahiwatig. Ginalaw niya ang mata niya at sumisenyas ito na makisabay nalang ako para pakawalan ako ng lalaki.

“Ahh... oo nga pala. Sorry nakalimutan ko kasi nag-away kami.” kamot ulong sabi ko. Tangina gusto kong matawa.

“Tsk... leader pa naman ng gangster 'yon. Tawagan ko na tapos sabihin ko na may lalaking bumabastos sayo. Magpadala siya ng mga sampung lalaki na bubugbog sa lalaking 'to.” gago ampota, pft.

Bumitaw ang lalaki sa pagkakahawak sa akin sabay tumakbo. Nadapa pa ito dahil muli siyang lumingon habang natakbo. Nang wala na siya sa paningin namin sabay kaming tumawa. Gago ampota ang saya talaga kapag may saviour kang kaibigan. Pagkatapos namin mag-gala umuwi na kami. Wala naman ng gagawin. At least kahit papaano nakapag-relax kami.