CHAPTER 10 FAMILY

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Andy kay Kino habang mabagal na sinusundan ito.

Nahihirapan pa rin siya maglakad dahil sa mga benda na nakabalot sa kanya at sa saklay na tanging sumusuporta sa paglalakad niya.

Ngumiti si Kino bago huminto sa tapat ng Clubroom nila. Hindi namamalayan ni Andy na rito ang destinasyon nila.

Kumunot ang noo ni Andy bago napansin ang bagong pintura na dingding nila, gayundin ang bagong pintuan.

"Woah.." namamangha na sabi ni Andy bago tumingin kay Kino. "Pina-renovate mo yung Clubroom?"

Tumango si Kino.

"Dahil magsisimula tayong muli sa kwartong ito, pinaayos ko na."

Dahil sa tuwa ay inunahan na ni Andy na pumasok si Kino. Laking-gulat niya ng humiwalay ang katawan niya sa kanyang kaluluwa na nasalo kaagad ni Kino.

Napangiti siya nang makita ang buong pamilya ni Recca habang nakangiti sa kanya. Lumapit siya rito na maayos ang lakad niya bilang kaluluwa.

"Recca.."

"Andy.."

Mahigpit siyang niyakap ni Recca.

"Mabuti naman at maayos ka lang, hinintay ka talaga namin para makapagpasalamat sa iyo. Salamat at tinulungan mo kami na mahanap ang mga katawan namin at nakauwi na kami sa amin. Hinding-hindi ko makakalimutan na nakilala ko kayo, dadalhin ko iyon saan man kami mapunta." pasasalamat nito bago ngumiti at humakbang palayo sa kanya.

"Walang anuman, sana maging masaya ka." naluluhang sabi ni Andy.

Tumango si Recca bago may sumulpot na liwanag sa harapan nila. Nasilaw si Andy at Kino kaya nakatakip sila ng braso. Nang mawala ang liwanag ay kasabay nito ang pagkawala nila Recca at ng mga magulang niya.

Nilingon ni Andy si Kino bago ngumiti.

"Thank you." she mouthed before wandering inside their Clubroom.

Nang magising si Andy ay kaagad siyang bumangon at tiningnan ang kabuuan ng Clubroom nila. Ibang-iba ang itsura nito nang unang araw niyang pumasok at nakilala ang mga kaluluwang kasama ni Recca.

Maaamoy pa ang bagong pintura na kulay asul. Panigurado na si Kino ang pumili ng kulay. May mga laman na rin ito, hindi tulad noon na puro sirang gamit ang makikita.

Tumayo siya sa malambot at mahabang sofa bago tiningnan ang dalawang mesa sa magkabilang dulo ng kwarto. Napanganga si Andy nang makita ang pink na mesa na pinapalibutan ng pictures ng favorite niyang character na si Komasan. May nakalagay rin na name card sa mesa at nakasulat ang kanyang buong pangalan bilang vise presidente ng PC. (Paranormal Club)

"Monggiii..." malawak ang ngiti na sabi niya habang paika-ika na lumapit sa mesa at niyakap ito ngunit natigil siya at buo ang atensyon na tiningnan ang upuan.

"Monggii.." namamangha na wika ni Andy habang nakatakip ang kamay sa bibig.

Isang human size Komasan stuff toy ang nakaupo rito at may letter na hawak iyon. Mabilis niya itong kinuha bago binasa.

To my Komasan girl,

This is my welcome gift to you. I hope you love it. Mahal 'yan! Legit na galing sa Japan kaya ingatan mo.

Your Handsome Senior, Kino.

Napailing siya bago ngumiti.

"Ang matanda na iyon, baka peke 'to. Japan daw. Hmp."

Binuhat na niya si Komasan bago tumingin sa kabilang mesa na puro asul ang makikita. May mga design na clouds at stars. Nakasulat naman ang pangalan na Kino Lorenzo De Vera.

"Nasaan kaya ang kumag na iyon?" tanong niya bago paika-ikang lumabas ng Clubroom.

Dahil buhat niya ang malaking stuff toy ay hindi maiwasan na mapatingin sa kanya ang mga tao na nasa loob ng klase.

Hindi niya pinansin ang mga tinginan at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napangiwi siya nang muntikan na siyang matumba dahil hindi niya kaagad nagamit ang saklay na pangsuporta sa kaliwa niyang paa.

Napapikit siya bago dumilat at inayos ang hawak sa malaking stuff toy.

"Dapat pala ay hindi ko muna binitbit ito. Monggiii.." reklamo niya ngunit wala ng nagawa kaya nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Malapit na siya sa gate at ilang hakbang na lang ay makakatawag na siya ng tricycle ngunit namali muli siya ng patong sa saklay kaya napaupo siya sa sahig.

Mabuti na lang at walang tao kaya mabilis niyang itinayo ang sarili. Napasuklay siya sa kanyang buhok nang mapansin na naiwan niya ang saklay sa sahig.

"Ano ba iyan?!" naiinis na wika niya bago itinaas ang kaliwang paa para maabot ang saklay na nasa sahig. Hindi niya iyon maabot kaya bumalik siya sa pagkakatayo.

Susubukan niya sanang abuting muli ngunit may dumampot na nito at umabot sa kanya.

Napaawang ang kanyang labi sa nakita. Isang lalake na may suot na headphone at may bitbit na gitara.

"S-salamat.." tanging nasabi ni Andy.

Ngumiti ang lalake bago inangat ang isang headphone para marinig siya.

"Ano?"

Tumaas ang kilay ni Andy bago muling nagsalita.

"Ang sabi ko ay salamat."

Mahinang tumawa ang lalake.

"Magpapasalamat ka na lang, ikaw pa ang galit."

Kumunot ang noo ni Andy na mas ikinatawa ng lalake.

"O, binibiro lang kita.. Baka isumpa mo na ako agad."

Umirap sa kawalan si Andy bago tumango.

"Whatever. Basta nagpasalamat na ako, sapat na iyon." naiirita na sabi ni Andy bago paika-ikang naglakad palabas ng gate.

Tatawag na sana siya ng masasakyan ngunit may nagsalita sa tabi niya.

"Sigurado ka ba na kaya mong umuwi?" may pag-aalalang tanong ng lalake.

Muling tinaasan ng kilay ni Andy ang lalake.

"Ano ba pake mo?"

Napakibit-balikat ang lalake.

"Wala."

"Kung ganoon ay layuan mo ako, hindi ko sinasayang ang oras ko sa pakikipag-usap kung kani-kanino lang." naiinis na sabi niya.

Tumaas ang dalawang kilay ng lalake bago magtaas ng kamay.

"Okay, pasensya ka na.."

Muli nitong ibinalik ang headphone sa tenga bago lumayo kay Andy. Hindi maiwasan ni Andy na mapatingin sa lalake sa tuwing nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya.

"Monggiii.." naiinis na bulong niya. "Bakit ba ang tagal dumaan ng tricycle? Gusto ko na makauwi para hindi ko na makita ang lalakeng ito."

Nang makatawag na siya ng tricycle at makasakay ay saka niya lang nakita na pumasok ang lalake ng gate pabalik sa Paaralan. Napakamot ng ulo si Andy at mahinang natawa nang marealize niya na hinintay lang ng lalake na makasakay siya.

"Ang cute niya.." tanging nasabi niya sa sarili.

Nang makarating si Andy sa bahay ay naestatwa siya sa nakita. May dalawang tao na nag-uusap sa sala at ngayon ay nasa kanya na ang atensyon.

"Hello?" bati niya sa mga ito.

Ngumiti sa kanya ang may edad ngunit maganda na babae bago lumapit.

"Ikaw siguro si Andy, 'yung kaibigan ni Kino na tumutulong sa kanya."

Tumango si Andy.

"O-opo. Ako nga po si Andy."

Mas lumawak ang ngiti ng babae bago inalok ang kamay.

"Nice meeting you, Andy. Ako si Demmy Gozo-Rivera, ang step-mother ni Kino at ina ni Denum. You can call me Tita Demmy." pagpapakilala ng babae.

Hindi nakakibo si Andy at medyo natulala sa sinabi ng babae. Hindi siya makapaniwala na ganito kabait at kaganda ang magulang ni Denum.

'Baka ampon si Denum..' naisip niya bigla.

Tumango ang babae bago ibinaba ang kamay.

"Pasensya ka na, nakalimutan ko na may mga hawak ka pala."

Nakabalik sa reyalidad si Andy at kaagad na umiling.

"Pasensya na po, natulala lang ako sa ganda niyo." nakangiting sabi niya sa babae.

Nakita niya ang pamumula sa mukha nito.

"Nako, kung hindi nilinaw sa akin ni Kino na magkaibigan kayo. Baka naisip ko na girlfriend ka niya dahil maganda ka rin."

"He he he.. " pinilit matawa ni Andy sa biro ni Tita Demmy.

Lumingon sa likuran si Tita Demmy bago muling tumingin sa kanya.

"Pero mukhang bagay rin kayo ng anak kong si Denum.." tila kinikilig na bulong nito.

Namilog ang mata ni Andy at hindi nakapagsalita.

'Monggii..' sabi niya sa kanyang isipan bago pinigilan na hindi manginig dahil sa pandidiri.

"Demmy.."

Tawag ng lalake na palapit sa puwesto nila. Yumakap ito sa beywang ni Tita Demmy bago tiningnan si Andy. Ngumiti rin ito sa kanya.

"Hi. Ako si Kris De Vera, ang ama ni Kino at step-father ni Denum. Tawagin mo akong Tito Kris." pakilala ng lalake. "Ikaw pala ang gusto ng anak ko.."

Nanlaki ang mata ni Andy sa narinig. Ginugulat siya ng mga sinasabi ng mga tao sa bahay ngayon.

Hinampas ni Tita Demmy ang asawa bago umiling.

"Ano ka ba, honey? Kay Denum ko nga irereto si Andy." biro nito.

Umiling si Kris.

"Hindi. Mas bagay sila ni Kino. Tingnan mo, nag-effort pa magpahabol ng pagpapabili ng malaking stuff toy bago tayo umuwi para lang sa kaibigan 'raw' niya."

Pinilit na ngumiti ni Andy bago sinulyapan ang stuff toy na si Komasan na yakap niya.

"Pinabili po ito sa inyo ni Kino?" singit ni Andy sa pag-uusap ng dalawa.

Tumango ang dalawa.

"Oo, galing kami sa Japan. Papauwi na kami ng ipahabol ni Kino 'yan." sagot ni Tita Demmy.

Nakaramdam ng pamumula si Andy.

'Luh? Totoo palang Japan ang pinagbilhan mo.' iniisip niya habang nakatingin pa rin sa laruan.

"O, sabi ko sa iyo.. Mas bagay sila ni Kino, namumula na siya."

Mabilis niyang binalingan ng tingin ang dalawa bago umiling.

"Mali po iniisip niyo, wala akong type sa dalawang anak niyo." diretsahang sabi niya na ikinatahimik ng dalawa.

Nagkatinginan ito bago natatawang umiling.

"Di ka pa sigurado.. Marami pang oras na makakapagbago ng sinasabi mo." nangingiting sabi ni Tita Demmy.

"He he he.." pinilit na lang matawa ni Andy.

"Mom, Dad.. Tigilan niyo si Andy."

Nakuha ng kakalabas lang na lalake mula sa kusina ang kanilang atensyon. May dala itong pagkain kasunod ang mayordoma at dalawang katulong na inaayos ang mga pinggan.

Pagkalapag ng pagkain ay lumapit ito sa puwesto nila. Nakangiti itong tumango kay Andy bago ibinaba ang tingin sa stuff toy.

"Mukhang nagustuhan mo nga." komento nito.

Tumango si Andy bago ngumiti.

"Gustong-gusto. Salamat." tugon ni Andy.

"Hala, honey. Bagay talaga sila." nabaling ang atensyon nila sa ama ni Kino.

Umiling ang babae.

"Pero magkaibigan nga lang sila. Irereto ko siya kay Denum." hindi pagsang-ayon ng babae.

Nagtalo sila sa harapan nina Kino at Andy.

Nagkatinginan sina Kino at Andy bago parehong umiling.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Kino.

Tumango si Andy.

"Medyo.." sagot ni Andy.

Kinuha ni Kino ang stuff toy kay Andy bago ngumiti.

"Kumain na tayo." pag-aaya nito na sinang-ayunan ni Andy.

Iniwan nila ang dalawa na nagtatalo patungkol sa bagay na lalake kay Andy. Nang mapansin na kumakain na ang dalawa ay sumunod na ang mga ito at nakipag-kwentuhan.

Pagkatapos kumain ay inalalayan ni Kino si Andy na umakyat sa hagdan katulad ng palagi nitong ginagawa kapag uuwi silang sabay ni Andy.

Nang makarating sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Andy ay saka niya lang inabot ang malaking stuff toy. Tumango si Kino bago napamulsa.

"Isang linggo lang ang mga magulang ko rito dahil may business trip sila sa Singapore. Sana mapagpasensyahan mo sila." napapakamot ng ulo na sabi ni Kino.

Umiling si Andy bago tumawa ng mahina.

"Ang saya nga nila kausap. Malaki ang pasasalamat ko na tama ang pamilya na napuntahan ko, naramdaman ko na hindi nila ako tinrato na kakaiba."

Kakaiba ang saya na naramdaman ni Andy dahil ngayon na lang niya muling naramdaman ang isang pamilya.

Ngumiti si Kino bago hinawakan ang ulo ni Andy at ginulo ang buhok.

"Hayaan mo, hindi magbabago ang trato ng mga magulang ko sa iyo lalo na't sinabi ko na mahalaga ka rin sa akin."

Kusang napangiti si Andy sa narinig.

"Salamat, Kuya."

Umiling si Kino.

"Gusto ko sanang tawagin kang 'Baby' kaso may kasunduan tayo at ayokong isipin mo na nilalandi kita. So, komasan na lang itatawag ko sa iyo."

"Kahit Andy na lang." pagtanggi ni Andy.

"Gusto ko na may endearment tayo para masiguradong close na tayo."

Walang nagawa si Andy kundi sumang-ayon.

"Kung ganoon, kumag na lang ang itatawag ko sa iyo."

Tumaas ang isang kilay ni Kino.

"Okay, guwapo pa rin naman ako kahit anong itawag mo."

Ngumiwi si Andy bago suntukin sa braso si Kino.

"Goodnight, Kumag."

Tumango si Kino at hinampas ng mahina ang braso ni Andy.

"Goodnight, Komasan."

Pumasok na si Andy sa kwarto at mabilis na hinagis ang stuff toy sa kama.

"Damhin mo ang kama, simula ngayon ay magkatabi na tayo matutulog." masayang sabi ni Andy bago tumalon sa kama.

"Talaga? Tabi na tayo?"

Naestatwa siya at nanlaki ang mata sa nakita. Isang lalake ang bumangon habang yakap ang stuff toy na yakap ni Andy.

"Denum.. Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Kailangan malaman ito ni Kino." naguguluhan sabi ni Andy at patayo na para lumabas nang hilahin siya nito pahiga at yakapin.

"Subukan mong mag-ingay, tutuluyan ko na halikan ang labi mo."

Hindi nakagalaw si Andy at masama ang ipinukol na tingin kay Denum.

'Kung alam mo lang, nahalikan mo na 'to.' sabi ni Andy sa kanyang isipan.

----END OF CHAPTER 10----

Choose your team. Team Kindy or Team Andum? Charr.