Kabanata 9
CALIXTA'S POV
'We're here' sabi ni Jaxon. Nasa tapat na kami ng bahay nila. Sabi nya andon daw si mommy pati ang mama at papa nya. Kinakabahan ako sa malalaman ko ngayon.
Pinag buksan ako ng pinto ni Jax. 'I'm nervous' sabi ko.
'Don't worry. Andito naman ako..... Pati si mama at papa' sabi nya.
Lumabas na ako at binuksan na ni Jax ang pinto ng bahay nila, at tama nga sya, nakaupo si mommy, tito Robert at tita Marie.
'Anak' pag tawag sakin ni mommy at agad akong niyakap.
'Ano pong totoo?' I asked straight forward.
'Maupo muna kayo Ija' sabi ni tita Marie, at umupo ako sa katapat ni mommy.
Di pa nag sisimula si mom mag salita ay umiiyak na ito. 'Una sa lahat, I'm sorry anak, nag sinungaling si mommy' sabi nya. 'P-pinalabas kong patay na ang daddy mo because I don't want you to get hurt..'
'Bakit naman po ako masasaktan?' tanong ko.
'Your dad left u-us.. Napaka bata mo pa noon, simula nang ipinanganak kita ay madalang ng umuwi satin ang daddy mo, 2 yrs. after I found out na nag kita uli sila ng first love nya, at mas pinili nya na sumama don...' nag punas si mommy ng luha nya.
Pero bakit? Hindi ba mahal ni daddy si mommy?
'But why mom? You married each other right? So it means mahal niyo ang isa't isa' sabi ko.
'Mahirap kalabanin ang first love anak, yes nung una sobrang saya namin pero pakiramdam ko ay hindi padin sapat para sa daddy mo ang pag mamahal ko sakanya. I remember nung bago palang kami palagi nya nababanggit ang pangalan ng first love nya, si Margaret.. Sabihin nalang natin na napasubo sakin ang daddy mo, he wanted to prove to his ex na masaya na sya. Pero yun pala ay mahal na mahal padin nya ito.'
I feel bad for mommy. Lumapit ako at niyakap sya.
'Sorry mom, I'm so selfish, di ko inintindi ang nararamdaman mo' sabi ko at naluha na din.
'May kasalanan din ako anak, nag sinungaling ako sayo.'
'Naiintindihan ko na mom, kaya naman natin to na tayong dalawa lang e, di ko kailangan ng TATAY.' matigas kong sabi.
'Pero gusto nyang mag pakilala sayo anak, hindi sya titigil sa pang gugulo hangga't di ka nya nakakausap.'
Ganon ba? Let's see.
---
JAXON'S POV
So that's the truth?
Hindi ko napigilang mag salita. 'But tita, are you still married with him?' tanong ko.
'No.' sagot nya. Napatingin naman si Cali sa mommy nya.
'Nung iniwan nya kame ni Cali, nakipag annul ako sakanya, hindi ako umaasa na matutupad ang nasa kasunduhan ang tanging nasa isip ko lang ay mapunta sakin si Cali, kaya kahit hindi sya nabista ay wala na kong pakielam.' dugtong nya.
Kaya pala lantaran na kasama ng daddy ni Cali ang babae na yon.
'Do you still love him mom?' biglang tanong ni Cali, bakas sa mukha ni Tita Bea ang pag kalungkot.
'Tulad ng sinabi ko kanina anak, ang hirap pag first love, your father is my first everything. I will admit, namiss ko sya, at may kaunting pag mamahal pa kong nakakapa sa puso ko para sakanya, 16 years has passed, pero kumikirot padin dito' turo nya sa dibdib nya.
Niyakap ni Cali ang mommy nya.
'It's okay mom, I'm here at ako hindi kita iiwan. I promise.'
---
Umuwi na si Cali at ang mommy nya pero di ko mapigilan ang di mag alala para sa kanila. Napaka lapit nila saamin ng pamilya, kahit naiinis ako sa kakulitan ni Cali, ayoko padin na nakikita syang malungkot, pati na din si Tita Bea.
--
Kinabukasan ay hindi nga nag kamali si Tita, umagang umaga ay nag punta sa bahay nila ang ama ni Cali, at ito nag iisa, kasama nya si Margaret, ang tinutukoy ni tita.
Mukha syang sopistikadang babae, but by just looking at her, may tinatago syang kulo sa loob. I wonder paano nagawang ipag palit ng ama ni Cali si Tita Bea, she's an ideal woman.
'Ilabas mo ang anak ko Beatrice! I want to have some words with her! Wag mo na intayin na mag karoon ng skandalo dito!' sigaw ng lalaki.
'Pwede ba Anton! Umalis kana! Ayaw ka makausap ni Cali!'
'Tabe nga!' walang anu ano'y tinulak ng babaeng si Margaret si tita Bea, dahilan para ito ay matumba, dali dali akong tumakbo at tinulungan si Titang tumayo.
'Tita' pag aalalay ko sakanya.
'MOM!!!' Sigaw ni Cali. Tumingin sya sa direksyon ng kanyang ama at sinabunutan nya ang babae. Agad na tumakbo sila mama para awatin si Cali.
'Ahas kang babae ka! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito!! BITCH!!!!!!' pati ang ama ni Cali ay inawat ito.
'Calixta! Tamana!' nang di sinasadya ay naitulak nya si Cali at napaupo si Cali.
Akmang pupunta na ko sa direksyon nya pero mabilis syang tumayo.
Bigla syang tumawa ng sakastiko, at pumalakpak pa.
'Mom, eto ba? Sya ba ang tatay ko? Well well, what do I expect?' mataray nyang sabi.
'S-sorry hindi ko sinasadya anak' paumanhin nya.
'Pag sabihan mo yang anak mo Anton!!' sigaw ni Margaret.
Bumaling ang tingin ni Cali sa babae at tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa.
'Dahil ba sakanya? Kaya mo kame iniwan?' umiiyak sya.
'Ilang taon kang nawala tapos eto ang salubong mo? Una sinira mo ang kaarawan ko, pag katapos mang gugulo kayo dito? BRAVOOOOO!!!'
'Let's give them around of.... ' *pak!!* sinampal nya si Margaret
'APPLAUSE!!'
----
CALIXTA'S POV
*pak!!'*
'APPLAUSE!!!!' mariin kong sabi, ang sarap sa pakiramdam na lumapat ang palad ko sa pag mumukha ng babaeng to, wala syang karapatan saktan ang mommy ko.
Akmang sasampalin nya din ako pero may humarang at humawak sa kanya.
'Don't. You. Dare.' matigas nyang sabi.
Si Jax..
'At sino ka naman?! Bitawan mo nga ako!' binitawan ni Jax ang kamay nito.
'UMALIS NA KAYONG DALAWA! KUNDI TATAWAG AKONG PULIS!!' Sigaw ni mommy.
Huminga ng malalim ang tatay k-- parang hindi ko kayang tawagin sya ng ganon.
'Halika na Margaret' hinawakan nya ito braso at sinakay sa kotse.
'HINDI PA TAYO TAPOS!' Sigaw nya saamin. Akmang lalapitan ko sya pero may pumigil sakin.
'Enough Cali... Hayaan mo na sya.' seryosong sabi ni Jax.
'Oo nga Ija, aalis na naman sila' sabi ni tita Marie.
Nilapitan ko si mommy. 'Mom, are you okay?? May masakit ba??' nag aalala kong tanong.
'Okay lang ako anak.'
---
JAXON'S POV
Lumipas ang ilang buwan at hindi na muling nag paramdam ang daddy ni Cali na ipinag taka ko.
Nang dahil lang sa isang beses na pag taboy hindi na sya bumalik?
'Baby Jax. Anong course ang kukunin mo?' napabalik ako sa ulirat, nasa school kami ngayon at wala kami masyadong ginagawa dahil malapit na ang graduation.
'Medicine.' sagot ko.
'Sige ako din!' masigla nyang sabi.
'Teka, gusto mo ba talaga ang pag ddoctor? O baka naman ginagaya mo lang ako.'
Napakamot sya sa ulo nya.
'Ahhh ehhh.. Hehe kasi naman gusto kita makasama e'
'Cali, hindi sa lahat ng oras pwedeng mag kasama tayo, piliin mo kung ano talagang gusto mo.' napanguso sya.
'Ikaw gusto ko.'
'Calixta.' pag babanta ko.
'Fine, fine, gusto ko kasi maging chef!' sabi nya.
'Edi HRM kunin mo' sabi ko.
'E di kita kasama. '
'It's okay, mag kapit bahay lang naman tayo e, atsaka hindi kaba nag sasawa sa mukha ko?' tanong ko.
Hinawakan naman nya ang mag kabila kong pisngi.
'Neverrrr ako mag sasawa dito!'
Tchh.
'Teka Baby Jax, san mo ba balak pumasok?'
'Meds University' sagot ko.
'Saan yun?'
'Manila, 4hrs. away from home'
'Whatttt??! MANILA?! ANG LAYO!' hysterical nyang sabi.
'Oo nga e, naisipan ko nga na kumuha ng sariling apartment dun.'
'WHAAAAAATTTTTTT?!!! PERO BABY JAXXXX!!! PANO KITA MAKIKITA HA?!!!!!!!!!!!!!'
Natingin na ang ibang estudyante samin.
'Cali! Kumalma ka nga'
'Pano ako kakalma?! E mapapalayo ka sakin!!!'
'Pinag titinginan na tayo ano kaba!'
'WALA AKONG PAKE!!! BABY JAXXX NAMAN E HUHUHUHU!!!!'
Tinakpan ko bibig nya.
'Be matured okay? Hindi sa lahat ng oras palagi tayong mag kasama, we're growing up as an independent individual.'
At gumuhit ang lungkot sa kanyang mata.
---