CHAPTER 48: Saving Avery part 1
Marius
"Please stop! I'm begging. Please please don't!"
Halos maguho ang aking mundo ng makita ko ang ginagawa ng mga kalalakihan kay Jade habang nasa video ito. Tumutulo ang mga luha niya habang bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding sakit. Hindi na ako makagalaw. Nakadikit ang aking mga mata sa bawat pagpalahaw ng aking omega.
Six men are violating him. Six fucking men! What the f*ck is going on?! Nasaan si Sebastian?
"F*uck! Let me go there right now!" nanggagalaiti sabi ko kay Sarge ngunit bago pa ako makalabas ay nahawakan na ako ng dalawang lalaki at ni Cole.
"Bro, calm down!" kalmadong sabi sa akin ni Cole.
"Calm down? F*ck that is my mate they are raping! That is mine! I can stand here doing nothing. Don't you have mates huh? Hindi ninyo nararamdaman itong nararamdaman ko because you weren't betrayed by the persons you trusted most! Damn it! Let me go! Jade needed me! Let me go!" pasigaw kong sabi sa kanila habang nagwawala.
The rage within me wanted to punch them away from me and go straight to that Bean Island and rescue him. I don't care if there are missiles, gunshots, or even bombs that will hit me along the way. Ang mahalaga ay maliligtas ko si Jade even if I die in the process.
"I said calm down bro! I know what you feel but this isn't the time to go there. We stick to the plan. Please be rational. You will die before you can even reach Jade. Calm down and think what is right," pakiusap ni Cole sa akin.
He's right. But it pains me no, it's wrecking me seeing Jade in that situation. He's weak! Kapapanganak lang niya! Why are they doing this?! Hindi pa ba sapat na nailayo na nila ito sa akin? Jesus Christ! It's painful! It hurts! Why is this all happening to me?! Why?!
Walang akong nagawa kung hindi ang umiyak sa tindi ng galit, sama ng loob at kawalang pag-asa. It frustrates me to watch my Jade suffer.
"This video is probably a plan to provoke you, Marius. They wanted you to go there alone and ruin the plan. But I can't allow you to do that. We must follow the plan. Please endure a little bit more," sabi sa akin ni Sarge.
But I don't care anymore. My heart's breaking into pieces right now. All I can think is why Jade? Bakit sa lahat siya pa? Wala akong maisip na maaring dahilan kung bakit siya pinapahirapan ng ganito? And where the hell is Sebastian? Sabi niya ay mahal niya ito? Why is he letting that happen? Those bastards! I swear! I kill them all.
Napahagulhol ako. I don't care if I'm a big guy and let alone a Duke if I cry like this. I don't care if my comrades see me like this. I'm weak right now. They are using the one who is my weakness.
"Hold together Bro," sabi ni Cole habang nasa tabi ko siya. "We will save Jade. I will help you," sabi pa niya.
Ngunit bingi ako sa sandaling iyon. Lahat ng aking pansin ay nasa aking dibdib kung saan ay naroon nagmumula ang sakit na aking nararamdaman. Nasaktan na ako noong nawala si Jade sa akin ngunit mas masakit kapag nakita mo siyang nasasaktan at wala kang magawa kung hindi ipanalangin na sana makaya pa niya hanggang sa araw na mailigtas ko na siya mula sa impyerno ng kinaroroonan niya.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makauwi sa bahay ng aking mga magulang at nagawa ang aking mga tungkulin bilang isang Duke. I always anticipate the day that the plan will be executed. But as the day goes by, tila ba parusa ito sa akin. Parang kay tagal lumipas ng mga oras at lahat ng aking isipan ay nakatuon kay Jade.
"Are you drinking again?" tanong sa akin ni Mama ng maabutan niya akong mag-isa sa bar ng papa.
"Nagpapa-antok lang, Ma," sagot ko sa kanya. But the truth is I drink my frustrations.
"You don't look like you want to sleep," nag-aalalang tanong ni Mama. "I know when something is bothering my baby. Kilala kita Marius. So tell me. Anong problema? Hindi ba malapit nyo ng iligtas si Jade?" tanong niya.
Pagkarinig ko sa pangalan ni Jade ay tuluyan na akong mapaiyak at napayakap ng mahigpit sa aking Ina.
Sinabi ko sa kanya ang napanood kong video.
"What? What the hell is Sebastian thinking?" galit na galit na sabi ni Mama.
"I want to kill him Ma. I want to kill me right now," sagot ko sa kanya habang umiiyak. "I want to go there and kill them myself. Hindi ako mapakali Mama. Hindi ako magiging kaado hanggat wala sa king mga bisig si Jade," umiiyak ko pang sabi.
Naramdaman kong humigpit ang yakap sa akin ni Mama.
"What if pagdating namin doon, huli na ang lahat mama? What if, what if," hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil pakiramdam ko ay pinipiga ang aking puso sa isiping mawawala sa akin si Jade. Hindi ako papayag! Hindi!
"Jade is a strong omega, son," sabi sa akin ng Mama. "He already survived on his own for that long. I'm sure he will make it and wait for you, tiwala lang. That's why be strong. Think positive," sabi pa niya sa akin habanh inaalo ang aking likuran. "He will wait for you. And I knew he trusted you so you need to trust him too. Huwag kang panghinaan ng loob," sabi pa niya. "And also it's okay to cry, son. I understand you. When this," sabi niya sabay turo sa aking dibdib kung saan naroon ang aking puso. "Can't no longer hold the pain, it's okay to cry. Even a duke or a warrior cries," sabi pa niya sa akin.
"Thank you, ma," sagot ko sa kanya. Kahit papaano ay lumuwang ng bahagya ang nagpapasikip sa aking dibdib.
That night, I fell asleep. It was probably the first sleep I ever had before I watched that video.
"Marius? Wake up. The kids want to play with you," bulong sa akin ni Jade. I was half asleep then so I grabbed him and pulled him onto me habang nakapikit pa. "Get up already sleepy head. The kids are in the kitchen waiting for you," sabi pa niya sa akin bago ako kiniliti sa aking tagiliran.
"Okay, okay I'm up," patamad na sagot ko sa kanya pagkatapos niyang kumalas sa aking pagkakayakap.
"Good," nakangiti niyang sagot. "We will be waiting for you," sabi pa niya bago tumalikod at lumabas sa aming silid.
Bumangon ako at dumiretso sa banya upang maligo. Pagkatapos makapagbihis ay lumabas ako sa aming kwarto at dumiretso na sa kusina kung saan masayang kinakalampag ng kambal, na noon ay nakaupo sa baby seat ang kanilang mga feeding plate habang nakaupo si Cameron at pinapapak ang paborito niyang pancake at extra syrup. Si Jade naman ay nagpe-prepare ng aking kape at french toast para sa akin.
Nag-angat siya ng paningin at saka ngumiti.
"There you are, sleepyhead. Come here and eat," nakangiting sabi niya.
Ah, Jade has become more beautiful in my eyes. Iyong dating mahaba na niyang buhok ay mas lalo pang humaba na hinayaan lang niya na nakalugay. He's once dead eyes are now glowing with happiness making it more brown than usual. The twins are both one year old now. Nagkakagulo sila habang kumakain ng baby food na ibinigay ni Jade sa nila.
"Papa papa papa," sabay nilang sabi sa akin while giving to their few tooth smile. Pareho silang may mga tig-aapat na na ngipin.
"Papa, are you just going to stand there?" tanong ni Cameron na ngayon ay twelve years old na. One year more and he'll be a teenager and he will leave to study abroad.
"Papa? Join us," sabi pa niya. "What are you still doing there?" tanong pa niya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Darling come on," sabi pa ni Jade.
Ihahakbang ko na lang sana ang aking mga paa ngunit pakiramdam ko ay may nakahawak dito.
"Papa? We're waiting," sabi ni Jade imitating Cameron's voice.
Tumingin ako sa kanila.
"Come on. Move. My family's waiting for me," bulong ko sa aking sarili.
"Marius!" narinig kong sigaw ni Jade. "There's a lot of blood on your shirt!" nanlalaking mga matang sabi pa niya.
Awtomatikong napatingin ako sa aking shirt at kinapa ko ang aking tiyan. Nakaramdam ako ng basa doon. Tinignan ko ang aking mga palad at nakita ko may mga dugo roon.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanila.
"Marius! Marius!" paulit-ulit na sigaw ni Jade sa akin.
"Papa!" sigaw ni Cameron.
"W-what is happening?" litong-litong tanong ko sa kanila bago muling tumingin sa mga duguang mga kamay ko.
Ngunit pagtingin ko sa kanila ay unti-unti silang naglalaho.
"Jade! Cameron! Twins! Wait! Where are you going!" sigaw ko hanggang sa bigla na lang silang nawala.
Bigla akong napabalikwas ng bangon at abot-abot ang aking paghinga.
"What's wrong, man?" tanong ni Cole na nagulat pa sa biglaang pagbangon ko. Nasa baraks kami natulog dahil mamayang madaling araw kami aalis patingo sa Bean Island na nasa kabilang bahagi ng mundo.
"I had a dream," sagot ko sa kanya bago nasapo ang aking ulo ng aking mga palad.
"What dream?" tanong niya habang inihahanda ang isusuot niyang uniform at bullet proof vest.
"In my dream I was with my family, Jade, my eldest and the twins. Jade woke me up for breakfast but when I was about to come closer to them, I couldn't love my feet. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Dude, you don't have any idea how I wanted to get closer to them even if it's just a dream. Nandoon na sila eh abot kamay ko na," sagot ko sa kanya. "But suddenly there was a lot of blood on my shirt. Hindi ko alam kung saan ito galing but when I look back at them, unti-unti silang naglalaho habang tinatawag ako," sabi ko pa frustrated. "What is the meaning of that? Is that a warning?" tanong ko pa sa kanya.
Umiling si Cole.
"I don't know dude but I'm not letting you die or be shot. You will have your family back. You deserved to be happy. And don't worry. We'll cheat death," sabi pa niya winking at me.
Hindi ako convinced sa sinabi niya. What if masamang pangitain ang aking napanaginipan?
Huwag naman sana…