CHAPTER 20 Totally in love with you, my man

“Dito tayo unang nagkita at dito rin huli kong nasilayan na buhay si daddy.” Pangunguna niya. 

Kumunot ang noo ko at gusto kong malaman ang lahat-lahat, “Makikinig lang ako sayo hanggang sa malaman ko lahat.” sabi ko bago kami sabay naupo sa mahabang kahoy na upuan. 

“Isang matalik na magkaibigan ang daddy mo at ang daddy ko noon tapos naalala ko pa noon palagi kaming na sa inyo dahil sabay silang sumikat bilang magaling na pintor. Kaya ‘wag kang magtaka kung bakit kilala ko si nanay Lea dahil siya ang naghahanda ng pagkain sa tuwing dadalaw kami sainyo.” 

“Nasaan ako ‘nung panahon na ‘yun?” 

He look at me with those brown eyes, “Ikaw, palagi kang nakakulong sa isang silid na minsan ko na rin pinagtangkaan buksan dahil madalas akong makarinig ng batang naglalaro mag isa. I think 4 years ang agwat natin.” nakikita ko ang kislap sa mga mata niya habang nagkukwento sa nakaraan. 

“Sayang naman at hindi ko nakita kung gaano ka gwapo.” 

Pinitik niya ang ilong ko ng pabiro dahilan kaya pumikit ako at ngumiti, “After 1 year nagkagulo na lahat at madalas ko marinig na nagtatalo sila sa hindi ko alam na kadahilanan kaya ‘nung nalaman kong may problema palihim ko na sinusundan si daddy. I was 12 years old kaya masyado akong curious sa nangyayari.” Pagpapatuloy niya at nakikita ko na unti unting nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. 

“So, anong ginagawa natin dito?” 

“Ito ang lugar kung saan huli kong nakitang buhay si daddy,” he said with anger. 

Ang Usb na nakita ko kung saan naganap ang pagkamatay ng daddy niya ay dito pala sa abandonadong bahay. 

“Palihim akong sumunod kay daddy at kitang kita ko mismo kung paano siya binaril ng walang awa. Andun si Mr. Madrigal ang iyong daddy na walang ginawa kundi tingnan ang bangkay ni daddy.” 

Unti-unting lumilinaw ang lahat kung bakit galit siya kay daddy at kung bakit patuloy siyang naghahabol ng hustisya. 

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng mahina para iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya, “Ako na ang humihingi sayo ng kapatawaran para kay daddy. Alam ko kung gaano kahirap pero-” 

“You don’t need to say sorry, isa kang inosente kaya hindi dapat ikaw ang humihingi ng kapatawaran. Aminado akong minsan na kitang ginamit at pinagtangkaan gamitin laban sa daddy mo para makuha ko ang hustisya pero sa tuwing makikita ko sa mga mata mo ang kainosentihan naguguilty ako.” mahaba niyang pahayag. 

Mas lalo akong humahanga sa kanya at hindi ako nagkamali na isa siyang mabuting tao na hindi niya kayang manakit lalo kung inosente. “Bakit mo pinili maging isang sindikato, bakit hindi ka nanghihingi ng tulong sa mga kapulisan?”

“I asked for help but they ignored the case. At ang hindi ko matanggap ay hindi nagawa ni Mr. Madrigal na tulungan ako para makuha ang hustisya laban sa grupo ng mga sindikato na pumatay kay daddy kasama siya. Siguro ay pinoprotektahan ka lang niya kaya niya nagawa na tumanggi.” 

Ramdam ko ang pagsusumamo sa mga mata niya para lang makuha ang hustisya at wala akong magawa kundi hawakan ang kamay niya at iparamdam na hindi ko siya iiwan. 

“Gusto mo bang tulungan kita na kumbinsihin si daddy?” 

“You don’t need to do that because I don’t want you to hurt,” he said then smiled. 

“Mas gugustuhin mo pang maging sindikato kaysa tulungan kita. Sa tingin mo ba sa ganyang paraan makikita mo ang hustisya?” 

“Sa ganitong paraan ako lang ang masasangkot at walang ibang nadadamay.” he said directly. 

Lubos akong nagpapasalamat dahil nakilala ko siya sa ganitong paraan at mas lalo ko lang napatunayan na dapat siyang mahalin at hindi katakutan sapagkat mabuti ang puso niya. 

“I want to know you more.” bulong ko bago sumandal sa balikat niya. 

Pareho kaming natahimik at dinamdam ang simoy ng hangin na pumapasok sa loob ng abandonadong bahay. Thank you for keeping me company and thank you for trusting me. Love.” nagulat ako sa huli niyang sinabi, mali lang ba ako ng pandinig o tinawag niya talaga akong Love? 

Halos palubog na ang araw ng nakauwi kami at dumiretso ako sa kwarto kung saan nandun si Sarah. Nag paalam na rin ako sa kanya kung pwede bang mag stay muna si Sarah dito at syempre pumayag siya hindi niya ata kayang tanggihan ang beauty ko. 

“Huy, babae ka ano na ang balita?” bungad ni Sarah ng tuluyan akong makapasok sa loob ng silid. 

May satisfying smile akong humarap sa kanya at umupo sa tabi niya, “Ayun, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya at sa hustisyang gusto niyang makamit.” 

“Ay sus! Kahit naman hindi mo sabihin nakikita ko diyan sa mga mata mo kung gaano ka kasaya, ganun talaga pag in love wala kang maitatago.” 

“Nagsalita ang single.” pang aasar ko sa kanya bago tumawa. 

Hinampas niya ako sa braso, “Yabang mo, maghintay ka makakahanap ako ng mas perfect kaysa diyan sa black master mo slash Liam Hudson. Tsk!” 

Biglang pumasok sa isip ko ‘yung plano na kanina ko pa iniisip, gustong gusto ko talagang tulungan si Liam pero ayaw niya kaya this time ako ang gagawa at hindi ko ipapaalam sa kanya para hindi siya humadlang. 

Hindi ko naman ito ginagawa para lang tulungan siya kundi para din makawala si daddy sa guilty na nararamdaman niya sapagkat everytime na tignan ko si daddy sa tuwing nag iisa siya alam kong may pilit siyang kinakalimutan na pangyayari. 

Agad akong humarap kay Sarah na ngayon ay busy sa pagtipa ng kanyang phone, “Sarah, later kana maghanap ng boylet dyan. I need your help.” 

Luminga siya ng may masamang tingin sa akin. “Ano na naman ang plano mo.” 

“Basta kailangan ko nang tulong mo mamaya. Galingan mo maging actress ah.” sabi ko sabay kindat kay Sarah na pinalitan naman niya ng paniniring. 

“Bagay nga kayo ni black master, parehong manggagamit.” pahabol niya bago tinuloy ang pagkakalikot sa cellphone. 

KINABUKASAN…

“Ano na? Akala ko ba magpapaalam ka sa jowa mo.” bulong ni Sarah na may kasamang tadyak sa paa. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng breakfast with black master and his brother Jarus. 

Binalikan ko ng tadyak si Sarah para sa hudyat na simulan na ang pag arte kay Liam. I hope it works. 

“Ehem Liam, pwede ko ba isama si Ira sa Mall?” pangunguna ni Sarah. 

Ngunit ng akmang magsasalita si Liam biglang tumunog ang phone nito. And Liam looks at me before answering the phone. Argh, masyadong wrong timing naman ang tumawag na ‘yun bakit sa ganitong sitwasyon pa. 

“Mga Iha, ito pa ang pagkain ubusin niyo.” pukaw ni manang sa aming dalawa ni Sarah na ngayon ay nagkatinginan na lang dahil sa naudlot na pag papaalam namin kay Liam. 

Sabay na lang kaming napatango sa pag aalok ni manang ng mga pagkain at ipinagpatuloy hanggang sa bumalik sa hapag kainan si Liam. Muli kong tinadyakan ang paa ni Sarah. 

“What do you want to say?” mabuti na lang at unang nag approached si Liam kaya nakabwelo si Sarah. 

“Ipapaalam ko sana si Ira sayo kung pwede siyang sumama sa Mall?” 

“Okay go, but please be careful baka may makakilala sa inyong dalawa.” pagbibilin nito. 

“Don’t worry, safe kami dahil may mga tauhan ako.” segunda muli ni Sarah. 

“Then, that’s good.” sagot naman ni Liam bago nagpatuloy kumain. 

 Matapos ang breakfast nagpaalam si Liam sa akin na may aasikasuhin daw siya sa kumpanya nila kaya’t mas lalo akong nagkaroon ng pagkakataon na gawin ang plano kong umuwi sa bahay para kausapin si daddy for the last chance. 

“Sure ka na ba sa plano mo, Ira.” 

“Sarah, ito na lang ang paraan ko para makatulong kay Liam at syempre para din kay daddy ang ginagawa ko.” buong puso kong haharapin ito dahil isa rin ako sa dahilan kung bakit ayaw mag salit ni daddy para sa hinihinging hustisya ni Liam. 

“Okay, alam ko naman pag nag desisyon ka hindi na kita kayang pigilan. Basta mag ingat ka at tawagan mo ako pag kailangan mo ng tulong mag ba-back up ako sa CCTV.” 

“Thank you.” bulong ko kay Sarah bago siya unang kumilos at ako naman ay naghihintay ng hudyat niya mula rito sa kotse. 

Nang tumunog ang phone ko nagsimula na akong maglakad sa likuran kung saan walang masyadong bantay at agad akong nakapasok sa loob hanggang sa dumiretso ako sa kwarto ni daddy, hindi nag aalarm ang alert system ibig sabihin nagawan na ni Sarah ng paraan. 

Akmang bubuksan ko ang pinto ng kwarto ni daddy narinig ko ang boses nila mula sa living room kaya’t yumuko ako at pinakinggan ang usapan nila. Mabuti at naririnig ko kahit medyo malayo ako sa kanila. Salamat sa tulong ng gadget ni Sarah. Amazing technology. 

“Honey, we need to move on. Matagal nang nawawala si Ira at kailangan mong mag focus sa Lasher group.” Pangungumbinsi ng baliw kong madrasta kay daddy. 

Galit na luminga si daddy dito, “Hindi mo siya anak kaya mo nasasabi ang bagay na iyan,” 

Palihim na sumiring sa hangin si Greth ang madrasta kong baliw, “Pwede naman tayong mag ampon, may kakilala akong pwede nating pagkunan ng bata para lang pareho tayong makapag move on.” segunda na naman nito. 

“Shut up! Alam kong hindi mo siya minahal,” 

“Pero ako ang nag-aruga sa kanya!” 

Napapantastikuhan si daddy na tumingin kay Greth, “Aruga? Bakit sinabi ko ba sayong alagaan mo siya, at saka si Manang Lea ang nag alaga sa kanya at hindi ikaw dahil puro sarili mo lang naman ang inaasikaso mo.” 

Kitang kita ko kung paano magkuyom ng kamao si Greth dahil sa galit. Tsk! Buti nga sa kanya dahil masyado siyang pabida.