Chapter 22: Forgive me
Aatras na sana ako ng mabangga ko ang flower vase na nakalagay malapit sa hagdan kaya’t sabay na lumingon si daddy at Greth kung saan nakapwesto ang flower vase.
“Sino ‘yan?” tanong ni daddy.
Anong gagawin ko paano ako makakaalis dito baka bigla na lang mag patawag ng tauhan si Greth ma cocorner ako dito. What should I do? Argh, mag isip ka mabuti Ira please brain help me.
“Dony! Tignan nyo kung sino ang tao sa itaas, at ‘wag nyo hayaang makatakas.” tawag ni Greth sa mga tauhan niya. Wala na akong pag asa.
Tatakbo sana ako ng biglang may bumuhat sa akin at tinakpan ang bibig ko hanggang sa idaan niya ako sa balkonahe na nakabukas at isang helicopter ang sumalubong sa amin na agad rin naman ako isinakay ng lalaking may takip ang sa mukha.
“Sino ka? Siguro isa ka sa tauhan-”
Napatigil ako ng tanggalin nito ang takip sa mukha, “L-liam?”
Galit ang aura nito, malamang Ira! Alangan matuwa pa sa ginawa mo muntik na kayong mapahamak. “Buti na lang at sumunod ako sainyo dahil alam kong may plano na naman kayo.”
“Gusto lang naman kitang tulungan-”
“Pero ayokong mapahamak ka so, please hayaan mo akong gumawa ng sarili kong paraan at kung nag aalala sa gagawin ko sa daddy mo. Ito lang ang masasabi ko sayo na hindi ko kayang saktan ang taong mahal ng babaeng minamahal ko.”
“Wait, nasaan si Sarah?”
“I’m here, Ira.” Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang okay lang si Sarah.
Kaya lamang may kailangan akong harapin ngayon na tao at walang iba kundi si Liam. Nagsinungaling ako tapos wala man lang akong napala kahit isa sa mga plano ko.
“L-let me explain.” sabi ko habang hinihila ‘yung damit niya.
Madilim pa rin ang mukha niya at alam kong hindi niya ako kakausapin ngayon, gusto ko lang naman siya tulungan bakit ganito pang napasama ang lahat tapos ay madadamay pa si Sarah.
Hanggang sa nakauwi kami hindi ako magawang kausapin ni Liam at parang hindi niya ako nakikita sa tuwing lalapit ako. Tapos ngayon na dinner wala siya.
“Hija, kumain ka muna at saka muna problemahin si Liam.” pukaw ni manang.
“P-pero manang, mula pagdating namin hindi na niya ako kinakausap tapos ngayon naman hindi siya sumabay sa pagkain.”
Lumapit si manang sa akin at tumabi sa hapagkainan habang si Sarah at Jarus ay tahimik lamang na kumakain, “Hija, hayaan mo muna na lumamig ang ulo ni Liam pagkatapos ay kakausapin ka rin ‘nun. Alam mo kung bakit?”
“Bakit po?”
“Kasi ang puso ay madaling sumuko.” makahulugang saad ni manang.
Medyo lumawag pakiramdam ko kaya nag umpisa akong kumain at hindi iniisip ang galit ni Liam dahil sa ginawa ko. Hays, maybe tomorrow kakausapin na niya ako dahil kung hindi lagi ko siyang kukulitin hanggang sa sumuko siya.
“Huy, ano pa hinihintay mo dito hindi ka ba matutulog?” tanong ni Sarah sa akin na ngayon ay tapos na rin kumain.
Actually, kanina pa kami tapos kumain pero ako naghihintay dito sa lamesa baka kasi nagugutom na si Liam. “Later na lang maghihintay ako dito kay Liam.”
Sumiring sa hangin si Sarah, “Ano ka baliw? Pwede ba bukas na ‘yan matulog kana para may energy kang mangulit sa kanya.” ramdam ko ang pagkairita sa boses ni Sarah.
“E, ayoko mauna ka na sa itaas.”
Napakamot na lang sa ulo si Sarah, “Hays, bahala ka nga diyan.” anito sabay alis habang ang mga mata ko ay nakasunod sa pag alis niya.
Binibilang ko na lang ang mga bilog na nakadesign sa kurtina, para silang mga bituin sa langit na masarap pagmasdan at inaantok ako pag tumapat ang mata ko sa kulay asul na bilog.
Patuloy ako sa pagbibilang hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dito sa lamesa.
KINABUKASAN….
May ngiti sa labing minulat ko ang aking mga mata bago umupo ng matiwasay at laking gulat ko nang makitang wala ako sa sarili kong kwarto, lumingon ako sa katabi ko at nakitang natutulog si Liam. Imbis na istorbohin siya pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha, “What a perfect man..” bulong ko habang nanatili ang mga mata ko sa perpekto niyang mukha.
Bigla akong napaisip kung bakit ako nandito sa kwarto niya? Hindi kaya nag sleeping walking ako, pero wala akong sakit na ganun kaya imposible.
“What’s in your mind?” halos mapatalon ako ng magsalita siya.
“K-kasi nagtataka lang ako kung paano ako napunta sa kwarto mo.”
Ngumiti siya, ‘yun bang ngiting masarap pagmasdan tuwing sisikat ang araw. “Nakatulog ka kasi kagabi sa kitchen at imbis na istorbohin si Sarah dinala na lang kita dito. Anyways, good morning love.” he said with a lovely smile.
Konti na lang magiging tunaw na ako sa kinauupuan ko dahil sa ngiti niyang mapapanganga ka. “Thank you for taking care of me, love.” I said with a satisfying smile and I kissed him on the cheek.
Medyo nagulat pa siya pero agad din nakabawi, akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong itulak pahiga sabay patong sa akin ngunit naka-angkla ang dalawa niyang braso kaya hindi siya literal na nakadagan sa katawan ko.
“Do you want a delicious breakfast with your handsome boyfriend?” tanong niya habang nakapatong pa rin sa akin.
“Why not?” pabulong kong sagot.
Agad siyang tumayo, “Just wait for a while, I am going to make breakfast for you.” anito sabay labas ng kwarto.
What a perfect man, lalo lang akong maiinlove niyan sa kanya pag ganito siya palagi sa akin. Sweet and caring.
After 20 minutes, may kumatok mula sa pinto at sa pag-aakala na si Liam ‘yun mabilis akong tumayo para buksan ang pintuan. “Are-”
Gulat na bumungad sa akin ang pagmumukha ni Jarus na bagong gising lang din, “W-what are you doing here-”
Mabuti na lamang at agad na dumating si Liam kaya wala na akong dapat i-explain kay Jarus. “Dinala ko siya dito kaya tumabi-tabi ka diyan at kailangan kumain ng girlfriend ko, mamaya muna ako guluhin.” pangunguna niya kay Jarus na gusto sana mag react kanina.
Bumalik ako sa higaan habang nakatingin sa dalang pagkain ni Liam na nakalagay sa tray, napaka ganda ng ayos nito at sobrang sarap ‘nung chocolate mousse cake with brown coffee na sobrang perfect pagsamahin.
“Ang sarap naman niyan.” medyo naglalaway na ako nito.
Nag-umpisa na akong kumain at bawat subo ay ninanamnam ko dahil talagang nanunuot ang sarap habang nakapikit ako para mas dama ko ang linamnam, pagkamulat ko ay bumaling ako kay Liam na ngayon ay nakatingin sa hawak nitong magazine, “Hey, bakit hindi ka sumabay mag breakfast?”
Lumingon siya sa akin pero saglit lang at saka bumalik ang paningin niya sa magazine bago ako sinagot, “Kumain ka muna pagkatapos may pupuntahan tayo.” sabi niya habang ang tingin ay nasa magazine.
“Okay.” sabi ko bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Paminsan-minsan ay nililingon ko siya ngunit seryoso lamang siyang nakaharap sa magazine at hindi ako pinapansin na akala mo’y hindi niya ako kasama. Hays, ano ba kasing problema niya bukod sa hustisya na hinahabol niya para kasing masyadong malalim ang iniisip niya dahil mahahalata kong hindi naman siya nagbabasa.
Pag naman tinanong ko siya hindi rin niya sasabihin sa akin. Ano pa bang silbi ko bilang girlfriend niya kung hindi ko siya matutulungan sa problema niya at ayaw niyang pinapaalam sa akin ang lahat.
"Are you done?" Sa wakas at kinausap niya din ako sa buong akala ko ay tutunganga lang siya sa magazine kahit hindi naman nagbabasa.
"Yup, how about you? Hindi ka pa nag be-breakfast." tanong ko habang inaayos ang platito at cup na ginamit ko.
Lumapit siya at hinawakan ako sa ulo, "Don't worry about me, okay?" sabi niya bago kinuha sa akin ang tray at umalis muli.
Nagpapatawa ba siya? I’m his girlfriend paanong 'wag ako mag alala part ko 'yun bilang girlfriend niya. Sarap niya suntukin minsan ng matauhan.